LOGINZhai POV
Twenty Years Later..."Boss, may dumating na sulat galing sa isang academy," masayang balita ni Senko habang hawak ang liham.
Kagigising pa lamang ni Jhai noon. Agad niyang kinuha ang sulat at binasa ito. Sa sobrang tuwa, hindi niya namalayang halos masakal na niya si Senko sa yakap.
"Boss... sandali lang..." ani Senko habang ngiwi.
"Oops! Sorry! Masaya lang talaga ako, Senko. Sa wakas, matutupad na ang pangarap kong maging isang teacher."
"Masaya kami para sa inyo, Boss," nakangiting sagot ni Senko.
Masaya ang apat na kasama niya. Kita sa kanilang mga mata ang kasiyahan habang pinagmamasdan si Jhai na nagmamadaling mag-ayos. Ilang sandali pa, nagpaalam na siya.
"Aalis na ako!" masiglang wika ni Jhai.
"Mag-iingat po kayo, Boss!" sabay-sabay na sagot nina Senko, Whang, Luan, at Renko.
Matapos ang personal interview sa school director ng academy, nagtungo siya sa activity hall. Umakyat siya sa gitna ng stage at buong loob na isinigaw:
"Ako si Zhaine, ang magiging teacher ninyo. Simulan na nating abutin ang ating mga pangarap, aking mga estudyante. Pangako—gagawin ko ang lahat upang kayo ay maka-graduate!"
Bago umuwi, dumaan muna siya sa puntod ng kanyang mga magulang.
"Mama, Papa... matutupad ko na ang pangarap niyong maging guro ako. Hindi ko alam kung magiging kasinghusay ko kayo, pero gagawin ko ang best ko. Gusto ko lang maging proud kayo sa akin. Saka Papa, akalain mo bang pinayuhan ako ng director na itago ko raw ang totoong pagkatao ko?” ngiting sabi niya habang kinakausap ang puntod.
"Pero may punto siya. Para bang... kilala niya ako. At parang... kilala ko rin siya. Hay, ewan. Hahaha!"
Ngunit unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon. Mula sa maamong ngiti, naging matalim ang mga mata. Para siyang isang Leon na handang sumalakay.
"Sa oras na magkrus ang landas namin ng taong pumatay sa inyo, Mama at Papa… ipararanas ko sa kanya ang lahat ng hirap na ginawa niya sa inyo. Malas lang niya—hindi nila napatay ang batang Leon!" galit niyang sambit habang nakasuntok ang kanyang mga kamao sa lupa.
"Kring... Kring..."
Tunog ng alarm clock.Marahan niyang kinapa at pinatay ito. "Five minutes pa..." bulong niya habang bumalik sa higaan.
Maya-maya, nagtuturuan sina Senko at Whang kung sino ang gisingin siya.
"Kuya, ikaw na!" bulong ni Whang.
"Dali! Anong oras na 'to? Kapag late na naman si Boss, lagot tayo!" sabat ni Senko.
Nginig at kaba ang bumalot sa dalawa habang dahan-dahan silang lumapit.
"Bo-boss... gi-gising na po kayo... mala-late na po kayo..." udyok ni Senko.
"Alas-siyete na po..." sabay na dagdag ni Whang.
Biglang bumangon si Jhai. Pagtingin sa orasan, alas-siyete na nga!
Naitulak niya ang dalawa sa pagmamadaling maghanda.
"Bakit ngayon n’yo lang ako ginising?!" sigaw niya.
"Kanina pa po namin kayo ginigising, Boss!" depensa ni Senko.
"Ipagpalamanan n’yo na lang ako ng tinapay! Dali! Late na ako!" utos niya.
Nagmadali ang dalawa habang si Jhai ay abalang nagbibihis. Habang naglalakad papunta sa kalsada, kinakain na niya ang kanyang almusal. Rush hour na—mabilis ang agawan ng pasahero sa jeep.
"Saglit! Hintayin n’yo ako!" sigaw niya.
Nang makasakay, napansin niya ang isang lalaking tahimik na nakaupo. Hindi siya pinansin nito, ngunit mula sa araw na iyon, hindi na niya maalis sa isipan ang mukha ng lalaking iyon.
Nagdisguise si Jhai bilang isang old-fashioned at weird-looking high school teacher. Mayroon siyang malalaking bilugang salamin at nakaponytail pa. Sadyang inayos niya ang kanyang anyo upang maitago ang kanyang tunay na pagkatao.
Ang hindi alam ng karamihan: si Jhai ay ang pinuno ng Lion Warriors—isang samahang kinakatakutan sa buong lugar.
Sa edad na lima, naulila siya. Pinatay ang kanyang ama, nadamay ang ina—mismong sa harap niya.
Simula noon, sina Senko, Whang, Luan, at Renko ang naging pamilya niya. Sa murang edad ay nagsanay siya sa pakikipaglaban, hanggang siya na ang humalili bilang pinuno ng Lion Warriors—isang samahan ng mahigit 50 angkan.
