Sunshine's Point Of View
"SINABI ko naman sa 'yo, 'di ba? Habang maaga pa ay hiwalayan mo na siya. Kasi pinagmumukha mo lang siyang tanga, eh," sabi ko sa ka-chat ko.
Nasa bahay lang ako ngayon, nag-i-internet. Ka- chat ko ngayon ang long-time friend ko sa f******k. Yes, sa f******k lang talaga. 'Di ko pa siya na-mi-meet sa personal pero sa tingin ko, mabait naman siya. Ang gaan niya rin kasing kausap. Ang tagal na rin nang huli kaming mag-usap. Alam ko 'yung tungkol sa love life niya, siyempre.
"Alam kong kasalanan ko, pero anong magagawa ko? It was a dare game!"
"Yeah, I know." Hindi ko alam kung kanino ako maaawa, kung sa kanya ba o doon sa niloko niya.
"Puwede ba tayong magkita?"
Napatigil ako sa tanong niya. Hindi naman ako busy. Saka, bored din naman ako sa bahay so... gora na lang!
"Uy, ano na?"
"Okay."
Pagkatapos niyang sabihin ang address na pagtatagpuan namin ay kaagad akong naligo at nagbihis. Woah! First time kong makita ang mukha niya sa personal.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Nasaan kaya sila dito?" tanong ko sa sarili habang tumitingin sa paligid. Sa labas lang kasi ng mall ang usapan naming dalawa. Sabi ni Princess, isasama raw niya 'yung boyfriend niya ngayon. Eh, ang dami kayang tao! Hindi ko sila mahanap. Wala pa naman akong load kaya 'di ko rin sila ma-text. Oo, may number kami sa isa't isa. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, galing pala kay Princess 'yung text.
"Hindi kita ma-recognize. Haha! Pero nandito na ako sa meeting place. Ang dami kasing tao. Taas mo nga kamay mo," utos niya. Ano kaya raw 'yon? Pero 'di na ako nagtanong pa at itinaas ko na lang ang kamay ko. Para naman akong timang nito.
"Sunny!"
Napalingon ako sa tumawag. I know it was her. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin nang gano'n. Pagkatapos ay may lumapit na sa aking babae. Maganda siya.
"Princess?" tanong ko sa kanya. "Yup!"
Nakangiting sabi niya. 'yung ngiti niya, nakakahawa kaya napangiti na rin ako. Hindi ko malaman kung mag-be-beso ba ako sa kanya o yayakapin eh, kaya nagtawanan na lang kami pareho.
"So, ano nang plano mo ngayon?" tanong ko. Nasa restaurant kami ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na 'yung boyfriend niya. Ang sabi niya kasi, kasama niya.
"Mahal ko naman siya, eh. Kaya lang, nagbago ang lahat nang mangyari 'yung dare na 'yon."
"Hindi ko naman tinatanong kung mahal mo ba siya o hindi, eh. Ang tinatanong ko, ano nang plano mo ngayong alam na niya ang lahat?"
"Hindi ko rin alam. Gusto kong mag-sorry sa kanya kaya lang, nauunahan talaga ako ng kaba. Nahihiya rin akong humarap sa kanya, baka kasi magalit lang siya sa akin. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita," sabi niya.
Kumakain na kami ngayon habang nag-uusap. Kanino ba ako maaawa? Doon sa lalaking niloko niya, o sa kanya?
"Hindi naman sa sinusumbatan kita, ha? Pero kasi, may mali ka rin, eh. May boyfriend ka na pero pumatol ka pa rin sa dare na 'yon. Pero teka nga lang muna, nasaan na ba 'yung sinasabi mong boyfriend mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong na rin. Nakaka-curious lang kasi.
"Ayan na pala siya!"
Pagkasabi niya noon ay kaagad naman akong lumingon sa likuran ko. At doon, may nakita akong lalaking pumasok at naglakad papalapit sa amin. So, siya pala ang boyfriend ngayon ni Princess? Napatango na lang ako. In fairness, ha? Gwapo siya. Matangkad.
"Sorry, I'm late. Masyadong traffic," sabi niya sabay kiss sa pisngi ni Princess at pagkatapos ay umupo na.
