Masuk“Jax…” malungkot na usal ni Zylah. “What are you saying?” Malambing ang boses na tanong niya sa anak. Tinabihan niya ito sa kama, naupo siya sa gilid.
Agad bumangon si Jaxon kahit nanghihina. Itinutulak siya ng mga kamay nito para paalisin sa tabi nito.
“Jaxon…” usal ni Zylah. “Gusto mo bang mamasyal tayo sa Enchanted Kingdom? O sa Star City? Saan mo gusto?”
Tiningnan lang siya ng anak at saka tumingin kay Bryce. “You promised me and Brody Disneyland…”
Pigil ni Zylah ang mga luha na huwag pumatak. Bata pa si Jaxon, iyon ang dapat niyang tandaan. Tumalikod na lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Hinayaan na lang niya si Bryce na asikasuhin ang anak na paulit-ulit sinasabing gusto makita ang Mama Jessa niya.
“Zy…” tawag ni Bryce sa kaniya.
Hindi siya sumagot kaya lumapit si Bryce para hawakan ang braso niya na agad naman niyang hinila para mabitiwan siya nito.
“Sorry…” sabi ni Bryce. Malungkot ang boses nito pero ayaw na niyang magpadala.
“You keep on lying at me, Bryce…” masama ang loob na bulong ni Zylah.
“Hindi ko alam na dadalhin ni Mommy si Jaxon kay Jessa. You heard me, right? Kahit ako ay hindi natuwa sa ginawa ni Mommy. I—”
“Cut all your ties with Jessa,” wika ni Zylah na hindi pa rin nililingon ang asawa. “Kung totoong mahalaga sa ‘yo ang feelings ko ay tigilan mo ang pakikipag-usap at pakikipagkita kay Jessa.”
“Si Jaxon ang may gusto makita si Jessa, ZY. Parang ang unfair naman na ako ang iniisip mong—”
“Bata lang si Jaxon. Siguro sasama ang loob niya kapag hindi mo na siya payagan makipagkita kay Jessa pero…” Huminga ng malalim si Zylah. Bakit parang ang hirap-hirap naman umunawa ni Bryce sa nararamdaman niya?
“Stop being jeaous with Jessa, Zy… ikaw ang pinili ko. Ikaw ang asawa ko.”
Umiling si Zylah. Hindi makapaniwala na tinitigan si Bryce. Iniisip ang bawat katagang binitiwan nito. Siya ang pinili. Siya ang asawa. Bakit hindi sabihin na siya ang mahal? “Pamilya tayo, ‘di ba?” Nilingon niya ang anak na tulog.
“Yes, tayo ang pamilya kaya huwag mong isipin si Jessa.”
Tumango si Zylah. “Hindi ko siya gustong isipin pero kung hindi ka titigil hayaan si Jaxon na makasama pa si Jessa ay hindi na tayo magiging pamilya. Hindi mo ba nakikita? Hindi na ako ang gusto ni Jaxon maging mommy.” Masama ang loob na tumalikod na siya. “Anyway, hayaan na. Buhatin mo na si Jaxon, umuwi na tayo.”
Hindi na nagsalita pa si Bryce at sumunod na lang sa asawa. Nasa loob na sila ng sasakyan ng hawakan ni Bryce ang kamay niya. “Promise.” Bryce kissed her hand. “Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Kakausapin ko si Jessa na hindi na pwedeng i-tolerate si Jaxon.”
Zylah only nodded. Hindi niya alam kung gaano kasinsero ang sinabi ng asawa pero para kay Jaxon… para sa pamilya na siyang mundo niya ay lalaban siya. Ipaglalaban niya ang mag-ama. Kung kulang pa ang pag-aasikaso niya… kung kulang pa ang pag-iintindi niya… dadagdagan niya. Hindi siya papayag na maagaw sila ni Jessa lalo na at nakikita niyang may pag-asa pang magbago si Bryce dahil mahalaga rin dito ang pagsasama nila.
