LOGINKinabukasan, maagang nagising si Lucianna. Kahit puyat na puyat dahil sa kaiisip, alam pa rin talaga ng katawan niya kung ano ang oras ng kaniyang gising.
Pinakiramdaman muna niya ang paligid. Tumingin pa siya sa dingding na nakapagitan sa kanila ni Victor, bago tumayo. Nang masigurong tahimik pa sa kabilang silid, inalis niya ang mga inilagay panangga sa pintuan kagabi.
Dumeretso siya sa kusina at naghilamos. Matapos doon ay nagtungo na siya sa dalampasigan upang mag-abang ng mangingisda. Hindi naman siya naghintay nang matagal dahil ilang sandali lang ay nagdatingan na rin ang ilan sa mga ito.
“Naku! Talagang baka hindi na mabubuhay iyon,” narinig niyang wika ng mangingisdang si Mang Gusting habang papalapit ang mga ito sa kaniya. Kausap nito ang isa pang mangingisda na si Mang Lito na may bitbit ng mga huli ng dalawa.
“Palagay ko nga, Gusting. Aba’y sino ba naman ang mabubuhay sa ganoong klase,” tugon naman ni Mang Lito na ngumiti sa kaniya nang makita siya. “Magandang umaga, Lucianna,” bati nito sa kaniya. “Bibili ka ba ulit ngayon?”
Mabilis siyang tumango at ngumiti rin dito. “Oho . . . Isandaang piso ho ulit,” tugon niya.
“Mukhang napapalakas ka ’atang kumain ngayon, ah,” komento nito habang iniaabot sa kaniya ang ilang piraso ng isda na katumbas ng halagang binibili niya.
Ang alam kasi ng mga ito ay mag-isa na lang siya sa kanila. Hindi pa naman kasi masiyadong magaling ang kinupkop niyang estranghero kaya hindi pa ito nakikita ng mga taga-isla.
“Medyo nga ho,” pagsakay na lang niya sa biro nito.
“Pero ano sa palagay mo, Lito? Buhay pa kaya ang sakay ng bangkang iyon?” maya-maya’y tanong nang hindi mapalagay na si Mang Gusting.
Bigla namang nagkainteres si Lucianna sa pinag-uusapan ng mga ito. “Sino ho ang ginaganoon ninyo, Mang Gusting?” pag-uusisa niya.
Nagkatinginan naman ang dalawang mangingisda.
“Ala’y may nakita kami kanina doon sa laot na palutang-lutang na mga parte ng nasirang bangka. Sigurado akong patay na ang sakay noon dahil sa lagay nang nakita namin,” napaiiling na tugon nito.
“Ah . . . ganoon ho ba?”
“Hindi talaga sasantuhin ang sakay noon dahil pira-piraso na ang bangka. Nakakaawa tuloy ang kung sinumang hindi pinalad na nagmamay-ari noon. Pimihadong inanod na iyon o ’di kaya ay kinain ng dagat,” sang-ayon pa ni Mang Lito na iiling-iling din.
Natahimik siya at napatingin sa kaniyang barong-barong.
Baka ang estranghero ang ginganoon ng mga ito, aniya sa sarili.
“Sige ho . . . Mauna na ho ako sa inyo,” aniya sa dalawang mangingisda nang muling balingan ang dalawa.
“Sige . . .” sabay na tugon ng mga ito.
Bumalik na ulit siya sa kaniyang barong-barong habang iniisip ang kuwento ng dalawang mangingisda. Napasukan niya roon ang lalaki na nakaupo sa may kusina habang umiinom ng tubig. Paiwas na nagpunta siya sa lababo at inilapag doon ang nabiling isda. Tahimik niya iyong hinugasan habang tinitingnan niya ang lalaki sa sulok ng kaniyang mga mata.
