Home / Other / Before Us / Kabanata III

Share

Kabanata III

last update Last Updated: 2022-10-21 23:36:08

NAPAMULAT na lamang ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng isang magaan na bagay sa mukha ko. Dinampot ko ang ginumos na papel at saka ibinato iyon pabalik sa labas ng binatana ng aking kwarto. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa banig at saka tinungo ang may kalakihang bintana sa aking kwarto.

Pagdungaw ko sa binatana ay doon ko nakita sina Jeremy at Lance. Nakaupo si Lance sa malaking bato at hindi maipinta ang mukha nito habang si Jeremy naman ay nakasakay sa duyan at hawak-hawak ang papel na ibinato ko pabalik sa kaniya habang dinuduyan nang malakas ang sarili. Kaya naman pala nakasimangot si Lance dahil naunahan na naman siya ni Jeremy sa pag-upo sa duyan.

“Buti naman at gising ka na, Mr. Torpe, na kung hindi ko pa aksidenteng naitulak kay Jennifer ay mananatiling hanggang tingin na lamang sa kaniyang iniirog,” mahabang litanya ni Jeremy.

“Gago, ang baduy,” saad naman ni Lance kay Jeremy.

“Inggit ka lang kasi nauna ako sa duyan,” pang-aasar ni Jeremy.

“Ang aga-aga pa. Ang sabihin mo, Remy, makikikain lang kayo ni Lance ng adobong pakbet ni Mama,” saad ko naman.

Napakunot ang noo ni Jeremy. Pero bago pa siya makapagmaktol dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng Remy ay narinig na namin ang pagtawag ni Mama.

“Hali na kayong tatlong bata at kumain na,” tawag ni Mama mula sa kusina. Maliit lamang ang aming bahay kaya naman kahit nasa kwarto ako at nasa labas ang dalawa kong kaibigan ay maririnig namin nang maayos ang pagtawag ni Mama.

Kaagad na tumayo sa duyan si Jeremy at maliksing tinalon ang bintana sa loob ng aking kwarto. Sumunod naman si Lance at ginaya rin ang ginawa ni Jeremy. Magkakasabay kaming nagtungo sa kusina at nadatnan namin si Mama na nakaupo na.

Sa harap niya ay ang bilog na berdeng lamesa kung saan nakahain ang inadobo niyang pakbet at kanin. Meron din itong kasamang apat na baso ng timplado nang kapeng puro.

Nagkaniya-kaniya na kaming upo sa berde rin na upuan. Nagdasal muna kami bago sinimulan ang pagkain.

Tiningnan ko si Mama. Nasa singkwenta na ang edad niya. Maliit siyang babae at may napakaamong mukha. Mahaba ang kaniyang kayumanggi at bagsak na bagsak na buhok na lagi niyang itinitirintas. Sa kaniya ko namana ang kulay ng aking mga mata na kagaya ang kulay sa buhok niya. May lahi siyang americana kaya naman hindi na nakapagtataka na ganyan ang itsura niya at ang kutis niya ay mamula-mula.

Sabi ni Mama ay kay Papa ko naman namana ang taas ko pati na rin ang maalon-alon kong buhok. Sa kaniya ko rin namana ang dugo ng pagiging isang taong-lobo. Hindi ko kinamumuhian na naging kabilang ako sa ganoong lahi. Ngunit kung may pagkakataon na maaari akong humiling ng isa at iyon ay matutupad, hihilingin kong sana ay isang normal na pamilya na lamang kami.

Pagdating ko sa bahay mula sa eskwelahan ay hindi ko nadatnan sa bahay sina Mama at Papa. Kaya naman nagtungo ako sa kagubatan kung saan laging namamalagi ang aking mga magulang sa tuwing gugustuhin ni Papa na magpalit ng anyo mula sa tao patungo sa pagiging isang itim na lobo.

Nang marating ko ang pusod ng kagubatan ay malapit nang dumilim ang paligid. Nagpalit ako ng aking anyo upang lumakas ang aking pang-amoy at pandinig sa paligid. Mga ilang minuto pa ang tinagal ng paghahanap ko bago ko natunton ang kanilang lokasyon.

