แชร์

0119

ผู้เขียน: Eve Angeline
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-05-08 13:00:00
Inosenteng ngumiti si Raffy sa narinig na sinabi ni Paulina. Totoong strict ang Mommy Zylah niya pero alam niyang iniisip lang nito lagi ang makakabuti sa kaniya. Her mommy and daddy wanted only the best for her.

“Promise…” nakangiting usal ni Paulina kay Raffy. “Mamaya ay sa room mo na ako.”

Masayang-masaya si Paulina dahil kumpyansa siyang matutukso niya si Raffy. Bata lang ito at ang mga bata ang pinakamadaling imanipula.

“Um, Ate Pau…” alanganing wika ni Raffy. Napatingin siya sa glass wall na tanaw ang garden kung saan naroon ang mommy at daddy niya nag-uusap. “Can I watch your videos tomorrow instead?” tanong niya kay Paulina. Nasa boses ang pag-asam na bukas ay pwede pa rin niyang mapanood ang videos na sabi nito.

“We can watch it later, Raffy…” Hindi mawala-wala ang ngiti ni Paulina. “Akong bahala. Walang makakaalam na pupuntahan kita mamaya sa room mo,” bulong niya rito. Kinukumbinsi na siya ang the best na kaibigan para rito.

“No, Ate Pau…” Tumayo si Raffy. “Ayaw nina momm
Eve Angeline

Thank you for the reads, comments, and likes.

| 17
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
Rhod Rebong Spirit
ano jessa 2 rin?? hay naku hindi na maganda ang kalakabasan ng kwento
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
my kontrabida sa kanila ni bryce....taz meeon din kay austin an7 ba yan sana naman kahit fiction toh gawin namang makatotohanan... andito tayo para maentertain hindi para ma stress kaloka!!!
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • No Longer His Submissive Wife   0153

    “What’s with Zylah this time?” tanong ni Bryce na nasa mga mata ang hindi na maitagong inis na nararamdaman. Binabanggit na naman nito ang pangalang ng ex-wife niya. At dahil walang alam sa naganap na pakilala ni Austin Mulliez kay Zylah ay inisip ni Bryce na kaya gano’n ang nasabi ni Jessa ay dahil maaring nagtatampo ito sa kaniya dahil kanina nabintangan niya. “You have no idea…” pabulong na wika ni Jessa pero mahihimigan ang punong-puno ng pagkasuklam na tono niya. “Then tell me…” inis na sabi ni Bryce. “Tell me what’s the problem, Jes,” disappointed niyang dagdag. “Don’t you think mas okay na pumunta tayo ng ospital para ma-check natin kung anong kalagayan ng mga bata? You walkout kahit hindi pa natin alam kung bakit nawalan ng malay si Brody. And then what? Aabutan kitang si Zylah na naman ang nasa isip at kinaiinisan?”Galit na hinarap ni Jessa si Bryce. “Because your ex-wife is truly a whore!” sigaw niya. “She seduced Austin Mulliez. And now? Now it’s obvious that they are pl

  • No Longer His Submissive Wife   0152

    “The views are soaring high…” imporma ni Nikias sa mag-asawa nang bumalik na ang mga ito sa adjacent room ng conference room. “Thanks to you!” Nakangiting sabi ni Zylah kay Nikias. Kasunod ay naupo siya sa tabi ng asawa sa pahabang sofa. “And Jessa ang Bryce’s reaction?” interesadong tanong ni Austin kay Nikias. “Dapat masaya sila.” He grinned. “Ang sabi ng mga tao ko na naroon ay nagliligpit na ang mga hotel staff kasi maagang natapos ang wedding party. In fact ay maraming ganap na nakakatuwa habang naka-live kayong dalawa kanina. At sabi pa ay…”“Ay ano?” natatawang tanong ni Austin. Nasa mga mata ang excitement malaman kung ano ang naging reaksyon nina Jessa at Bryce. “Nasorpresa na ba sila?”“Maybe mas maganda papuntahin ko na lang dito ang mata ko sa function hall kanina.” Tinawagan ni Nikias kasunod ang tauhan at sinabing puntahan sila. “Mas maganda kung sa kaniya rekta natin malaman ang reaksyon ng mag-asawa.”Hindi nagtagal ay pumasok ang isang babae na kanina ay nagpapangga