"It's okay, Sweety. Ah, Sweety. Meet Sunshine Bernardo, my long-time bestfriend sa F******k," nakangiting pakilala niya sa akin. Err. Parang nababaduyan yata ako sa tawagan nilang dalawa. "Sunny, meet James Alarco, my boyfriend." Nakipag-kamay lang ako kay James at bumalik na rin ulit kami sa pag-uusap.
"Nasaan na nga tayo?" tanong ko.
"'Wag na sa problema ko. 'Yung sa 'yo naman.
Kumusta na ang puso mo?"
"Bakit? May sakit ka ba sa puso, Sunshine?" sabat naman ni James. Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba, Sweety! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Brokenhearted kasi ang isang 'yan. Iniwan siya ng boyfriend n'ya at ipinagpalit sa pangarap."
"Aww," sabi niya na parang siya ang nasasaktan. "It's okay. Matagal na rin naman 'yon, eh. At ginagawa ko ang lahat ng best ko para tuluyan ko na siyang makalimutan. Hindi ko naman masasabing fully recovered na talaga ako, na naka-move on na talaga ako sa kanya. Siyempre, kahit papaano ay naaalala ko pa rin naman siya," sabi ko. Natahimik naman ako bigla. Naalala ko kasi si Bryan. Pero ito yata ang unang beses na naalala ko ulit siya pero wala na 'yung sakit. Naka-move on na nga ba ako? Sana nga. At sana, maging masaya na lang siya sa buhay na pinili niya.
"What's his name nga ulit?" "Bryan."
"Right! Bryan."
Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko ang mukha niya nang banggitin ni Princess ang pangalan ni Bryan. Ang mukha na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. Ang mukha ng taong gusto ko nang makita ulit. 'Yung lalaking 'yon. Si Mr. Stranger? Nasaan na kaya siya ngayon? Hindi ko alam, pero I have this feeling na hinahanap ko siya. Na namimiss ko na siya. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin? Ewan. Abnormal na yata ako. Eh, hindi ko nga kilala 'yung taong 'yon, eh!
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Natauhan ako nang magsalita si James.
"Oo nga, Sunny. Sino bang iniisip mo?" "Hindi ko kilala," wala sa sarili kong sagot. "Ha? Puwede ba 'yon?"
Napatingin naman ako sa kanila. "Alam niyo, gutom na ako! Kumain na nga lang tayo!" sabi ko na lang at natawa na lang silang dalawa.
Pagkatapos ng sobrang tagal na chikahan namin ay nagpasya na akong umuwi na. Masaya naman pala silang kausap, eh. Akala ko, makakaramdam ako ng pagkailang kay Princess kasi nga, first time naming mag- meet pero hindi pala. Si James, feel ko rin na matino siyang tao. Magaan ang loob ko sa kanilang dalawa kahit ngayon ko lang sila nakaharap.
Pauwi na ako no'n sa amin nang madaanan ng sasakyan namin ang isang lugar na hindi na nabura sa isip ko, ang Loonies bar. Pinahinto ko muna ang sasakyan kay Manong saka bumaba. Pumasok naman ako sa loob ng bar at dumiretso sa counter. Bakit ba ako nagpunta dito? Para hanapin ang lalaking 'yon? Siguro. Weird. Pero I think, I really miss him. Gusto ko ng makita ulit ang mukha niya. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng bar na iyon pero bigo ako. Siguro nga, hindi na kami magkikita pa. Siguro, kagaya ni Bryan, kailangan ko na rin siyang kalimutan.
Pagkalabas ko ng bar, napatingin ako sa isang upuan sa 'di kalayuan. Ang upuan kung saan ako niyakap ng lalaking iyon. Napaupo ako doon at saglit na hinimas iyon. Nasaan ka na?
"Dapat magalit ako sa 'yo kasi kinuha mo 'yung pagkababae ko. Kasi, kahit hindi kita kilala, may namagitan sa ating dalawa. Pero abnormal na yata ako, eh. Instead of anger, saya ang nararamdaman ko ngayon. Magkikita pa ba ulit tayo?" tanong ko sa isipan ko.
Tumayo na ako sa upuang iyon at aalis na sana pero nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa akin na hindi ko kilala. Wait, déjà vu?
