Chapter One
Third Person Point of View
Habang mag-isa si Zhai sa kanyang silid, malalim ang iniisip nito. Hindi niya maiwasang balikan ang isang bahagi ng kanyang nakaraan—isang alaala na kailanma’y hindi kumupas sa kanyang isipan.
Throwback
“Papa…” umiiyak na tawag ng limang taong gulang na si Jhai habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng shirt ng kanyang ama.
Nagmamadali si Lion noon—wala nang oras. Alam niyang anumang saglit ay matatagpuan na sila ng kanyang mga kaaway.
“Lion! Yuhoo! Lumabas ka na riyan sa pinagtataguan mo!” sigaw ng lalaking marahas na pumasok sa kanilang tahanan.
Takot na takot si Jhai. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Lumuluhang napayakap siya sa kanyang ama habang nanginginig ang katawan.
“Anak… Jhai, makinig ka kay Papa,” mahinahong sabi ni Lion habang pinupunasan ang luha ng anak.
“Huwag kang lalabas dito, kahit anong mangyari.”“Papa, natatakot po ako…” nanginginig na sagot ni Jhai.
Ramdam ni Lion ang kaba at takot sa kanyang anak. Hinawakan niya ito sa balikat at tumitig sa mga mata nito.
“Anak, hangga’t buhay si Papa, hinding-hindi kita pababayaan. Ngunit kung sakali man… ito, ingatan mo.”
Iniabot niya ang dalawang katana.“Po? Ano po ito?” inosenteng tanong ni Jhai.
“Ito ang aking katana… at ang isa ay kay Lolo mo. Simula sa araw na ito, ipinagkakaloob ko sa iyo ang dalawang katana bilang bagong pinuno ng ating samahan. Tradisyon ito, anak. Sa oras ng panganib, kailangang may tagapagmana. Pag-ingatan mo ito. Huwag mong pababayaan.”
Hindi makasagot si Jhai. Tanging “Papa…” lamang ang naibulalas niya habang nanlalambot sa takot.
Pinipilit ni Lion na manatiling matatag. Ayaw niyang makita ng anak ang kanyang pangamba.
“Tandaan mo, anak… mahal na mahal ka ni Mama at Papa. Lumaki kang may dangal at prinsipyo. Magpakatatag ka kahit wala na kami. Alagaan mo ang ating nasasakupan. Magpakalakas ka para sa kanila.”
Hinaplos ni Lion ang pisngi ng anak, saka idinagdag, “Ipitin mo ang bibig mo. Huwag kang iiyak. Huwag kang lalabas, kahit anong marinig o makita mo.”
Dahan-dahan niyang isinilid si Jhai sa loob ng isang lihim na kabinet—espesyal na inihanda para sa ganitong pagkakataon. Saka niya kinandado ito.
Kinuha ni Lion ang kanyang katana at matapang na hinarap ang mga kalaban.
“Nandito ka lang pala! Pinahirapan mo pa akong maghanap!” galit na sigaw ng lalaking sumugod sa kanya.
“Gawin mo na ang gusto mo. Kahit mamatay ako, wala kang mahihita sa akin,” mariing sagot ni Lion.
Bigla siyang sinaktan ng marahas. Bugbog ang katawan, duguan. Kitang-kita ito ng batang Jhai mula sa siwang ng kabinet. Pigil man ang iyak, hindi niya kayang panoorin ang nangyayari.
Namumuo ang galit sa murang damdamin ng bata, at ramdam ito ni Lion.
“Hindi pa panahon!” sigaw ni Lion, isang senyas para sa anak na pigilan ang sariling damdamin.
“Papa…” bulong ni Jhai. Alam niya ang ibig sabihin nito. Hindi siya lumabas, kahit na gusto niyang tulungan ang ama.
Lumapit ang kalaban kay Lion, marahas na hinila ang buhok nito.
“Sumuko ka na. Pirmahan mo ang kasunduang ito. Ikakasal ang anak mo sa anak ko—kapalit, bubuhayin ko siya.”
