Dahil sa kagustuhang maipagamot ang ina pagkatapos nitong ma-stroke ay napilitan siyang tanggapin ang offer na sumayaw sa isang kliyente na si Mr. MC. Isa siyang private sexy dancer ng lalaking hindi man lang niya nasisilayan ang mukha. Kailangan niyang painitin ang gabi nito sa pamamagitan lang ng sayaw. Just watch, no touch, kumbaga. Nang makilala na niya ang katauhan nito ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya sa lalaki. Makakaya niya bang ipaglaban ang nararamdaman niya sa taong binabayaran lang siya dahil sa katawan niya? Paano kung ang kasunduan nila ay magtatapos kapag bumalik na ang babaeng pakakasalan sana nito?
view moreSuot niya ay pulang bra na sinusubukang takpan ang kabuuan ng mga malulusog nyang dibdib. Halos kalahati lang ng mga dibdib nya ang nakayang takpan nu'n. Isang sexy lace panty na pula din ang tanging suot niya sa ibaba. Sumasabay ang kembot niya sa nakakaakit na tugtog. Ilang beses din niyang pinag-aralan ang pagsayaw na parang nang-aakit.
Nasa harap niya ang isang lalaking nakaupo habang pinapanood siyang sumasayaw. Hindi niya makita ang hitsura nito dahil nakasuot ito ng masquerade mask. Lagi rin nitong suot ang sweatshirt na may malaking print ng Bugs Bunny sa gitna. Sa porma ng pangangatawan nito, tantiya niya ay nasa early thirties na ang lalaki. Gaya ng dati ay wala itong kakilos-kilos habang pinapanood siya.
Tumalikod siya sa lalaki. Pumunta sa likod niya ang dalawang kamay para tanggalin ang hook ng bra. Nang matanggal iyon ay itinaas niya ang isang kamay na may hawak ng bra niya at iniikot-ikot iyon sa ere saka itinapon sa tabi.
Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki habang nakatakip ang dalawang braso sa nakawalang mga dibdib. Nakita niya nang mapalunok ito at umayos ng upo. Pumunta sa baba nito ang isang kamay habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Tanging ang mga mata lang nito ang nakikita niya.
Ang trabaho niya ay akitin at paligayahin ito sa pamamagitan ng pagsasayaw. Hindi naman siya obligadong ipakita ang hubad na katawan dito pero kailangan lang niyang kilitiin ang imahinasyon ng nag-iisang kliyente niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at humiga sa mistulang stage niya habang hindi inaalis ang mga braso sa dibdib. Ibinuka niya ang mga hita nang makahiga, sapat upang masilip nito konti ang langit na nakatago doon. Tumigil na ang tugtog, hudyat iyon na tapos na ang trabaho niya sa gabing iyon.
Agad na kinuha niya ang nakahanda niyang takip sa katawan na nasa gilid niya at itinakip iyon sa mga dibdib saka bumangon. Hindi na niya tinitingnan ang lalaki at dumiretso na siya ng alis doon. Duming-dumi ang pakiramdam niya sa sarili sa tuwing natatapos siya sa pagsasayaw. Limang buwan na niyang ginagawa iyon. Iisa lang din naman ang nagiging customer niya.
Siya si Samantha Custodio, twenty-four years old. Disi-otso anyos siya nang mamasukan bilang waitress sa isang bar na pag-aari ng kinakasama ng among bakla na si Bryce na mas kilala sa pangalan na Diva. Ito ang nagbigay ng trabaho sa kanya nang layasan nilang mag-ina ang amain nya. Tinangka siyang gahasain ng kinakasama ng ina niya kaya't sinaksak ito ng ina niya sa tagiliran. Wala na siyang alam kung ano ang nangyari sa amain pagkatapos nu'n. Napadpad sila sa Maynila galing Olongapo. Tumakas na sila bago pa hulihin ang inay niya.