Noon, kilala ang grupo bilang mga mamatay-tao at kriminal. Ngunit sa ilalim ng pamumuno ng kanyang ama, si Lion III, pinagbawal ang karahasan, ilegal na droga, at armas. Maraming tumutol—maraming umaklas.
At doon nga pinatay ang kanyang ama.
Ngayon, sa kabila ng responsibilidad bilang lider, pinili ni Jhai ang landas na gustong ibigay ng kanyang mga magulang: ang maging guro.
Tinanggap siya ng All-Boys High Academy—isang paaralang puro lalaki.
Sa faculty room, ipinakilala ng vice principal ang mga bagong guro.
"Ating i-welcome ang bagong teacher natin. Si Ms. Santos, English teacher. Si Ms. Ferrer, school nurse. At si Ms. Tuazon—ang bagong Math teacher at adviser ng Section 12-D."
Laking gulat ng lahat.
"Bakit babae ang magiging adviser nila?" tanong ni Mr. Rodriguez.
Napakunot-noo si Zhaine.
"Bakit? Anong klaseng mga estudyante ba meron sa 12-D?"
Sumagot si Mr. Cruz, "Mga basagulero, walang respeto sa guro, walang alam, at walang pangarap sa buhay."
"In short, mga patapon," sabat ng vice principal.
"O sige. Tanong: sino ang gustong pumalit kay Ms. Tuazon bilang adviser ng 12-D?"
"Babalik na ako sa klase ko," sabi ng isang teacher.
"Ako rin," dagdag ng isa.
Isa-isa silang nag-alisan, at naiwan si Zhaine at ang vice principal.
"Sandali...!" habol ng VP, pero wala ni isa ang tumingin pabalik.
Napailing ito at lumingon kay Zhaine.
"So, Ms. Tuazon..." sabay tapik sa balikat niya, "ituturo ko na sa’yo ang classroom nila. Good luck."
Pagkasabi ni Tyron ay bigla siyang napatingin sa kaniyang nobya. Kaagad n'ya itong binigyan ng upuan. " Mahal, Pagkatapos ng klase sa 12-d, ihahatid na kita sa bahay." " Pero, Mahal." " Ms. Tuazon, huwag kang makulit!! Pinag-bigyan na kita kahapon. Ngayon, ako naman ang dapat na masunod." Wala ng nagawa pa si Zhaine. Hindi na rin s'ya nakipagtalo. Muling bumalik si Kenn sa topic ng klase. " 12-D, yung nangyari kahapon ay inyong kalimutan. Tyron, nasaan na yung upuan na nasira niya?" " Nasa likod, Sir. Inayos na namin iyon kahapon, pati yung mesa."Tumindig si Kenn sa harapan ng section 12-D. Matalas na nagsabi. " Kahapon nakita n'yo kung paano mangamba ang inyong wirdong teacher sa bawat isa sa inyo. Kahapon upang mapigilan niya na madamay ang maraming estudyante. Nilagay niya sa alanganin ang kaniyang buhay. Nakikita n'yo ang itsura niya ngayon. Dahil iyon sa bala ng sumpak na tumama sa kan'yang mga hita at hiwa ng katana. So, ngayon alam n'yo ng lahat kung baki
Pagkatapos nilang makakain ng almusal.. pinainom na muna ni Kenn ang Kaniyang kasintahan. " Mahal, sigurado ka na kaya mong pumasok?" " Oo naman, Mahal. Kaya ko. Ihatid na muna natin itong tatlo na ito sa kani-kanilang bahay. Para hindi gaano mag-alala ang mga magulang nila," malamig na tinig ni Zhaine sa kan'ya. " Kayong tatlo. Tumayo na kayo d'yan para makauwi." Nauna nilang hinihatid si Enrico. Lumabas ang mama at papa nito para salubungin sila. Niyakap ng mag-asawa ang kanilang anak. Lubos na nagpasalamat sa mag-asawa. " Ms. Tuazon, pasok po muna kayo sa loob." Tumango lang ito't nagpaalam si Zhaine sa kaniyang kasintahan. " Mahal, sandali lang." Inalalayan naman s'ya na lumabas ng kotse ni Kenn. Habang nasa loob ng bahay ay puro pasalamat ang sinasabi ng mag-asawa sa kan'ya. " Maraming salamat po sa paghatid sa aking aming anak,"– nakayuko at nahihiya na Sabi ng papa nito. " Walang anuman po, Sir. Mabait naman pong bata si Enrico. Maya agahan mo pumasok.
