Share

16- Let's talk

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-11-05 08:57:46
Leah

Marami pang sinabi si James, pero parang lahat ng tunog ay naging alon lang sa tenga ko. Ang tanging naiintindihan ko ay ang kalagayan ni Mommy. He begged me to talk to her. Paulit-ulit, halos lumuhod sa harap ko.

Hindi ko pa siya nakitang ganon. Hindi ko alam kung dahil sa awa o sa sakit, pero pumayag ako without telling him.

Siguro nga masokista ako. Kasi kahit wasak na ako, hinayaan kong muli akong mapahamak sa pakikinig sa kanya.

Pagkatapos ng lahat, naghiwalay kami. Umalis siya habang nakatingin lang ako, sinusundan ng mga mata ko ang bawat hakbang niya. Hanggang sa tuluyang lamunin ng pinto ang anino niya, at ako ay naiwan sa upuan at walang lakas, walang direksyon, puro tanong.

At ngayon, matapos ang mahabang pag-iisip. Hapon, heto ako, nakatayo sa harap ng bahay namin. Dati, bawat sulok nito ay punô ng tawa ni Mommy, amoy ng niluluto niyang adobo, at yakap na kayang tanggalin lahat ng pagod. Pero ngayon… parang ibang mundo na siya.

Nangangatog ang kamay kong hawak ang sus
MysterRyght

Kaya mo ba, Leah?

| 19
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marilou Gomez Mars
Hi author Bakit paulit ulit ang sinasabi nt mga karakter??
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
naku kung ako si Leah bahala na kayo sa buhay nyo mga malalandi at libog kang pagka Ina hindi ka mabuting ina at ihemplo dapat kang mamatay sa kalandian mo hindi ka Magandang halimbawa
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
yan ba ang ngsisi?tapos paulit2 n ginawa,,?ilang beses may nangyari sa knila?how stupid
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Becoming my Ex's Stepmother   101- Nagpapabaliw sa akin

    RafaelThis is unacceptable.Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang sabay na kumakain sina Leah at Erik. Masyadong komportable. Masyadong… pamilyar. At kahit pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat magselos, hindi ko mapigilan ang pag-init ng dugo ko.Sobrang selos ako. Hindi ‘yong tipong tahimik lang—‘yong nakakainis, nakakabaliw na selos na parang may humahawak sa dibdib ko at unti-unting hinihigpitan ang kapit.Pakiramdam ko, may kalamangan siya sa akin. At ang mas nakakainis? Hindi ko alam kung ano o saan.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Leah. Isang beses. Dalawang beses. Tatlo. Walang sagot. Tumataas ang inis ko kasabay ng kaba. Kung kani-kaninong eksena na ang nabubuo sa utak ko, mga eksenang hindi ko dapat iniisip, pero pilit na sumusulpot.Hanggang sa malaman ko ang totoo.Nakalimutan niya pala ang cellphone niya.Dapat ay gumaan ang pakiramdam ko. Dapat. Pero imbes na relief ang maramdaman ko, mas lalo lang akong nainis—lalo na nang maalala

  • Becoming my Ex's Stepmother   100- Delayed punishment

    LeahWalang nangyari sa lahat ng anticipation ko.Sa isip ko, pagbalik ni Rafael sa kumpanya ay agad niya akong hihilahin papasok sa loob ng kanyang opisina, kahit saglit lang. Isang sulyap. Isang hawak. Isang tahimik na paalala na babalikan kita mamaya.Pero hindi ganon ang nangyari.Halos kakarating lang nila ng makatanggap si Sir Joseph ng isang tawag. Kita ko sa biglang seryoso ng mukha niya na hindi iyon basta-basta. Ilang sandali lang, at agad na siyang nagreport kay Rafael na ng mga oras na yon ay nakatayo na sa harap ng table ko, nakatingin sa akin."Sir, something's wrong and it's urgent." Nakita ko ang mariin na pagpikit ni Rafael pagkasabi non ni Sir Joseph."To my office, now." Yun lang at pumasok na siya sa loob kasunod ang executive assistant habang ako naman ay naiwan na disappointed. Wala naman akong magagawa since ang sabi nga ni Sir Joseph ay urgent.Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ang masipag na EA.“Miss Leah,” sabi niya, diretso at walang paligoy-ligoy, “s