Hindi ito nagsasalita at patuloy lang sa pag-inom na parang may malalim na iniisip. Maya-maya’y tumayo ito at mabagal ang mga hakbang na lumapit sa kinaroroonan niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kut**lyo. Kung ano’t anuman ang gawin nito ay nakahanda siya. Pero inilagay lang nito ang baso sa gilid niya at muling pumasok sa silid na inuukupa nito.
Inis na lumingon siya sa kaniyang kwarto na pinasukan, bago ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Para kasing lumalabas na siya pa ang may gagawing masama rito kung makaakto ang lalaki. Para ding wala itong nakita, na wala siya roon.
“Bastos! Siya na nga itong tinulungan mo, siya pa itong masama kung mag-isip. Isnabero! Hmp!” bubulong-bulong na wika niya sa sarili habang patuloy sa pagkakaliskis ng isda. Ang lahat ng inis ay doon niya naibunton kaya naman halos magkagutay-gutay na iyon nang mahugasan niya.
Nanggigigil na inilagay niya iyon sa kaserola. Nagpadaig muna siya ng apoy saka iyon isinalang tungkuang lupa at kahoy naman ang panggatong.
Kung iiwasan din lang siya ng lalaki, ang maigi pa’y paalisin niya na lang ito kapag magaling na magaling na ito para pareho na silang matahimik. Kung palagi rin lang naman na magdududa ito sa kaniya at ganoon din siya rito, baka lang kung saan mauwi ang lahat. Ayaw rin naman niyang pagsisihan na kinupkop at inalaagaan niya ito. Ginawa niya lang naman ang tama at nararapat, na kung naroroon ang mga magulang ay alam niyang ganoon din ang gagawin ng mga ito.
Pero paano nga ba niya mapaaalis ang lalaki kung wala naman itong kahit anong dala bukod sa suot nito nang gabing iyon? Napailing na lang siya sa sarili at naisip muli ang pinag-uusapan nina Mang Gusting kanina. Hindi nga kaya ito ang sakay ng bangkang ginaganoon ng dalawa?
Muli siyang napalingon sa pintuan ng kaniyang silid. Saka na lang siguro niya ito kakausapin kapag maayos na talaga ito. Sa ngayon, wala siyang ibang magagawa kung hindi ang maghintay na gumaling ang estranghero. Iyon na lang muna ang kaniyang gagaawin. At syempre, mag-iingat din para sa kaniyang sarili.
*
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa kwarto ng mga magulang ni Lucianna, halos kibuin-dili siya ng lalaki. Halata ring dumidistansiya ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Hindi naman niya ito kinakausap kung hindi rin lang kailangan, kaya’t kalauna’y nasanay na rin siya sa malamig na pakikitungo nito.
Makaraan pa ang isang linggong pananatili nito sa kaniyang barong-barong, bumalik na ang lakas ng lalaki bagama’t ang mga sugat sa katawan nito ay hindi pa rin magaling. At gaya ng sabi niya sa sarili, kakausapin niya ito kapag tuluyan na itong magaling.
Nang umagang iyon, medyo nahuli ng gising si Lucianna. Mabilis siyang bumangon at naghilamos. Lumabas siya ng kaniyang bahay upang mag-abang ng mangingisda kung mayroon man. Subalit, mukhang tinanghali na talaga siya dahil halos pasado alas-otso na. Wala ng mangingisda na dumadaan nang ganoong oras. Laylay ang mga balikat na pumasok siya sa bahay upang muli lang mapalabas.
Wala na roon si Victor. Nakaawang ang kurtina ng kaniyang silid at nang sumilip siya roon ay wala ng tao.
Lumabas siyang muli. Iginala niya ang paningin sa dalampasigan. Wala naman siyang makita kahit na anino nito.
“Saan kaya nagpunta ang isang iyon?” tanong niya sa sarili.
Hindi niya maunawaan ang sarili, pero agad na nilukob ng lungkot ang kaniyang puso nang maisip na baka umalis na ito. Kahit papaano kasi ay nabaling ang atensyon niya rito. Naging abala siya sa pag-iintindi sa lalaki at hindi masyadong pumapasok sa isip niya ang kaniyang mga magulang. Napansin niya ring hindi na siya masyadong binabangungot mula nang kupkupin niya ito.