kinaumagahan. Pagkabangon ni Zhaine agad na bumungad ang nakasimangot na mukha ni Kenn. " Nasaan na yung tatlong pasaway na yon?", tanong ni Zhaine kay Kenn. " Nandoon sa dining table. Kumakain ng Almusal," nakasimangot na sagot nito.. " Mahal, galit ka ba?" Ramdam ni Zhaine na galit sa kan'ya si Kenn kung kaya't sinubukan niyang tumayo upang lapitan at suyuin. " Ano pa sa tingin mo? Gusto mo ba matuwa ako sa nangyari sa iyo, kahapon." Narinig nila ang pagtaas ng boses ni Kenn, nilabas nila ito. " Mahal, pasensya ka na. Iyun lang ang tanging paraan para mahuli ang mga taksil."–paliwanag ni Zhaine habang patuloy na sinusubukang makatayo.Sumagot si Kenn, at tila ba sad'yang tumulo ang kaniyang mga luha. " Lagi mo naman sinasabi sa akin. No choice din kung kailan ka gigising. Kung makakaligtas ka ba o hindi! Mahal, ang bigat-bigat sa pakiramdam na iuuwi ka dito sa bahay na duguan at nanghihina. Gaya nang nag-agaw buhay ka noon na halos ikawala ng aking sarili. Tapos na
Third Person POV Nagmadali sina Senko upang maiuwi sa bahay dahil ang kanilang boss Jhai. Nanghihina na si Jhai dahil sa lason ng sumpak sa kaniyang katawan." Anak, madali ka. Latagan mo ng higaan si Jhai." " Papa, bakit? ano ang nangyari?"— pag -aalalang tanong nito. " Mahal, Senko." –biglang nangimbal na naman si Kenn sa itsura ng kan'yang kasintahan." Ano ang nangyari sa kan'ya?" Nawawalan ng malay tao si Jhai bago ito naiuwi nina Senko.Nakatingin lamang sa kanilang guro sina Gerard , Enrico at Xyle. Agad na nagtungo si Luan at whang sa kusina upang gumawa ng pangotra sa lason ng sumpak." Luan, dalian n'yo," sigaw ni Senko. Samanatalang si Kenn ay kumuha ng damit at basang pamunas para kay Zhaine." Kayong tatlo, tumalikod kayo!! Walang lilingon. "Pinunasan n'ya ang buong katawan nito nang maligamgam na tubig, saka binihisan."Mahal, bibihisan lang kita.""Ako na, Mahal."Tumayo ito, inalalayan na lamang siya ni Kenn. " Dahan-dahan, 'yan kasi."Pagkatapos nitong magbi
Jhai's POV Mas tumindig pa ang tensyon sa bulawaran. Ibang Jhai na ang nakikita ng buong samahan. Marunong siyang bumasa ng galaw. Inilabas ni Luan si Lobo sa harapan ng mga ito. Hindi inaasahan ng buong samahan ng Lion Warrior's ang ipapakita ni Jhai sa kanila. Nang nailabas na ni Luan ang mga ito. Pagdaka'y nagtungo si Jhai sa harapan, dinampot at sinakal ng kaniyang braso si Lobo. Habang nakaharap ito sa lima. Sapilitan niyang pinaluhod ito sa harapan ng lahat. " Lobo, ngayong nasa harapan mo na ang limang iyan. Ituro mo kung sino sa kanila." May hawak na sumpak ang isa sa lima, ito'y alam ni Jhai. Alam din niyang pag-hinarap n'ya si Lobo, papatayin nila ito. Muli n'yang pinatayo si Lobo. Habang nakasakal pa ang kaniyang braso sa leeg nito. Pagdaka'y binulungan n'ya ito ng hindi nalalaman ng lahat. Gusto din niyang mailigtas ang buhay ni Lobo sa Limang tao na nagtaksil sa kan'ya. " Hindi ko maagapan ang iyong buhay kapag di' ka pa nagsalita. Papatay ka nila. May lason
Napagpasyahan ni Zhaine na idiretsyo sina Gerard, Enrico at Xyle sa kaniyang bahay. Nagpalit ng damit: Ang kaniyang black suit na damit na habang paa ang haba nito. Sinuot din niya ang mga suksukan niya ng patalim–sa likod, sa mga hita nito. Bago dumirestyo sa bulawaran. " Kayong tatlo! Walang uuwi sa inyo hangga't di' ko sinasabi. Maliwanag!"– matapang na bilin nito sa kanila. " Mahal, sasama ako sa'yo"–sabi ni Kenn ngunit hindi pumayag si Zhaine. " Mahal, kaya ko na ito. Hindi ka pa p'wedeng humarap sa kanila." " Ngunit, Mahal. Di' ba nakasulat na ang ating pangalan sa talaan? Anong silbi ng simbolo na nasa pin ng aking necktie." " Mahal, makinig ka. Hindi pa nararapat na hiharap ka sa kanila. Huwag muna sa ngayon. Bantayan mo na lang muna ang tatlong iyan. Tawagan mo din Ang papa mo, paki-sabi na may inaayos lang ako." " Senko, Whang, tayo na." " Mahal." Tinitigan lang s'ya nito, saka umalis. Hindi na nagawa pa ni Kenn na pilitin ito. Inabutan lamang niya nga fi