Share

Chapter 3

Author: Eckolohiya23
last update publish date: 2026-10-08 16:42:57

"Sino ka?! Sino ang nagpadala sa'yo?!"

Ang garalgal at nagbabantang boses ni Ceejay ay tila yelong tumusok sa gulugod ni Alessandra. Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ng dalaga. Rinig na rinig niya ang mabigat at mabilis na paghinga ng lalaki sa ibabaw niya. Ang mga mata nitong kasingdilim ng gabi ay walang kahit anong bakas ng awa.

Kahit duguan at nanghihina, ang bigat ng katawan ni Ceejay ay sapat na para hindi makapanlaban si Alessandra. Naramdaman ng dalaga ang init ng balat ng estranghero na nakadikit sa kanyang manipis na damit, kasabay ng panginginig ng sarili niyang mga tuhod.

"W-wala..." nanginginig na sagot ni Alessandra, pilit na lumulunok kahit tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. "Wala akong kilalang nagpadala sa'yo... P-parang awa mo na, bitawan mo ako. N-nakita lang kita sa labas... sa tabi ng poso! D-duguan ka kaya dinala kita rito!"

Mas lalong idiniin ni Ceejay ang kanyang sarili, sinusuri ang bawat reaksyon ng babaeng nasa ilalim niya. Sanay siyang magbasa ng mga tao—mga sinungaling na negosyante, mga traydor na board members, at mga bayarang kriminal. Ngunit sa mga mata ng babaeng ito, wala siyang nakitang panlilinlang. Ang nakita niya ay purong takot. Inosenteng takot.

Bahagyang inilibot ni Ceejay ang kanyang paningin nang hindi inaalis ang bigat sa dalaga. Nakita niya ang maliit at tagping-tagping kwarto. Ang manipis na dingding na yari sa plywood, ang nag-iisang gasera na nagbibigay ng liwanag, ang palanggana ng tubig na namumula na sa sarili niyang dugo, at ang nakakalat na first-aid kit.

Bumalik ang tingin niya kay Alessandra. Napansin niya ang maliliit na luha na namumuo sa gilid ng mga mata nito, at ang panginginig ng mapupula nitong labi.

Isa lang siyang hamak na kasambahay, kalmado ngunit mabilis na kalkula ng utak ni Ceejay.

Agad na gumana ang survival instincts ng bilyonaryo. Kung malalaman ng babaeng ito na siya si Ceejay Xavier Altamonte, ang nawawalang bilyonaryo na pinaghahanap ng isang malaking sindikato, tiyak na mapapahamak ito. At kung gagamit siya ng telepono para kontakin ang kanyang mga natitirang tauhan sa Maynila, madaling mata-trace ng kanyang stepbrother ang lokasyon niya. He was in enemy territory, and he had no one to trust. He needed to disappear. He needed to be a ghost.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ni Ceejay sa pulso ni Alessandra.

Sa isang iglap, iniba niya ang kanyang ekspresyon. Mula sa isang nanlilisik at mapanganib na halimaw, bigla siyang pumikit nang mariin at umarte na tila inaatake ng matinding sakit sa ulo. Binitawan niya si Alessandra at dumapa pabalik sa kutson, hawak ang kanyang sintido habang umuungol sa sakit.

"Ahhh!" daing ni Ceejay, sinasamantala ang totoong kirot ng kanyang sugat upang maging kapani-paniwala ang kanyang pag-arte.

Mabilis na gumapang palayo si Alessandra, hawak ang namumula niyang pulso. Humihikbi siya dahil sa takot, ngunit nang makita niyang namimilipit ang lalaki sa kama, nanaig ang natural niyang kabaitan. Kahit nanginginig, dahan-dahan siyang lumapit muli rito.

"A-ayos ka lang? Y-yung sugat mo, bumubuka..." nag-aalalang wika ni Alessandra.

Bumangon nang bahagya si Ceejay, nakasandal sa unan. Tiningnan niya si Alessandra nang may pinaghalong pagkalito at blangkong ekspresyon. Magaling siyang magtago ng emosyon, at ngayon, ginagamit niya ang kakayahang iyon para magpanggap.

"Nasaan ako?" tanong ni Ceejay, ginawang mahina at naguguluhan ang kanyang boses. "Sino ka?"

