Share

CHAPTER 6

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2025-09-11 08:00:17

Iika-ikang lumabas ng silid si Lucifer nang magising siya kinabukasan. Hinahanap niya si Lucianna pero wala ito roon.

Iniikot niya ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Magkasama na ang kusina at sala niyon. May upuan lang na pahabang kawayan sa sala at lamesang yari din sa kawayan na may nakapatong na halaman, kaya niya nalamang sala nga iyon. Ang kusina naman, may kahoy na lamesa at tatlong upuang kahoy rin. May maliit na lababo kung saan naroon na ang lahat: mga plato, gamit sa pagluluto at mga condiment kagaya ng mantika, toyo, asin, suka, sibuyas at bawang na nakalagay sa isang maliit na basket at kung ano-ano pa. Katabi ng lababo ang isang tungkuan na yari naman sa lupa. Napakaliit ng bahay na iyon, ngunit napakalinis. Wala ring masiyadong gamit kaya maaliwalas tingnan.

Ngunit, kahit dalawa ang silid ng bahay ni Lucianna, mas malaki pa rin na di-hamak ang kabuuan ng kwarto niya roon. Pero nagtataka pa rin siya kung mag-isa nga ba roon ang babae. Naisip niya na ang suot niyang damit ay panlalaki, ibig sabihin, may kasama itong lalaki roon.

Siguro, tama ang hinala niyang nasa laot ang asawa nito at hindi pa umuuwi. Baka nga buwanan itong umuwi kaya malakas ang loob ng babae na patuluyin siya roon. Kasi kung hindi naman, hindi ba ikagagalit iyon ng asawa nito kung nagpatuloy ito roon ng isang lalaki? Lalo pa at ang lalaki na iyon ay isang estranghero?

Napailing na lang si Lucifer. “Bakit ba panay ang isip ko kung may kasama siya o wala? Kung may asawa siya? Hindi ba ang dapat na iniisip ko ay kung paano ako makatatawag kay Leonard?”

Naiinis sa sariling lumabas siya ng bahay. Hinayon ng kaniyang mga mata ang dalampasigan at doo’y nakita niya ang hinahanap na nakatalikod sa kaniya habang pinagmamasdan ang papasikat na araw. She looks so sad kahit na hindi niya nakikita ang mukha nito. At mula sa kinatatayuan niya, ramdam na ramdam niya ang pangungulila nito.

Pero kanino?

Sino?

Napailing na lamang siya nang walang maisagot doon. Babalik na sana siya sa loob nang mapadako ang tingin niya sa may buhanginan. Salubong ang mga kilay na yumukod siya habang sapo-sapo ang nanakit pang tiyan dahil sa natamo niyang mga bugbog. Dinampot niya ang kakatwang bagay na iyon sa lupa.

Biglang nagbago ang anyo ni Lucifer nang mapagmasdan iyong maigi. His instinct says a lot of things, kaya minabuti niyang suriing maigi ang barong-barong na kinaroroonan. Then, he saw some marks on the walls. Mga daplis na tama ng bala iyon.

Bumalik siya sa silid na tinutuluyan pero wala namang kakaiba roon, kaya lumabas siyang muli at ang kabilang silid naman ang sinuri; na may pintong yari sa kahoy. There he saw bloodstains scattered on the walls na hindi naman masyadong naalis nang linisin iyon. Natuyo man ang mga dugo, pero nasisiguro niyang may kakaibang nangyari sa bahay na iyon.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” anang nabiglang babae nang mapasukan siya sa silid.

“What happened here?” tanong niya na hindi pinansin ang tanong nito. Iginala niyang muli ang mga mata sa buong kwarto, pagkatapos ay may pagdududang tiningnan niya ito sa mga mata. “Sino kang talaga?” Ang pagdududa sa kaniyang mga mata ay napalitan ng galit.

Hindi niya gustong mag-isip ng masama. Wala namang ipinakita sa kaniya ang babae kung hindi kabutihan. Pero siya si Lucifer Fernandez, lider ng pinakakilalang mafia organization sa bansa. Marami ang gustong magpapa**y sa kaniya. Mga kalaban niya, o ang mga taong may kinalaman sa mga ipinapa**y niya o siya mismo ang pu**tay— na lahat ay gustong gantihan siya.

Baka naman hindi lang talaga nagkataon na sa bahay nito siya napunta, o doon mismo sa islang iyon. Baka naman may binabalak ang mga may kagagawan ng pagdukot, pambubugbog at paghulog sa kaniya sa dagat, sa babaeng kaharap niya sa mga sandaling iyon. Baka tauhan din ito ng gustong magpa**tay sa kaniya. O baka naman ito talaga ang gustong pu**tay sa kaniya.

