Masuk“Jaxon!” malakas ang boses na saway ni Bryce sa anak nang marinig niyang sinisigawan nito si Zylah. “What are you doing?”
“Alam mo naman na ayaw ko na sa kaniya, ‘di ba?!” Umiiyak na wika ni Jaxon habang tinuturo si Zylah. “Sabi ko, Daddy, doon na lang tayo kay Mama Jessa kung ayaw ni Mommy umalis dito!”
Nilingon ni Bryce ang asawa na namumuo na rin ang mga luha. Lalapitan nito sana si Zylah nang lalong laksan ni Jaxon ang iyak. Inuna na lang ni Bryce ang anak at dinala sa kuwarto nito. Pinangakuan na rin na mamamasyal sila mamaya para hindi na nito awayin pa ang ina.
Binalikan ni Bryce si Zylah. Naabutan niya ito sa kusina na naghahalo ng kung anong niluluto nito. Nilapitan niya ang asawa at kinuha ang sandok mula rito para siya na ang magpatuloy ng ginagawa nito.
Pinahid ni Zylah ang mga luhang pumatak sa pisngi. Hindi niya alam kung sino ba ang dapat niyang sisihin sa mga nangyayari? Si Bryce at ang pakikipagkita nito kay Jessa? O siya na hinayaan si Jaxon sa pangangalaga ni Bryce kapag hindi niya ito kasama?
Si Bryce kasi ang nagsabi na malaki na si Jaxon para ipagbantay niya pa sa school kaya ito na lang ang naghahatid-sundo rito. At tiwala siya… masyado siyang nagtiwala kaya ngayon hindi na niya alam kung tama pa ba ang magtiwala pa.
“Hayaan mo na lang si Jaxon,” mahinang wika ni Bryce habang hinahanda ang kakainin nila sa mesa. “Ako na ang bahala kumausap. May training siya mamaya sa taekwondo class niya, payagan ba natin? Maganda rin ang martial arts para magkaroon siya ng disiplina.”
Tiningnan ni Zylah ang asawa. Nawala na sa isip niya na in-enroll nga pala ni Bryce si Jaxon sa taekwondo class dahil gusto raw ng anak nila. Pumayag naman siya kasi maganda nga rin iyon para kay Jaxon.
“Okay…” ani Zylah. “Mga one ay dapat doon na kayo.”
Ayaw niya man payagan sana si Jaxon na umalis na hindi siya kasama pero hindi naman niya ito pwedeng pagbawalan sa gusto nitong gawin. Ayaw niya magmukhang kontrabida lalo sa paningin ng anak.
“Sama ka kaya,” alok ni Bryce sa kaniya. “Hatid natin tapos balikan lang natin after the training.”
Gusto ni Zylah pero umiling siya… “Ngayong 10 AM ang binyag ng anak ni Melissa, ‘di ba?” mahinang tanong niya. Nagtataka na hindi naalala ni Bryce ang tungkol doon.
“Binyag?” kunot-noong tanong ni Bryce. “Mamaya na ba ‘yon?”
Tumango si Zylah. “Yeah…” Tiningnan ni Zylah ang anak na pababa ulit ng hagdan.
“Ah, sige, uwi lang kami agad ni Jaxon. Kita na lang tayo rito sa bahay maya para ipasyal natin siya.” Nilingon ni Bryce ang anak at tinawag.
Nasa mesa na silang tatlo ay nanatiling nakasimangot si Jaxon. Ayaw sa niluto niya kahit mga paborito nito iyon. Tinanguan na lang siya ni Bryce, sinasabing ito na ang bahala.
At iyon na nga ang nangyari. Napilit ni Bryce ang anak kumain dahil pinangakuan na bibilhan ng bagong laruan. Napatitig si Zylah sa mag-amang magkasundo, bakit parang outcast na talaga siya para sa mga ito?
Kanina ay nangako rin naman siya kay Jaxon na mamamasyal sila at bibili ng laruan pero ayaw nito. Iyon kasi ang plano niya sana, after ng binyag na pupuntahan niya ay mamamasyal sila ng mag-ama niya.