Malungkot na naupo siya sa harap nang may pintuan. Ilang beses siyang nagpakawala ng malalim na paghinga habang nakatingin sa kawalan, hanggang sa matuon ang atensyon niya sa buhanginan sa kaniyang paanan at nilaro-laro iyon ng kamay.
“Baka gusto mong tumayo d’yan upang makadaan ako,” anang baritonong tinig mula sa kaniyang may tagiliran.
Mabilis ang pagbaling ng ulo niya rito. Bahagya pa siyang napangiti nang masilayan ang gwapong mukha ng lalaki.
“Saan ka ba galing?” Agad niyang sinupil ang ngiti at sumimangot, sabay pagpag sa nadumihang kamay bago tumayo.
Itinaas ni Victor ang kamay nito sa halip na sumagot.
Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig doon. “Nangisda ka?!” bulalas niya, hindi pa rin makapaniwala
“Bakit? May mangingisda bang hindi marunong mangisda?” pasupladong wika nito at tinalikuran na siya. Nagtungo ito sa kusina at inilapag sa lababo ang mga nahuli.
Umingos naman si Lucianna at sumunod dito makaraan ang ilang saglit. “Ako na ang bahalang maglinis niyan,” presinta niya. Bahagya pa niyang pinasadahan ito ng tingin.
Hakab na hakab kasi sa katawan nito ang damit ng kaniyang ama. Ang hanggang tuhod na shorts ay inililis pa nito hanggang kalahati ng hita upang hindi siguro mabasa habang nangingisda, kaya hantad na hantad ang ma-muscle at mabalahibo nitong mga binti.
Bahagya siyang napalunok. Pakiramdam niya, nanuyo ang kaniyang lalamunan. May pagmamadali siyang kumuha ng baso at agad na uminom. Takang sinundan naman siya ng tingin ng lalaki.
“Sigurado ka ba na ikaw na’ng mag-aasikaso nito?” blangko ang mga matang tanong nito sa kaniya. Ang gatla nito sa noo ay mas dumami pa habang nakatitig sa kaniya.
Sunod-sunod siyang tumango.
“Sigurado ka ba?” Hindi pa rin kumbinsido ang itsura nito.
Lumakad siya sa tabi nito. “Oo na. Ako na dito.” Sa mga nahuli nito siya nakatingin dahil hindi niya makayang titigan ito nang matagal. Pakiramdam niya kasi natutunaw siya.
“Siguraduhin mo lang na hindi mo dudurugin ang mga iyan,” anito at iniwan na siya roon.
Naiinis na hinabol niya ito ng masamang tingin bago tuluyang makapasok sa loob ng kaniyang silid.
Gigil na hinarap niya ang mga isda at sinimulan ng linisin iyon. Nang matantong nadudurog na naman ang mga iyon sa mga kamay niya ay nagpakahinahon siya. Hindi siya dapat maapektuhan sa mga pinagsasabi ng lalaking iyon.
Dahil marami-rami rin ang huli nito, idinaing niya ang iba at ang iba ay sinabawan. Nang makatapos magluto ay nag-aalangang sinilip niya ang lalaki sa kaniyang silid.
Ngayon niya naisip na mukhang totoo ang sinasabi nito. Na isa talaga itong mangingisda na hindi pinalad noong nakaraan sa laot. Idagdag pa roon ang kuwentuhan nina Mang Lito at Mang Gusting noong isang araw.
Hindi naman basta-basta ang manghuli ng isda kung wala ka talagang kaalaman tungkol doon. Maliban na lang kung sinuwerte lang talaga ito.
Napailing na lang siya sa sarili. Ayon na naman siya sa pag-iisip ng kung ano-ano.
Agad niyang iwinaksi ang mga iniisip at tatawagin na sana ito nang bigla itong lumabas ng kwarto at nagkabungguan sila. Nawalan siya ng balanse.
