Share

Chapter 15: Sorry

Penulis: Luffytaro
last update Tanggal publikasi: 2026-08-17 14:40:26

KAAGAD na nabura ang ngiti sa labi ni Nadia nang hindi man lang siya pansinin ni Justin. Nagbihis pa siya ng kaakit-akit at naglagay ng napakapulang lipstick sa labi ng marinig niyang dumating ito sa mansyon pero wala pa rin pala itong epekto.

Hindi iyon ang unang beses na sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito pero palagi siyang bigo. Hindi niya tuloy alam kung siya ba ang may problema o ano dahil palagi niya namang pinapalitan ang style niya. Pangit ba siya o ano?

Sa pagkakaalam niya nam
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 20: Offer

    TULALA si Thea habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. “Anong sinabi mo?” hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang narinig na sinabi nito. Ano daw? Magpakasal sila? Ni hindi pa nga na-finalize ang divorce nila ni Justin tapos ay niyayaya na siya nitong magpakasal.“Wait, wait, wait…” sabi niya at napahilot sa kanyang sentido. Tama ba ang pagkakarinig niya? Niyayaya talaga siya nitong magpakasal? Pero bakit? Nalilito siya. Kung kanina, ang gusto lang nito ay tulungan niya itong pabagsakin ang kumpanya ni Justin, ngayon naman ay ibang usapan na dahil niyayaya na siya nitong magpakasal. Parang may bombang sumabog sa ulo niya.Hindi na niya alam pa kung anong iisipin niya sa totooo lang kaya sa huli ay napasandal na lang siya sa kanyang kinauupuan.“I guess you were shock.” sabi nito pagkalipas ng sandali. At sino namang hindi diba? Pumunta siya doon sa pag-aakalang may naghihintay na trabaho sa knaiya but it turns out, plinano pala nitong tulungan siya dahil may kailangan ito s

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 19: ZSA Company Director

    KAHIT na puno ng pagdadalawang isip si Thea ay pumunta pa rin siya sa address na nakalagay sa card na ibinigay sa kaniya ng lalaking tumulong sa kaniya kanina. Kailangan niya talagang pumunta doon dahil may utang na looob siyang dapat niyang bayaran. Dumating siya sa isang building na sa tantiya niya ay nasa kalahating ektarya ang luwang. May apat na palapag ito at ang gate ay napakataas. Doon pa lang ay hinarang na siya kaagad at akala niya ay hindi siya papapasukin kaya lang nang ipakita niya ang card ay doon na siya nito pinapasok kaagad na para bang nakakita ito bigla ng multo.Hindi niya alam ang pasikot-sikot doon kaya nagtanong na lang siya. Mabuti na lang at mababait ang staff ng kumpanya. “Akyat daw po kayo ma’am sa fourth floor kung saan naroon ang opisina ng Director.” nakangiting sabi sa kaniya ng nasa lobby.“Thank you.” sabi niya at tinungo ang elevator na nasa gilid.Hindi niya alam kung inaasahan pa siya ng taong nagbigay sa kaniya ng card kahapon na dumating. Tyaka

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 18: Pissed Off

    “WHAT? May ibang tumulong sa kaniya?” hindi makapaniwalang tanong ni Justin sa kaibigan niyang si Marcel.Hindi ito kilala ni Thea dahil kababalik lang nito sa bansa at kung sakali man na magkita sila ay hindi nito maiisip na ang lahat ng iyon ay maingat niyang plinano. Kagabi, bago siya matulog ay inisip na niya ang bagay na iyon.Paano ba naman kasi ay hindi siya dalawin ng antok at tyaka, bigla na lang niyang nakita ang picture nila ni Thea na nakasabit pa sa bahay nila noong kasal nila. Parang hindi pa rin siya makapaniwal na isang linggo na lang ay maghihiwalay na silang dalawa ni Thea kaya bigla siyang nakaisip ng isang plano.Hindi ganun kalawak ang kapangyarihan niya para pagbantaan ang mga kumpanya na tatanggap kay Thea pero ang mga Madrigal, kaya nila iyong gawin kaya kahit na ayaw niya sanang humingi ng pabor sa mga ito ay nilakasan na lang niya ang loob niya.Mabuti na lang at nagtagumpay siya. Kaya nga lang ay sa isang bagay siya pumalpak. Hindi niya akaling out of nowher