Natapos ang almusal at nagpaalam na siya kay Bryce. Ten ng umaga ang binyag kaya kailangan na niyang umalis. Sinabi niyang susunod lang siya sa location ng mag-ama niya at i-message lang siya kung saan iyon mamaya. Hindi niya alam ang area dahil bago pa lang naman na-enroll si Jaxon doon.
Natapos nang maayos ang binyag. Hindi na siya sumama sa baptismal party sa isang hotel. Dumiretso na siya sa sinabi ni Bryce na location kung saan ang training class ni Jaxon. Nasa area na siya at papunta na sa room kung saan ang taekwondo class ni Jaxon nang harangin siya ng isang guard.
“Kuya, sunduin ko lang po ang anak ko d’yan sa taekwondo class niya…” magalang niyang pagbibigay ng impormasyon sa sadya niya.
“Ma’am, lahat po ng mga parents ng mga bata na nand’yan ay may passes na hawak. Saan po sa inyo?”
“Passes…” ulit ni Zylah sa narinig. Walang nasabi sa kaniya si Bryce na gano’n kanina kaya naisip niyang sumunod na lang agad. At may usapan sila. “Hintayin ko na lang po ang mag-ama ko, kuya. Hindi ako nasabihan ng mister ko tungkol sa passes.”
“Ah, sige po, ma’am. Pasensya na po at mahigpit lang po talaga kami para iwas sa mga insidente ng…” kumibit-balikat ang guard. “Mga kidnapping po. Mga anak mapera po kasi ang mga bata d’yan sa loob kaya ganito po ang seguridad.”
Ngumiti si Zylah. Naunawaan naman niya ang bagay na ‘yon. “Okay lang po,” aniya. “Pwede po bang makiupo na lang muna?”
“Ah, okay po…” nakangiting tugong ng guard at pinaghila pa siya ng upuan.
Kakaupo lang ni Zylah nang may mga batang palabas na sa hall kung saan ang mga ito nag-training. Nakita niya si Jaxon at kinawayan pero hindi ito lumapit sa kaniya. Hinanap niya si Bryce pero hindi niya makita ang asawa.
“Jaxon!” tawag niya sa anak pero imbes na tingnan siya nito ay tumingin lang sa isang lalaking trainor nito sigurado dahil sa suot na uniporme. “Jax!” ulit niyang tawag.
Nang muling tumingin sa kaniya si Jaxon ay nakangiti na ito at tumakbo. Sasalubungin niya sana ang anak nang lampasan siya ng isang babae at may ipinakitang passes sa guard kaya pinadaan agad ito.
Hinihintay niya ang paglapit sa kaniya ni Jaxon nang manlaki ang mga mata niya dahil payakap na sinalubong ng anak niya ang babaeng kanina lang ay nilampasan siya.
Jessa… Bulong ng puso niyang punong-puno ng panibugho habang nakatingin sa babaeng yakap ang anak. Naglalakad ito palabas habang hawak ang kamay ni Jaxon.
Hinarangan ni Zylah ang babae na sigurado siyang si Jessa. “Miss, anak ko ‘yan.”
“Huh?” gulat na sabi ng babae at tiningnan si Jaxon. “Jax?”
Umiling si Jaxon. “Mama, don’t give me to her…” ani Jaxon na nakatingin kay Zylah.
“Manong guard…” ani Jessa. “Patulong. Tinatakot ng babaeng ito ang anak ko.”
“Anak ko ‘yan, guard,” paliwanag ni Zylah at kinuha ang wallet para ipakita sana ang identification card niya at pati na ang mga pictures nila ni Jaxon pero sinenyasan ng guard si Jessa na lumabas na. “Please… guard. Anak ko po ‘yon!” naghihisterya na niyang wika. “Jaxon!”
“Wait lang, ma’am.” Hinarangan na ng isa pang guard si Jessa.
Ipinakita ni Jessa ang suot na passes. “Sinusundo ko ang anak ko! Kung ayaw niyong ireklamo ko kayo sa management ay padaanin niyo kami!”
