Beranda / Other / Before Us / Kabanata II

Share

Kabanata II

last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-21 23:35:32

MULA sa kinauupuan ko sa loob ng classroom ay matatanaw sa bintana ang malawak na plaza ng aming school, ang Mabini College. Doon ay masayang naglalaro ng baseball ang grupo ng mga fourth year college. Nakaipon ang lahat ng bag nila sa isang asul na bench na nasa tapat lamang ng pwesto nila. Okupado naman ng mga babaeng nanonood sa kanilang paglalaro ang ibang bench na nakahilera sa paligid ng plaza. At ang mga babaeng ‘yon ay may mga paghanga sa kanila, lalong lalo na kay Akira.

Pinanonood ko lamang ang bawat galaw ni Akira. Mula sa pagtira niya sa bola hanggang sa pagtakbo niya paikot ay sa kaniya lamang nakatuon ang buo kong atensyon. Dati pa ay gawain ko na talaga ang manood mula sa bintana ng aming classroom ng mga kaganapan sa plaza. But today hits different. Dahil ang napapansin na lamang ng mga mata ko ay si Akira. It all started since that juice accident happened.

The moment I turned my gaze on the man who spilled his mango juice on my Birkin bag, my eyes first landed on his brown eyes. I was stunned for a moment. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng kayumangging mata sa malapitan. Napakaganda nitong pagmasdan. If I would be given a chance to stare at it everyday of my life time, I’ll grab it.

“Pasensya na. Hindi ko talaga sinasadya,” he sincerely said habang sinasalubong niya ng tingin ang aking mga mata.

That’s when I turned away my eyes at him. Napunta ang tingin ko sa lalaking mga dalawang hakbang lamang ang layo mula sa amin. I caught him laughing silently while looking at us—sa amin ni Akira. Pero kaagad rin niyang naipormal ang kaniyang mukha nang mapatingin ako sa kaniya, wearing my expressionless, intimidating face.

“Okay lang,” I told Akira, barely above a whisper. Matapos kong sabihin ang dalawang katagang ‘yon ay bumalik ako sa aking upuan at ipinagpatuloy ang pagkain ng siomai rice na parang walang nangyari.

Akira Dela Cruz is a popular guy in our school. Girls are drooling over his almost perfect features. At ang kayumanggi nitong pares na mga mata ang pinaka-nakahuhumaling dito. He is tall, maybe six point five. Maputi siya. Ang kaniyang itim na buhok na may pagka-wavy ay mahaba at umaabot hanggang sa siko niya. Lagi niya itong ipino-ponytail nang mataas.

May kalakihan din ang kaniyang pangangatawan. And last, he has an excellent grades in all of his subjects. Agrikultura ang kursong kinukuha niya. And it looks cute seeing a handsome guy planting and caring for plants.

Si Jeremy Badaguas naman ang lalaking kasama niya—the guy I caught silently laughing at us. Siya ang matalik na kaibigan ni Akira at lagi silang magkasama. Including Lance Cristobal, pero mukhang hindi nila ito kasama ngayon. Hindi gaya ng kurso ni Akira ay nasa pagpupulis naman sina Jeremy at Lance.

Ito ang unang pagkakataon na nagkalapit kami ni Akira sa halos apat na taon na naging mag-schoolmate kami. Hindi kami nagkasasalubong sa hallway ng school. Ni-hi o hello ay walang ganoong nagaganap sa pagitan namin. Pero lagi ko siyang nakikita sa plaza na nakipaglalaro ng baseball sa kaniyang mga kaklase at kaibigan. Minsan naman ay nakikita ko silang tatlo nina Jeremy at Lance na nakatambay at nakaupo sa malaking sanga ng puno ng mangga sa school.

“Jennifer, kung papayag ka… ako na ang maglalaba ng bag mo. Ibabalik ko na lang kapag natuyo na. Pero kung hindi, babaya—“

“Kunin mo na. Ibalik mo na lang kung kailan matutuyo,” I cut him off. Hindi naman big deal sa akin ang nangyari. Pwede naman labhan na lamang ang bag ko.

“Salamat,” he said, brimming with glee.

Lumipas ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Naramdaman kong nakatayo pa rin siya sa tabi ko at ang bag ko ay hindi pa rin nawawala sa pwesto nito.

Saktong natapos ko na ang kinakain ko. Tumingala ako sa kaniya. Nang magtama ang aming mga paningin ay napaatras siya nang isang hakbang.

“May sasabihin ka pa ba?” tanong ko sa kaniya. I’m trying my best to sound soft and not to sound plain and expressionless just like how I used to be.

“Ah, wala. Kukunin ko na yung bag,” tugon niya. He pulled out a white plastic bag from his black bag. Doon ay maingat niyang inilagay ang basa kong bag.

Pagkatapos niyang gawin yun ay hindi pa rin siya umalis sa harapan ko. Bagkus ay sinabi niyang ihahatid niya kaming dalawa ni Lorilyn sa mga bahay namin kasama si Jeremy. Mga limang minutong lakaran lamang ang layo ng bahay namin ni Lorilyn sa kanilang dalawa at mas unang madadaanan ang sa kanila.

“Pumayag ka na,” saad niya bago pa man ako makapag-protesta. Mabagal na pagtango ang naging tugon ko sa kaniya.

Tumingin ako kay Lorilyn. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa asul na plastik na lamesa na pumapagitna sa aming dalawa. Her two hands were holding her face while looking at us in a dreamy way. Ginawa niya pang romantic movie ang nangyaring eksena sa pagitan namin ni Akira.

