Share

Chapter 66

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-09-28 19:09:51

MABILIS na iniiwas ni Thea ang kanyang mukha. Hindi dahil sa hindi niya gusto ang ginagawa ni Zach kundi dahil natatakot siya sa nararamdaman niya. Natatakot siya na ma-cross ang linya sa relasyon nila. Kagagaling niya lang sa isang breakup at alam niya na vulnerable pa siya. Syempre ay kung magpakita sa kaniya ng ganung emosyon ay baka ma misinterpret niya.

Alam niya na hindi nito sinasadya ang mga ginagawa nito at kasalanan niya kung bakit niya nararamdaman ang lahat ng iyon. Kasalanan niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 84

    ILANG sandali pa ay bumuka ang bibig nito. “Can we still meet right after we divorce?”Siya ang hindi nakasagot. Kung ipapakita nila na naghiwalay na silang dalawa at tuluyang nagkasira dahil lang sa pakulo ng mga ito, tama ba na magkita pa sila? Pwede naman na magkita sila pero hindi siguro pwedeng lantaran kundi, pwede silang magkita ng palihim.“Zach—”“Thea, I can’t do it.”“I really can’t…” pahina ng pahina ang boses ni Zach. Ang mukha nitong napakagwapo ay napuno ng frustration. Halatang ngayon pa lang ay nahihirapan na ito. Hindi pa nga sila naghihiwalay at pinag-uusapan pa lang nila ang tungkol dito ay ganito na ang reaksyon nito paano pa kaya kung tuluyan na silang naghiwalay? Ano na kaya ang magiging reaksyon nito?Yumuko ito at hinawakan ang dalawa niyang kamay tyaka marahang pinisil. “I know masyado pang madali, masyado pang maikli ang panahong nagkasama tayong dalawa. Na naging okay tayo pero…” nagtaas ito ng ulo at tumitig sa kaniya na may seryosong mga mata. “But you ar

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 83

    NASA harap ng kanyang laptop s Thea nang bigla na lang niyang maramdaman ang isang pares ng kamay na pumulupot sa kanyang bewang at pagkalipas ng ilang sandali ay dumampi naman ang mainit nitong labi sa kanyang leeg. Napapikit siya ng mariin at tumigil ang kanyang mga daliri sa pagtatype.“Zach…” mahina niyang usal sa pangalan nito. Hindi ito sumagot sa halip ay marahan nitong kinagat ang kanyang tenga na nagpatigil sa kanyang paghinga. “Zach…” muli niyang tawag sa pangalan nito sa pagkakataong iyon ay may halo ng pagsaway rito.Tumigil naman ito ngunit mabilis nitong iniikot ang kinauupuan niya para tuluyang magkaharap silang dalawa. “Zach—” Kaagad itong yumuko, ikinulong ang kanyang mukha sa malalaki nitong mga palad at siniil siya ng halik na para bang hindi sila nagkitang dalawa ng napakatagal. Samantalang kagabi, hanggang bukang liwayway yata silang nagniniig na dalawa.Ngunit ganun pa man ay hindi niya ito tinanggihan kundi buong puso niyang tinanggap ang mga halik nito at sina

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 82

    MAHIGPIT ang pagkakunot ng noo ni Sea habang nakatingin kay Zach. Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan pa ang sarili niyang magtanong. “May problema ba?” salubong ang kilay niyang tanong dito.Kanin pa kasi ito tingin ng tingin sa cellphone nito na para bang may chinecheck at hindi niya alam kung ano iyon.Umiling ito. “Wala.” sabay baba ng cellphone nito sa mesa ng patalikod.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lang dito. “What?” tanong nito sa kaniya nang mapansin nitong nakatitig lang siya sa mukha nito.Ipinilig niya ang kanyang ulo at napahawak sa kanyang baba. Hindi pa rin niya tinatanggal ang kanyang mga mata rito. “What got into you?” Kanina niya pa napapansin na may kakaiba rito. Hindi naman ito mukhang stress, sa totoo nga ay mukha itong masaya. Ito rin ang unang beses na naghintay siya rito dahil medyo na-late ito sa pagdating sa kumpanya nito. Maging ang sekretarya nga nito ay nagtataka rin.Dahil doon ay nasabi nito sa kaniya na maaga itong umuwi kahapon a

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 81

    ANG mga kamay ni Zach ay nag-umpisa ng maglakbay sa ibat-ibang parte ng katawan niya at ni wala man lang siyang kahit na katiting na pagtutol. Buong puso niyang tinanggap ang halik at mga haplos nito. Nang bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg ay napapikit siya ng mariin. Halos hindi niya magawang huminga ng maayos dahil sa ginagawa ni Zach sa kaniya noong mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na ang marahang pagkagat at pagsipsip nito sa kanyang leeg dahilan para maitaas niya ang kanyang kamay at tinakpan ang kanyang bibig bago pa kumawala ang kanyang mga ung0l.Ilang sandaling tumigil si ZAch bago inabot at tinanggal ang kanyang kama sa labi at dinala ito sa balikat nito bago niya narinig ang mahina nitong pagbulong. “Don’t hold your moans. I love to hear it.” bulong nito sa kaniya na nagpainit ng kanyang mga pisngi.Hindi siya sumagot ngunit nang muli nitong dilaan ang kanyang punong tenga pababa sa leeg niya ay pinagdikit niyang muli ang kanyang mga bibig dahil

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 80

    “THIS is where my happiness Zach…”Paulit-ulit iyong tumakbo sa isip ni Zach. Parang hindi siya makagalaw. Nanatili lang siyang nakatitig kay Thea. Bukod pa doon ay nag-umpisa ng tumibok ng mabilis ang dibdib. Anong ibig nitong sabihin?Ayaw niyang mag-expect, ayaw niyang umasa kaya mas maganda kung linawin nito ang sinasabi nito. Bumuka ang kanyang bibig ngunit mabilis ding sumara. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. He was lost with words.“You always say that I am still in love with Justin but I am not. I no longer love him…” paliwanag nito.Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Napakainit ng palad nito at sa bawat pagdampi ng balat nito sa balat niya ay may isang pakiramdam na hindi niya mabigyan ng pangalan. “I am really mad at you right now, dahil wala kang tiwala sa akin but please… don’t push me away…” gumaralgal ang boses nito.“I don’t want to go… I don’t want to leave…” puno ng sakit na sambit nito. Doon na siya hindi nakapagpigil at bigla na lang niya itong hinila at n

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 79

    KANINA habang pauwi si Zach ay isang bagay ang pumasok sa isip niya. Ano ba ang dapat niyang gawin?Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi sa kaniya ni Sea nitong mga nakaraang araw, na isang pawn lang si Thea para sa kaniya para sa paghihiganti niya kay Justin. Aaminin niya na noong una ay ganun nga, pero habang dumadaan ang araw, habang tumatagal silang magkasama ay hindi na iyon ang tingin niya sa kaniya.Sobra siyang nagsisisi sa mga salitang binitawan niya kay Thea kagabi, kung paano niya ito nasaktan dahil sa mga ito at alam niya, kahit na anong paghingi pa ng tawad ang gawin niya ay hindi na nito magagawa pang kalimutan ang lahat ng iyon. Tama ang mga sinabi sa kaniya ni Sea. hindi niya ito dapat pinagdudahan dahil lang sa may past sila ni Justin.Tama rin ito sa part na kaya siya nagalit ng sobra at hindi nakapag-isip ng tama ay dahil nalilito siya sa nararamdaman niya. He would now admit it. He was jealous. Nagseselos siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status