Beranda / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY: THE WEDDING CELEBRATION (FINAL CHAPTER)

Share

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY: THE WEDDING CELEBRATION (FINAL CHAPTER)

Penulis: Lovina Alice
last update Tanggal publikasi: 2026-01-18 13:56:48

Hindi ko inakalang darating pa rin ang araw na makikita ko ang aking sarili na magsusuot ng wedding dres at maglalakad sa lalaking ipinangako sa akin ang forever na akala ko ay sa fairy tale lang nagaganap.

"Sinasabi ko na nga ba, sobrang swerte ko na ikaw ang ihaharap ko sa altar," pabulong na sabi sa akin ni Kyle nang ako ay nakalapit na sa kaniya.

Isang ngiti ang nanatiling nakapaskil sa aking labi i nang sandaling iyon, "Ikaw lang ba ang swerte?" tanong ko kay Kyle. "Sa pagkakaalam ko ay sw
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY-FOUR (FINAL CHAPTER): MARRIED AT THE RIGHT TIME

    Mabilis na lumipas ang mga araw at nakita na ni Heaven ang kaniyang sarili na humaharap sa judge kasama si Roman. Sa ngayon, alam na niya sa kaniyang sarili na sigurado na siya sa lalaking pakakasalan. Wala na siyang pakialam kung malakas man ang kabog ng kaniyang dibdib nang sandaling iyon, ang mahalaga lang sa kaniya ay magkasama na sila ng kaniyang mapapangasawa. "You're beautiful," pabulong na sambit ni Roman sa kaniya. "Ilang beses mo nang sinabi iyan," pambabara ni Heaven upang mapagtakpan ang pamumula ng kaniyang mukha nang sandaling iyon. "Bawal na bang sabihin nang paulit-ulit?" tanong ni Roman sa kaniya. Bago pa man makapagsalita si Heaven ay isang tikhim ang nakuha nila mula sa mayor na magkakasal sa kanilang dalawa. Namula na lang siya dahil alam niya sa kaniyang sarili na sinaway na sila ng nasabing opisyal upang masimulan na ang kanilang kasal. Wala mang naririnig na kahit na anong background music para sa kasal nina Heaven at Roman ay nararamdaman pa rin ng mg

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY-THREE: WEDDING PREPARATIONS

    Kahit na sabihin pang civil wedding lang ang gusto nina Roman at Heaven ay hindi pa rin nila inaasahan na may mga aayusin pa rin silang mga papeles. Ang buong akala nila ay wala na silang aasikasuhin dahil hindi rin naman nila naiisip ang isang magarbong reception para sa kanilang mga bisita. Ang balak nga lang nila ay magpa-reserve sa isang restaurant para sa isang maliit na salo-salo after ng kanilang kasal."Nasa inyo naman na kung paano ninyo idadaos ang kasal," sabi ni Jean Antoinette sa dalaga. "Ang mahalaga lang naman ay masiguro ninyo ring maipapakita ninyo ang inyong CENOMAR bilang patunay na hindi pa kayo naikakasal kahit kanino."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Heaven. Ang buong akala niya talaga ay wala na siyang ibang aasikasuhin dahil simple lang naman ang gaganaping kasal kung sakali. Wala siyang ideya sa kasal na gusto niyang mangyari."Alam mo, puwede pa rin naman ang sikretong kasal kung gusto ninyo," sabi ni Jean Antoinette sa dalaga. "Wala namang kaso r

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY-TWO: MARRIAGE TALKS

    "Hindi naman natin kailangan ng sobrang engrandeng kasal para sa kanila," sabi ni Connie sa mag-asawa nang nagharap-harap na sila para pormal na pag-usapan ang detalye sa kasal nina Heaven at Roman. "Ang mahalaga lang ay mayroong mga tatayong ninong at ninang at tanggap na nila sa kanilang mga sarili na ikakasal na nga silang dalawa."Nakahinga nang maluwag si Miranda nang narinig niya ang sinabi ni Connie, "Buti naman at walang kaso sa iyo kung magarbo o hindi ang kasal nilang dalawa. Ang akala namin ay gusto mo ng best para sa nag-iisa mong anak.""Kilala ko si Heaven at alam ko na pribado siyang tao," sagot ni Connie. "Sigurado ako na kahit marami siyang kakilala ay hihilingin pa rin niya na maging simple ang kasal nilang dalawa ni Roman. Iyong tipong tanging malalapit lang sa kanilang dalawa ang dadalo sa kasal."Napatango si Miranda sa sinabi ni Connie, "Ano naman ang masasabi ni Harvey tungkol sa bagay na iyon? Kung hindi ako nagkakamali ay --""Kung ano ang mas gustong gawin ng

