"I'll just get some drinks," paalam ko sa kanila.
"Samahan na kita," sabi ni Josiah.
Umiling naman ako kaagad, "No. Ako na lang ang kukuha," sabi ko.
Hindi naman nagpumilit pa si Josiah at hinayaan na ako. Nagpunta ako sa mga cocktail table at kumuha ng mga nakahandang inumin doon.
"Thank you," sabi ko nang matapos kong inumin ang dalawang shot ng tequila.
Halos tikman ko yata lahat ng alak doon at pakiramdam ko ay wala man lang tumatalab sa akin.
"Eli,"
Napahinto ako sa pagpili ng iinumin nang may tumawag sa akin. Napalingon ako roon at nakita kong si Jackson 'yon. Napatingin siya sa hawak kong hard drinks pero nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya.
"What are you doing?" tanong niya habang nakatingin sa hawak kong alak.
Napatingin din naman ako roon at napangisi. Ano naman sa kaniya kung ano ang ginagawa ko ngayon? Bakit hindi niya kasama ang girlfriend niya? Bakit niya pa ako pinuntahan dito?
"You, what are you doing here?" tanong ko sa kaniya.
"I was about to get some champagne," sagot niya sa akin.
Agad naman akong napalunok dahil sa pagiging assuming ko. Oo nga naman, Eliana! Bakit ka ba kasi nag-assume na ikaw ang pinunta niya rito? Stupid!
"Ohh," sabi ko pagkatapos ay tinalikuran na siya roon.
"Eli, wait!" tawag niya sa akin.
Napahinto naman ako at bahagyang napapikit bago siya muling hinarap.
"Can we talk? Marami akong gustong ipaliwanag sa'yo," sabi niya gamit ang mahinahong boses.
Napangisi naman ako, "You don't have to explain to me, Jack. Malinaw na sa akin ang lahat. You fell out love and you just reasoned your study to break up with me," tuloy-tuloy na sabi ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
"Eli," muling tawag niya sa akin.
Umiling lang ako at nagtaas ng dalawang kamay kahit na hawak ko pa rin ang isang glass na may laman na alak.
"It's done, Jackson. Tapos na 'di ba? Tigilan mo na ako," sabi ko sa kaniya at muli siyang tinalikuran.
Hindi pa ako nakakalayong tuluyan sa kaniya ay agad kong naramdaman ang kamay niya sa braso ko. Sa inis ko ay hinarap ko siya.
"Ano ba, Jackson?!" galit na sabi ko sa kaniya at pilit na inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin pero mahigpit ang pagkakahawak niya roon.
"Let's talk first. I want a closure," sabi niya at may halong pagmamakaawa roon.
"That's not gonna happen. Bitawan mo ako," sagot ko gamit ang seryosong boses.
"We will talk first and then I will let you go," sabi niya.
"At bakit naman ako susunod sa'yo? Wala na tayong dapat pag-usapan dahil nakipaghiwalay kana kaya bitawan mo ako!" galit na sabi ko sa kaniya.
"Nasasaktan ako, Jackson!" dagdag na sabi ko pa.
"What's going on here?"
Boses ng lalaki ang nagtanong kaya agad akong napalingon doon. Laking gulat ko naman nang makita na si Stefan 'yon. Nagtama ang mga mata naming dalawa pagkatapos ay ibinaba niya ang tingin sa kamay ni Jackson na nakahawak sa akin.
"That's harassing huh," sabi niya pagkatapos ay tumingin kay Jackson.
"Jackson, let me go!" gigil na sabi ko.
"Hindi mo ba narinig sinabi niya? She said, let her go," sabi muli ni Stefan.
Napatingin naman ako kay Jackson na napahugot nang malalim na hininga bago tuluyang binitawan ang kamay ko at wala nang sinabi pang salita nang umalis.
Lumabas muna ako para magpahangin dahil hindi ko kinakaya ang eksena ngayon. Hindi ko talaga maintindihan si kung bakit pilit niya akong gustong makausap, ngayon na wala naman na kami. Isa pa, malinaw na sa akin ang lahat. Ayos na sa akin iyon at tanggap ko na may bago na siya. Tanggap ko sa sarili ko kahit nasasaktan pa rin ako pero wala naman na akong magagawa lalo na at nagsimula na akong mag-move on sa kaniya.
Mabuti na lang din ay dala ko ang wine na kinuha ko roon. Hayaan ko na lang na hanapin ako ng dalawa kong kaibigan pero tingin ko naman ay hindi nila ako hahanapin dahil abala 'yon sa mga crush nila. Sa aming tatlo ay ako na lang ang walang crush! Humanda talaga silang dalawa kapag nagkaroon na ako ng crush!
"Hey,"
"Hey!" halos pasigaw na sabi ko habang napahawak pa sa dibdib ko dahil sa gulat.
