Share

Chapter 108

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-11-16 13:19:53

HINDI alam ni Thea kung gaano katagal bago tumigil sa pagpatak ang kanyang mga luha. Napakarami niyang gustong itanong. Napakarami niyang gustong sabihin sa lolo niya pero nang makita niya ang isang pamilyar na mukha sa likod nito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hindi niya maipaliwanag na galit.

“I am really sorry for your loss…” malungkot na sabi sa kaniya ng kanyang lolo na kaagad na ikinakunot ng noo niya.

Napatitig siya rito kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. “What d
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 108

    HINDI alam ni Thea kung gaano katagal bago tumigil sa pagpatak ang kanyang mga luha. Napakarami niyang gustong itanong. Napakarami niyang gustong sabihin sa lolo niya pero nang makita niya ang isang pamilyar na mukha sa likod nito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hindi niya maipaliwanag na galit.“I am really sorry for your loss…” malungkot na sabi sa kaniya ng kanyang lolo na kaagad na ikinakunot ng noo niya.Napatitig siya rito kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. “What do you mean po?” Mahina niyang tanong rito. Wala siyang kaide-ideya sa sinasabi nito pero kaagad na nagkaroon siya ng masamang kutob.What if tungkol ito kay Nathalie? What if…Halos hindi alam ni Thea kung paano siya hihinga. Nakita niya kung paano naman nagulat ang lolo niya at lumingon kay Zach na nasa likod nito. “You didn’t tell her?”Napalingon siya kay Zach na noong mga oras na iyon ay ni hindi siya magawang tingnan. “Tell me what?”Walang nagsalita at habang wala siyang naririnig kundi pa

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 107

    HALOS magtatalong araw na si Thea sa ospital pero kahit anino ni Nathalie ay hindi niya pa rin nakikita. Ilang beses niya na rin itong sinubukang tawagan ngunit hindi nito iyon sinasagot o ni magreply man lang sa kaniya ay hindi nito ginawa.Habang dumadaan ang araw ay mas lalo lang tumitindi ang pag-aalala niya. Bukod pa doon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay parang may something na nawala sa kaniya at hindi niya lang iyon mapinpoint kung ano.Araw-araw siyang binabantayan ni Zach. palagi itong nasa tabi niya at inaalalayan siya. Masaya siya na medyo okay na naman sila pero hinid pa nila ulit pinag-usapan ang tungkol sa sinabi nito noon sa kanya bago mangyari ang lahat ng iyon.Wala din itong binanggit tungkol sa mga taong dumukot sa kaniya pero sigurado siya na kung hindi si Justin ang nag-utos sa mga iyon ay walang iba kundi ang Jace Madrigal na iyon.Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang napatingin sa p

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 106

    “DAD please…” pakiusap ni Jace sa kanyang ama.Tinawagan siya ng kanyang nga tauhan para humingi na ng tulong dahil hindi na nila kaya pang pigilan ang kanyang ama na nagpupumilit pumunta sa ospital para makita na si Thea.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya dahil paano niya sasabihin dito ang totoo? Paano niya sasabihin dito ang relasyon niya kay Thea? Sa nangyari rito?Tiyak na sisisihin siya nito. Tiyak na sukdukan ang galit nito sa kaniya.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin nasasabi rito ang totoo. Hindi niya alam kung paano niya ba uumpisahan ang pagpapaliwanag. Sigurado siya na kapag sinabi niya rito ang totoo, ang lahat ng ginawa niya kay Thea ay hindi lang ilang mura ang aabutin niya. Malilintikan din siya.Napakatagal ng panahon na hinahanap nito ang ate niya maging ang anak ng ate niya dahil nga nalaman nilang nagkaanak pala ito. Matagal na nitong pinapangarap na makilala man lang ang apo nito at syempre, ganun din ang nararamdaman niya. Excite

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 105

    DAHAN-dahang iminulat ni Thea ang kanyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. Nang ibaling niya ang tingin niya sa paligid ay napansin niya nasa ospital pala siya. May nakakabit pang swero sa kamay niya.Ang kanyang katawan ay nanghihina. Paano siya nakapunta sa ospital?Ang huling naaalala niya ay sinubukan niyang manlaban mula sa mga taong dumukot sa kaniya. Wala siyang ideya kung sino ang mga ito at kung ano ang kailangan nila sa kaniya. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya pero… bigla na lang siyang bumagsak sa sahig. Para siyang tinamaan ng kidlat at dahan-dahang binalot ng sakit mula sa loob niya.Pagkatapos ay nawalan na siya ng malay at hindi na niya alam pa ang mga sumunod na nangyari. Pero habang inililibot ang tingin sa loob ng silid, medyo nakahinga siya ng maluwag dahil kahit papano ay buhay pa rin siya. Kahit papano ay nagawa niyang makaligtas mula sa kamay ng mga taong may masamang balak sa kaniya.Mabuti na lang talaga. Dahan-dahan siyang bumangon. Ha

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 104

    HALOS hindi nakatulog si Zach kahit na sandali lang. Napakaraming gumugulo sa isip niya at hindi niya alam kung ano ba ang uunahin niya. Bumangon siya at pagkatapos ay napahilamos sa kanyang mukha. Dinampot niya ang kanyang cellphone at handa na sanang mag-type ng message niya para kay Thea ngunit mabilis din siyang napatigil ng wala sa oras.Paniguradong hanggang sa mga oras na ito ay galit pa rin sa kaniya si Thea. isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kung magmamatigas siya at sasama ang loob niya sa hindi paniniwala ni Thea sa kaniya ay walang mangyayari. Kailangan niyang magpakumbaba at ayusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa.Kailangan nilang mag-usap ng maayos. Wala namang problemang nadadaan sa hindi maayos na pag-uusap. Sadyang gulat lang ito kahapon at hindi nito inexpect ang lahat ng sinabi niya at naiintindihan niya ito. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito.Pagkatapos niyang magpadala ng message rito ay kaagad siyang naligo at nagbihis. Hindi siya mat

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 103

    ISANG desisyon ang binuo ni Jace ng mag-isa. Hindi na niya kinausap pa si Justin at kumilos ng mag-isa. Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na puntahan si Thea. Tutal at alam nila kung saan ito nakatira ay madali lang nilang magagawa na dukutin ito.Wala siyang ibang alam na maituturo niya na naging dahilan ng pagkawala ni Nathalie kundi tanging si Zach lang. Trinace niya ang mga posibleng puntahan ni Nathalie ngunit hindi niya ito makita. Walang bakas na nanggaling ito sa mga lugar na pinaghanapan niya. Kaya ang gamitin si Thea ang pinaka huling alas niya.Pero hindi niya sigurado kung may halaga pa ba ito sa lalaking kagaya ni Zach Saavedra, pero susubukan pa rin niya at nagbabakasakali. Hindi nagtagal ay bumalik na ang mga tauhan niya sa kaniya. “Sir, tagumpay po ang utos niyo.” imporma nito sa kaniya na ikinangiti niya lang at tyaka napatango.“Good. hayaan niyo na muna siya doon.” Kaya lang ay biglang nagkatinginan ang mga ito na nagpakunot ng noo niya. “What? May problema ba?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status