“Pero, ma’am…” sabi ng guard kay Jessa. “May patunay po siya na anak niya ang bata. May mga picture po sila na magkasama.”
“Siya po ang mommy ko,” wika ni Jaxon na tinutukoy si Jessa.
“Jax…” usal ni Zylah na nanlalaki ang mga mata. Paanong nasasabi ng anak niya ang mga gano’ng salita?
“Yaya ko po ‘yan dati,” tukoy ni Jaxon kay Zylah. “Bad siya kaya inalis na siya sa work ng mama at daddy ko.”
Yaya?
Napahikbi si Zylah. Bakit natuto na magsinungaling ang anak niya?
“Na wala akong planong gawin…” kalmadong wika ni Austin para sagutin ang sinabi ni Bryce. “Hindi ko ugaling mang-angkin ng hindi akin, Bryce. Jaxon is my stepson technically, and legally dahil ako ang legal na asawa ng mother niya. But speaking of who’s the father of Jaxon should be ay wala akong planong agawin sa ‘yo, kaya huwag kang magdrama na parang inaagaw ko ang anak mo dahil hindi ko pinigilan si Zylah na iuwi namin siya.”Natigilan si Bryce. Napahiya kahit paano. Alam niyang hindi niya pwedeng inisin ang gaya ni Austin pero hindi naman palibhasa investor niya ito ay hahayaan na lang niya na magmukhang balewala para sa gaya nito. Kapag hindi niya inilaban ang sitwasyon niya ay lalo na siyang magmumukhang trapo na lang sa tingin nito. At pagtatawanan lang siya ni Zylah. Iisipin na napakahina niya.“If that’s what on your mind then better convince your wife na ihatid niyo na si Jaxon sa bahay, Austin!” pautos ulit na turan ni Bryce. “Okay na tayo basta ihatid niyo sa bahay si Jaxo
“Zylah is Jaxon’s mother,” kalmadong tugon ni Austin sa tanong ni Bryce. “Nakalimutan mo na ba ang sabi ni Jaxon kanina?” tanong niya rito. “Kay Jaxon nanggaling ang request na huwag siyang iwan ni Zylah sa inyo.”Nagtangis ang mga bagang ni Bryce. “Hindi ko alam kung anong drama ng asawa mo na pagtapos pabayaan si Jaxon ay bigla na lang gusto niyang umaktong mabuting ina ngayon…” wika niya habang palakad-lakad sa harap ng hospital room ni Jessa.“Mukhang mali naman ang sinabi mong ‘matapos pabayaan’ na ‘yan…” usal ni Austin sa tonong nagpipigil lang pero halatang hindi natutuwa sa mga naririnig kay Bryce. “Alam na alam mo kung bakit lumayo si Zylah, Bryce. Lumayo lang siya para pagbigyan kayo pero hindi siya nagpabaya. She just let you at iyon naman ang gusto niyo noon, ‘di ba? Ang palitan siya sa buhay niyo.” “Ayokong makipagtalo sa ‘yo, Austin…” usal ni Bryce. “Isa pa ay wala naman tayong dapat pagtalunan. And I have nothing against you… It’s true,” dagdag pa niya para ipaabot na r
Pabalik-balik na naglalakad si Bryce sa harap ng delivery room kung saan naroon si Jessa na kasalukuyan nanganganak. Tuliro siya sa halo-halong naramdaman. Inis, insulto, pagkalito… lahat ng iyon ay naglalaro sa emosyon niya. Binalikan niya ang pangyayari kanina sa school na dahilan kaya narito sila sa ospital ni Jessa. Ang pagkapahiya nila kanina ng asawa sa pananampal ni Zylah. Ang amusement sa mga mata ni Austin na obvious na suportado ang ginawa ng asawa nito. Ang pagpapakampi ni Jaxon sa mommy nito at sabihing ayaw na sa kanila. At ang mapanghusgang tingin ng principal sa kanila kanina ni Jessa kasama pa ng dalawang guro matapos ang mga narinig na sinabi ni Jaxon. Lahat ng mga iyon ay pabalik-balik sa isip ni Bryce at dahilan kaya lalo siyang nagagalit kay Zylah. Kung hindi sa kalokohan nito ay hindi mapapaanak ng wala sa oras si Jessa. Iyak ng bagong silang na sanggol mula sa delivery room ang umagaw ng atensyon ni Bryce. Napalitan ng ngiti ang nararamdaman niyang buwesit sa m
