Thank you for reading... salamat sa mga comments. You are making me think kung ano ba ang dapat susunod na gawin kong ganap for Jaxon.
“What are you thinking?” tanong ni Austin nang lapitan niya at hagkan ang asawang nakatingin lang sa labas ng bintana.Alas-diez na ng gabi pero hindi pa rin pala natutulog ang asawa. Galing siya sa study at kakaalis lang ni Daniel. Nag-usap sila ng assistant tungkol sa physical status ng main hotel na kailangan niyang ipa-renovate ang top floor dahil gusto niya palagyan ng penthouse. “Hey…” Niyakap ni Austin ang asawa na tamang nilingon lang siya. “Tell me… Kung ano man ‘yang gumugulo sa isip mo ay sabihin mo na sa akin kaysa puro ka buntong hininga,” malambing niyang dagdag.Ngumiti si Zylah. Ngiting naiinis pa rin kay Bryce pero dahil nilalambing siya ng asawa ay hinayaan na muna niya ang kung anong nararamdaman. Umikot siya paharap sa asawa at iniyakap ang mga braso rito. “Just thinking of the situation we had earlier…” amin ni Zylah sa mahinang boses. “Medyo unexpected pero hindi ko mapigilan mainis. Sa dami naman makakakita sa akin na dumating ay si—” “Si Bryce pa?” ani Aust
Nangunot ang noo ni Bryce habang nakatingin sa babae na mabilis pumasok sa loob ng sasakyan. Iniisip kung tama ba na si Zylah ang nakita. But that woman really looked like Zylah. Hindi niya lang nakita kung sino ang lalaking kasama nito pero may akay na batang babae ang lalaki sa isang kamay nito at may baby na karga gamit ang baby carrier na suot. Could it be Zylah? But how come may kasamang pamilya at nasa arrival area ng mga pasaherong galing America? “Why are you frowning?” nagtatakang tanong ni Jessa nang malapitan niya si Bryce. Sinundan niya ang tinitingnan ni Bryce pero wala naman siyang nakita kung hindi mga sasakyan sa kalsada na paroo’t parito. A normal scene. Narito sila sa airport dahil alam nilang parating si Austin Mulliez. Matagal na nilang hindi nakausap ang lalaki at nataon na may kailangan dito si Bryce kaya nakumbinsi niya ang huli sa plano na kunwari ay coincident na makita nila sa airport ito. She said that Bryce could get Austin’s approval and attention. E
Two months later… “We’re back…” mahinang usal ni Zylah nang makababa sa eroplano at nilalanghap ang hangin ng bansang sinilangan. Mabuti na lang at nataong hindi maulan sa pagbalik nila ng bansa. “We’re back and this is for good,” tugon ni Austin nang marinig ang inusal ng asawa. Naunang nakababa ng eroplano si Zylah at nasa likod na siya nito nang marinig niya ang sinabi. Austin smiled at his wife warmly. Ramdam niya ang hindi komportableng emosyon ni Zylah kanina pa habang pababa ang eroplanong sinakyan nila galing America. Nang marinig pa lang ni Zylah ang announcement na pababa na ang eroplano sa airport ay napahawak ito sa kamay niya. Nasa mga mata nito ang kalituhan na nararamdaman para sa buhay na haharapin nila sa Pilipinas. “I missed the climate here, Mommy!” masayang sabi ni Raffy habang nakangiti. “At dito na tayo ulit, Daddy, ‘di ba?” Namimilog ang mga mata niyang nilingon ang ama. “Dito na ako ulit school?” “Yes, Raffy.” Masuyong hinaplos ni Austin ang ulo ng anak.
Nakangiting kumaway si Bryce nang makita niya si Jessa na nakatingin sa bawat taong naglalakad palabas ng arrival area. Obvious na inaabangan siya. Nang mapatingin siya sa nakatayong bata sa tabi ni Jessa ay agad siyang napakunot-noo. Bakit si Brody lang ang kasama ni Jessa? Bakit kagaya ng dati ay wala na naman si Jaxon? Ano na naman kaya ang dahilan kung bakit hindi sumama si Jaxon? Hirap na rin si Bryce unawain ngayon ang ugali ni Jaxon. Lagi na lang gumagawa ng drama at gulo ang anak niya. Laging nagpapapansin. Alam niyang hirap na rin si Jessa sa asal ng anak niya pero pinapakiusapan niya pa rin ito na unawain si Jaxon. Mabuti na lang at matiyaga pa rin sa pagiging mabuting ina si Jessa kaya hindi pinapabayaan ang anak niya. Para kay Jessa ay hindi lang si Brody ang anak nito, mahal din nito si Jaxon. And for that ay sobrang nagpapasalamat siya.“Daddy!” Mabilis na tumakbo pasalubong kay Bryce si Brody at yumakap kagaya ng utos ng mommy niya. “I miss you, Daddy!” wika niya pa h
“Hindi natin isasama si Jaxon, Mommy?” tanong ni Brody sa ina nang sumakay na rin ito sa kotse. “Hindi,” isang salitang tugon ni Jessa at sinimulan na ang pagmamaneho. “But why?” “Dahil kailangan tayo lang ang makita ng Daddy Bryce mo.”Hindi umimik si Brody. Tumango na lang. “Mamaya kapag tinanong ka ng Daddy Bryce mo kung nasaan si Jaxon ay anong sasabihin mo?” tanong ni Jessa nang mahinto sila dahil nag-red ang traffic light. Kailangan niyang i-practice si Brody at para malaman kung tanda nito ang mga itinuro niya kagabi. Nilingon ni Jessa ang anak nang hindi ito agad sumagot. Sa susunod na buwan ay eight years old na rin ito gaya ni Jaxon. Noong nakaraang birthday ni Jaxon four months ago ay binigyan ito ng bonggang birthday party ni Helen. Gusto rin ni Brody ng ganoong birthday party. At s’yempre dahil alam niyang pagbibigyan ni Bryce ng engrandeng birthday celebration ang anak niya para sa kaniya ay sinabi niya agad dito ang gusto.But Jessa wants more extravagant birthday
—PILIPINAS—“Where are you going?” tanong ni Jaxon kina Jessa at Brody nang makita ang mga itong parehong nakabihis. Kakalabas niya lang ng kuwarto dahil kakagising nya lang. Simula nang wala na ang totoong mommy niya ay wala nang gumigising sa kaniya tuwing umaga.“Susunduin namin si Daddy!” excited na sagot ni Brody. Natigilan si Jaxon. Parating ba ang daddy niya? Bakit hindi siya isasama? Napatingin siya kay Jessa at nilapitan ito.“Mommy…” ani Jaxon. “Sama ako. Please…”“Let’s go, Brody!” Parang walang narinig na tinalikuran ni Jessa si Jaxon at hinawakan sa balikat si Brody para tulaking nang mahina at makalabas na sila ng bahay. Wala siyang panahon sa gaya ni Jaxon. Naiwang masama ang loob ni Jaxon. Nasa mga mata ang hinanakit na nararamdaman sa paulit-ulit na eksena. Bakit pa ba siya umaasa na babalik sa dati si Jessa na siya ang priority at kahit si Brody ay nababalewala? Noon lang iyon at hindi na ngayon. Hindi na ito katulad ng dati na malambing lagi sa kaniya kahit wala an