Pagdating nila ng bahay ay tulog na tulog pa rin si Jaxon. Tinulungan siya ni Bryce asikasuhin ang anak sa kuwarto nito bago sila nagsolo sa master’s bedroom.
Nag-shower si Zylah pagkatapos ng asawa maligo. Paglabas niya ng banyo ay naabutan niya si Bryce na gising pa at ibinaba ang hawak na phone sa kama. Hindi na niya gustong isipin kung sino ang katawagan nito. HIndi na rin niya kailangan itanong.
Binalewala na niya ang naabutan at kinuha ang brush sa ibabaw ng chest drawer para suklayin ang may kahabaang buhok. Lumapit si Bryce sa kaniya habang nagsusuklay siya at hinaplos ang mga braso niya.
“Zy…”
“I’m not in the mood, Bryce…” direkta na niyang sabi dahil alam na niya kung saan patungo ang pahaplos-haplos ng asawa.
Inikot siya ni Bryce paharap dito. “Do you remember our topic earlier before we go to the hospital?”
Nanatiling tahimik at nakatingin lang si Zylah sa asawa. “Alin doon? Iyong doon muna si Jaxon sa Mommy mo?” S’yempre naalala niya ang unang pinag-usapan nila ni Bryce. Kunwari lang siya na iba ang natandaan niya. “Ayoko,” aniya at tinalikuran ang asawa para humarap sa salamin. “Hindi naman sa ayaw kong palapitin ang anak ko sa mommy mo pero…” She heaved a sigh. “Pero mas mabuting dito na lang muna si Jaxon at ako ang kasama lagi para matigil siya kakasabi na si Jessa ang gusto niyang maging mommy.”
Niyakap ni Bryce ang asawa. “Yeah…” Dinampian nito ng hȁlik ang gilid ng leeg ng asawa at inamoy ang buhok nito. “Mas okay na nga ang gan’on para malimutan ni Jaxon si Jessa.”
Hinapit siya ng asawa. “But we are talking other thing…” Pinagapang nito ang kamay sa tiyan ni Zylah pababa pa sa pagkabȁbae ng asawa. He touched her there.
“Bryce, pagod ako…” tanggi ni Zylah. Ang totoo ay wala siyang gana dahil hindi pa rin niya maiwasan isipin kung paano siya gano’n kadaling ipagpalit ni Jaxon. At hindi niya pwedeng sisihin ang anak. Si Bryce pa rin ang dahilan kaya ayaw na sa kaniya ng anak niya.
“I want another child, Zy…” Binuhat ni Bryce ang asawa at hiniga sa kama. Lumalim ang mga hȁlik nito hanggang kusa nang bumukȁ ang mga labi ni Zylah para tanggapin ang binibigay ni Bryce.
Bryce removed Zylah’s robe and feasted on the beauty of his wife. And when he entered her… he smiled at sweet moans Zylah did. Hindi niya hahayaan mawala sa kaniya si Zylah. Importante sa kaniya ang asawa. Alam niyang bumabalik ang nararamdaman niya para kay Jessa pero hindi niya pwedeng itanggi ang katotohanan na ayaw niyang masira ang pamilya kaya gagawin niya ang inuutos ni Zylah na tigilan ang makipagkita kay Jessa.
******
Dahil Sabado ay hinayaan na ni Zylah ang anak matulog nang mahimbing. Pasado alas-nueve na nang makita niya si Jaxon na pababa ng hagdan at palapit sa kaniya.
“Gusto ko kay Lola Helan,” sabi ni Jaxon sa ina.
“You’re not allowed for now to go to your grandma’s house?”
“And why?” tanong nito. Ibinaba nito ang baso ng gatas at hindi na itinuloy ang pag-inom.
“Dahil mamamasyal tayo mamayang hapon at bibili ng toys. Manonood din tayo ng movie. It’s Saturday, Jaxon. Family time.”
