로그인Naunawaan agad ni Avery ang sitwasyon. Kung si Esther mismo ang hihingi ng bayad sa pamilya Tamayo, tiyak na gagawa ang mga ito ng paraan para umiwas at magtanggi. Ang pagpunta sa hotel para harangin si Esther? Hindi na iyon bago sa kanila. Kayang-kaya nilang gawin iyon nang walang kahihiyan.Isang gabi pa lamang silang magkasama, ngunit malinaw kay Avery ang determinasyon ng dalaga. Alam ni Esther na may matutuluyan siya, at kung kinakailangan, lalaban siya para mabawi ang perang nararapat sa kanya. Wala nang dahilan si Avery para pigilan siya. Sa totoo lang, kung makaganti man sila kahit kaunti at makitang hindi komportable ang pamilya Tamayo, sapat na iyon para gumaan ang kanyang dibdib.“Malaki naman ang apartment ko,” kalmadong sabi ni Avery habang binubuksan ang pinto. “Hindi problema kung may makikituloy. Kung ayaw mong libre, bayaran mo na lang ako ng katulad sa hotel. Pero dito, may pagkain ka na. Consider it… free living expenses.”Bahagyang napatigil si Ernest. Kanina pa si
Bahagyang nabuka ang mga labi ni Avery, ngunit tila wala siyang maisip na sagot na sapat. Anumang paliwanag ang ibigay niya, pakiramdam niya ay may butas pa rin.“Hindi ganoon ‘yon…” marahan niyang sabi, pilit inaayos ang isip. “Una sa lahat, kung hahanapin mo talaga ako, hindi ka basta magpapadala ng kung sinong tao para ipatawag ako. Tatawagan mo ako nang direkta, o kaya si Assistant Yojin ang ipapapunta mo.”Tahimik siyang pinagmamasdan ni Davian, at sa kaibuturan ng kanyang dibdib ay may bahagyang pag-asa.“Ibig mong sabihin,” dahan-dahan niyang tanong, “kung ako talaga ang may kailangan sa’yo, kahit ano pa ang sitwasyon, pupunta ka agad?”Hindi agad sumagot si Avery. Isang sandali siyang nag-isip. Para itong bitag na tanong. Sa mundo nila, hindi puwedeng basta-basta ang sagot. Ngunit sa huli, bahagya siyang tumango, may pag-aalinlangan.“Depende pa rin,” maingat niyang paliwanag. “Kung nasa panganib ka, kahit malapit na akong umakyat sa entablado, ikaw muna ang ililigtas ko. Wala
Mabilis na nagbago ang malaking screen sa likod ng host. Ilang segundo lang ang lumipas, at isa-isang lumitaw ang scores ng lahat ng sumaling grupo, malinaw, at walang itinatago. Saglit na natahimik ang buong bulwagan bago biglang sumabog ang ingay ng audience.“Ha? Huling pwesto ang electronic dog ni Avery?” “Hindi puwede ‘yon! Sa lahat ng gawa, ‘yun ang pinaka-impressive!” “Kahit hindi man first place, imposible namang last place. Shady ‘to, sobrang shady.” “Grabe, kami pala ang first place? Deserve ba namin ‘to? Parang hindi ako makapaniwala…”Nakanganga si Esther sa pagkagulat, halatang hindi matanggap ang nakita. “May mali sa system,” bulalas niya, puno ng inis at pagkabahala. “Imposibleng last place ‘yan. Tatawag ako kay Daddy, hindi niya puwedeng bigyan ng zero points ‘to.”Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo, kapansin-pansing nagbago rin ang ekspresyon ng host sa entablado. Parang nahihirapan itong ngumiti habang humaharap sa mga tao. “Eto… medyo kakaiba ang resultang lu
Si Avina, na kanina pa tahimik sa gilid, ay biglang tila pusang naapakan ang buntot. Halos mapatalon siya sa galit at gulat, agad na sumabog ang boses niya.“Kuya, anong pinagsasasabi mo?” mariin niyang sabi, puno ng pagkadismaya. “Alam kong sinasabi mong ginawa mo ’yon para sa akin, pero desisyon mo ’yon. Kailan ba kita inutusan? Kailan ko hiningi na gawin mo ’yan?”Huminga siya nang malalim, wari’y pilit inaayos ang emosyon bago magpatuloy. “At tungkol doon sa dalawang kaklase na nagnakaw, ako rin ang pinakaapi rito. May sarili akong works, malinaw ’yon. Pero pag-akyat ko sa entablado, biglang napalitan ang mga gamit. Ano ang magagawa ko? I had no choice but to go along and introduce it. Hindi ko inakalang hahantong sa ganitong gulo. Naiinggit lang sila sa akin, kaya sinadya nilang palitan ang gawa ko para ma-frame ako. Wala akong alam sa lahat ng ’yan.”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joshua. Nakatitig siya sa kapatid, hindi makapaniwala sa naririnig. Ang kapatid na minahal
Nangunguna si Apple habang naglalakad sila sa mahabang koridor. Halos sampung minuto ang itinagal bago ito tuluyang huminto sa harap ng isang pinto. Pagkakita pa lang dito, bahagyang kumunot ang noo ng host. Sanay na sanay siya sa university, at agad niyang napansin ang kakaiba.“Ito… utility room ’to,” sabi niya na may pagtataka. “Karaniwan, hindi naman nilalakihan ng kandado ang ganitong lugar. Bakit ngayon, may ganito kalaking lock?”Marahang kumawag ang buntot ni Apple, saka ito tumahol nang marahan habang nakaharap sa pinto. “Master, okay ka lang ba diyan sa loob?”Narinig ni Avery ang mga boses, noong pumasok siya ulit kanina sa utility room ay hindi niya kayang i-lock ang pintuan, naisip niya marahil ay may kusa nalang din nag-lock nito nang may mapadaan na janitor o ibang staff. Lalong tumindi ang kaba ng mga taong nakasunod. Isa-isang sumilip ang mga mata, punô ng pananabik at pag-aalinlangan.Lumapit si Davian, tahimik ngunit mabigat ang presensya. Kumalabog ang kanyang kam
Nanigas ang dati’y kalmadong ekspresyon ni Avery habang nakatago siya sa audience. Kanina pa niya pilit pinapanatili ang composure, ngunit sa sandaling iyon, hindi niya napigilang mapaisip. ‘Talaga bang ganoon na lang kaprominente si Davian sa mata ng mga taong ito?’Kung hindi lang niya nahalata na balak ni Avina ang move the tiger away from the mountain, hindi sana niya sinabayan ang agos at iniwang mag-isa ang mga gamit. Ngayon, sa paningin ng lahat, parang lumalabas tuloy na desperado siyang kumapit kay Davian, na sa sandaling marinig niyang may ipinapahanap si “Mr. Guzman,” ay wala na siyang pakialam sa kahit ano pa.Hindi naman masyadong iniinda ni Avery kung ano ang iniisip ng iba. Ang tunay na bumabagabag sa kanya ay isang bagay lamang, ‘sana hindi magkamali ng intindi si Davian.’ Sa oras na hindi na siya nagtatago, ipapaliwanag niya ang lahat. Hindi niya hahayaang manatili ang maling akala.Samantala, sa entablado, hindi pa tapos ang ipinapakitang projection. Patuloy ang usa







