Home / Romance / Becoming The CEO's Contract Lover / CHAPTER FIFTY-SIX: NEW HOPE

Share

CHAPTER FIFTY-SIX: NEW HOPE

Author: Lovina Alice
last update Last Updated: 2025-10-25 11:25:32

Hindi ko inakalang tatanggapin pa rin ako nang buong-buo ni Tita Connie kahit na alam niyang walang kikilalaning ama ang sanggol na aking dinadala. Ngayon ay ramdam ko ang kanilang suporta kahit na hindi ako bahagi ng kanilang pamilya.

"Alam kong kami na lang ang masasandalan mo sa panahong ito kaya hindi ko ipagdadamot ang aming tahanan sa iyo," sabi ni Tita Connie na siyang nagpaluha sa akin. "Welcome na welcome kayo ng anak mo rito."

"Tita, hindi po ba kayo nandidiri sa akin?" wala sa loob na tanong ko sa kaniya.

Nangunot ang noo ni Tita Connie sa aking sinabi, "Bakit naman ako mandidiri? Isang magandang bagay ang nangyari sa iyo."

"Kahit na hindi ko na siya ipapakilala pa sa kaniyang ama?" tanong kong muli kay Tita Connie.

"Ikaw na ang may desisyon sa bagay na iyan," sabi ni Tita Connie sa akin. "Sabi mo nga, magkaiba kayo ng mundong ginagalawan."

Bago pa man ako makapagsalita ay isang balita ang aking narinig na siyang mas nagpatibay ng aking desisyon tungkol sa ama n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED SIXTEEN: NURSERY

    Sa paglipas ng mga buwan ay mas naging halata ang paglaki ng aking tiyan kaya mas naging maingat si Kyle sa aking pagbubuntis. Ibinibigay niya lahat ng gusto ko kahit na hindi niya maintindihan ang lasa ng kombinasyon ng pagkaing gusto ko. "Really? Ang akala ko ay tapos ka na sa paghahanap mo ng manggang hinog at chocolate powder," sambit sa akin ni Kyle nang muli akong magpabili sa kaniya noon. "Sigurado ka bang okay pa ang panlasa mo? Sobrang tamis ng kinakain mo ah." Isang mahinang tawa ang aking pinakawalan, "Sigurado ako sa panlasa ko. Hindi pa ito sira tulad ng akala mo." Napailing si Kyle sa aking isinagot. Sinubukan ko pa siyang alukin kaso tinanggihan niya iyon. Ipinakita pa niya sa akin ang tools na hawak niya nang oras na iyon. "Aayusin ko na ang nursery para sa pagdating ng ating baby," sabi ni Kyle sa akin na nagpakunot sa aking noo lalo na nang nakita ko ang color pink na paint. "Hindi ba, hindi pa natin alam kung babae o lalaki ang anak natin?" tanong ko sa ka

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED FIFTEEN: PREGNANCY DAYS

    "Sorry, pero kailangan mo na talagang makinig sa doktor mo," sabi ni Kyle sa akin nang naabutan na naman niya akong busy sa pag-de-design ng isang gown para sa VIP client ng boutique. "Iwan mo na ang trabahong iyan kay Heaven." Isang ngiti ang aking pinakawalan nang sandaling iyon, "Maiinip naman ako kung hindi ko gagawin ang isang ito. Hindi naman maselan ang aking pagbubuntis kaya sa tingin ko ay walang problema kung tatapusin ko ito." Muntik nang mangunot ang aking noo nang napansin kong nagpakawala ng isang malalim na hininga si Kyle. Akmang tatanungin ko siya nang bigla na lang siyang lumapit upang kunin ang aking ginagawa. "Malalim na ang gabi, hindi makabubuti sa buntis ang pagpupuyat," sabi ni Kyle sa akin. "Puwede naman kitang payagang ipagpatuloy iyan, pero bukas mo na iyan gawin." Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang sandaling iyon. Buntis ako, hindi baldado, para pagbawalang magtrabaho. Work from home na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED FOURTEEN: CRAVINGS