Hindi na ako lumapit sa kanila. Ikinubli ko na lamang ang aking sarili sa dilim at dumistansya nang isang kilometro mula sa kanila. Nasa anyong tao ang aking ama kaya naman hindi niya namamalayan ang aking presensya.

“KAILANGAN ba talaga?” lumuluhang tanong ko kay Joseph.

Lumamlam ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin. Masuyong hinaplos ng kaniyang mga palad ang aking mukha. Pinaglandas niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng aking mukha na tila kinakabisa ang bawat detalye nito.

“Kailangan, Fedela. Kailangan ko nang umalis at pamunuan ang aking lahi. Hindi na ako pwedeng magtagal pa rito, lalong-lalo na sa tabi mo. Mas nanaisin kong lumayo sa ‘yo kaysa ang mapahamak ka nang dahil sa ‘kin. Hindi ka pwedeng matagpuan ng mga kalahi ko, lalong-lalo na ng mga taong-lobo na hindi kinikilala ang matuwid na batas.”

“Ang anak natin? Bakit hindi mo siya isama? Sa tingin ko ay mas magiging ligtas siya kung mamumuhay siya kasama ang kaniyang mga kalahi,” tanong ko sa kaniya. Masakit man na isipin kung pati ang anak ko ay mawawala sa akin ngunit iyon naman ang makabubuti para sa kaniya.

Nagsimulang lumuha ang mga mata ng aking asawa. Ngunit ang kaniyang labi ay pumorma ng isang totoong ngiti.

“Maaaring tama ka. Pero iiwan ko sa ‘yo ang bunga ng ating pagmamahalan. Mas gusto ko para sa kaniya na lumaki siya kabilang ang mga tao. Alam kong kayang-kaya mong mapangalagaan ang kaniyang totoong pagkatao. At, hmm… hindi siya nakatadhana bilang tagapagmana ko, kun’di bilang tagapag-alaga ng aking reyna. Siya na ang magpapadama sa ‘yo ng pagmamahal ko na simula ngayon ay hindi ko na maipadarama pa nang personal.”

Kahit nasasaktan na ako at lumuluha ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa kilig. May anak na kami at nasa sitwasyon na kami ngayon ng paghihiwalay ngunit napakatamis niya pa ring magsalita.

“Mahal na mahal kita, Joseph,” saad ko nang may namumuong ngiti sa aking mga labi.

“Mas mahal kita,” ganting tugon niya at masuyo akong h******n sa noo, pagkatapos ay bumaba siya sa aking mga labi.

“Aalis na ako dahil kapag nagtagal pa ako ay baka magbago ang aking isip,” natatawa niyang sabi. Pagkatapos ay nagsimula na siyang magbago ng kaniyang anyo. Naging isa na siyang itim na malaking lobo.

“Hoy,” tawag ko sa kaniya nang tumalikod na siya.

Humarap siyang muli sa akin at umangil na ikinatawa ko naman. “Hindi mo man lamang ba sasabihin na, ‘Fedela, kung sakali mang magmamahal kang muli ng iba ay magiging masaya ako para sa inyo’?” pilyang tanong ko sa kaniya.

Ibinalik niya ang kaniyang anyo sa pagiging tao para lamang sumagot sa akin. Napatakip ako ng aking mga mata dahil sa tanawin na nasa harap ko ngayon.

“Parang hindi mo naman ‘to nakikita paminsan-minsan.”

“Tumahimik ka,” kunwari ay seryosong singhal ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa dalawang kamay ko at inalis niya iyon mula sa pagkakatakip sa mga mata ko. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Isang matinding pagpipigil ang ginawa ko para lamang hindi mapunta sa kaniyang hubad na katawan ang aking mga mata.

