MasukPa-like, comment and gem votes po. Maraming salamat!
LeahHinuli niya ang kamay ko na patuloy ang paghampas sa kanya — hindi naman malakas, kundi pa-cute lang dahil sa pang-aasar niya. Pero nang bigla niyang hawakan ang kamay ko nang mas madiin pero maingat, napahinto ako. Para bang kuryente ang dumaloy mula sa palad niya papunta sa buong braso ko. Napatingala ako sa kanya at doon ko nakita kung paano unti-unting lumambot ang mukha niya.Nagtagpo ang mga mata namin, at parang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Binitawan niya ang isang kamay ko, pero hindi para lumayo kundi para umangat at dumampi sa pisngi ko. Malumanay. Mainit. Parang hinuhulma ang mukha ko para tumingin lang sa kanya.Marahan ang bawat paghaplos niya, pero ramdam ko ang bigat ng emosyon sa likod ng bawat galaw ng daliri niya. Hindi iyon basta simpleng himas lang. May pag-aalaga. May pag-angkin. May pinaparating kahit wala siyang sinasabi.Napangiti ako, hindi ko mapigilan, at marahan kong hinilig ang pisngi ko sa palad niya. Napapikit ako sa sarap ng sensasyon
Leah“Kung ano-ano ang sinasabi mo,” sabi ko na lang, pilit na deadma kahit ang totoo, ang utak ko ay nag-fi-fireworks na parang New Year’s Eve.Ayaw kong mag-overthink.Ayaw kong maging assuming.Yes, malinaw na ang relasyon namin.I am officially his girlfriend, and he’s officially my boyfriend.Pero bago pa lang kami nagsisimula… tapos marriage agad?Baby agad?Lola agad?Hello?Slow down, brain.Although—aminin man o hindi—parang may kilig sa tunog ng forever.“I know napakabata mo pa para maging lola,” sabi niya, kalmado pero may halong pang-aasar. “But let’s be real. Kapag nakasal na tayo, stepmother ka na ng anak ko, natural, lola ka na rin ng apo ko.”Nakasal na tayo.Ayun na naman siya sa mga dangerous words niya.Bago pa ako makareact, bigla siyang natigilan at tumingala na parang may revelation.“Damn. I’m really old. Lolo na ako in a few months.”Napahalakhak ako. Hindi simpleng tawa—yung ubos-lakas, yung halos mapahawak ako sa dibdib ko.Ewan ko ba, ang cute kasi.Sinapo
Leah Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko alam kung nararapat pa ako sa ganitong bigat na binibigay niya. Pero marinig ko lang ‘yon… para bang may kumalas na lock sa puso ko. At bago pa ako makapagsalita, bumulong siya muli. “She called.” Napakabilis kong kumunot ang noo. She? Sino? “My son's mother.” Biglang lumamig ang sikmura ko. Hindi dahil sa selos—kundi dahil sa tono niya. May galit. May pangamba. May inis na halatang pinipigilan lang niya. May ideya na ako kung sino ang tumawag. Pero ang marinig mismo sa bibig niya ay parang nakakainis pa rin. Hindi sa ayaw kong magkaroon ng communication ang ina ng anak niya sa kanya, pero parang ganon na nga. Hindi ba ako pwedeng magselos? “At ano’ng gusto niya?” tanong ko, mahina pero hindi mapigilang tensyonado. Humigpit ang braso niya sa baywang ko. Para bang pinipigilan niya ang sarili na sumabog. “She wants money…” huminga siya ng malalim, “…and she’s threatening me.” Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala.
Leah Hindi ko namalayan na ilang segundo na pala akong hindi humihinga habang pinagmamasdan ko siya. Parang ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Nakatayo si Rafael sa may floor-to-ceiling glass wall ng hotel room namin, hawak ang phone na para bang puputok iyon sa higpit ng pagkakakuyom niya. Halos umusok ang ilong niya sa galit na pilit niyang tinatago. Pero kahit anong pilit niyang hinaan ang boses niya, kahit anong paglayo niya, ramdam ko—may mali. May bigat. May taong umaabuso sa pasensya niya. At kapag si Rafael ang umabot sa puntong halos kumulo ang dugo niya, ibig sabihin ay hindi iyon simpleng sitwasyon. Pinipilit kong umupo nang normal, pero hindi mapakali ang mga kamay ko. Nakalapat ang palad ko sa tuhod matapos kong ilapag ang tablet sa aking tabi at iniangat ko iyon para hindi niya mapansin na nanginginig ako. I hate this feeling. Yung parang may nakaambang bagyo at hindi mo alam kung saan tatama. At lalo lang akong kabado nang marinig ko ang tono niya. Hindi ko man n
Rafael“Ano na ang mangyayari sa akin?” tanong ng babae sa kabilang linya.Mahina, nanginginig, pero may halong drama. ’Yung tono na sanay nang ginagamit para magpaawa.Hindi ako natitinag.“Ano ang gusto mong mangyari sa’yo?” balik-tanong ko, malamig at walang emosyon. Walang kahit kapirasong concern sa boses ko—at naramdaman kong hindi niya ’yon nagustuhan.“Ina pa rin ako ni James,” diin niya, halos desperado. “Hindi mo maiaalis ’yon. Hindi mo ako pwedeng tanggalan ng karapatan sa kanya.”“HINDI kita tinatanggalan ng karapatan,” sagot ko, mababa pero matigas. “Ang sinasabi ko, may sarili nang buhay ang anak ko. Hindi mo na siya pwedeng diktahan. Hindi mo na siya pwedeng kontrolin. At lalo na—huwag kang manghimasok pa. Let him be happy with the person he loves.”Narinig kong napasinghap siya, parang hindi makapaniwala na hindi gumagana ang usual niyang strategy.“Ang support na para sa akin, paano—”“There would be no support for you, Priscilla,” putol ko agad. Walang pasintabi. “You
Rafael“Bakit parang gulat na gulat ka?” mahina kong tanong, pero puno ng inis. Tipong boses na kontrolado pero may panggigigil sa ilalim. “Nakalimutan mo na ba talaga kung ano ang estado mo?”Dahan-dahan lang ang tono ko, halos pabulong, dahil ayaw kong marinig iyon ni Leah. Hindi dahil may tinatago ako, hindi dahil nahihiya ako. Kung gugustuhin ko, kaya kong ikwento kay Leah ang buong kasaysayan namin ni Priscilla. Kaya kong ikwento lahat ng dumi, lahat ng dahilan, lahat ng kasakiman. At sigurado ako, hindi niya ipagkakait kay James ang karapatan niya bilang anak ko.Pero si Priscilla… ibang usapan siya.“Rafael, ina ako ng anak mo at—”“As long as you know,” putol ko, mas matalim na. “At sana rin ay hindi mo nakakalimutan kung paano ka naging ina. Kung bakit ka nabuntis. Kung ano ang trabaho mo noon.”Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko sa galit, hindi dahil gusto kong sumigaw, kundi dahil gusto kong hindi sumabog. Dahil kung bibitawan ko ang kontrol ko, baka masabi ko ang mga bag