“Ay!” malakas na tili niya at ipinikit nang mariin ang mga mata. Hinintay niya ang sariling bumagsak sa lupa pero hindi iyon nangyari. Mabilis siyang nahapit ng lalaki sa may beywang at kinabig patungo sa matigas nitong katawam.
“Watch out!” anito nang masalo siya.
Sa pagkakadikit ng mga balat nilang iyon ay parang may gumapang na init mula sa katawan nito papunta sa kaniya, at nagdulot ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Kaagad na inilayo niya ang sarili sa lalaki na animo’y napaso. Nang tingnan niya ito ay salubong ang mga kilay nitong nakatitig sa kaniya.
“A-ah . . . Eh . . . Luto na ang agahan. Kain na tayo,” kandautal na wika niya at agad itong tinalikuran.
Tahimik lang namang sumunod sa kaniya ang lalaki. Maging sa buong durasyon ng pagkain nila ay ganoon din ito.
Pagkatapos makakain ay tumayo na ito at dinala ang pinagkainan sa lababo bago muli siyang hinarap. “P’wede ko bang malaman kung nasaan ang mga damit ko?” seryosong tanong nito.
Madali naman siyang tumango, pagkatapos ay tumayo sa kaniyang pagkakaupo.
“Sandali,” aniya nang hindi ito tinitingnan sa mga mata.
Nagtungo siya sa inuukupang silid at kinuha ang mga damit nito, na nalabhan na rin niya. Kahit na may mga punit iyon ay hindi niya nagawang itapon sapagkat alam niyang hahanapin iyon ng lalaki.
“Ito.” Iniabot niya sa lalaki ang mga damit nito pagkalabas niya. “Tinahi ko na rin ang mga punit niyan,” dagdag pa niya.
Tumango lang naman ang lalaki at nagtungo na muli sa silid niya.
Pinabayaan niya na lang ito at nagligpit na ng kanilang pinagkainan.
Asul na asul ang kalangitan ganoon din ang napakalawak na karagatan. Maraming nagliliparang ibon sa himpapawid habang payapa namang humahalik ang mga alon sa buhanginan.Napakapayapa ng kapaligiran— malayo sa maingay na lungsod. Manaka-naka ay maririnig doon ang matitinis na halakhakan. Animo’y wala ng katapusan pa ang kasiyahang iyon.“Larson, don’t go there, buddy!” ani Lucifer sa tatlong taong gulang nilang anak ni Eleanor. Patungo kasi ito sa tubig.Subalit, hindi ito tumigil kaya napatakbo siya. “Huli ka!” Malakas namang tumawa si Larson. “I told you not to go there. Hindi ka pa sanay na lumangoy sa malalim. Saka, hindi pa ready maligo si daddy.”“Pelo, daddy, usto ko po swim, eh. ’Di po ba pede?” nakikiusap nitong tanong.“Uhm . . .” Nag-iisip na lumingon siya
“Here she is!” narinig niya tili ng kaniyang Mommy Emelie bumubungad pa lang sila ni Lucifer sa entrada ng mansyon ng mga Juarez.“Tita—”“Oh, God! I missed you so much, hija!” agad na putol nito sa sasabihin ng kaniyang asawa. Isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniya.Nagulat man, nakuha pa ring tugunin ni Eleanor ang yakap na iyon. Maya-maya pa, narinig niyang humihikbi ang kaniyang ina.“I’m glad you are safe. I’m glad we found you. I’m so glad that you are already here— with us. Sorry . . . Sorry, my sweetheart. Sorry for everything,” pulit-ulit nitong sambit kasabay ng pagluha, kaya naiyak na rin siya.“Thank you, Lucifer— for never stopping. After all these years, ikaw lang talaga ang nagtyagang hanapin ang anak namin. Kami man ay nawalan na rin ng pag-asang babalik pa si El