“Hindi ko na kailangan sabihin yun. Dahil alam kong ako lang ang mamahalin mo,” nakangising saad niya at saka ako kinindatan. Mabilis ang naging paghalik niyang muli sa mga labi ko at tumakbo na palayo sa akin kasabay ng pagpapalit niya sa anyong lobo.

NAUNA na akong umahon sa dalawa mula sa dagat. Dumiretso ako kung saan nakaparada ang aming bike at doon ay kinuha ko ang nakasabit kong tuwalya. Tinuyo ko ang katawan ko at pinagpag ang mga butil ng buhangin na dumikit sa katawan ko.

Bigla-bigla ay nakaramdam ako ng kagustuhang magtungo sa boulevard. Ipinatong ko sa aking balikat ang tuwalya na ginamit ko at saka nagsimulang maglakad patungo sa malawak na boulevard.

Pagkarating ko sa taas ng kalsada ng dalampasigan o ang tinatawag na boulevard ay naagaw agad ng isang magandang babae ang pansin ko. Napatingin din siya sa akin at nang magtama ang aming mga paningin ay parang tinambol sa bilis ng tibok ang puso ko. Bigla tuloy akong nagtaka sa nararamdaman ko.

Nagsimulang maglakad palapit sa kinatatayuan ko ang babae. Sa tingin ko ay abot hanggang dibdib ko lamang ang kaniyang taas. Nakasuot siya ng puting dress na lalong nagpaganda sa kaniya. Hindi ko maintindihan ngunit angat na angat siya sa lahat ng taong nandirito.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay hindi inaasahan ang pagsulpot ng tumatakbong aso sa pagitan namin. Nasagi siya nito at nawalan siya ng balanse. Naging alerto ako sa nangyari at kaagad siyang sinalo.

Dumulas sa kaniyang tuwid at itim na itim na buhok ang kaniyang kulay puting pampusod kaya naman lumugay ang kaniyang buhok. Nakatitig lamang siya sa ‘kin habang sinasalo siya ng mga bisig ko.

Parang may nag-uudyok sa akin na halikan ang kaniyang mga labi ngunit nilabanan ko ang nararamdaman kong iyon. Tinulungan ko siyang makatayo nang maayos. Huminga ako nang malalim at pilit inaalis sa sistema ko ang maling nararamdaman ko para sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Inisip ko na lamang si Jennifer, ang girlfriend ko. Nang maglaro na sa isipan ko ang imahe ng kaniyang magandang mukha ay matagumpay na nawala ang kanina lang ay naramdaman kong ‘pagtingin ba kung tatawagin iyon?’ sa misteryosong babaeng ito.

“Akira,” saad niya sa maamong boses. Sa tono niya ay parang binabanggit niya ang pangalan ng lalaki niyang minamahal.

“Ano?” tanong ko. Hindi ko sigurado kung ako nga ba ang ‘Akira’ na kaniyang tinutukoy.

Ngumiti siya sa akin nang ubod ng tamis. “Natutuwa akong makilala ka, Akira,” saad niya.

“Paano mo ako nakilala?” nagtataka kong tanong.

Hindi na niya ako nagawa pang sagutin nang umakbay sa akin si Jeremy at Lance. Binigyan niya pa ako ng isang matamis na ngiti bago naglakad palayo sa akin. Inalis ko ang braso ng dalawa sa aking balikat at nagsimulang lumakad upang habulin ang babae at pigilan siyang umalis. Ninanais ko pa siyang ikulong sa pagitan ng aking mga bisig at ihiga sa kama na puno ng bulaklak ng rosas. Ngunit napatigil ako sa kalagitnaan ng aking paghakbang.

Ano ba ‘tong ginagawa at naiisip ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Before Us   Espesyal na Kabanata

    NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na r

  • Before Us   Epilogo

    KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha."Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay

  • Before Us   Kabanata XX

    “AMARA!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha. Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya. Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda

  • Before Us   Kabanata XIX

    “Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara. I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan. Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we

  • Before Us   Kabanata XVIII

    Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito. Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo. “Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatiko

  • Before Us   Kabanata XVII

    “AMARA!” Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid. Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan. Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status