LOGIN"Good morning, guys."
Nakangiting bati ko sa kanilang lahat habang humarap sa klase ng Section 12-D.Pagpasok pa lang niya sa silid, napa-kunot noo siya. Magulo ang paligid, may mga sirang upuan, kalat sa sahig, at parang walang respeto sa eskwelahan ang mga estudyante.
"Kaya siguro walang tumatagal sa mga ‘to. Pero tignan lang natin kung gaano katapang ang mga ‘yan," bulong niya sa sarili habang nililibot ang buong classroom.
Lahat ng estudyante ay napatingin sa kanya. Hindi sila makapaniwala na siya ang magiging adviser nila. Ang inaasahan nila ay yung bagong guro na sexy at moderno ang dating.
"Ay! Akala ko yung sexy na teacher kanina! Hahaha! Siguro wala na silang maipadala kaya itong weirdong old-fashioned na babae ang napunta sa atin," pang-iinsulto ni Joric, na sinabayan ng halakhakan ng buong klase.
Nakaramdam ng kirot si Zhaine, pero pilit niyang kinalma ang sarili.
"Relax, Jhai… akala mo kung sinong mga gwapo. Mas maganda pa ako sa inaasahan nila."
Biglang tumayo si Axl at lumapit sa kanya, matapang na nagbanta.
"Kung ako sa’yo, umuwi ka na."
Kasunod nito, inilabas ng ilan ang kanilang mga baseball bat, tila nais siyang sindakin.
Pero hindi natinag si Zhaine. Tiningnan niya si Axl ng matalim. Sa lakas ng kanyang presensya, napaatras ang binata.
"Oops. Relax lang, guys," malamig niyang tugon.
"Kung gusto n’yo ng pagkakaunawaan, dapat may respeto rin kayo."Bitaw ni Axl sa kanyang damit. Napakamot na lang ng ulo ang mga kaklase.
"Okay, class. Can we start?" tanong niya nang may ngiti, ngunit may awtoridad.
Humarap siya sa blackboard at nagsulat:
"I’m Ms. Zhaine Tuazon. 25 years old. Single."
Bago pa man siya matapos, nagsimulang maghagis ng mga papel at bola ng papel ang ilan. Pero hindi siya natinag.
Isang estudyante sa likod ang palihim na naghagis ng dart bullet sa kanya. Ramdam niya ang paggalaw sa likuran at mabilis siyang umiwas. Tumama ito sa blackboard.
Nagulat ang lahat—paano niya iyon naiwasan?
Para hindi mahalata, sinadya niyang baliin ang chalk, kunwaring pupulutin ito, sabay hinugot ang dart sa board.
"Pati ba naman buhay ko, tinatarget nila?" inis na bulong niya sa sarili.
Tumayo siya at humarap sa klase.
"Oi, sino sa inyo ang naghagis nito? Alam n’yo ba na bala ito ng dart? Delikado ‘to sa matamaan!"
Tahimik ang klase. Lahat ay takot at gulat sa naging reaksyon niya.
Naglakad siya sa gitna ng classroom, seryoso ang mukha. Biglang inihagis niya ang dart—mula sa kinatatayuan niya, tumama ito eksakto sa bullseye ng dart board na ilang dipa ang layo.
"Kung gusto n’yong maglaro, ready ako."
Halos hindi makapaniwala ang buong klase. Tahimik silang lahat habang bumalik siya sa kanyang lecture.
"Okay, may nakakaalam ba ng sagot?"
Dahil hindi pa niya kabisado ang mga pangalan, kinuha niya ang class record at tumawag.
"Hmm... Mr. Roby Recto."
Tumayo ang binata at nagtungo sa harapan. Inakala ni Zhaine na susunod ito, pero laking gulat niya nang makitang isang bastos at nakaka-insultong drawing ang ginawa nito sa blackboard. Nawalan siya ng kontrol at nabali ang hawak niyang ballpen.
Eksaktong tumunog ang bell.
Habang naglalakad siya sa hallway, narinig niya ang usapan ng mga estudyante.
"Pustahan tayo, bukas resign na ‘yon!" ani Clark.
"100 ako!" sabat ni Lorenz.
"May tataya pa ba?" tanong ulit ni Clark habang nagtatawanan.
Hindi nila alam, naririnig sila ni Zhaine mula sa gilid.
"Yan ang akala n’yo..." bulong niya, may pahiwatig ng panibagong plano.
---
Habang pauwi na siya, nadaanan niya ang isang grupo ng kalalakihan na binubugbog ang isang estudyante. Laking gulat niya nang makilala ito—isa sa mga estudyante niya.
"Hoy!!! Mga duwag! Estudyante ko 'yan!" sigaw niya.