"What the hell?!" galit na sabi ko nang makita ko kung sino 'yon.
Hindi ko naman na mabawi ang sinabi ko dahil nadala na rin ako sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Stefan dito. Ayoko namang mag-assume na sinusundan niya ako rito.
"I'm sorry. I didn't mean to shocked you," sabi niya sa akin pero kita ko ang pagngisi ng mukha niya.
Napairap naman ako dahil sa reaksyon niya pero natawa lang siya.
"May nakakatawa ba?" pagtataray ba tanong ko sa kaniya.
Mas lalo naman siyang natawa kaya naman mas lalo ko rin siyang sinamaan nang tingin. Napailing naman siya at napayuko sandali bago muling bumaling sa akin para magsalita.
"Totoo nga ang sinasabi nila. Masungit ka nga," sabi niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Nasa labas kami ng hotel ngayon at maliwanag doon dahil sa mga street lights na nakapaligid doon. Hindi ko siya matignan nang matagal dahil naiilang ako.
"Sino naman nagsabi niyan? Nagkakalat pa ng maling information," sabi ko gamit ang maarteng boses.
Hindi naman talaga ako masungit. Hindi ko lang talaga siya vibes ngayon dahil wala ako sa mood. Kaya nga ako lumabas dito ay para makahinga nang maluwag at makapag-isa pero mukhang sinadya niya akong sundan dito para insultuhin na masungit ako.
"Fake information ba 'yon? Eh halata naman ngayon na masungit ka dahil sinusungitan mo ako," sagot niya sa akin pagkatapos ay bahagyang natawa.
Napailing na lang ako at kaagad kong ininom ang wine na hawak ko. Dapat pala ay ang isang bottle na ang kinuha ko para hindi ako nabitin. Mamaya na lang kapag nakapasok ako ulit lalo na at may after party pa naman kami.
"But I like that kind of attitude. Bagay na bagay sa'yo ang pagsusungit mo dahil maganda ka," dagdag na sabi pa ni Stefan.
Mabuti na lang ay nalunok ko na ang wine na iniinom ko kung hindi ay sigurado akong masasamid ako dahil sa sinabi niya. Sa laway ko pa nga lang ay nasamid na ako pero inubo ko na lang 'yon para hindi mahalata. Hindi ko expected na ganito ang ugali ng Stefan na ito lalo na at ngayon pa lang kami nag-meet nang pormal.
Napahugot naman ako nang malalim na hininga bago bumaling sa kaniya at nagsalita.
"You know what? Hindi mo ako madadaan sa tricks mong gan'yan. I already heard that punch line and you know what happened? Niloko lang ako sa huli," sunod-sunod kong sabi sa kaniya pagkatapos ay umismid sa kaniya bago tuluyang umalis doon.
Bumalik na lang ako sa loob kung saan nagsisimula na ang party. Nagsasayawan na ang mga matatanda roon at napapailing na lang ako dahil kahit may mga edad na sila ay parang batang-bata kung gumalaw.
"Eli," tawag sa akin ni Jackson nang magkasalubong na naman kaming dalawa.
Muli na lang akong napabuntonghininga at napairap bago tuluyan siyang nilagpasan doon. Huwag niya akong malapit-lapitan at makausap dahil baka makita pa ng girlfriend niya. Ayoko pa naman nang away at baka sabihin pa ng mga makakakita ay nakikipag-away ako dahil lang sa isang lalaki. Well, hindi mangyayari 'yon dahil hindi naman ako cheap. Jackson is not worth to fight.
"My gosh, Eliana! Where have you bee? Ang sabi mo kukuha ka lang ng maiinom. Nalunod ka ba?" tanong kaagad sa akin ni Clara nang makabalik ako sa table namin.
"O.M.G!? Magkasama kayong dalawa?" tanong na naman niya.
"T-Thanks," sabi ko kay Stefan pagkatapos ay iniwanan na siya roon.
Napakunot naman ang noo ko at napatingin kung saan nakatingin si Clara ngayon.
"Ah-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Stefan sa likuran ko.
"Yup. Magkasama kami sa labas," sagot niya pagkatapos ay ngumiti ito sa akin.
Nanlaki naman ang mata ko dahil doon lalo na nang simulan ng mga kasama namin na asarin kami.
"Yiee! Kayong dalawa ha!" pang-aasar nila sa amin.
Mas nanlaki naman ang mga mata ko at napailing. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan na raramdaman ngayon!
"Stop it, guys! Ngayon ko nga lang 'yan nakilala," sabi ko pagkatapos ay napairap dahil naiinis ako na inaasar nila ako sa Stefan na 'yan.
"Na-love at first sight ka ba?" tanong naman ni Josiah gamit ang natatawang boses.