Nagngalit ang mga bagang ni Lucifer sa naisip. Kailanman ay hindi niya ninais na magpalinlang sa kung sino— lalo na sa isang babae. Lalo na kung nakikita niyang mahina ito. He knew that it was all just a prod. Kunwari lang ang lahat ng iyon. At ang mas ikinagagalit niya, nagpadala siya. Ang dating Lucifer na hindi naman basta-basta nagtitiwala sa kung sino-sino ay ibinaba ang kaniyang depensa dahil lamang sa isang babaeng akala niya ay mahina!

Ha! You’re a fool!

Unti-unti siyang humakbang palapit kay Lucianna. Bahagya naman itong napaatras at hindi makatitig nang deretso sa kaniya.

“Answer me or I’ll break your neck!” Hinaklit niya ito sa braso nang makalapit siya rito.

Napaigik ito at mariing pumikit. Tumaas-baba rin ang dibdib nito bago muling nagmulat ng mga mata. “Ano ba’ng pinagsasabi mo? Ikaw, sino ka ba talaga? Bakit ganiyan ka kung magsalita? Mangingisda ka bang talaga?” balik tanong nito. Halata sa tinig nito ang nadaramang takot, maging ang mga mata nito ay ganoon din.

Ngunit, ang hindi niya maunawaan ay kung bakit ganito itong kumilos at manalita. Para bang sadyang may kinatatakutan ito at hindi niya alam kung ano o sino iyon. Dama rin niya ang panginginig ng katawan nito. Kahit ang labi nito ay nangangatal din. At habang hawak niya ang braso nito, ramdam niya ang panlalamig nito.

Bahagyang lumambot ang anyo niya kasabay ng isang malalim na buntonghininga. Pagkatapos, dahan-dahan niyang pinakawalan ang braso nito. Kitang-kita niya ang paghugot nito ng hangin sa dibdib at ang pagkahawak nito nang mahigpit sa gilid ng pintuan.

“I’m . . . sorry. I mean— pasensya ka na. Siguro hindi pa lang talaga ako magaling kaya ganito akong mag-isip,” pagsisinungaling niya para hindi matakot nang husto ang babae.

Mahina pa siya pero kaya na naman niyang lumaban. Kung may gagawin mang masasama sa kaniya ang kasama, hindi ito magtatagumpay. Sisiguraduhin niya iyon. At sisiguraduhin niya ring ididistansya ang sarili rito. Mahirap na. Palaging nasa huli ang pagsisisi.

 Nilagpasan niya ito at muling bumalik sa silid na tinutuluyan. Nahiga siya roong muli habang nakatingin sa kurtinang aninag naman ang tao sa labas. Nakita niya ang babaeng naglakad patungo sa kusina. Narinig niya rin ang kalantugan doon ng kaldero at kaserola. Magluluto na siguro ito ng hapunan nila.

Muling napabuntonghininga si Lucifer. Hindi niya alam ang totoong intensyon ng babae kung bakit siya nito tinutulungan, pero sigurado siyang may kakaibang nangyari sa bahay na iyon. He was not a kind of person who overthinks and made a lot of guesses from what was happening around him. Mabilis siyang mag-isip, madali ring gumawa ng desisyon. Ngunit hindi niya talaga mapigilan ang sarili. There’s a mysterious air surrounding that place— surrounding that woman. At hindi niya ma-pinpoint kung ano iyon.

But still, deep inside him, he has doubts kung kaya nga ng babaeng na gawan siya ng masama. There was something in her na hindi pa niya nararamdaman kahit kanino and her innocence was so pure.

For f**k’s sake, Lucifer! Inosente? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? O talaga lang nasisiraan ka ng bait? Ano ba’ng nangyayari sa iyo? Bakit pabago-bago ang isip mo? Is she really that beautiful that bothers you? O baka naman mahina ka ngang talaga? Baka nga mali ang ama mo na ipamahala sa iyo ang organisasyon dahil diyan sa mga iniisip mo. Kung may makaririnig lamang sa nilalaman ng isip mo, tatawanan ka na. Dahil ganoon ka sa mga sandaling ito— nakakatawa! Litanya ng isang tinig sa kaniyang isip.

Napailing siya. Hindi na nga talaga niyang maunawaan ang sarili. At kapag ganoong naaapektuhan, kailangan niyang mas doblehin pa ang pader sa pagitan nila ni Lucianna. Dahil kung hindi, baka masiraan siya ng bait nang tuluyan.

SA kabilang silid naman ay nanghihinang napakapit sa may pintuan si Lucianna. Kakaibang panginginig ng katawan ang naidulot ng lalaking estranghero iyon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit sa isang iglap ay parang naging mabangis ito at tila pa**tay ng tao. Tama ba ang hinala niya na isa itong masamang tao? Na hindi ito mapagkakatiwalaan? Na isa pala talagang malaking pagkakamali na tinulungan niya ito?

