Share

Chapter 100

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-11-07 10:52:59

PUNO ng pagtataka si Nathalie nang utusan siya ng kanyang boss na si Zach na pumunta sa ipinapagawa nilang warehouse. Nagbigay lang ito ng isang address at may isang folder na ipinabibigay ito sa business partner nitong si Sea tyaka umalis.

Wala siyang ideya kung anong laman ng folder dahil unang-una, hindi niya naman ito sinilip. Gumamit pa siya ng google map dahil medyo liblib na lugar pala ang pinapuntahan nitong lugar.

Pagbaba niya ng sasakyan, hindi niya maiwasang magtaka nang mapansin niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 100

    PUNO ng pagtataka si Nathalie nang utusan siya ng kanyang boss na si Zach na pumunta sa ipinapagawa nilang warehouse. Nagbigay lang ito ng isang address at may isang folder na ipinabibigay ito sa business partner nitong si Sea tyaka umalis.Wala siyang ideya kung anong laman ng folder dahil unang-una, hindi niya naman ito sinilip. Gumamit pa siya ng google map dahil medyo liblib na lugar pala ang pinapuntahan nitong lugar.Pagbaba niya ng sasakyan, hindi niya maiwasang magtaka nang mapansin niyang wala naman palang itinatayong warehouse doon kundi may isang maliit ba dalawang palapag na bahay ang nakatayo sa isang malawak na lote na nababakuran ng mga electric fence. Napakunot ang noo niya ng wala sa oras. Tinatanong ang sarili kung tamang lugar nga ba ang napuntahan niya o baka mali lang siya ng kantong napasukan. Ang sabi sa kaniya ng lalaki ay kailangan niyang maibigay ang folder rito dahil importante daw ang laman nito.Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan san

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 99

    BINILISAN ni Thea ang kanyang paghakbang at pinili niyang hindi na lumingon pa. Sa bawat paghakbang niya ay pabigat ng pabigat ang mga paa niya. Ang kanyang mga labi ay nag-umpisa ng manginig maging ang mga kamay niya. Ang sulok ng kanyang mga mata ay nag-umpisa na ring mag-init.Sobrang bigat ng nararamdaman niya. Walang linaw ang naging usapan nila ni Zach pero alam niya na nasaktan ito dahil hindi niya ito pinaniwalaan pero masisisi ba siya nito? Halos kahati na ng buhay niya ay kasama niya si Nathalie. Kahit na pauulit-ulit pa nitong sabihin sa kaniya na ito ang traydor ay pauulit-ulit niya rin itong ipagtatanggol laban dito, kahit na ito ang lalaking mahal niya.Sobrang sakit sa kaniya na kailangan niyang mamili. Sobrang sakit sa kaniya na sa dami ng taong pwedeng pamiliin siya, bakit ito pa? Nang makarating siya sa kanyang silid ay dali-dali siyang pumasok at sinara ang pinto. Sumandal siya rito at napahawak sa kanyang dibdib kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina niya pa pili

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 98

    “I miss you too, Thea. I miss you so much.” masuyong bulong nito sa kaniya at mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. Hinaplos niya ang likod nito at hindi niya alam kung ilang minuto silang magkayakap hanggang sa tuluyan na siya nitong binitawan.Hinawakan nito ang kamay niya at inakay siya palabas. Doon kasi ay may upuan. Hindi niya alam kung bakit ito pumunta doon ng walang pasabi, o gusto lang talaga siya nitong makita? Hindi siya sigurado.Pero ang isipin na nandito ito para sa kaniya ay halos magpatibok na ng puso niya ng napakabilis. “We need to talk.” seryoso nitong sabi sa kaniya at hindi niya maiwasang hindi mapakunot noo dahil sa tono ng boses nito at higit sa lahat, para bang bigla siyang kinabahan.Ano naman kaya ang dapat nilang pag-usapan? Wala siyang ideya. May problema na naman kaya?Pinaghila siya nitong upuan at pagkatapos ay umupo din sa harap niya. Ilang beses itong humugot ng malalim na buntong hininga dahilan para mas lalo akong kabahan ng wala sa oras. Sinong

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 97

    ILANG araw nang hindi pinupuntahan ni Zach si Thea. masyado siyang busy nitong mga nakaraan at sa totoo lang, kating-kati na siyang puntahan ito. Kating-kati na siyang makita ito at higit sa lahat, gustong-gusto na niya itong makasama pero dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw ay pinili niya na lang munang magtiis.Hindi na muna siya pupunta doon. Hindi na muna siya makikipagkita rito dahil may inaasikaso siya. Nag-order siya ng another batch para kapalit ng mga nawalang cargo nila. Si Nathalie ang pinag-asikaso niya sa lahat dahil nasa ibang bansa ang assistant niya para asikasuhin ang ilang bagay para sa kanya.Sinadya niya iyon. Dahil sa kakaibang ikinikilos nito ay bigla na lang siyang nagkaroon ng kutob na hindi maganda. Bukod pa doon ay naisip niya ang naglagay ng virus sa system nila kaya nagkaroon ng access sina Justin sa lahat ng impormasyon ng kumpanya ay tjmutugma ang lahat kung kailan dumating si Nathalie sa kumpanya niya.Ayaw niya naman itong paghinalaan sa t

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 96

    NAG-angat ng ulo si Zach nang marinig niya ang katok mula sa pinto ng opisina niya. Past five na ng hapon at inaasahan niyang umalis na ang lahat, umuwi na ang mga ito at mag-isa na lang siya doon ngunit nakita niyang pumasok si Nathalie.Mabilis siyang nagyuko ng kanyang ulo at muling ibinalik ang tingin sa mga papeles na nasa harap niya. Sa totoo lang, kaninang umaga ay napansin na niyang medyo kakaiba ang ikinikilos nito. Idagdag pa na medyo nanibago siya sa sut nitong damit ngayong araw.,Kung nitong mga nakaraan ay medyo maayos ang damit nito, ngayon naman ay parang medyo daring ito ng kaunti. Napakanipis ng suot nitong blouse na halos makita na ang nasa loob ng damit nito. Bukod pa doon ay nakabukas pa ang ilang butones ng damit nito sa bandang itaas kaya medyo expose ng bahagya ang dibdib nito.Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay kakaiba ang ikinikilos nito. “Hindi pa ba kayo uuwi sir?” tanong nito sa kaniya sa malambing na boses.Napahigpit ang hawak niya sa ila

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 95

    HALOS manginig ang buong katawan ni Thea pagkatapos niyang isara ang gate. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay at pagkatapos ay siniguro niya ring nakasara ang pinto at naka-lock iyon. Nagpalakad-lakad siya sa sala. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Justin ang bago niyang address.Wala naman siyang pinagsabihang iba kundi tanging si Nathalie lang at syempre si Zach tyaka si Sea. kaya laking pagtataka niya kung paano nito nalaman ang tungkol sa paglipat niya. Hindi niya naman talaga maitatago rito ang totoo, tungkol sa pakikipaghiwalay niya kay Zach since marami ring tao ang nakabantay sa buhay nila pero alam niyang siniguro ni Zach na magiging ligtas siya sa bahay na iyon kaya maingat nitong pinili iyon.Umupo siya sa sofa. Parang bigla siyang nawalan ng lakas dahil sa nangyari. Habang tumatagl ay parang nagiging iba na si Justin sa paningin niya. Hindi na ito ang dating lalaking minahal niya. Parang ibang tao na ito. Iba na rin ang ikinikilos nito sa totoo. Bigla tuloy si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status