Halatang-halata na inaasar nila kami pero itong si Stefan ay mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa ng mga kaniya-kaniya naming kaibigan.
"Guys, survey lang. Bagay ba kami ni Eliana?" natatawang tanong niya sa mga kasama namin.
"Oo naman! Mukha na nga kayong magjowa e!" sagot naman ng kaibigan niya.
Napailing na lang ako dahil mukhang hindi sila titigil doon. Ang sama tuloy ng tingin ko kay Stefan dahil sa mga kalokohan na ginagawa niya ngayon.
"Chill lang muna kayo, guys. Malay niyo naman maging kami ni Eliana hindi ba?" natatawang tanong niya kaya nagtawanan na rin ang mga kasama namin doon.
Pinanliitan ko naman siya ng tingin dahil lumalabis na ang pangarap niya. Hindi ko talaga expected na ganito ang ugali ng lalaking 'to!
"That's the one thing that I will sure na hindi mangyayari. Well, libre lang naman mangarap," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay muli siyang inirapan.
Muli naman silang nagkant'yawan doon at inasar pa si Stefan kaya hindi ko na lang sila pinansin pa.
"Bakit kayo magkasama?" tanong naman sa akin ni Clara habang napapangiti pa.
"Hindi ko ginusto na makasama siya sa labas. Sinundan niya ako," sagot ko naman pagkatapos ay hindi ko na naman napigilan ang mapairap.
Natawa naman si Clara at bahagyang tinusok ang tagiliran ko para kilitin kaya sinuway ko siya.
"Pupunta na lang muna ako sa mga kapatid ko!" supladang sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napatayo na.
"Sama ako!" agad namang sabi ni Josiah.
"No, Josiah. Dito ka lang," sagot ko naman sa kaniya pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay.
Wala namang nagawa pa si Josiah dahil tuluyan ko siyang iniwanan doon. Hindi ko rin naman alam kung saan ko makikita ang mga kapatid ko pero madali lang naman 'yon dahil kahit saang sulok ako tumingin ay nakakakita ako ng mga ka-schoolmates ko.
Nakita ko nga rin kaagad si Ate at naki-join din ako sa ibang friends niya dahil nag-iinom na sila pero hindi naman ako nagtagal nang makita kong palapit si Jackson at ang girlfriend niya sa table nila Ate. Hindi naman na ako pinigilan pa ni Ate dahil alam naman niya ang dahilan ko.
Sumunod ay naki-join naman ako kay Stella at sa mga kaibigan niya at dahil nga hindi naman kami magka-batch at magkakaedad ay tanong lang sila nang tanong sa akin. Hindi naman ako na-bored na ka-bonding sila pero nagpaalam din ako sa kanila kaagad dahil naalala ko ang mga kaibigan na iniwanan ko roon.
"How's Stella?" tanong kaagad sa akin ni Josiah nang makabalik ako.
Bago pa ako makapagsalita ay napatingin na naman ako sa gawi ni Stefan dahil nakita kong nakatitig ito. Napairap naman ako at padabog na naupo sa tabi ni Josiah.
"She's fine. Mukhang enjoy na enjoy nga sa kasamang lalaki eh. Date niya siguro," sagot ko naman pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
Kita ko naman kaagad ang pagbabago ng reaksyon ni Josiah kaya hindi ko napigilang matawa.
"May ka-date na si Stella? Wow daig ka!" pang-aasar naman ni Clara.
"Sabihin mo sa'kin, Eli kung sino ang ka-date niya at bubugbugin ko," sabi naman ni Josiah kaya sabay kaming natawa ni Clara.
"Baka ikaw pa ang bugbugin kaya 'wag na lang!" natatawang sagot ko sa kaniya.
Wala naman talagang ka-date si Stella. Gusto ko lang siyang asarin ngayon kapalit nang pang-aasar niya sa akin kanina kay Stefan.
Hindi na rin naman nagtagal pa ang asaran namin doon dahil nagkaniya-kaniya na anga mga kasama namin sa table nang marinig nilang magsisimula na ang sayawan.
"Oh paano ba 'yan? Iiwan ko muna kayong dalawa ha. Aayain ko lang magsayaw si Stella," sabi ni Josiah habang nakatayo na.
"What?! Iiwanan mo kami rito si Eli? Isayaw mo muna kami bago si Stella!" pagrereklamong sabi naman ni Clara at hinawakan pa talaga ang coat na suot ni Josiah para hindi makaalis doon kaagad.
"Malulukot ang damit ko, Clara. Isa pa, bakit ko naman kayo isasayaw eh marami namang lalaki na gustong makipagsayaw sa inyo," sunod-sunod naman na sagot ni Josiah para tanggihan ang sinasabi ni Clara.
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per
After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n