Sa naisip ay lalo siyang kinilabutan. Sariwa pang lahat sa kaniya ang nangyari sa kaniyang mga magulang. Sariwang-sariwa na ultimo amoy ng dugo ng mga ito at ang panlalamig ng mga katawan ay naaamoy at nadarama pa niya. Hindi iyon basta-basta mawawala sa kaniya, kaya hindi niya maiwasang ikonekta roon ang lalaki.

Kung sakali man at totoo ang hinala niya, kailangan niyang mag-ingat. Hindi siya mangingiming labanan ito kung iyon ang kinakailangan. Lalaban siya hanggang sa huling hininga niya. Iyon lang ang magagawa niyang ganti sa kaniyang mga magulang na promutekta sa kaniyang buhay. Kailangan niyang mabuhay para sa mga ito, para sa sarili, at para sa hustisyang suntok pa sa buwan kung matatamo niya ngang talaga.

Ilang sandali rin siyang nanatili sa pagkakatayo niyang iyon sa may pinto, bago sinulyapan ang katabing silid. Kung sino man ito o kung may binabalak man itong masama, hindi ito magtatagumpay.

Isinara niyang mabuti ang pintuan ng silid ng kaniyang mga magulang. Kahit natatakot siya dahil doon namatay ang mga ito, wala siyang pagpipilian kung hindi ang matulog doon dahil hindi naman sila puwedeng magsama ng lalaki sa kwarto niya. At baka mas lalo namang ikapagtaka nito kung sa salas siya matutulog.

Naglagay siya ng lamesa at upuang kahoy sa nakasarang pinto upang ipangsangga at mahirapan ang sinuman na magbubukas niyon. Sinigurado rin ni Lucianna na magigising siya oras na magtangka ang lalaki na pumasok doon.

Marahan ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa papag na higaan. Tiningnan pa niya dingding na nakapagitan sa kanila ng lalaki. Para bang nakikita niya ito roon, larawan ang matinding galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

Kinilabutan siya at madaling ipinilig ang ulo. Pagkatapos, kaagad siyang nahiga. Nakipagtitigan muna siya sa bubungan bago bumaling sa pinto. Hindi niya magawang ipanatag ang sarili. Minu-minuto, napapipitlag siya kapag may naririnig na kaluskos sa labas. Ni hindi rin niya magawang kumurap. Dahil sa isip niya, oras na kumurap siya, buhay niya ang magiging kapalit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eyyang Aspiras Estoque
Update naman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 6

    Iika-ikang lumabas ng silid si Lucifer nang magising siya kinabukasan. Hinahanap niya si Lucianna pero wala ito roon.Iniikot niya ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Magkasama na ang kusina at sala niyon. May upuan lang na pahabang kawayan sa sala at lamesang yari din sa kawayan na may nakapatong na halaman, kaya niya nalamang sala nga iyon. Ang kusina naman, may kahoy na lamesa at tatlong upuang kahoy rin. May maliit na lababo kung saan naroon na ang lahat: mga plato, gamit sa pagluluto at mga condiment kagaya ng mantika, toyo, asin, suka, sibuyas at bawang na nakalagay sa isang maliit na basket at kung ano-ano pa. Katabi ng lababo ang isang tungkuan na yari naman sa lupa. Napakaliit ng bahay na iyon, ngunit napakalinis. Wala ring masiyadong gamit kaya maaliwalas tingnan.Ngunit, kahit dalawa ang silid ng bahay ni Lucianna, mas malaki pa rin na di-hamak ang kabuuan ng kwarto niya roon. Pero nagtataka pa rin siya kung mag-isa nga ba roon ang

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 5

    Maghapong muling nakatulog si Lucifer sa isang maliit na silid, kung silid nga bang matatawag iyon. Halos kasing laki lang kasi iyon ng banyo niya sa mansyon nila. Ang papag na kaniyang kinahihigaan ay yari sa kawayan na ni wala man lang kutson at banig lang ang sapin. May maliit iyong bintana na may kurtinang halatang lumang-luma na. Walang kuryente at ilaw na de-gas ang gamit. Ang dingding ng buong kabahayan ay yari sa sa pinagdikit-dikit na kawayan, habang pawid naman ang bubungan. May isa roong maliit na aparador na alam niyang lagayan ng damit. At sa tabi nang hinihigaan niya, isang lamesang yari din sa kawayan ang naroon kung saan may nakalagay na kung ano-ano.He breathed, in and out. Mabagal lang niya iyong ginawa dahil bukod sa masakit pa ang buong katawan niya, kumikirot din ang kaniyang mga sugat. Hindi pa talaga siya magaling, nagpilit lang siyang bumangon kanina para alamin kung nasaan siya. Akala nga niya hindi na siya makaliligtas pa. Mabuti na lang at may isla siyang p

