/ Romance / Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy / Chapter 32: Trapped in the Fallout

공유

Chapter 32: Trapped in the Fallout

작가: Ember
last update 최신 업데이트: 2025-03-09 17:54:57

Tumagal ng ilang minuto ang pagtitig ni Cali sa saradong coffee shop. Marahang dumampi ang hangin sa kanyang balat, tila isang malamig na paalala ng lahat ng nawala sa kanya. Naisip niyang bumalik sa sasakyan at lumayo na lang, ngunit may isang bahagi sa kanya na gustong manatili. Gusto niyang damhin ang sakit, ang panghihinayang—dahil iyon lang ang natitira sa kanya ngayon.

Pero hanggang kailan siya magpapakatali sa nakaraan?

Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang inalis ang kamay sa salamin ng café. Hindi niya napansin ang mga luhang namuo sa gilid ng kanyang mga mata hanggang sa maramdaman niya ang bahagyang pag-init ng kanyang pisngi. Agad niya itong pinahid, hindi nais na hayaang manaig ang kahinaan.

Napalingon siya nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Lumapit si Kuya Ben sa kanya, maingat ang bawat kilos.

"Ma’am Cali," marahang tawag nito. "Gusto niyo pa pong manatili rito?"

Saglit siyang natahimik bago marahang umiling.

"Hindi na, Kuya Ben." Pinigilan niya ang basag sa kany
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 54: The Morning After

    Mataas na ang araw nang magising si Cali. Unang pumasok sa isip niya ay ang nakakahalinang katahimikan. Sunod niyang naramdaman ay sama ng tiyan. Napakabilis ng pagsunod ng mga susunod na pangyayari—parang may humila sa bituka niya, at sa isang iglap ay napabangon siya mula sa kama, hawak ang tiyan, at halos madapa habang nagmamadaling bumangon ng kama.“Cali?” tawag ni Lewis, garalgal pa ang boses—halatang kagigising lang.Pero hindi na siya nakasagot.Diretso siya sa banyo, binuksan ang pinto, at yumuko sa bowl. At sa gitna ng mga masusuka-sukang tunog, naramdaman niyang may malamig na pawis na tumulo sa batok niya. Humawak siya sa tiles habang paulit-ulit na sinusuka ang laman ng sikmura niyang halos wala nang laman.Hindi niya alam kung dahil sa gutom, stress, o kung pareho—pero alam niyang ito na ‘yon.Morning sickness.Hindi lang ito idea. Hindi lang ito test result.May nabubuhay sa loob niya.Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya.“Cali?” mahina, pero

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 53: Steady. Solid. Real.

    Tahimik lang si Cali sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sila pauwi mula sa condo. Hawak-hawak niya ang maliit na paper bag na pinaglagyan ng pregnancy test. Wala siyang masabi. Hindi niya rin alam kung may dapat pa bang sabihin.Pero ang kamay ni Lewis, naroon—nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita habang nagmamaneho siya gamit ang isang kamay.Hindi ito nangungulit. Hindi nagtatanong.Pero ang presensya niya, sapat para hindi tuluyang malunod si Cali sa sariling pagkalito.“Gusto mo bang sabihin kay Devin?” tanong ni Lewis, mahinahon ang tono, parang sinusukat ang lalim ng tubig bago ito lubusang talunin.Umiling si Cali. “Hindi ko pa alam Devin. Hnid ko rin maiisip kong anong dahilan bakit pa niya dapat malaman.”Tumango lang si Lewis. “Okay.”Lumunok si Cally ng makapag pasya ng sabihin kung ano ba talaga ang pinag-aalala niya ngayon. “Ahm– ang iniisip ko ay pamilya mo, Lewis. Anong gagawin natin? Kung kelang sinabi mo na sa pamilya mo na nawala na ang pinagbubuntis ko saka naman

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 52: Before The Truth Sinks In

    Dumilat si Cali sa loob ng isang kwartong hindi kanya. Mahinang liwanag mula sa bintanang may sheer curtains ang dahan-dahang bumalot sa paligid, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang lalaking mahimbing pa ring natutulog.Si Lewis.Nasa guest room sila ng mansion—yung kwarto malapit sa sala. Doon siya inilipat ni Lewis matapos siyang makatulog sa couch kagabi, at sa halip na iwan siya, nanatili rin ito sa sofa bed sa tabi. Pero tila lumipat ito sa kama noong madaling-araw… o baka siya ang nilapitan nito habang mahimbing siyang natutulog.Hindi na mahalaga.Ramdam niya ang init ng katawan nitong malapit sa kanya, at ang tahimik na paghinga ng taong halos hindi nagsasalita pero damang-dama mo ang presensya.Bahagya siyang gumalaw para bumangon, pero bigla siyang napatigil.May kumirot sa sikmura niya—hindi ordinaryong kirot. Sumunod ang matinding hilo. Napasinghap siya at agad tinakpan ang bibig. Dali-dali siyang tumayo at halos napasadsad sa sahig sa pagmamadaling lumabas ng kwarto.

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 51: Somewhere Safe

    Pagkarating nila sa mansion, tahimik pa rin si Cali habang binabaybay ang hallway papasok. Si Rea ay nauuna sa kanya, pero pagkabukas pa lang ng pinto ay agad silang sinalubong ng tanim na katahimikan—maliban sa mahinang classical music na nanggagaling sa loob.Nasa living area si Lewis, nakatayo sa harap ng isang malaking shelf na may koleksyon ng alak. May hawak siyang baso ng whisky, pero hindi pa niya ito iniinom. Nang marinig ang mga yabag nila, agad siyang napalingon.Agad tumama ang tingin niya kay Cali.“Hey,” bati niya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa mukha. “Kakauwi n’yo lang?”Tumango si Cali. “Oo. Nilibang lang ako ni Rea.”Lumapit si Lewis, iniwan ang baso sa marble counter ng bar.“Kamusta ka na?” tanong niya, diretsong tinitigan si Cali. Wala sa tono ang pagiging pormal—mas parang gusto niyang tukuyin kung kumain ba siya, kung okay ba ang pakiramdam niya, kung umiiyak ba siya habang wala ito.“Okay naman,” sagot ni Cali, tipid ang ngiti. “Thanks sa planner ni Re

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 50: Moments He Hides

    Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 49: A Day Like Sunlight

    Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status