“No. Gusto ko kay Lola Helen. Ayoko ng family time natin. Gusto ko family time namin nina—”
“Nino? Ng Mama Jessa mo?” malumanay na tanong ni Zylah kahit sumasama na naman ang loob niya. “Listen to me, Jaxon. Hindi mo mama si Jessa. Ako ang mommy mo…”
“Hindi ka ba makaintindi?!” pasigaw na tanong ni Jaxon na ikinakunot-noo ni Zylah. “Ayoko na sa ‘yo! Si Mama Jessa lang ang gusto ko!”
“Na wala akong planong gawin…” kalmadong wika ni Austin para sagutin ang sinabi ni Bryce. “Hindi ko ugaling mang-angkin ng hindi akin, Bryce. Jaxon is my stepson technically, and legally dahil ako ang legal na asawa ng mother niya. But speaking of who’s the father of Jaxon should be ay wala akong planong agawin sa ‘yo, kaya huwag kang magdrama na parang inaagaw ko ang anak mo dahil hindi ko pinigilan si Zylah na iuwi namin siya.”Natigilan si Bryce. Napahiya kahit paano. Alam niyang hindi niya pwedeng inisin ang gaya ni Austin pero hindi naman palibhasa investor niya ito ay hahayaan na lang niya na magmukhang balewala para sa gaya nito. Kapag hindi niya inilaban ang sitwasyon niya ay lalo na siyang magmumukhang trapo na lang sa tingin nito. At pagtatawanan lang siya ni Zylah. Iisipin na napakahina niya.“If that’s what on your mind then better convince your wife na ihatid niyo na si Jaxon sa bahay, Austin!” pautos ulit na turan ni Bryce. “Okay na tayo basta ihatid niyo sa bahay si Jaxo
“Zylah is Jaxon’s mother,” kalmadong tugon ni Austin sa tanong ni Bryce. “Nakalimutan mo na ba ang sabi ni Jaxon kanina?” tanong niya rito. “Kay Jaxon nanggaling ang request na huwag siyang iwan ni Zylah sa inyo.”Nagtangis ang mga bagang ni Bryce. “Hindi ko alam kung anong drama ng asawa mo na pagtapos pabayaan si Jaxon ay bigla na lang gusto niyang umaktong mabuting ina ngayon…” wika niya habang palakad-lakad sa harap ng hospital room ni Jessa.“Mukhang mali naman ang sinabi mong ‘matapos pabayaan’ na ‘yan…” usal ni Austin sa tonong nagpipigil lang pero halatang hindi natutuwa sa mga naririnig kay Bryce. “Alam na alam mo kung bakit lumayo si Zylah, Bryce. Lumayo lang siya para pagbigyan kayo pero hindi siya nagpabaya. She just let you at iyon naman ang gusto niyo noon, ‘di ba? Ang palitan siya sa buhay niyo.” “Ayokong makipagtalo sa ‘yo, Austin…” usal ni Bryce. “Isa pa ay wala naman tayong dapat pagtalunan. And I have nothing against you… It’s true,” dagdag pa niya para ipaabot na r
Pabalik-balik na naglalakad si Bryce sa harap ng delivery room kung saan naroon si Jessa na kasalukuyan nanganganak. Tuliro siya sa halo-halong naramdaman. Inis, insulto, pagkalito… lahat ng iyon ay naglalaro sa emosyon niya. Binalikan niya ang pangyayari kanina sa school na dahilan kaya narito sila sa ospital ni Jessa. Ang pagkapahiya nila kanina ng asawa sa pananampal ni Zylah. Ang amusement sa mga mata ni Austin na obvious na suportado ang ginawa ng asawa nito. Ang pagpapakampi ni Jaxon sa mommy nito at sabihing ayaw na sa kanila. At ang mapanghusgang tingin ng principal sa kanila kanina ni Jessa kasama pa ng dalawang guro matapos ang mga narinig na sinabi ni Jaxon. Lahat ng mga iyon ay pabalik-balik sa isip ni Bryce at dahilan kaya lalo siyang nagagalit kay Zylah. Kung hindi sa kalokohan nito ay hindi mapapaanak ng wala sa oras si Jessa. Iyak ng bagong silang na sanggol mula sa delivery room ang umagaw ng atensyon ni Bryce. Napalitan ng ngiti ang nararamdaman niyang buwesit sa m