"Sino ka ba para pigilan kami?" balik ng isa sa mga lalake.
Samantala, pinilit ni Xian—ang estudyanteng binubugbog—na silipin ang nangyayari. Nang aninagin niya ang mukha ng tumutulong sa kanya, napaisip siya.
"Sino kaya ‘to? Kaboses nung weird naming adviser... pero napakaganda ng babaeng ‘to. Hindi siya ‘yon... o baka... hindi nga ba?"
Habang nakahandusay si Xian, gusto niyang tumulong pero wala siyang lakas.
Naglakad si Zhaine papalapit. Habang nagsasalita ng matapang, inalis niya ang kanyang ponytail at isinunod ang kanyang salamin.
"I’m the adviser of the student you’re hurting. Anong problema?! Alam n’yo ba ang pinakakinaiinisan ko? Ang mga duwag na bumubugbog ng taong walang kalaban-laban! Isa laban sa pito?! Nakakahiya kayo!"
Galit na galit siyang sumugod sa grupo. Isa-isa niyang hinarap ang mga ito, ibinalik sa kanila ang mga suntok at sipa na inabot ng kanyang estudyante.
Pinilit ni Xian na tumayo para tumulong, pero wala siyang lakas.
Nang matumba ni Zhaine ang lahat, agad siyang lumapit kay Xian.
"Teka, tutulungan kitang tumayo."
"Salamat, Miss," mahina nitong tugon.
Inalalayan niya ito at inakbayan. Ngunit bago sila makalakad...
Pak!
Isang matigas na kahoy ang tumama sa likod ni Zhaine.
Pagkasabi ni Tyron ay bigla siyang napatingin sa kaniyang nobya. Kaagad n'ya itong binigyan ng upuan. " Mahal, Pagkatapos ng klase sa 12-d, ihahatid na kita sa bahay." " Pero, Mahal." " Ms. Tuazon, huwag kang makulit!! Pinag-bigyan na kita kahapon. Ngayon, ako naman ang dapat na masunod." Wala ng nagawa pa si Zhaine. Hindi na rin s'ya nakipagtalo. Muling bumalik si Kenn sa topic ng klase. " 12-D, yung nangyari kahapon ay inyong kalimutan. Tyron, nasaan na yung upuan na nasira niya?" " Nasa likod, Sir. Inayos na namin iyon kahapon, pati yung mesa."Tumindig si Kenn sa harapan ng section 12-D. Matalas na nagsabi. " Kahapon nakita n'yo kung paano mangamba ang inyong wirdong teacher sa bawat isa sa inyo. Kahapon upang mapigilan niya na madamay ang maraming estudyante. Nilagay niya sa alanganin ang kaniyang buhay. Nakikita n'yo ang itsura niya ngayon. Dahil iyon sa bala ng sumpak na tumama sa kan'yang mga hita at hiwa ng katana. So, ngayon alam n'yo ng lahat kung baki
Pagkatapos nilang makakain ng almusal.. pinainom na muna ni Kenn ang Kaniyang kasintahan. " Mahal, sigurado ka na kaya mong pumasok?" " Oo naman, Mahal. Kaya ko. Ihatid na muna natin itong tatlo na ito sa kani-kanilang bahay. Para hindi gaano mag-alala ang mga magulang nila," malamig na tinig ni Zhaine sa kan'ya. " Kayong tatlo. Tumayo na kayo d'yan para makauwi." Nauna nilang hinihatid si Enrico. Lumabas ang mama at papa nito para salubungin sila. Niyakap ng mag-asawa ang kanilang anak. Lubos na nagpasalamat sa mag-asawa. " Ms. Tuazon, pasok po muna kayo sa loob." Tumango lang ito't nagpaalam si Zhaine sa kaniyang kasintahan. " Mahal, sandali lang." Inalalayan naman s'ya na lumabas ng kotse ni Kenn. Habang nasa loob ng bahay ay puro pasalamat ang sinasabi ng mag-asawa sa kan'ya. " Maraming salamat po sa paghatid sa aking aming anak,"– nakayuko at nahihiya na Sabi ng papa nito. " Walang anuman po, Sir. Mabait naman pong bata si Enrico. Maya agahan mo pumasok.