Naguluhan si Alessandra. "Nasa hacienda ka ng mga Lopez. Ako si Alessandra. A-ako ang nakakita sa'yo sa labas. Duguan ka..." Tinitigan siya nang mabuti ng dalaga. "Hindi mo ba maalala? Sino ba ang bumaril sa'yo? Anong pangalan mo?"

Nagkunwari si Ceejay na pilit inaalala ang mga nangyari. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mariing umiling. "Hindi... Hindi ko alam. Wala akong maalala. Wala akong... kilala."

Napatakip ng bibig si Alessandra. "Amnesia? Baka nabagok ang ulo mo nang tumalon ka kung saan man... Teka, titingnan ko kung may ID ka sa mga damit mo."

Akmang kukunin ng dalaga ang sira-sirang suit jacket sa sahig, ngunit mabilis na nagsalita si Ceejay. Alam niyang nandoon ang wallet niya, at kahit wala itong ID na may pangalan ng kumpanya, may mga black cards iyon na hindi pwedeng makita ng isang simpleng probinsyana.

"Wala akong dalang kahit ano," mabilis at malamig na pigil ni Ceejay, bahagyang nakalimutan ang pag-arte niya bilang mahina. "Xavier."

Napatigil si Alessandra at lumingon sa kanya. "P-po?"

"Xavier," pag-uulit ni Ceejay, kinukuha ang kanyang ikalawang pangalan. "Tingin ko... Xavier ang pangalan ko. Iyon lang ang naririnig kong umaalingawngaw sa isip ko."

"Xavier..." pabulong na inulit ni Alessandra. Tumango-tango ang dalaga, tila nakumbinsi. Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama. Inabot niya ang noo ng bilyonaryo para kapain kung may lagnat ito. "Mataas pa rin ang lagnat mo, Xavier. Kailangan ko nang tapusin ang pagbabalot ng sugat mo bago ka maubusan ng dugo."

Nang dumampi ang malambot at malamig na palad ni Alessandra sa noo ni Ceejay, isang kuryente ang biglang gumapang sa buong sistema ng lalaki. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. May kung anong kakaibang init na umakyat sa kanyang batok. Naaamoy niya ang simpleng sabon na ginamit ng dalaga—amoy ng sampaguita at malinis na hangin. Napaka-inosente. Napakabango.

Para sa isang bilyonaryong sanay sa mga babaeng amoy mamahaling pabango, ang simpleng presensya ni Alessandra ay nagdulot ng hindi pamilyar na panginginig sa kanyang kalamnan. Nag-panic ang loob niya. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Dahil torpe at hindi alam kung paano i-handle ang kakaibang kaba, mabilis na tinabig ni Ceejay ang kamay ni Alessandra. Hindi naman malakas, ngunit sapat na para magulat ang dalaga.

"Kaya ko ang sarili ko. Huwag mo akong hawakan kung hindi kailangan," malamig at masungit na utos ni Ceejay. Ibininalik niya ang kanyang "CEO aura" para itago ang naghuhuramentadong dibdib niya. Kunot na kunot ang kanyang noo, hindi makatingin nang diretso sa mga mata ng dalaga.

Napakurap si Alessandra, bahagyang nasaktan sa katarayan ng lalaking niligtas niya. "S-sige. Ilalagay ko na lang itong gasa, tapos hindi na kita hahawakan."

Tahimik na tinapos ni Alessandra ang paglilinis at pagbebenda sa tagiliran ni Ceejay. Habang ginagawa iyon ng dalaga, palihim siyang pinagmamasdan ni Ceejay. Nakagat ng bilyonaryo ang loob ng kanyang pisngi. Ang lapit-lapit ng mukha ni Alessandra sa dibdib niya, at bawat paghinga nito ay parang apoy na dumadampi sa kanyang balat.

Kailangan kong lumayo sa babaeng 'to bago ako mabaliw, isip-isip ni Ceejay, pilit na pinapatigas ang kanyang sarili.

Nang matapos si Alessandra, tumayo ito at inayos ang mga gamit. "Maaari ka munang matulog diyan, Xavier. Sa sahig na lang muna ako iidlip bago magsimula ang trabaho ko."

"Bahala ka," matipid at supladong sagot ni Ceejay bago tumalikod at humarap sa dingding. Sa totoo lang, gusto niyang ibigay ang kama sa dalaga, ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin iyon nang hindi nagmumukhang mahina, kaya mas pinili na lang niyang magmukhang walang pakialam.