  • No Longer His Submissive Wife   0151

    Muling nilingon ni Bryce ang asawa na nasa mukha ang galit sa kung anong pinapanood. Kasal nila pero inuuna pa yata nito ang paggawa ng content. Ni minsan hindi niya ito binawalan sa pagiging content creator sa mga social media platforms dahil masaya ito sa kasikatan na nakukuha pero ngayon ay hindi niya maiwasan mainis sa nakikitang ginagawa nito. Kung siya nga na nag-aalala kay Jaxon ay hindi na muna inisip ang anak sa ospital tutal sabi naman ay maayos na ang lagay nito, tapos itong si Jessa ay mas binibigyan pa ng importansya ang mga followers kaysa sa kasal nila. Hindi nakatiis na nilapitan ni Bryce si Jessa. “Love, mamaya na ‘yan, please…” pakiusap niya. Nanlilisik ang mga mata ni Jessa na tumingin kay Bryce. “Sinungaling si Austin, Bryce!” paanas na asik niya dahil ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga bisita. “Hey… What’s wrong with y—”“Ang sabi niya ay may importante siyang pupuntahan na meeting kaya hindi makaka-attend sa kasal natin, ‘di ba?!” patuloy ni Jessa. “He’s l

  • No Longer His Submissive Wife   0150

    Tinanaw ni Harrison ang sports car na nakaparada sa unahan. Hindi sa kaniya iyon, kay Nikias at pinagamit lang sa kaniya dahil sa utos nito. Kararating niya lang kahapon galing Spain at si Mathias ang sumundo sa kaniya sa airport. Akala niya nga ay si Mathias ang makakasama niya sa plano ngayong araw pero agad din itong umalis kagabi dahil may importanteng utos dito si Alguien—ang boss niya na pinsan naman nina Mathias at Nikias.Boss? Oo, boss niya ang mafia patriarch ng Excellante na si Alguien Esposito.Nakakatawang isipin na siya na dating CEO ng bangkong pag-aari ay nagtatrabaho na ngayon sa isang mafioso para sa kondisyon na tutulungan siya nitong mabawi ang lahat ng minana niya sa ama. Napatiim-bagang si Mathias sa lahat ng pinagdaanan niya. Hindi niya papasukin ang magulong buhay kung hindi dahil sa ginawa sa kaniya ni Jessa. Thinking of Jessa and recalling the fear in her eyes made him smirk dangerously. Ang akala talaga yata ni Jessa ay patay na siya. Matagal na rin mula noo

  • No Longer His Submissive Wife   0149

    Twenty minutes ago…“Where’s Jaxon?” tanong ni Bryce sa driver na siyang dapat kasama nina Jaxon at Brody. Nakita niyang dumating si Brody at ang yaya nito pero wala ang anak. Nang lapitan siya ng wedding coordinator at sabihin parating na rin ang bride ay tumango lang siya at muling ibinalik ang atensyon sa driver na assign sa mga bata.“Dinala po sa ospital si Jaxon, Sir Bryce,” imporma ng driver sa amo niyang nakatingin at naghihintay ng sagot. “Ospital?!” gulat na ulit ni Bryce. “Anong nangyari?” Ang pag-aalala ay nasa mukha at boses niya para kay Jaxon. Napatingin muli sa relo para tingnan kung may oras pa para puntahan ang ospital na sinasabi ng driver. “Saang ospital dinala si Jaxon?”Napalingon ang driver sa kasamang yaya ni Brody para ito ang magpaliwanag. Hindi niya rin kasi alam ang eksaktong nangyari at basta sinabi lang sa kaniya kanina na umalis na sila dahil hindi na makaka-attend ng kasal ang panganay na anak ng amo nila dahil sumakit ang tiyan. “Kanina po ay sumakit

  • No Longer His Submissive Wife   0148

    Naningkit ang mga mata ni Jessa sa inis sa narinig na kuwento ng driver. Pero nang maalala niya ang sinabi ni Bryce na dahilan kaya hindi raw makakarating si Austin Mulliez ay napangiti siya. Ang sabi ni Bryce na may meeting ang may-ari ng Hotel Tranquil na napaka-importante kaya ibig sabihin ay mali ang nasagap ng driver na dahilan kaya may pa-raffle ang account ng hotel ni Austin. Napakaimportante kaya sabi pa nga ni Bryce ay baka sa ibang bansa magaganap ang meeting kaya hindi makaka-attend sa imbitasyon nila si Austin. With that thought, kung totoo na may pakilalang magaganap sa asawa ng CEO mamaya ay baka naman mga tauhan lang ng hotel ang may pakulo para lang may abangan ang mga followers nila. “Scam ‘to!” nakangising sabi ni Jessa at ibinalik ang phone ng driver. “Hindi po ‘yan scam, ma’am.” Umiling ang driver. Nasa mga mata ang pangungumbinsi sa bride na inihatid na nagsasabi siya ng totoo. “Noong isang linggo nga po, ma’am, ay ganitong oras din nang may nanalo ng isang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status