Ngumisi si Lion.
“Ang nakatakda para sa anak ko ay hindi mo anak. At huli ka na. May bago nang pinuno ang samahan.”“Wala kang kwenta! Kahit patayin kita, ako pa rin ang magwawagi!”
“Hindi! Kahit kailan ay hindi mapapasakamay mo ang samahan. Naipasa ko na ang lahat sa tagapagmana—at siya ang magtatapos sa kasamaan mo!”
Sa tindi ng galit ng kalaban, pinaulanan siya ng bala. Lahat ng iyon ay nasaksihan ni Jhai—ang bawat tama, ang bawat patak ng dugo.
Dalawang kamay na ni Jhai ang hawak sa katana. Nanginginig, ngunit pinipigilan ang sarili. Nangako siya sa kanyang ama—hindi siya lalabas.
Tumigil ang putukan. Muling nagtanong ang kalaban.
“Nasaan ang anak mo?”
Tahimik si Lion. Ilang ulit pa siyang pinahirapan hanggang mapansin ng kalaban ang kabinet.
Nakita ni Lion iyon. Alam niyang nasa panganib na si Jhai. Kahit sugatan, pinilit niyang pigilan ang kalaban.
Ngunit biglang…
“Wiw... wiw... wiw...” —tunog ng paparating na police mobile.
“Boss, paakyat na ang mga pulis!”
“Tsk. Pagsinuswerte ka nga naman, Lion. Babalikan ko ang anak mo.”
Dumating ang mga pulis kasama ang matalik na kaibigan ni Lion—si Rodger. Nahuli na sila. Patay na si Jhai’s mama. Agad niyang hinanap ang mag-ama.
“Pare! Sumagot ka!” sigaw ni Rodger.
Narinig siya ni Lion. Dahan-dahan siyang gumapang, pilit gumawa ng ingay.
Lumapit si Rodger.
“Pare! Sino ang may gawa nito?”
“Pa… pare… pakisuyo… ilayo mo… ang anak ko,” hingal at luha ang kapalit ng bawat salita.
“Saan mo siya itinago?”
“Cabinet… Rood… andoon siya…”
“Nangangako ako. Pero sino ang may gawa nito?”
“Si… si… Blu…” —iyon ang huling salitang lumabas sa kanyang bibig bago siya tuluyang nalagutan ng hininga.
“Hindi, pare! Huwag ka! Gumising ka!” iyak ni Rodger habang niyayanig ang katawan ng kaibigan.
Tinayo siya ng mga pulis. Binuksan niya ang kabinet… At naroon si Jhai—mahigpit na yakap ang katana, matalim ang titig, umaagos ang luha.
“Hiha…” mahinang tawag ni Rodger.
“Huwag kayong lalapit!” sigaw ng bata.
“Hiha… kaibigan ako ng Papa mo. Hindi kita sasaktan,” maamo niyang sabi.
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakuha ni Rodger ang tiwala ng bata. Karga niya ito at dinala sa bahay ng lolo nito, kung saan apat na tauhan ni Lion ang naghihintay.
---
“Pinatay nila ang Papa ko! Pagbabayaran nila iyon!” matapang na pahayag ni Jhai.
“Hiha… darating ang panahon. Pero ayaw ng Papa mong makita kang puno ng galit. Dalhin mo sa puso ang kanyang mga pangaral.”
Lumingon si Rodger kay Senko.
“Senko, may iniwang sulat si Lion sa loob ng katana. Ikaw na ang bahala sa lahat.”
Tumango si Senko.
“Makakaasa ka, Boss Rodger. Aalagan namin siya. Paglilingkuran namin siya tulad ng ama niya. Handa kaming mamatay para sa kanya.”Napangiti si Rodger. Panatag na ang kanyang loob.
“Huwag ka na umiyak, Hiha. Ligtas ka na rito. Alam kong hindi ka nila pababayaan… at darating ang oras—muling magkikita tayo.”