Unti-unting nakatulog si Ceejay dala ng matinding pagod at sakit, habang si Alessandra ay nakabaluktot sa malamig na sahig, nakabantay sa estrangherong nagdala ng misteryo sa kanyang buhay.

Ngunit hindi nagtagal ang katahimikan ng madaling araw.

Ilang oras pa lang ang nakakalipas nang biglang umalingawngaw ang isang napakalakas at bayolenteng kalabog. May sumisipa sa manipis na pintuan ng kwarto ni Alessandra.

BLAG! BLAG! BLAG!

"Alessandra! Lumabas ka diyan!" boses iyon ni Mang Tomas, ang malupit at abusadong katiwala ng hacienda. "Buksan mo 'tong p***o! Bakit may patak ng sariwang dugo rito sa labas ng kwarto mo?! Anong tinatago mong hayop ka diyan?!"

Napamulat nang malaki si Alessandra. Napatayo siya nang mabilis, nanginginig ang buong katawan. Sa kama, mabilis ding dumilat si Ceejay. Nagtagpo ang kanilang mga mata—parehong may kaba, ngunit sa likod ng malamig na titig ng bilyonaryo, isang panibagong panganib ang nagbabadyang sumabog.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 12

    Hindi maipaliwanag ni Alessandra ang kakaibang kuryente na patuloy na gumagapang mula sa kanyang palad papunta sa kanyang dibdib.Habang hinahawi nila ang makapal na dagat ng mga tao sa gitna ng Pamaypayan Festival sa bayan ng Lopez, ang tanging nagbibigay sa kanya ng kaligtasan ay ang malaki, magaspang, at napakahigpit na pagkakahawak ni Xavier sa kanyang kamay. Kanina pa sila naglalakad, ngunit wala itong senyales na gusto siyang bitawan. Sa tuwing may mga taong muntik nang bumangga sa kanya dahil sa sikip ng daan, mabilis siyang hinihila ng lalaki palapit sa matigas nitong katawan, ginagawang kalasag ang sarili laban sa kaguluhan ng piyesta.Palihim na tiningala ni Alessandra ang lalaking kasama niya. Kahit nakasuot lamang ito ng kupas na itim na t-shirt mula sa ukay-ukay, hindi maikakaila ang kakaibang awtoridad na bumabalot dito. Ang matalim nitong panga, ang matangos na ilong, at ang madilim na mga mata na palaging nakabantay sa paligid—hindi ito mukhang isang simpleng lalaking

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 11

    Kung may magsasabi kay Ceejay Xavier Altamonte noong nakaraang linggo na isusuot niya ang isang kupas na itim na t-shirt na nagkakahalaga lamang ng limampung piso mula sa ukay-ukay, malamang ay tinanggalan na niya ng trabaho ang taong iyon.Bawat piraso ng damit sa kanyang walk-in closet sa Maynila ay gawa ng mga sikat na designer sa Italy at Paris. Sanay ang kanyang balat sa mamahaling silk at Egyptian cotton. Ngunit ngayon, nakatayo siya sa harap ng isang maliit at basag na salamin sa loob ng hacienda, suot ang magaspang na damit at isang kupas na maong na pantalon.Bumuntong-hininga ang bilyonaryo. Inayos niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Kahit nakasuot ng mumurahing damit, hindi maitatago ang kanyang tindig at awtoridad. Ang hapit na t-shirt ay perpektong bumakat sa kanyang malapad na balikat, matigas na dibdib, at maskuladong mga braso.Binuksan niya ang pinto at lumabas. At doon, tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo.Nakatayo si Alessandra malapit sa poso, n