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 17: Work For Him

    HALOS hindi alam ni Thea ang gagawin niya ng subukan niyang mag-withdraw sa kanyang atm ngunit ayaw itong pumasok. Sa halip ay pilit nitong iniluluwa ng machine. Kaya wala siyang choice kundi ang pumunta sa bangko para mag-withdarw. Ang galit at naiinip na mukha ng lalaki ang pauulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Thea.“I’m sorry ma’am pero naka-freeze po ang account niyo.” sabi ng teller sa kaniya. “What?” hindi makapaniwala si Thea sa narinig. Ang kanyang mga kamay ay napakuyom ng mahigpit nang marinig niya ng sinabi nito. Ilang card ang sinubukan niya pero ang lahat ng iyon ay pare-pareho lang ang lumalabas. Don’t tell me ay pinutol na lahat ni Justin ang card niya?Anong ipambabayad niya ngayon sa lalaking iyon? Napakagat labi siya at mahigpit na napahawak sa kanyang cellphone. Kung tatawag siya kay Nathalie at hihingi siya ng tulong dito ay tiyak na hindi ito magdadalawang isip na tulungan siya pero… nahihiya siya sa kaibigan niya. Alam niyang hindi siya nito matitiis pero…Handa

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 16: Accident

    HINDI maipinta ang mukha ni Thea na lumabas sa pang sampung kumpanya na sinubukan niyang aplayan ng trabaho. Iisa lang ang sagot ng mga ito, walang bakante. Ni hindi man lang nila siya tinanong kung bakit siya naroon at kung anong posisyon ang aaplayan niya sa halip ay tinanong lang ang pangalan niya at ayun, pinaalis na siya kaagad pagkatapos marinig kung anong pangalan niya.Napakagat labi siya. Alam niya na kaagad kung bakit iyon nangyayari sa kaniya. Iisa lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit, dahil iyon kay Justin. Bago siya umalis kagabi sa bahay nila ay pinagbantaan siya nito at sigurado siya na kagagawan nito iyon.Hindi niya akalain na seryoso ito sa ginagawa nitong panggigipit sa kaniya dahil lang sa nakipaghiwalay siya rito samantalang kung tutuusin ay dapat maging masaya ito dahil hindi siya nanggugulo katulad ng ibang babae hindi ba? Dapat nga ay maging masaya na lang ito dahil handa siyang palayain ito ng walang kapalit.Nagtagis ang mga bagang niya at taas noong na

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 15: Sorry

    KAAGAD na nabura ang ngiti sa labi ni Nadia nang hindi man lang siya pansinin ni Justin. Nagbihis pa siya ng kaakit-akit at naglagay ng napakapulang lipstick sa labi ng marinig niyang dumating ito sa mansyon pero wala pa rin pala itong epekto.Hindi iyon ang unang beses na sinubukan niyang kuhanin ang atensyon nito pero palagi siyang bigo. Hindi niya tuloy alam kung siya ba ang may problema o ano dahil palagi niya namang pinapalitan ang style niya. Pangit ba siya o ano? Sa pagkakaalam niya naman ay maganda siya, kaya niya nga naakit ang ama ni Justin. Pero ang plano talaga niya noon ay si Justin ang akitin niya pero hindi siya nagtagumpay kaya nagbago ang plano niya. Mas madali niyang naakit ang ama nito na ngayon ay ginawa na siyang pormal na babae nito.Wala siyang pakialam kung ano ang sabihin ng ibang tao pagdating sa kaniya o sa estado niya sa buhay ng matandang Agnes, hindi na iyon mahalaga para sa kaniya. Ang mahalaga ay nagagawa niya ang lahat ng gusto niya at higit sa lahat

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status