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 4

    Hindi pa rin gumagalaw si Lucianna sa kaniyang kinatatayuan. Pabali-balik ang tingin niya sa barong-barong nila, pagkatapos ay sa taong nakalutang sa dagat. Dahil sa nangyari sa ama’t ina niya, nagkaroon na siya ng takot sa mga ganitong bagay. Baka kung sino na lang ang taong ito at mapahamak pa siya. Maaari ring isa ito sa mga lumusob noon sa kanila.O baka naman isang simpleng mangingisda lang na dinaanan ng masamang panahon sa pamamalakaya at nangangailangan ng tulong, bulong ng kabilang bahagi ng kaniyang isip.Sa naisip, mabilis siyang lumusong sa tubig. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang mapatigil muli. Hindi nga pala siya marunong lumangoy! May ilang dipa pa ang layo nito sa kaniya at medyo may kalaliman pa ang parteng iyon na kinaroroonan nito.Ilang sandali rin siyang nag-alinlangan kung sasagipin pa ba niya ito o hindi, dahil baka siya naman ang mapahamak. Hindi niya alam kung bakit, pero kahit tagaroon sila sa tabing dagat, hindi niya nakuhang mag-aral na lum

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 3

    “What’s the matter?” kunot-noong tanong ni Lucifer kay Leonard nang bigla silang tumigil sa gitna ng ilang na lugar sa may bahagi ng Quezon province. May importante siyang nilakad doon kasama ang kanang kamay.“Sandali lang, boss. Check ko lang sa labas,” anito sabay baba ng kotse.Ngunit, hindi pa man nakaaapak ang mga paa nito sa lupa, bigla na silang pinaulanan ng bala. Mabilis na yumuko si Lucifer. Isinara naman agad ni Leonard ang pintuan ng kotse. Pagkatapos, sabay pa silang dumukot ng kani-kanilang b**il at nakipagpalitan ng putok sa mga nasa labas.“Ahh! Sh*t!” palatak ni Lucifer nang madaplisan ito ng bala sa may balikat.Binuksan niya ang kabilang bahagi ng kotse at doon payukong lumabas. Medyo madilim na rin ang paligid kaya hindi niya gasinong maaninaw ang mga bumab**il sa kanila.Maya-maya’y narinig niya ang bahagyang pag-ungol ni Leonard. Mabilis niya itong nilapitan at nakita niyang may tama ito ng bala sa tagiliran.“Sh*t! Sh*t!” sunod-sunod niyang pagmumura habang haw

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 2

    “Are you sure about this information?” seryoso ang mukhang tanong ni Lucifer sa kaniyang kanang kamay na si Leonard, habang binabasa ang laman ng envelope.Nasa opisina niya ito sa loob ng FGC Building o Fernandez Group of Companies Building. A multibillion company with the biggest textile factories and bevearages in the country. Their company also owned multiple malls and banks, inside and outside Metro Manila, and an IT and security agency based in Metro.Ngunit lahat ng ito ay front lang sa totoong business ng mga Fernandez. Dahil bukod sa mga nabanggit, ang angkan nila ang may pinakamalaki at pinakamalawak na underground organization sa bansa, ang Code of the Revenant Order, na matagal ng namamayagpag hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga karatig bansa sa Asya.“Yes, boss,” tugon nito kasabay ng pagtango.Tinitigang mabuti ni Lucifer ang isang larawan, pagkatapos ay ang mga batang paslit na nasa loob ng isang malaking container van. Pinaraanang muli ng kaniyang mga mata an

  • Behind The Mafia's Mask   CHAPTER 1

    “Habulin mo ako!” anang batang lalaki na walang mukha na kumakaway sa batang babae pagkatapos ay mabilis na tumakbo. “Bilis! Habulin mo ako!” sigaw nito habang papalayo nang papalayo sa batang babae, hanggang sa bigla na lang naglaho ito.Maya-maya’y biglang nagdilim ang paligid at nakarinig ang batang babae ng malakas na pag-iyak. Nagtaka pa ito nang makita ang sarili habang buhat-buhat ng armadong lalaki. Iyak ito nang iyak pero muli ring naglaho at napalitan ng napakadilim at napakalalim na tubig. Hindi ito makahinga. Para itong sinasakal nang mga sandaling iyon. Saklolo! sigaw nito ngunit tila walang salitang lumalabas sa bibig.Sak—Unti-unting lumubog ang ulo nito. Hinihigop ito ng tubig pailalim— pailalim nang pailalim. Hindi ito makagalaw hanggang sa tuluyan itong hindi makahinga.“Hah! Hah! Hah!” Humihingal na kaagad na bumangon si Lucianna. Hindi maipaliwanag ang nadarama niyang takot sa didbib habang hawak ang kaniyang leeg at mahigpit iyong hinahagod. Halos lumabas din a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status