"I knew it was you!" Nanayo ang mga balahibo ko dahil sa gulat at napadilat ang mga mata. Is it him? Nang humiwalay na siya sa yakap ay pagkakataon ko nang makita ang mukha niya. At nang makaharap ko na siya, hindi pa rin ako makapaniwala. Yes, it's him! Dahil sa tuwang nararamdaman ko ay ako naman ang yumakap sa kanya.
"God! Hinanap kita!" sambit ko. Hindi ko alam kung ano itong nararadaman ko. Hindi ko siya kilala pero niyayakap ko siya. Hindi ko siya kilala pero iniisip ko siya. At higit sa lahat, hindi ko siya kilala pero sobrang saya ko na nandito na siya. Isa siya sa naging dahilan ko kung bakit gusto kong kalimutan si Bryan. Hindi ko siya kilala, pero parang ang laki ng naging epekto niya sa akin.
"You don't know how much I missed you!" Humiwalay na ako sa yakap. "Gabi-gabi akong nagpupunta sa lugar na 'to, nagbabaka-sakaling makita kita ulit pero palagi akong bigo."
Seryoso? Gabi-gabi talaga siyang nandito? Bakit ngayon ko lang ulit nadaanan ang lugar na 'to? Hindi ko alam kung paano ko ba ipapakita sa kanya ang sayang nararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lang ay hinalikan ko siya at tinugunan naman niya ang halik kong iyon. Shit! I miss this feeling! Parang ayoko nang itigil pa. Ang mukha niya, ang labi niya, ang buong siya. I finally found him!
"Thank you," sambit ko.
"Shh... Don't cry." Hindi ko alam, napaluha na pala ako. Siguro, dahil lang sa tuwa ito.
"Akala ko talaga, hindi na ulit kita makikita pa. I was about to forget you, kagaya ng paglimot ko sa kanya. Pero buti na lang at hindi ka nahuli ng dating."
"Pareho lang pala tayo. Akala ko, hindi ko na ulit makikita ang maganda mong mukha. Nakakabaliw lang. Hindi ko naman ito naramdaman noon kay Rhian." Napatigil ako sa sinabi niya.
"M-May girlfriend ka?" Nanlambot ang mga tuhod ko nang itanong iyon sa kanya. Paano kung may girlfriend pala siya, tapos may namagitan na sa aming dalawa? No. Ayokong maging hadlang sa kanilang dalawa.
"Wala na. Ipinagpalit niya ako sa ibang lalaki. Worse is sa bestfriend ko pa." Naptingin ako sa mga mata niya. Kita kong nasaktan talaga siya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Bakit ang dami yatang mga brokenhearted ngayon?
"Brokenhearted ka rin pala. Pareho lang tayo. Pareho tayong nasaktan. Ako, iniwan ako ng boyfriend ko at ipinagpalit sa pangarap niya."
"I'm sorry," sabi niya sabay haplos sa pisngi ko.
Ang lapit lang ng mga mukha namin sa isa't isa.
"No. Don't be. Wala ka namang kasalanan, eh." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinalikan niya ulit ako. Kahit ilang beses pa niya akong halikan, hindi ako magsasawa. Nakakamiss 'yung halik niya. Nakakaadik.
"Miss?" putol niya sa halikan namin. Nag-'hmm' lang ako at nagpatuloy na siya. "I don't know if this is normal, but I think I already like you. Or should I say, love you?" Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Kinikilig ako siyempre, pero ayokong ipakita iyon sa kanya.