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: MEETING OF TWO FAMILIES

    Mabilis na lumipas ang mga araw nang hindi namamalayan ni Heaven. Ang buong akala niya ay nawala na sa isipan ng kaniyang ina ang tungkol sa salitang pamamanhikan dahil wala rin naman siyang nababanggit tungkol sa bagay na iyon. "Tumawag sa akin ang nobyo mo, nagtatanong kung kailan tayo puwede para sa pamamanhikan ng kaniyang pamilya rito," sabi ni Connie sa anak. "Mukhang may pinag-uusapan na kayong dalawa ng mapapangasawa mo ah." Nangunot na lang ang noo ni Heaven sa narinig, "Ano po ang ibig ninyong sabihin na may napag-usapan na po kaming dalawa ni Roman?" Isang knowing smile ang ibinigay ni Connie sa anak, "Date kung kailan pormal na kukunin ni Roman ang kamay mo sa akin para sa kasal." Literal na nagulat su Heaven sa sinabi ni Connie. Sa pagkakaalam niya ay wala pa rin silang napag-uusapang dalawa tungkol doon. Isa pa, hindi rin nasabi ng kaniyang boyfriend na magkausap sila ng kaniyang mama. "Huwag na huwag mong aawayin si Roman ngayon dahil ako ang makakalaban mo k

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER SIXTY: BIG NEWS

    Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Connie nang nakita niya ang isang simpleng singsing sa daliri ng kaniyang anak. Iba na iyon sa promise ring na ibinigay ni Roman kay Heaven noon kaya sigurado na siyang may kinalaman na iyon sa next level ng kanilang relasyon."Sabihin mo, sa kasal na ba mauuwi ang inyong relasyon?" tanong ni Connie sa anak na biglang namula nang sandaling iyon."Mama...""Kailan ang kasal?" tanong kaagad ni Connie kahit na alam niya sa kaniyang sarili na wala pang napag-uusapang petsa ang dalawa."Kagabi lang po nag-alok ng kasal si Roman, hindi pa po namin napag-uusapan ang details," sambit ni Heaven sa ina.Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Connie, "Oo nga naman. Masyado akong excited. Aba, dapat ay ihanda na rin natin ang bahay para sa pamamanhikan ng pamilya ni Roman. Nakakahiya kung maaabutan ng aking mga balae na marumi iyon."Nangunot ang noo ni Heaven, "Pamamanhikan?""Oo, pamamanhikan," sabi agad ni Connie sa anak. "Kailangan iyon para mapag

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER FIFTY-NINE: PROPOSAL

    "Hindi ka pa rin ba inaaya ni Roman ng kasal?" tanong ni Jean Antoinette sa isang kaswal na tinig nang nagkita silang dalawa ni Heaven. "Ilang buwan na rin yata kayong magkasama sa iisang bahay ah."Binilang ni Heaven kung ilang linggo na silang magkasama ni Roman bago pa man niya binigyan ng isang masamang tingin ang kaibigan. There is no way in hell na hahayaan niyang tuksuhin lang siya nito tungkol sa pagsasama nilang dalawa ng nasabing lalaki."What? Mali ba ako ng bilang?" sunod-sunod na tanong ni Jean Antoinette sa kaibigan.Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Heaven. Hindi na niya alam kung ano ang isasagot niya sa kaniyang kaibigan.Habang kausap ni Jean Antoinette si Heaven ay masinsinan ding kinakausap ni Kyle ang kaniyang assistant na si Roman sa sarili niyang opisina. Nasa palad nito ang isang singsing na matagal-tagal na rin nitong binili para sa kasintahan."I guess this is the perfect time para alukin ko na ng kasal si Heaven," sabi ni Roman sa kaniyang boss. "A

  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER TWENTY-TWO: MISUNDERSTANDING

    Aminado si Roman na wala siyang alam sa nararamdaman ni Heaven tungkol sa nakaraan niyang damdamin para kay Jean Antoinette. Ang akala niya ay hindi na iyon makakaapekto pa sa panliligaw sa dalaga lalo na at nakapag-moved on naman siya noon. Hindi niya inakala na iyon pa pala ang magiging dahilan k

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER FIFTEEN: ASKING A FRIEND

    Pilit na inisip ni Heaven kung ano ang sinabi niya kay Roman nang gabing sila ay nalasing. Kahit na ano pa ang kaniyang gawin ay wala talaga siyang maalala na kahit na ano. Dahil doon ay naramdaman na niya na overthink na siya malala. "No way! Sigurado ako na hindi ko nahalikan ang lalaking iyon,

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER EIGHTEEN: ADMISSION OF FEELINGS

    Sinubukan pa ni Heaven na maging in denial sa sarili niyang nararamdaman para kay Roman. Sa totoo lang ay madali na para sa kaniya na sabihing wala siyang feelings para sa binata lalo na at alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang posibilidad na replacement lang siya ni Jean Antoinette sa paningi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
  • Becoming The CEO's Contract Lover   IN LOVE WITH MY TOMBOY: CHAPTER TWELVE: JUST BE FRIENDS

    Inakala ni Heaven na nagtagumpay na siya sa kaniyang plano dahil pagkatapos ng ilang araw na pagpapanggap nilang dalawa ni Denise ay tumigil na rin si Roman sa pangungulit sa kaniya. Nawala rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa nang sabihin ni Roman na tinatanggap na nitong hanggang friendship l

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status