Thanks for reading...
Months later…“Baby Raegan, this is you and me!” masayang sabi ni Raffy at ipinakita sa kapatid ang drawing nito na dalawang batang babae. “Wow…” wika ni Zylah at tiningnan ang drawing ni Raffy. “Ang galing-galing naman ng ate namin mag-draw!”Kinikilig na ngumiti si Raffy at kinuha ang kamay ng tatlong buwang gulang na kapatid para ilapit sa bibig. “I love you, Baby Raegan…” bulong niya rito. “I love you, ate…” ani Zylah naman kay Raffy. Para kay Zylah ay kahit may bagong anak na siyang inaasikaso ay hindi puwedeng makaramdam si Raffy na hindi na ito iniintindi. Raffy and Raegan will grow up being treated in the same way. Kailangan walang makaramdam ng favoritism sa dalawa. Napangiti si Zylah nang balikan sa isip ang mga pangyayari pagkatapos ng kasal nila ni Austin. Pagkatapos kasi ng kasal ay naging sampung doble pa ang pagmamahal na pinaparamdam sa kaniya ng asawa palagi. Para kay Austin ay sila ng mga anak nila ang mundo nito at prayoridad tuwina, naging pangalawa na lang ka
“May gusto akong malaman kaya kita pinahanap,” usal ni Austin pagtapos ang buntong hiningang pinakawalan. “Pinahanap kita as Harry na ex-husband ni Jessa. Not you, as Harrison, dahil kanina ko lang naman nalaman kay Mathias na ikaw pala ang dating asawa ng babaeng ‘yon.”“Okay…” Kumibit-balikat si Harrison bago sumandal. “And what exactly the reason you wanna find me as Jessa’s ex-husband?” amuse na tanong niya kasunod sabay tawa ng mahina. “Months ago ay nawala si Jaxon—the son of Zylah and Bryce. Sinabing kinidnap mo. May I know if it’s true?”“At kung ako nga ang kumidnap?” nakakalokong balik-tanong ni Harrison na natatawa pa rin. Not that he found Austin funny, natatawa lang siyang isipin na kahit matagal na pala silang hindi nagkikita ni Jessa ay gamit na gamit pa rin ng babaeng iyon ang pangalan niya sa mga kalokohan na pinapasok nito. “No…” Umiling si Austin. “It’s not you,” mahinang dagdag niya. Kung dati ay iniisip ni Austin na maaring totoo ang involvement ni Harry sa ki
Zylah pursed her lips. Nodded. Kung kanina ay nagdududa siya sa lalaking pinakasalan, ngayon ay naguguluhan na lang siya sa kung ano ang dapat isipin. Nasa mga mata ni Austin ang pagiging sinsero kaya alam niyang malalaman niya rin ang lahat mamaya.Saktong nakabalik na sila sa table nilang dalawa nang lapitan ni Mathias si Austin. “They’re here…” mahinang wika ni Mathias kay Austin. Sinulyapan niya rin si Zylah. Napatingin si Austin sa entrada kung saan papasok sina Nikias at Harrison. Gusto niya mang salubungin ang dalawa ay hindi niya na ginawa. Ayaw niyang iwan si Zylah kahit saglit lang at baka sumpungin na naman ng nerbyos ang asawa. Si Zylah ay napalunok habang titig na titig sa dalawang palapit sa kanila. Hindi na kailangan tanungin kung sino si Nikias dahil parehong-pareho ito ng mga mata kay Mathias. May cleft chin din ito pareho ng kapatid kaya napunta sa kasama nito ang mga mata niya. Kay Harrison. “Congrats, Austin!” Nakangiting wika ni Harrison kay Austin nang nasa ta
Napakunot-noo si Zylah. Sa isip ay nagtataka kung sino ang Harrison na iyon. At bakit naman sinabi na hindi gusto ni Austin na makita niya? Why?“Harrison?” tanong ni Zylah na nalilito habang titig sa asawa. “And who’s Harrison, Austin? I have no idea with him so why—”“Harrison Vergara.”Lalong kumunot ang noo ni Zylah. Nang maisip na Vergara rin ang apelyido ni Paulina ay napatingin siya rito. “Vergara?” usal niya. “Kaano-ano siya ni Paulina? At… at bakit sabi ayaw mong makita ko? Why?”Huminga ng malalim si Austin. Napatingin sa entrada bago sinulyapan si Mathias na kausap si Cassian. Kung sana ay hindi sila narinig ni Zylah kanina ay hindi niya kailangan ipaalam sa asawa agad ang tungkol kay Harrison. “May… problema ba sa Harrison na imbitado mo?” tanong ni Zylah. Lalo na siyang nahihiwagaan kung sino ang bisitang parating at kung bakit biglang napalitan ng pag-aalala ang kanina ay kasiyahan sa mga mata ni Austin. Masaya sila kanina, ano ang meron sa Harrison na iyon at nabago ang
The Wedding Day…Sa buong durasyon ng kasal ay hindi na mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Zylah. Masaya siya. Sobrang saya niya dahil hanggang natapos ang seremonyas ng kasal nila ni Austin ay maayos lahat at ramdam niyang tanggap siya ng mga taong dumalo para kay Austin. Even Reina. Nang lumikot ang baby sa sinapupunan niya ay napahawak siya sa tiyan. Napangiti. Kahit ito ay mukhang nagagalak din na sa wakas kasal na siya sa daddy nito. Nilibot ng tingin ni Zylah ang buong bulwagan. Iilan lang ang mga bisita nila kung tutuusin, wala pa sigurong thirty. Mga pili lang na bisita. Ang mag-asawang McIntyre lang at si Paulina ang masasabi ni Zylah na kahit paano malapit sa kaniya. And looking at the couple na parehong kausap ng mother-in-law niya, Zylah was glad na naka-attend ang mga ito kahit may family issue na pinagdadaanan.“I’m so happy being here. Thanks for making me believe in true love again…” usal ni Paulina na ikinalingon ni Zylah. “And you’re so lovely in your wedding dres
Inosenteng ngumiti si Raffy sa narinig na sinabi ni Paulina. Totoong strict ang Mommy Zylah niya pero alam niyang iniisip lang nito lagi ang makakabuti sa kaniya. Her mommy and daddy wanted only the best for her. “Promise…” nakangiting usal ni Paulina kay Raffy. “Mamaya ay sa room mo na ako.” Masayang-masaya si Paulina dahil kumpyansa siyang matutukso niya si Raffy. Bata lang ito at ang mga bata ang pinakamadaling imanipula. “Um, Ate Pau…” alanganing wika ni Raffy. Napatingin siya sa glass wall na tanaw ang garden kung saan naroon ang mommy at daddy niya nag-uusap. “Can I watch your videos tomorrow instead?” tanong niya kay Paulina. Nasa boses ang pag-asam na bukas ay pwede pa rin niyang mapanood ang videos na sabi nito.“We can watch it later, Raffy…” Hindi mawala-wala ang ngiti ni Paulina. “Akong bahala. Walang makakaalam na pupuntahan kita mamaya sa room mo,” bulong niya rito. Kinukumbinsi na siya ang the best na kaibigan para rito.“No, Ate Pau…” Tumayo si Raffy. “Ayaw nina momm