“BECAUSE she’s my daughter. The next heir of the company and the mafia. Kung sa ganitong bagay lang ay hindi ko siya mapagkakatiwalaan, paano ko ipapamana sa kan’ya ang lahat ng ‘to?”“But Vivianne wasn’t interested in those things, and this is too dangerous. If I wasn’t able to go there in time, she might have died.” Nagtangis ang bagang ni Beckett nang sabihin ‘yon.He can’t imagine what he would do if Vivianne died. Hell, he couldn’t even imagine a life without her. Kapag nangyari ‘yon ay parang namatay na rin siya.“Kung namatay siya, ibig sabihin ay hindi siya karapat-dapat tawagin na anak ko,” sagot ni Alfred nang walang pag-aalinlangan. “This is her fate, and not her dream to be a dress stylist. Hindi ‘yon ang nababagay na mundo para sa kan’ya.”“And who are you to decide what she should do?” tanong ni Beckett bago nagpakita ng nakalolokong ngiti. “By the way, I can train her. I know that you did a background check about me. Alam mo na kung sino talaga ako.”Ngumisi si Alfred.
KATULAD ng sinabi ni Alfred, nagtayo ulit sila ng panibagong negosyo, at hindi katulad ng nauna nilang business, mas malago ang negosyo nila ngayon. Kumikita rin sila ng malaking pera dahil malaki rin ang nahanap ni Alfred na pera pang-invest.Ylona and Dyrus worked under his authority, too. Naisip nilang magaling pala mamahala ng negosyo si Alfred kaya karamihan ng mga desisyon ay kay Alfred nila ipinagkakatiwala.Maayos na sana ang lahat, pero may nalaman si Ylona, dahilan para sugurin niya si Alfred sa office nito.“Alam kong magkaibigan tayo, Ylona, pero rito sa kumpanya ay boss mo ako. Matuto kang kumatok,” saad ni Alfred habang nagbabasa ng mga dokumento sa lamesa. Ni hindi niya nilingon ang dalaga.Hindi sumagot si Ylona. Imbes ay padabog nitong inilapag ang mga dokumentong nasa kan’yang kamay sa lamesa ni Alfred, dahilan para mapatigil ang binata sa ginagawa.“Embezzlement, bribery, pakikipagkonekta sa black market, at maging ‘yong perang pinang-invest mo para itayo ‘tong kump
“HUWAG kang mag-alala. Hindi ako aalis,” sagot ni Ylona matapos ang ilang segundong pananahimik.“Great. Then I’ll call Dyrus.” Niyakap ni Alfred si Ylona dahil sa tuwa. “All of us will be together here… and we will be successful. Right?”“Right.”Ngumiti si Ylona, ngunit hindi naman talaga siya mananatili rito dahil tuluyan na niyang tinanggap ang masasamang gawain ni Alfred.She’s his friend… And she needs to make everything right.Kaya naman kahit labag sa kalooban ni Ylona, nagtrabaho siya roon sa mafia. Kinukuha niyang pilit ang tiwala ni Alfred, at ganoon din si Dyrus. Sinabihan kasi siya ni Ylona tungkol sa plano nito—Na itatakas nila ang mga babaeng nakakulong sa warehouse, pagkatapos ay aalis na rin sila.Isang araw, planado na sana ang lahat. Nakahanda na ang mga sasakyan sa labas, at ihahanda na rin sana ni Ylona at Dyrus ang mga gamit nila para sakali mang magkaroon ng labanan, may magagawa sila.“Dyrus, magdala ka rin ng kutsilyo para sigurado,” utos ni Ylona habang nilal
NAGTAGUMPAY si Ylona na gawin ‘yon. Nang makauwi ay sinabi niya sa kan’yang asawa ang lahat, kaya naman nagpakalayo-layo sila at nagtago mula kay Alfred. For years, they succeeded in maintaining a simple life. Akala nga nila ay tumigil na si Alfred sa paghahanap sa kanila noon… pero hindi pala. Dahil noong saktong papauwi pa lang si Beckett galing sa Milan, saktong natunton sila ni Alfred at kinuha ang buhay nilang dalawa. “Tangina,” napamura na lang si Alfred nang maalala ang lahat ng ‘yon. “How dare they betray me like this?” dagdag niyang bulong, naiinis dahil pakiramdam niya ay naisahan siya. Pero hindi niya hahayaang maulit ang nakaraan. Mahina pa siya no’n at marunong pa magtiwala, pero ngayon ay hindi na. Alfred took his phone and called someone. “Joan.” “Sir Alfred!” masayang bati ni Joan sa kabilang linya dahil hindi niya inaasahang tatawagan siyang muli ni Alfred. “M-May ipapagawa ka ba sa akin? Gagawin ko ang lahat para lang makabawi!” “This is the last time I’ll give