Sa panaginip ni Jhai, ay naroon siya sa isang simbahan habang nakadamit ng pangkasal at lumalakad siya sa ginta kung saan nag-aabang sa kan’ya si Luke--naghinihintay sa altar. Sobra-sobrang tuwa ang kaniyang nararamdaman. Ngunit habang papalit siya sa mismong altar biglang naging si Kenn yung lalaki na naghihintay sa kaniya sa altar bigla naman siyang nagising.Lakiking gulat niya dahil sa pagmulat ng kniyang dalawang mata ay bumungad agad ang napakagwapong binata. Malapit na halos magkadikit na ang kanilang mga mukha: si Kenn katapat, nabigla siya at malakas niyang naitinulak ito. "Ay!” sigaw niya.Napatakbo sina Senko dahil malakas ang pagkasigaw ni Jhai. " Boss!" pag-aalalang tawag ng mga ito.Naabutan na lamang niya na tumatayo si Kenn mula sa kabilang gilid ng sahig sa silid ni Jhai, tinulungan naman nila ito." Ayos ka lang?" tanong ni Whang."Grabe ka, Zhaine,” tanging nasabi na lang nito habang nakahawak sa kanyang balakang." Bakit ka ba kasi nandito sa kwarto ko?"" Gigising
Zhaine’s POVHanggang ngayon ay hindi makawala ang matinding galit sa puso ni Jhai.“ Mama. Papa. Malapit ko ng matunton ang taong kumitil sa buhay ninyo! di ko siya mapapatawad!”Naramdaman nina Senko ang bigat ng kaniyang kalooban dahil sa napakatagal na ng panahon at hindi pa niya nabibigyan ng hustiya ang sinapit nang kaniyang magulang.“ Boss, huwag po kayong mawalan ng pag-asa. At mahahanap din natin ang taong may sala.”“ Alam at nakita mismo ng mata ninyo kung paano ko kinaya ang lahat. Simuala ng namawala ang akng mga magulang. Kayo din ang saksi kung gaano kasakit para sa akin na lumalaki na walang katabing magulang.“ Sigurado, malulungkot ang inyong papa niyan e. Magpahinga na po kayo.”Lumabas na ng kaniyang silid sina Senko upang pagpahingahin ito.Kinabukasan...Maagang pumasok ang buong klase nang section 12-D, upang simulan na ang pag-aayos ng kanilang classroom-- nakita naman ito ng Vice principal at ng ilang teacher. Lahat ay hindi kapaniwala at naninibago sa kanila
Tinanggal niya ng dahan-dahan ang patalim sa palad ng pinuno si Josh upang iparamadam ang sakit at inudagan pa niya ng paulit-ulit na suntok sa mukha nito. " Pagsisisihan ninyo na hindi n’yo pa ako pinatay."Isang sobrang lakas na sipa at hugot sa patalim nito sa kanang kamay ng kaniyang kalaban."Sa uli-uli wag ninyo tatangkain na galawin ang aking mga estudyante. Kun’di mapapatay ko na kayo! “ matapang na sabi nito saka niya tinantanan ito.Bumalik siya sa kinaroroonan ng apat." Axl. Roby. Tulungan ninyo akong alalayan palabas ng warehouse ang apat na ito."Siya na ang nag-alalay kay Kenn. " Umalis na muna tayo dito sa lugar. Maya-maya lang ay darating na ang mga police,” sabi ni Zhaine.Sinalubong agad si Senko ang mga ito dahil sa pag-aalala sa kan’ya." Boss," tawag ni Senko." Senko, dalian nyo at tulungan nyo ako. dalhin natin sila sa bahay." utos niya.Sinakay nila si Zhaine maging ang anim nitong mga estudyante. Si Senko na nagdrive." Kenn, okay ka lang ba ah?" pag-aalalang
