Share

KABANATA 17

Alam niyang suntok sa buwan ang tahimik na pag-aasam niya na tatawagan pa rin siya ni Clayton o kaya naman ay pupuntahan sa bahay nila at sasabihing hindi nito kayang mawala siya sa buhay nito. Nangangarap siya na sasabihin nitong minahal na pala siya nito at siya ang pakakasalan at hindi si Faith. Siya na siguro ang magiging pinakamasayang babae sa mundo kung magkagano'n. Pero kahit titigan pa niya ang phone niya buong araw at gabi ay walang paramdam si Clayton.

Tahimik na umiiyak siya kada gabi mula nang tumigil siya sa pagtatrabaho sa kompanya nito. Tumitigil lang siya kapag naaalala niyang may anak na siyang dapat isipin. Napapakalma niya ang sarili kapag hinahawakan niya ang sinapupunan niya.

Birthday ni Red.

Ang sabi nito ay hindi naman ito magpapa-party. Magkakaroon lang daw sila ng munting salo-salo sa bahay at ang tanging bisita ay siya at si Faith. Gusto niya sanang umatras pero alam niyang sasama ang loob ni Red kung magbabago ang isip niya.

Hindi niya alam kung paano niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
me pamangkin kana red
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha muntanga mukaha ni faith natulala si red ganda ng bday gift aa
goodnovel comment avatar
Jewiljen
Binabasa ko rin now. haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status