"Am I? Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"
"WE'RE sorry to say this... but the baby didn't make it." Iyon kaagad ang narinig ko nang unti-unting bumalik ang malay ko. Nakita ko kaagad si Patrick sa may paanan ko, kaharap at kausap ang isang doctor. Ano raw? Hindi yata matanggap ng puso't isipan ko 'yung sinabi no'ng doctor.Hindi!"Doc, bawiin mo 'yung sinabi mo," pagsasalita ko. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha ni Patrick. "Buhay pa ang baby ko, 'di ba?""Babe...""Doc, sumagot ka! Hindi nawala ang baby ko, 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina. Patrick, please tell me nagbibiro lang siya," pagmamakaawa ko kay Patrick. Pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko."Pero Sunshine, 'yon ang nangyari. W-Wala na ang baby natin.""Hindi..." Napailing pa ako. "Hindi!"Napabangon na lamang ako dahil sa isang panaginip. Masamang panaginip. Umiiyak na rin ako.Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nas
Patrick's Point Of ViewKANINA pa ako titig na titig sa phone ko. Inaabangan ko kasi ang text ni Sunshine. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa kanya sa sala pero hindi pa rin siya dumarating. Sabi niya darating siya, 'di ba? Pero bakit parang ang tagal naman yata? Saan ba siya nagpunta?"Ba't ang tagal mo? Nasaan ka na?" text ko sa kanya. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko namang binasa ang text."Can't wait? Almost there!"Nakahinga naman ako nang maluwag nang mag- reply siya. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, eh. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Umaandar ang pagka- berde ng utak ko! Hahaha! 'Di naman ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan ngayon.'Yon nga lang ba?Habang nakaupo ako dito sa may sofa ay may bigla na lang naglagay ng piring sa mga mata ko. Mag-re- react pa sana ako nang bigla siya nag-'shhh'. Naramdaman ko na lang na biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil doon. Inal
Sunshine's Point Of View"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan."Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako."Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbo
Sunshine's Point Of View"MASYADO na siyang nagiging stress these past few days kaya nangyari 'to sa kanya. Mabuti na lang kamo at naagapan ang pagdala sa kanya dito dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila." 'Yon ang narinig ko nang magising ako. Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang doctor na kasalukuyang kinakausap si Patrick. Mukhang hindi yata nila napansin ang paggising ko."Doc, hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin? Anong 'kanila'?" Kita ko 'yung pagkalito sa mukha niya. Nakikita ko rin 'yung lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bakit ang tanga ko talaga? Mahal ako ni Patrick pero nagawa ko pa rin siyang pagdudahan."Hindi mo ba alam? Your wife is pregnant." Natahimik si Patrick dahil sa sinabi ng doctor. Kita ko rin 'yung gulat niyang mukha. Feeling ko naman ay mapapatingin sa akin si Patrick kaya dali-dali kong isinara ang mga mata ko at nagtulog-tulugan. Mayamaya lang ay may hu
Sunshine's Point Of ViewTULALA pa rin akong nakatingin sa singsing na iyon. How come na magkapareho talaga sila ng singsing na nakita ko doon sa ibaba ng kama ni Patrick? It must be coincidence. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Para sa 'kin talaga 'yung singsing na nakita ko noon."Oww. Look at your ugly face. Kawawa ka naman," sabi niya at tiningnan ang singsing na parang manghang-mangha ito. "This initials means Patrick and Sheena. Kaya 'wag kang mag-ambisyon na mahal ka nga talaga ni Patrick kasi hindi naman! Sawa na siya sa 'yo. Sawang-sawa na kaya naghanap siya ng iba which is better than you, bitch!"Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mawari kung bakit may gano'n din siyang singsing. Nagkataon lang naman, 'di ba? O baka naman, ninakaw niya kay Patrick 'yung isa? Hindi kasi ako naniniwalang lolokohin ako ni Patrick. Yeah, I doubt him once, pero narealize ko na mahal niya talaga ako noong gabing nagpaulan s
Sunshine's Point Of View"Wah! Sunny, may good news ako sa 'yo!"Halos mabingi na yata ako sa sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nailayo ko ang phone sa tainga ko. Ano ba 'yan? Makasigaw, wagas!"Halata nga. Tsk! Sakit ng eardrums ko!" reklamo ko sa kanya."Haha. Sorry naman. Eh kasi...""Ano ba 'yon?""Nasabi ko na kay Sweety!""'Yung alin?" clueless kong tanong. Ano bang sasabihin nito?"Duh! 'Yung secret nating dalawa! Sinabi ko na sa kanya.""Huh? Alin do'n?" naguguluhan ko pa ring tanong. Duh! Ang dami na kaya naming sikreto sa isa't isa kaya paano ko malalaman kung alin do'n ang sasabihi niya?"Maka-alin do'n naman 'to! 'Yung about sa baby." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?! Really?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Nako, baka sinabi rin niya 'yung tungkol sa 'kin?"Yes. Kanina ko pa sinabi actually, kaya 'yon, kung makatalon parang bagong taon. Haha! Tingin ko nga, nasa tambayan siya ngayon at panigurado, alam na ng buong tropa na magiging tata