Hindi mapakali sa backseat si Eleanor. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi kasi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nagkaharap na sila ng kaniyang pamilya. Natatakot siyang baka hindi ganoon ka-warm ang pagtanggap ng mga ito sa kaniya.Naramdaman niyang may pumisil sa kamay niyang namamawis. Napatingin siya sa katabi.“Relax, honey . . . Huwag mo ring kalimutang narito ako sa tabi mo sa lahat ng sandali,” masuyong wika ni Lucifer.Ngumiti siya rito, halatang pilit. “Hindi mo naman siguro maiaalis sa akin na kabahan. Ito ang unang beses na makikilala ko sila. Kahit pa naman sabihing kilala ko na si Kie— I mean . . . kuya, hindi pa rin ako mapalagay. Paano kung iba pala sila? Paano kung iyong impostor na Eleanor na iyon ang gusto nila? Sabi mo nga, hindi agad sinabi ni mommy ang totoo dahil ayaw niyang mawala ang kasiyahan nila.”“Tsk! Hindi mangyayari iyon. Alam naman na nila ang totoo. At para matigil ka na sa kaiisip mo, ako na ang nagsasabi sa ’yo— excited na silang la
Naalimpungatan si Eleanor nang maramdamang may nakatitig sa kaniya. Agad na nanayo ang mga balahibo niya sa buong katawan. Kagyat ding napamulat ang kaniyang mga mata. She then met a longing gaze. The gaze she was missing for all this time.Agad ang pagbaha ng emosyon sa kaniyang dibdib. Walang sabi-sabing yumakap siya nang mahigpit sa katabi kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.Oh, she missed him! She missed him terribly!Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kaniya. “I’m sorry. Gusto ko rin namang hayaan ka muna— hintayin ang kusa mong pagbabalik, pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawalay sa iyo nang napakatagal na panahon. Mamama**y ako, El . . . Mamama**y ako,” bulong nito sa tenga niya, paulit-ulit.Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakayakap dito, umiiyak— ninanamnam ang mga sandaling iyon, ninanamnam ang init na hatid ng katawan nito. Ang pamilyar
Huminga siya nang malalim at tumingin dito. “Kaya mo bang pat**in ang sarili mong kapatid?” deretsahang tanong niya.Nag-isang linya ang mga kilay nito. “Ano ba’ng sinasabi mo?”“I have all the evidence here. Kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mawala siya, ibibigay ko ito sa ’yo. Kung hindi naman, huwag mo ng asahan na makikita mo pa siyang buhay. Dahil ako mismo ang tatapos sa kaniya,” mariing wika ni. Hindi niya rin mapigilang mag-apoy ang mga mata sa galit.Nakita niyang nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Pagkatapos, tumingin ito sa kaniya.“Alright . . . Give it to me.”Napataas ang isang kilay niya. “Ganoon kadali? Are you sure kaya mong gawin ang nais ko?”Tumayo ito at tumingin sa kawalan. “Do you want an honest answer?”“Yes. Iyon la
Panay ang buntonghininga ni Eleanor habang nakatitig sa apoy na tila nagsasayaw sa tungkuang lupa. Kasalukuyan siyang nagluluto ng kaniyang agahan, pero lagpas alas-diyes na ng umaga. Madalas ay ganoon ang rutina niya sa isla mula nang umuwi siya roon. Gigising ng tanghali, matutulog ng madaling araw. Minsan pa, hindi talaga siya dalawin ng antok.Tila wala sa sariling binuksan niya ang kalderong nakasalang. Bigas ang laman niyon, pang buong maghapon na niyang kainan. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka pati pagkain ay katamaran na niya. Palagi kasi siyang walang gana, palaging tulala, at palaging malungkot. Alam naman niya kung ano at sino ang dahilan niyon, hindi niya lang magawa pang tanggapin ang lahat.Muli niyang ibinalik ang takip ng kaldero nang makitang hindi pa naman kumukulo iyon. Dahil sa pagiging lutang niya, hindi niya naisip na kasasalang pa lang niya sa niluluto at kalahating oras pa ang hihintayin niya bago maluto iyon.