  • Becoming my Ex's Stepmother   99- Punishment

    LeahNagtatawanan pa kami ni Erik habang kumakain. Natural na lang sa amin iyon, walang pilit, walang malisya. Matagal na rin kasi kaming magkapitbahay, at technically, landlord ko siya. Ilang beses na rin kaming nagsalo sa tig-tatlong beer in can tuwing gabi, nagkukuwentuhan lang tungkol sa trabaho, buhay, at kung minsan, mga simpleng reklamo sa mundo.Wala naman kaming ginagawang masama. Walang tinatago. Kaya kahit na nasa public place kami, hindi ko naisip na may dahilan para magalit si Rafael lalo na at we were out in the open naman. Walang lihim. Walang tagong kilos.But I underestimated one thing.Ang selos niya.Naiwan ko ang cellphone ko sa mesa nang maglunch. Pagbalik ko, saka ko lang napansin, nagliwanag ang screen. Sunod-sunod ang notifications. Messages. Missed calls.Mula kay Rafael.Napangiti ako dahil iba ang pakiramdam kapag ganon siya. I like how possessive he is, pero hindi ko sinasady na pagselosin siya.Pagdampot ko ng aking cellphone ay agad ko siyang tinawagan.“A

  • Becoming my Ex's Stepmother   98- Agreed blind date

    Leah Napailing na lang ako sa kagustuhan ni Rafael. Halatang may sariling mundo talaga ang lalaking ’to. Pagkatapos niyang pindutin ang send at ibalik sa akin ang cellphone, hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag ay mabilis na itong nag-vibrate. Incoming call. Mula sa matanda. Agad na kinuha ulit ni Rafael sa akin ang cellphone ng sagutin ko iyon at ini-on na niya ang loudspeaker. Parang sinasadya pa niyang ipaalam na wala siyang balak umatras. “So childish,” mahina kong sabi, pero may ngiting hindi ko maitago. “Hija!” masayang-masaya ang boses ni Emilio sa kabilang linya. “Mabuti at pumayag ka na.” Napabuntong-hininga ako nang marahan. “Alam ko naman pong hindi papayag si Sir Rafael,” sabi ko, kalmado ang tono. “Kaya hindi nyo na kailangang ipilit, okay?” Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Rafael. Nakatayo pa rin ako sa tabi niya, pero ang kamay niya ay nakapulupot na sa bewang ko na tila ba sinasabi niyang wala siyang balak umatras kahit kanin

  • Becoming my Ex's Stepmother   97- Let's date, Sweetheart

    Leah “Bakit ayaw mong pumayag?” tanong ko matapos tuluyang matapos ang tawag nila. Sa totoo lang, hindi pa rin tumitigil sa kakakulit sa akin si Sir Emilio tungkol sa blind date na ’yon. Paulit-ulit niyang binabanggit, parang may sariling agenda. At ngayon na kami na ni Rafael, parang hindi na rin naman masama. Kung tutuusin, ama na rin niya ang may gusto. I even thought, baka mas maging payapa ang lahat kung pumayag siya kahit minsan lang. Tumingin sa akin si Rafael, salubong ang mga kilay na para bang may nasabi akong sobrang mali o hindi niya inasahan. “You’re my girlfriend now,” sabi niya, may diin sa bawat salita. “Tapos tinatanong mo ako kung bakit ayaw ko? You’re weird.” Napangiti ako at natawa nang mahina. “Nagtatanong lang naman ako. Anong weird doon?” Kiniling niya ang ulo bago bahagyang napailing na parang hindi pa rin makapaniwala. “Normal girlfriends would never allow their boyfriends to go through that. At kung magkapalit man tayo ng sitwasyon. Kung ikaw ang may bli

  • Becoming my Ex's Stepmother   96- Akin ka habangbuhay

    LeahFinally, may label na ang relasyon namin.Hindi na lang basta pang-gabi, hindi na lang palihim, hindi na lang puro init at pananabik sa dilim. May pangalan na. May linya na hindi na kailangang ipaliwanag.He’s totally mine—and I’m totally his.Hindi ko alam kung hanggang saan kami dadalhin ng relasyong ’to. Hindi ko rin masabi kung kailan o paano matatapos, kung matatapos man. Pero sa ngayon, isa lang ang malinaw sa puso ko, handa akong ipaglaban ang “kami,” kahit hindi ko pa alam ang magiging kapalit. I’ll do anything, kahit masaktan, kahit matakot, basta may kahit konting tsansa na magkatotoo ang salitang forever para sa amin.“Miss Leah, heto na po ang hinihingi ni Sir Rafael.”Naputol ang paglalakbay ng isip ko nang marinig ko ang boses ni Kelly. Agad akong nag-angat ng tingin at sinalubong siya ng isang tipid na ngiti. Tumango ako bago kinuha ang folder na maingat niyang iniaabot sa akin.“Salamat,” sabi ko, sabay ayos ng hawak ko sa mga papeles. “Ako na ang magdadala sa kany

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status