“Zylah!” galit na reaksyon naman ni Bryce at inalalayan ang asawa dahil halos natumba ito sa malakas na sampal ni Zylah at ngayon ay dinuduro-duro pa. “What the hell are you saying?!” pasigaw niyang dagdag. “You are insane acting so important! Hindi palibhasa may investment si Austin sa kumpanya ko ay may karapatan kang astahan kami ng ganiyan. And that slap you did to Jessa, sa palagay mo palalampasin ko na lang iyon ng gano’n na—”Isang sampal ang nagpatigil din kay Bryce. Mas malakas. Mas puno ng galit.“You!” galit na buwelta ni Bryce nang makabawi sa sampal na binigay ni Zylah. “Sumusobra ka na!” Hinila nito ang isang braso ni Zylah at plano sanang sampalin para mapatigil nang…“Don’t you there lay a finger on my wife, Almendras!” mababa lang ang tonong wika ni Austin pero puno ng pagbabanta ang tingin niya rito habang pigil ang kamay nitong naitaas na at nakahanda na ip[adapo kay Zylah. Binitiwan ni Bryce si Zylah. Napahiya. “Then what’s the hell wrong with your wife slapping us
“Stop saying that, Austin!” ani Bryce para ipagtanggol ang asawa. “Jessa is a good mother. Hindi mo alam ang totoo kaya wala kang ideya sa sinasabi mo! At hindi ko alam kung ano ang motibo nitong asawa mo sa patanong-tanong ng kung ano-ano kay Jaxon. Isa pa ay wala kayong ebidensya sa mga binibintang niyo kaya tigilan niyo ang kung anong kalokohan na sinasabing inaapi ni Jessa ang anak ko! Ako ang ama ni Jaxon at nasa poder ko siya. Kung totoong inaapi siya ni Jessa ay ako ang unang makakaalam. Hindi kayo!” Nagkatinginan sina Austin at Zylah. Parehong ang nasa isip ay napakagago talaga ni Bryce. “Hindi pa ba sapat ang sinabi ni Jaxon na ayaw niya sa inyo?” mapanghamon na tanong ni Zylah kay Bryce. “Hindi pa ba sapat na ako na inayawan niyang ina noon ang ngayon pinapakiusapan niyang huwag siyang iwan sa inyo? I’m telling you two… kukunin namin si Jaxon at huwag niyo na hangarin makigulo pa dahil hindi kami papayag na ibalik pa siya sa inyo!”“Jaxon has his habit of making things up!”
“And what do you think you’re doing, Jaxon?” tanong ni Jessa sa naiiyak na boses. Kunwari ay takang-taka sa ginawi ng bata at nasaktan. Jessa knows well she needs to play her cards. Hindi pwedeng magmukha siyang masamang ina sa tingin ng mga teacher at principal dahil sa mga sinabi ni Jaxon. At sa bagay na iyon ay alam niyang lamang na lamang siya kasi magaling siyang umarte at bumibenta lagi. “After kang iwan ng mommy mo at ako na ang naging mommy mo ay paano mong nasabi ‘yan, Jaxon?” patuloy ni Jessa na may pahikbi pang style sa boses. “Nakalimutan mo na bang pinabayaan ka ng mommy mo? Remember those times you always told me how happy you are that I became your mom?”Alam ni Jessa na siguradong pag-uusapan sila ng mga guro dahil sa kung anong sinabi ni Jaxon pero kailangan mapalabas niyang pabayang ina si Zylah at piniling unahin ang anak ng asawa nito kaysa sa tunay nitong anak. Kailangan siya ang mukhang nagsakripisyo tapos ay sinasagot-sagot pa ni Jaxon ng gano’n. Tama… ano man