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 10

    Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan, ngunit ang patuloy na pagtulo ng tubig mula sa butas-butas na yero at ang paghampas ng malamig na hangin sa mga dahon ng kawayan ay nag-iwan ng isang malungkot na himig sa buong hacienda.Alas-dos na ng madaling araw. Sa loob ng maliit at madilim na kwarto, gising na gising pa rin si Ceejay Xavier Altamonte.Nakatitig siya sa kisame, ngunit hindi ang maruming kahoy ang nakikita niya. Ang mukha ni Alessandra ang patuloy na naglalaro sa kanyang isipan—ang mga namumula nitong mata, ang panginginig ng mga balikat nito, at ang desperasyon sa boses nito habang kinukwenta ang mga baryang hindi kailanman sasapat para dugtungan ang buhay ng kanyang ina.“Mamamatay ako kapag hindi ko siya nadugtungan ng buhay... dahil lang wala akong pera.”Paulit-ulit na umaalingawngaw ang mga salitang iyon sa utak ni Ceejay na parang isang sirang plaka. Sa bawat pag-ulit nito, parang may mainit na patalim na humihiwa sa kanyang dibdib.Dahan-dahan siyang bumangon mula

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 9

    Malakas ang buhos ng ulan nang gabing iyon. Ang mga patak ng tubig na bumabagsak sa lumang yero ng hacienda ay lumilikha ng isang nakakabinging ingay na tila sumasabay sa magulong isipan ni Ceejay.Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama sa loob ng madilim na kwarto. Hindi siya makatulog. Bumabagabag sa kanya ang nangyari kaninang tanghali—ang takot at pait sa mga mata ni Alessandra nang bulyawan niya ito at palayasin sa kanyang tabi. Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang init ng malambot nitong mga daliri sa kanyang tagiliran. At sa tuwing maaalala niya kung paano niya ito sinigawan para lang pagtakpan ang sarili niyang katorpehan at pagnanasa, parang may kung anong mabigat na bato ang dumadagan sa kanyang dibdib.Bumuntong-hininga nang malalim ang bilyonaryo. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam. Si Ceejay Altamonte ay hindi nakokonsensya. Ngunit sa babaeng ito, lahat ng kanyang mga panuntunan ay nawawasak.Dahan-dahan siyang tumayo. Gusto niyang uminom ng tubig, at siguro, pasik

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 8

    Lumipas ang ilang oras mula nang mangyari ang hindi inaasahang pagyakap ni Alessandra. Para sa dalaga, isa iyong simpleng ekspresyon ng labis na pasasalamat at kaligayahan dahil sa wakas ay malaya na sila ng kanyang ina mula sa matabang asenderong si Don Ignacio.Ngunit para kay Ceejay Xavier Altamonte, ang ilang segundong pagdikit ng katawan nito sa kanya ay isang parusa na pilit niyang nilalabanan buong maghapon.Tanghali na. Dahil wala na siyang utang, hindi na kailangang magpaalipin ni Alessandra sa mansyon ng hacienda. Sa halip, ginugol niya ang oras sa paglilinis ng kanilang maliit na bakuran at pag-aayos ng kanilang tagping-tagping kwarto. Habang nagwawalis, hindi maalis ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Paminsan-minsan ay humuhuni pa siya ng isang malambing na kanta.Sa loob ng kwarto, nakaupo si Ceejay sa gilid ng matigas na kawayang papag. Nakasandal ang kanyang likod sa dingding, ang kanyang mga braso ay mahigpit na nakahalukipkip sa kanyang matigas na dibdib. Mula

  • Behind the Boss's COLD FACADE   Chapter 7

    "Limang daang libong piso."Paulit-ulit na umalingawngaw ang halagang iyon sa isip ni Ceejay. Nakatingin siya sa madilim na bubong ng kwarto, nakikinig sa mahina at pagod na paghinga ni Alessandra na nakatulog na sa sahig dahil sa labis na pag-iyak at pagod.Para kay Ceejay Xavier Altamonte, ang limang daang libong piso ay isang halagang kaya niyang kitain sa loob ng wala pang limang minuto. Ito ang presyo ng isang bote ng wine na binubuksan niya kapag may naisara siyang deal, o ang tip na iniiwan niya sa mga exclusive restaurants sa Europe. Ngunit para sa babaeng nagligtas ng buhay niya, ang halagang ito ay isang malaking kadena na pumipigil sa kalayaan nito at nagbabanta sa buhay ng sarili nitong ina.Hindi siya pwedeng mag-abot ng cash. Una, wala siyang dalang pera. Pangalawa, kung gagamitin niya ang kanyang mga black cards at ipapakita kay Alessandra, mabubunyag ang pagpapanggap niya bilang si "Xavier" na may amnesia. Kailangan niya itong gawin sa paraang hindi siya mag-iiwan ng b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status