kinaumagahan. Pagkabangon ni Zhaine agad na bumungad ang nakasimangot na mukha ni Kenn. " Nasaan na yung tatlong pasaway na yon?", tanong ni Zhaine kay Kenn. " Nandoon sa dining table. Kumakain ng Almusal," nakasimangot na sagot nito.. " Mahal, galit ka ba?" Ramdam ni Zhaine na galit sa kan'ya si Kenn kung kaya't sinubukan niyang tumayo upang lapitan at suyuin. " Ano pa sa tingin mo? Gusto mo ba matuwa ako sa nangyari sa iyo, kahapon." Narinig nila ang pagtaas ng boses ni Kenn, nilabas nila ito. " Mahal, pasensya ka na. Iyun lang ang tanging paraan para mahuli ang mga taksil."–paliwanag ni Zhaine habang patuloy na sinusubukang makatayo.Sumagot si Kenn, at tila ba sad'yang tumulo ang kaniyang mga luha. " Lagi mo naman sinasabi sa akin. No choice din kung kailan ka gigising. Kung makakaligtas ka ba o hindi! Mahal, ang bigat-bigat sa pakiramdam na iuuwi ka dito sa bahay na duguan at nanghihina. Gaya nang nag-agaw buhay ka noon na halos ikawala ng aking sarili. Tapos na
Third Person POV Nagmadali sina Senko upang maiuwi sa bahay dahil ang kanilang boss Jhai. Nanghihina na si Jhai dahil sa lason ng sumpak sa kaniyang katawan." Anak, madali ka. Latagan mo ng higaan si Jhai." " Papa, bakit? ano ang nangyari?"— pag -aalalang tanong nito. " Mahal, Senko." –biglang nangimbal na naman si Kenn sa itsura ng kan'yang kasintahan." Ano ang nangyari sa kan'ya?" Nawawalan ng malay tao si Jhai bago ito naiuwi nina Senko.Nakatingin lamang sa kanilang guro sina Gerard , Enrico at Xyle. Agad na nagtungo si Luan at whang sa kusina upang gumawa ng pangotra sa lason ng sumpak." Luan, dalian n'yo," sigaw ni Senko. Samanatalang si Kenn ay kumuha ng damit at basang pamunas para kay Zhaine." Kayong tatlo, tumalikod kayo!! Walang lilingon. "Pinunasan n'ya ang buong katawan nito nang maligamgam na tubig, saka binihisan."Mahal, bibihisan lang kita.""Ako na, Mahal."Tumayo ito, inalalayan na lamang siya ni Kenn. " Dahan-dahan, 'yan kasi."Pagkatapos nitong magbi
Jhai's POV Mas tumindig pa ang tensyon sa bulawaran. Ibang Jhai na ang nakikita ng buong samahan. Marunong siyang bumasa ng galaw. Inilabas ni Luan si Lobo sa harapan ng mga ito. Hindi inaasahan ng buong samahan ng Lion Warrior's ang ipapakita ni Jhai sa kanila. Nang nailabas na ni Luan ang mga ito. Pagdaka'y nagtungo si Jhai sa harapan, dinampot at sinakal ng kaniyang braso si Lobo. Habang nakaharap ito sa lima. Sapilitan niyang pinaluhod ito sa harapan ng lahat. " Lobo, ngayong nasa harapan mo na ang limang iyan. Ituro mo kung sino sa kanila." May hawak na sumpak ang isa sa lima, ito'y alam ni Jhai. Alam din niyang pag-hinarap n'ya si Lobo, papatayin nila ito. Muli n'yang pinatayo si Lobo. Habang nakasakal pa ang kaniyang braso sa leeg nito. Pagdaka'y binulungan n'ya ito ng hindi nalalaman ng lahat. Gusto din niyang mailigtas ang buhay ni Lobo sa Limang tao na nagtaksil sa kan'ya. " Hindi ko maagapan ang iyong buhay kapag di' ka pa nagsalita. Papatay ka nila. May lason
Napagpasyahan ni Zhaine na idiretsyo sina Gerard, Enrico at Xyle sa kaniyang bahay. Nagpalit ng damit: Ang kaniyang black suit na damit na habang paa ang haba nito. Sinuot din niya ang mga suksukan niya ng patalim–sa likod, sa mga hita nito. Bago dumirestyo sa bulawaran. " Kayong tatlo! Walang uuwi sa inyo hangga't di' ko sinasabi. Maliwanag!"– matapang na bilin nito sa kanila. " Mahal, sasama ako sa'yo"–sabi ni Kenn ngunit hindi pumayag si Zhaine. " Mahal, kaya ko na ito. Hindi ka pa p'wedeng humarap sa kanila." " Ngunit, Mahal. Di' ba nakasulat na ang ating pangalan sa talaan? Anong silbi ng simbolo na nasa pin ng aking necktie." " Mahal, makinig ka. Hindi pa nararapat na hiharap ka sa kanila. Huwag muna sa ngayon. Bantayan mo na lang muna ang tatlong iyan. Tawagan mo din Ang papa mo, paki-sabi na may inaayos lang ako." " Senko, Whang, tayo na." " Mahal." Tinitigan lang s'ya nito, saka umalis. Hindi na nagawa pa ni Kenn na pilitin ito. Inabutan lamang niya nga fi