Dating nagbebenta ng aliw ang ina nya sa Olongapo. Nabuntis ito ng isang customer nitong Amerikano at siya nga ang naging bunga. Hindi niya nakilala ang ama dahil isang beses lang daw naman itong nakasiping ng ina niya. Alam ng ina niya na ito ang ama niya dahil ito lang ang customer nito na Amerikano sa buwang iyon. Sabi nito ay kamukha niya ang ama niya. Matangos ang ilong niya at may mahahaba siyang pilikmata. Lagi nga siyang binabansagang manika sa school nila dati dahil magandang-maganda ang mukha niya. Wavy ang buhok niyang hanggang balikat na blonde. Natural na ganu'n ang kulay ng buhok niya. Tumigil ang ina nya sa pagbebenta ng katawan nang mabuntis ito. Nagkasya na lang itong maging tindera sa isang malaking tindahan sa palengke habang ipinagbubuntis siya.
Sampung taon siya nang magdala ng lalaki ang ina sa bahay nila at ipinakilala itong magiging ama niya. Hindi na maganda ang kutob niya sa lalaking iyon pero hindi siya umimik. Naging good provider naman ang lalaki sa kanilang mag-ina pero hindi lang iisang beses nitong hinahawakan ang braso at kamay niya nang may malisya. Hindi niya iyon sinabi sa ina dahil nakita niyang masayang-masaya ito sa piling ng lalaki. Siya na ang kusang umiwas sa amain para walang gulo. Pinag-aral siya ng amain at lagi ay espesyal ang pakikitungo nito sa kanya na inakala naman ng ina niya ay pagmamahal ng isang ama para sa isang anak lang.
Nang tumuntong siya ng disi-otso ay lagi na siya nitong nireregaluhan ng kung anu-ano. Ibinabalik niya ang mga bigay nito at sa tuwing gagawin niya iyon ay nagagalit ang amain niya. Isang gabi nang minsang wala ang inay niya ay naging mapangahas ang lalaki. Hinila siya nito sa kwarto habang wala pa ang inay niya. Mabuti na lang at nasipa niya ito sa gitna ng mga hita kaya't napatakbo siya sa may kusina pero mas lalo itong naulol sa galit. Hinihila nito ang buhok niya para ipasok uli sa loob ng kwarto. Naabutan sila ng ina niya sa ganoong sitwasyon. Pilit nitong tinatanggal ang kamay ng kinakasama sa buhok niya pero itinulak lang ito ng lalaki na ikinasalya ng ina niya sa sahig. Nagulat na lang siya nang biglang lumapit uli ang ina at inundayan ng saksak sa tagiliran ang lalaki. Nabitiwan ng amain niya ang buhok niya at napasigaw ito sa sakit. Nakita pa niya nang umagos ang dugo sa tagiliran nito. Mabilis na hinila na siya ng ina at hindi na sila nakapagdala pa ng mga gamit. Kinuha lang ng ina niya ang pera sa pitaka ng lalaki at nagmamadali na silang umalis.
Napadpad sila sa Manila na walang ibang bitbit kundi sarili nila. Nakita sila ni Diva na nakaupo sa may luneta na parehong tulala. Binigyan sila nito ng pagkain at ininterbyu. Sinabi naman ng ina niya ang buong kwento rito. Mabuti na lang daw at naghahanap ito at ang boyfriend nito ng katulong kaya't inalok nito ang ina nya na mamasukan sa mga ito. Agad na pumayag sila at tumutulong na rin siya sa ina para sa libreng pagtira sa bahay ng magkasintahan.
Malaki ang bahay ng dalawang lalaki. Kahit bakla si Diva ay hindi naman ito nagdadamit pambabae. Mukhang lalaki pa rin ito pero pumipilantik ang mga daliri. Malumanay na malumanay din ang boses nito kaya't halatang hindi ito straight na lalaki.