“Zylah!” galit na reaksyon naman ni Bryce at inalalayan ang asawa dahil halos natumba ito sa malakas na sampal ni Zylah at ngayon ay dinuduro-duro pa. “What the hell are you saying?!” pasigaw niyang dagdag. “You are insane acting so important! Hindi palibhasa may investment si Austin sa kumpanya ko ay may karapatan kang astahan kami ng ganiyan. And that slap you did to Jessa, sa palagay mo palalampasin ko na lang iyon ng gano’n na—”Isang sampal ang nagpatigil din kay Bryce. Mas malakas. Mas puno ng galit.“You!” galit na buwelta ni Bryce nang makabawi sa sampal na binigay ni Zylah. “Sumusobra ka na!” Hinila nito ang isang braso ni Zylah at plano sanang sampalin para mapatigil nang…“Don’t you there lay a finger on my wife, Almendras!” mababa lang ang tonong wika ni Austin pero puno ng pagbabanta ang tingin niya rito habang pigil ang kamay nitong naitaas na at nakahanda na ip[adapo kay Zylah. Binitiwan ni Bryce si Zylah. Napahiya. “Then what’s the hell wrong with your wife slapping us
“Stop saying that, Austin!” ani Bryce para ipagtanggol ang asawa. “Jessa is a good mother. Hindi mo alam ang totoo kaya wala kang ideya sa sinasabi mo! At hindi ko alam kung ano ang motibo nitong asawa mo sa patanong-tanong ng kung ano-ano kay Jaxon. Isa pa ay wala kayong ebidensya sa mga binibintang niyo kaya tigilan niyo ang kung anong kalokohan na sinasabing inaapi ni Jessa ang anak ko! Ako ang ama ni Jaxon at nasa poder ko siya. Kung totoong inaapi siya ni Jessa ay ako ang unang makakaalam. Hindi kayo!” Nagkatinginan sina Austin at Zylah. Parehong ang nasa isip ay napakagago talaga ni Bryce. “Hindi pa ba sapat ang sinabi ni Jaxon na ayaw niya sa inyo?” mapanghamon na tanong ni Zylah kay Bryce. “Hindi pa ba sapat na ako na inayawan niyang ina noon ang ngayon pinapakiusapan niyang huwag siyang iwan sa inyo? I’m telling you two… kukunin namin si Jaxon at huwag niyo na hangarin makigulo pa dahil hindi kami papayag na ibalik pa siya sa inyo!”“Jaxon has his habit of making things up!”
“And what do you think you’re doing, Jaxon?” tanong ni Jessa sa naiiyak na boses. Kunwari ay takang-taka sa ginawi ng bata at nasaktan. Jessa knows well she needs to play her cards. Hindi pwedeng magmukha siyang masamang ina sa tingin ng mga teacher at principal dahil sa mga sinabi ni Jaxon. At sa bagay na iyon ay alam niyang lamang na lamang siya kasi magaling siyang umarte at bumibenta lagi. “After kang iwan ng mommy mo at ako na ang naging mommy mo ay paano mong nasabi ‘yan, Jaxon?” patuloy ni Jessa na may pahikbi pang style sa boses. “Nakalimutan mo na bang pinabayaan ka ng mommy mo? Remember those times you always told me how happy you are that I became your mom?”Alam ni Jessa na siguradong pag-uusapan sila ng mga guro dahil sa kung anong sinabi ni Jaxon pero kailangan mapalabas niyang pabayang ina si Zylah at piniling unahin ang anak ng asawa nito kaysa sa tunay nitong anak. Kailangan siya ang mukhang nagsakripisyo tapos ay sinasagot-sagot pa ni Jaxon ng gano’n. Tama… ano man





![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