HINDI nagtagal ay ginawa na ni Beckett at Vivianne ang mga bagay na pinlano sa Agrianthropos. Ipinaalam na rin nila kay Ella ang mangyayari nang sa gayon ay hindi ito magulat kapag nakaramdam na siya ng sakit sa kan’yang puso.Now, they were at the Allamino mansion. Dalawa lang sila dahil nasa office lang si Alfred at nagbabasa ng mga dokumento. Kumakain ng dinner ang mag-ina, at nilagyan na ni Vivianne ng gamot ang inumin nito.Nagkukuwentuhan sila habang kumakain. Si Vivianne naman ay pasimpleng tumitingin sa orasan. Her and Beckett planned this specifically, kaya may kailangan silang sundin na oras. Inabangan ‘yon ni Vivianne.“Anak, oras na yata para manood ako ng paborito kong KDRAMA,” saad ni Ella.It was a code. Nagtatanong si Ella kung oras na ba para inumin niya ang tubig sa lamesa na may lamang gamot.Tumingin si Vivianne sa orasan bago tumango. “Oras na nga, ma. Ihahatid na ulit kita sa kuwarto pagkatapos natin kumain.”“Sige.” Tinapos na ni Ella ang pagkain, at nilagok ang
PUMASOK na si Vivianne sa loob ng kuwarto ng ina. Umupo siya sa gilid nito habang tahimik na umiiyak. Hindi siya mapakali dahil kanina lang ay nakakausap niya pa ito nang maayos, ngunit ngayon, para na itong lantang gulay. Namumula ang balat, at nakaratay sa kama.“Ma… I’m sorry,” bulong niya sa ina at bahagyang pinisil ang kamay nito.Pakiramdam ni Vivianne, kasalanan niya ang lahat ng nangyari. She couldn’t blame anyone on this, pero kanina ay sumabog na siya sa dami ng problemang pinagdaraanan.Her trauma hasn’t healed yet. Malaki ang trust issues niya. Alam niya rin na dapat hindi naging ganoon ang trato niya kay Beckett kanina, lalo na at gusto lang naman nitong tumulong. But because of what happened, her walls were up again.“I’m sorry, Beckett…” aniya, at maya maya ay tuluyan nang bumuhos ang luha nito.Pero lingid sa kaalaman ni Vivianne, sumunod si Beckett sa kan’ya. Nabuksan na nito ang pinto at handa na sanang pumasok sa loob, pero nang makita kung gaano kalungkot si Vivian
KAAGAD nahampas ni Beckett ang pader nang maisip ‘yon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Binilisan niyang maghanap ng papel at ballpen para isulat doon ang mga nasa isip niya.Mabuti na lang at memorize niya pa ang ingredients, at alam niya rin ang mga gamot na puwedeng makagulo sa chemicals.Dahil sa walang katapusang pag-iisip, naging mabilis tuloy para kay Beckett ang tatlong araw na lumipas. Ni hindi niya namalayang dalawang beses sa isang araw na lang pala siya kumakain, at halos buong araw ay nakaupo lang siya sa gilid at nag-iisip.Halos isang buong notebook na ang nasulatan at na-drawing-an niya ng kung anu-ano. Everything was settled, kaya naman ang kailangan na lang niyang gawin kapag nakalabas ay pumunta sa warehouse at i-test ang lahat ng naiisip niya.“Kung tama nga ang naiisip ko, ibig sabihin ay ‘yong isa pang ininom ni Ella ang dahilan kung bakit siya na-comatose. It was the reason for her nosebleed, too,” bulong ni Beckett habang nakatitig sa notebook niya.Nabo-bo
“DON’T talk shit with me. Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit siya nawawala.” Lumapit si Beckett kay Alfred. Halata na ang galit sa mga mata nito. “Saan mo siya dinala?”“Hindi ko alam. Alin doon ang hindi mo maintindihan?” Padabog na inilagay ni Alfred ang diyaryo sa gilid bago tinapatan ang masamang tingin ni Beckett. “And don’t forget that you’re in my territory. Kaya kong pasabugin ang bungo mo ngayon mismo.”Ngumisi si Beckett. “Kung talagang balak mo ‘yon gawin, dapat kanina pa.”“Saka na, kapag nasa akin na ang lahat ng yaman mo.”Nang marinig ni Beckett ang mga katagang ‘yon, hindi niya mapigilang mapahalakhak. Tama nga ang hinala niya—Na may ibang binabalak si Alfred kaya pumayag ito sa kasal nila ni Vivianne, at kaya pilit siya nitong pinakikisamahan.“Mangarap ka lang,” bulong ni Beckett habang nag-iigting ang panga. “Mahahanap ko siya, kahit gaano pa katagal. Mark my words, Alfred Allamino.”Tumalikod na si Beckett at aalis na sana ng mansiyon, ngunit napatigil siya nang