    Dahil sa aking pagbubuntis ay nagkaroon ng pagbabago sa aking panlasa. May mga paborito akong pagkain na hindi ko magawang kainin dahil ayaw iyon tanggapin ng aking sikmura. Hindi ko naman naranasan noon na sumubok ng iba't ibang kombinasyon ng pagkain dahil kahit stressed ako sa pagbubuntis ay hindi naman ako hinayaan ng aking panganay na maging mapili sa pagkain. In fact, kapag may cravings ako noon ay nagagawa naming hanapin iyon kaagad. Ngayong sa pangalawa ko na lang nagagawa ang iba't ibang kombinasyon ng pagkain na sa tingin ko ay hindi ko gagawin kapag normal ang aking panlasa. "Sigurado ka ba na hindi burger ang gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Kyle nang tinawagan ko siya para lang magpabili ng manggang hinog at powdered chocolate drink. "Baka naman --" "How I wish na burger sana ang gusto kong kainin," pambabara ko sa kaniya. "Kung ayaw mong bilhin ang ipinabibili ko ay huwag mo nang bilhin. Ako na lang ang lalabas ng bahay para bumili," may himig pa ng pagtatampo a

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTEEN: NORMAL DAY

    Kahit na sabihin pang kasal na kaming dalawa ni Kyle ay hindi iyon nangangahulugan na diretso na iyon sa honeymoon namin. Iba ang plano namin at nagpakasal lang kami kaagad para maging legitimate ang status ng aming pangalawang anak kapag siya ay ipinanganak ko na. Wala rin namang nakakaalam na ikinasal na kami kaya minabuti na lang naming ituloy ang aming mga trabaho habang pinaghahandaan ang tunay naming kasal."Sigurado ka ba na hindi ka stressed ngayon?" tanong ni Heaven sa akin nang siya ay tumawag para ako ay kumustahin. "Biglaan ang pagpapakasal ninyo ah."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan nang sandaling iyon. Bukod sa mga nakasama namin sa civil wedding ay sina Roman at Heaven lang ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon. Wala nga lang sila sa kasal dahil sumunod lang din kami sa schedule na ibinigay ng judge sa amin."Natahimik ka na riyan," sabi sa akin ni Heaven. "Siguro ay stressed kang tunay ngayon dahil sa bilis ng mga pangyayari.""Well, I have to admit na nab

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED TWELVE: RUSHED WEDDING PLANNING

    Tulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong gawin ngayong buntis na ulit ang aking manugang?" tanong ni Dad kay Kyle. "Dad, engaged naman na kami ni Jean Antoinette," sagot ni Kyle. "Baka magpakasal na lang po kami kapag nakapanganak na siya." Isang iling ang ibinigay ni Dad sa aming dalawa, "That won't do. Dalawang beses nang nagbubuntis si Jean Antoinette at hindi pa rin kayo kasal." "But Dad, mas mainam kung -" "Mas mainam kung magpakasal na kayong dalawa bago manganak si Jean Antoinette para hindi na kayo mahirapan sa apelyido ng pangalawa ninyong anak," sabi ni Dad sa amin. "Look at Chiara's case, gamit niya ang apelyido ni Jean Antoinette at matatagalan pa bago niya magamit ang apelyido natin legally." Isang tango na

  • Becoming The CEO's Contract Lover   CHAPTER ONE HUNDRED ELEVEN: CONFIRMED PREGNANCY

    Hindi maitago ni Kyle ang kaniyang tuwa nang nalaman niyang ako ay buntis sa aming pangalawa. Thankfully, sinabi sa amin ng doktor na hindi magiging maselan ang aking pagbubuntis dahil matibay ang kapit ng bata sa aking sinapupunan. Ibang-iba iyon sa una kong pagbubuntis kay Chiara. "Magrereseta pa rin ako ng vitamins na kailangan mong inumin para sa iyong pagbubuntis," sabi ng doktor sa akin. "Tandaan, kahit na okay ang pagbubuntis mo, kailangan mo pa ring umiwas sa stress. Hindi iyon makakatulong sa pagbubuntis mo." Isang tango ang aking pinakawalan. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Kyle ang aking kamay. "I assure you na iingatan ko ang aking asawa," sabi ni Kyle sa aming doktor. Napangiti ako. Hindi ko inakala na mabilis tatanggapin ni Kyle ang aking kalagayan ngayong buntis na ako sa pangalawa naming anak. "Alam mong wala ako noong ipinagbuntis mo si Chiara kaya ngayong buntis ka na ulit ay sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala pa sa iyong tabi," sabi ni Kyle sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status