THIRD PERSON POVSa tulong ng samahan ng Lion warrior--nahanap nila ang lugar kung saan dinala sina Kenn, Simeon, Xian at Jerry.“ Boss, samahan ka namin.”“ Huwag kayo mag-alala kaya ko, Senko.”“ Mag-iingat po kayo.”Ganoon pa man ay minabuti ng Lion Warriors na sundan ang kanilang pinuno.Sa isang banda, hindi na magawang makalaban nina Kenn dahil sa malalakas at armado ang mga kasama ni Josh."Josh, gusto na namin magbago kaya kami tumiwalag sa grupo.”“ Bakit? di naman kayo mga dating ganyan ah? naimpluwensiyahan na ba kayo ng mga teacher!" sigaw nito.Nagsalita si Kenn kahit namimilipit sa sakit ng kaniyang sikmura buhat ng siya’y hampasin ng bakal ni Josh." P’re, hindi mo nauunawaan dahil ‘di mo pa nakikilala ang bagong teacher natin." sinapa sya uli ni Josh.Nagpilit lumapit si Simeon, para awatin si Josh sa kakasipa kay Kenn."P’re, maniwala ka kay Kenn. Ako ganon din ang pananaw ko dati sa mga teacher, ngunit ng dumating si Zhaine na bago ang isip ko. Masaya pala ang pumaso
Zhaine’s POVHabang naglalakad pauwi si Zhaine ay nakasalubong naman niya si Luke." Ms. Tuazon.”“ Ikaw pala, Luke,” nakaniting sagot nito.“ Gusto ko sana na yayain kang kumain.”" Kasi ang totoo n’yan wala pa kong sweldo. Next time na lang.”" Ako bahala. Treat ko. Samahan mo kong ipagcelebrate ang promotion ko." Lambig na sabi ni Luke habang hinawakan pa nito ang kamay niya.Hindi n’yang magawang makatanggi ng mga sandaling iyon." Kumakain ka ba ng tuhog-tuhog?” tanong ni Luke sa kanya." Ay, oo naman. favorite ko ngayon, e.”Dinala s’ya nito kainan ng streetfoods. Nagkuwentuhan habang kumakain. " Matagal ka na bang nagtuturo?"" Bago lang. Kaka-graduate ko pa lang kasi,” kinikilig naman nitong sagot.Pagharap niya kay Luke may nakita itong nadikit na sauce sa kaniyang bibig.Kumuha agad ng tissue si Luke, dahan-dahan naman siyang pinunasan nito. Habang pinupunasan ni Luke ang kanyang labi ay nakaramdam ng pagkailang si Zhaine. Biglang pumasok si Kenn sa kanyang isipan: ang mukha
Walang nagawa si Zhaine kay Kenn at Simeon.“ Mukang no choice na ko. Bakit kasi ngayon pa ko nagkasakit.”Habang naglalakad sila napapatingin na lang ang dalawa sa kanya dahil sa kaliwa’t-kanan na may bumabati sa kaniya.“ Magandang araw po, Boss,” nakangiting bati ng isang tindera.“ Boss?” pagtatakang tanong ng dalawa.Hindi sumagot si Zhaine, kahit kapirasong salita. Hanggang sa marating nila ang bahay niya.“ Boss, A’kina po yung bag n’yo.”“ Salamat Senko.”Napansin ni Luan ang mga kasama niya.“ Boss, mga estudyante mo ba sila?”“ Oo. Whang puwede mo ba kong ipagtimpla ng Kape? aakyat muna ko’t magpapalit lang ako ng damit. Kayo na bahala dyan sa dalawa. ‘wag ninyo sila itorture ng todo ah.”Pag-akyat ni Zhaine pinapasok ng apat sina Kenn at Simeon.“ Salamat sa paghatid sa kan’ya, ah. Akala namin ay kung napano na siya,” mahinanong sabi ni Senko.Sa pagmamasid sa buong bahay ni Zhaine nakita nila ang isang fLag.“ Anong, Flag po ba iyang nasa dingding?”, marahang tanong ni Ken