We began to walk our way home. Kulay kahel na ang langit. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin. Nagsimula nang umilaw ang mga street light at marami na rin ang mga tao sa paligid. Ang iba ay pauwi na rin sa kani-kanilang bahay, ang iba naman ay kasama ang kanilang mga alagang aso at inililibot iyon sa buong lugar, at ang iba naman ay patungo sa palengke upang mamili ng mga murang prutas at gulay na sa tuwing rush hour lamang maraming nagbebenta n’on sa palengke.

“Is your name Gillette?” out of nowhere na tanong sa akin ni Akira na katabi ko sa paglalakad.

I heard Jeremy faked a cough. Habang si Lorilyn naman ay pasimpleng sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

“Jennifer ang pangalan ko,” pagtatama ko sa tanong niya.

“No, I’m not asking for your name.”

Napakunot ang noo ko. I looked at him. “What do you mean?”

“Knock-knock ‘yon.”

“Uh… okay. Why?”

“Because you are the best a man can get.”

Lorilyn started laughing na may kasama pang paghampas sa akin. Narinig ko rin ang pagtawa ni Jeremy na nasa kaliwa ni Akira. My mind hang up for a moment. Iniisip ko kung anong connect ng mga sinabi ni Akira. And when I realized it, namalayan ko na lamang ang sarili ko na tumatawa nang malakas. Hinampas ko nang mahina sa braso si Akira dahil sa ‘knock-knock’ niya.

Nang makahuma na ako mula sa pagtawa ay napansin kong ako na lang pala ang nakangiti at tumatawa sa aming apat. They were looking at me with a shocked expression on their faces. Nang ma-realize ko ang ginawa ko ay hindi na rin ako nagtaka sa naging reaksyon nila. Tumawa lang naman ako sa unang pagkakataon.

“Miss Largo,” pag-uulit na tawag sa akin ni Ma’am Anica. Ang Math teacher namin.

Inalis ko ang tingin ko kay Akira na nasa plaza at bumaling sa guro ko na ngayon ay nakatingin sa akin nang masama. Ang lahat ng kaklase ko ay nakatuon din sa akin ang kanilang mga mata.

“Kapag nasa harapan niyo ako, bawal kayong tumingin sa labas. And, Miss Largo, the second time around na mahuli ulit kitang nakatingin sa labas, palalabasin na kita ng classroom na ito,” Ma’am Anica firmly said.

Hindi naman ako nasaktan sa mga sinabi niya. Nasanay na kami sa ugali ni Ma’am. Mahigpit siya pagdating sa klase. But when we are outside the school, she’s totally treating us fine.

“I’m sorry, Ma’am,” hinging paumanhin ko.

UMALIS si Lorilyn at Jeremy upang bumili ng mga tuhog na pagkain sa dulo ng boulevard. Naiwan kami ni Akira sa tabing dagat ng Bagasbas. Gabi na kaya naman madilim na ang paligid. Tanging ang liwanag na nagmumula sa mga street light sa boulevard ng beach ang nagsisilbing liwanag ng paligid.

“I like you simula pa no’ng nakita kita na naglalakad paikot sa lugar natin kasama si Wolf. Sa pagkakaalala ko, grade six ka pa lang no’n,” Akira suddenly confessed.

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Halos dalawang semana na ang nakalilipas simula nang mapalapit ako sa kaniya. Tuwing uwian ay magkakasabay na kaming apat sa pagkain ng street foods sa dinadaanan namin at pag-uwi sa aming mga bahay. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may gusto sa akin si Akira. Pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag inamin niya na ito.

Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko at inihinarap ako sa kaniya. He gently held my chin and slowly lifted my face. At nang magtama ang aming mga mata ay gayon na lamang ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I almost lost my breath because of how close our faces are to each other.

“Pwede ba kitang ligawan, Jennifer?” he asked with a smile curving on his rosy lips. My cheeks are blushing.

The sound of the waves of the sea, the cold whisker of the wind, the street lights along the long boulevard. A perfect place for me to kiss Akira as my response to his question.

Tumingkayad ako upang tuluyang maglapit ang aming mga mukha. I slowly closed my eyes and pressed my lips on his. Para akong kinuryente sa ginawa ko.

Lumipas ang ilang sandali and Akira’s didn’t respond. Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa ko. But when I’m about to withdraw my lips, he encircled his arms around my waist. He pulled me closer and finally responded to my kisses—deepening and savoring our precious moment.

At aaminin ko na. I had a crush on him since the day he said he had a crush on me. That’s the first time I saw him. Like he said, I was in grade six that time and I was walking with Wolf around our street. At that time, he was also wandering around, riding his bicycle and he passed by. Nagtagpo ang aming mga mata nang halos isang segundo lamang. But it felt like as if the world around us stopped for a minute at that moment.

At nang lumipat ako sa Mabini kung saan siya nag-aaral, I didn’t expect that this could happen.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Before Us   Espesyal na Kabanata

    NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na r

  • Before Us   Epilogo

    KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha."Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay

  • Before Us   Kabanata XX

    “AMARA!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha. Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya. Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda

  • Before Us   Kabanata XIX

    “Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara. I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan. Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we

  • Before Us   Kabanata XVIII

    Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito. Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo. “Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatiko

  • Before Us   Kabanata XVII

    “AMARA!” Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid. Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan. Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status