Hindi nagtagal ay ipinasok siya nito bilang waitress sa bar na pag-aari ng boyfriend nito. Maraming mga sexy dancers ang nagsasayaw sa entablado at napag-alaman nyang ang iba du'n ay sumasama sa mga customers sa labas. Kagustuhan na ng mga babae ang pagsama sa labas. Hindi na iyon kasama sa trabaho nila bilang dancers ng bar. Ang mga customers ng bar ay halatang mayayaman. Exclusive lang kasi ang bar na iyon sa mga members na alam niyang mahal ang membership every year.
Hindi siya pinapasuot ng sexy na damit ni Diva. Sa katunayan ay siya lang na waitress ang balot na balot. Naka-long sleeves siya at pantalon habang iyong ibang waitresses ay kita na halos ang kaluluwa. Edukado ang mga members ng bar na iyon at walang nagtangkang hawakan siya. May mga nag-aalok sa kanya ng isang gabi sa piling ng mga ito at malaki ang kabayaran pero tumatanggi lang siya. May mga nanliligaw at nagpapahaging din sa kanya na mga byudo o mga matatandang binata. Inaalok pa nga siya ng kasal.
Malaki ang bahay ng magnobyo at dalawa ang katulong ng mga ito kasali na ang inay niya. Sa umaga ay natutulog siya dahil panggabi ang trabaho niya bilang waitress. Hindi niya inaasahan na isang araw ay isusugod nila ang ina sa ospital. Nagka-mild stroke ito. Si Diva ang nagbayad sa ospital hanggang sa mailabas ang ina. Hindi na pwdeng magkikikilos ang ina nya kaya't lagi na lang itong nasa kama.
Magmula noon ay ayaw na nyang tanggapin ang sahod na ibinibigay ng magnobyo sa kanya bilang waitress dahil alam niyang malaki pa ang pagkakautang niya sa mga ito. Ang pinuproblema pa niya ay kailangan niyang hanapan ng physical therapist ang ina para hindi ito tuluyang maparalisa dahil kalahati ng katawan nito ang hindi pa rin nito maigagalaw.
Minsan ay kinausap siya ng masinsinan ni Diva. Alam niyang parang pabigat na sila sa mga ito pero wala siyang naririnig na kahit ano sa baklang kumupkop sa kanila.
" Sam, huwag mo sanang masamain ang alok ko sa iyo. Alam ko'ng kailangan mo ng pera para sa tuluyang paggaling ng ina mo. May lumapit kasi sa aking isang customer at handa siyang magbayad ng thirty thousand every week para sa isang oras lang na pagsasayaw mo gabi-gabi. Hindi mo kailangang ibigay ang katawan mo sa kanya. Ang gusto niya lang ay sumayaw ka sa harap niya. Hindi mo rin kailangang maghubad. Kailangan mo lang siyang akitin sa pamamagitan ng sayaw," mahabang paliwanag nito.
" H-ho? H-hindi ko kayang gawin iyon," mabilis na tanggi niya.
" Alam ko at hindi kita pipilitin. Ang sa akin lang ay kung gusto mo talagang mapagamot ang nanay mo ay ito na ang sagot. Hindi mo ibebenta ang katawan mo. Sasayaw ka lang. Huwag ka munang mag-decide ngayon. Pag-isipan mong mabuti," nakangiting sabi ni Diva at hinawakan pa siya sa balikat.
Pumasok siya sa kwarto nilang mag-ina habang iniisip ang sinabi ni Diva. Napatitig siya sa ina nya. Nagising ito at iniangat nito ang isang kamay nang makita siya. Hirap na hirap ito sa simpleng kilos na iyon.
" S-sa-mmm...maaan..tha..." kahit sa pagtawag ng pangalan niya ay hirap din ito dahil nakangiwi na ang bibig nito pgkatapos nitong ma-stroke. Sabi ng doktor ay mababalik pa raw iyon sa normal kapag naagapan.
Mabilis na lumapit siya sa ina. Itinuro nito ang tubig sa mesang nasa tabi ng higaan. Kinuha niya ang basong may laman ng tubig. Inalalayan muna niya ang ina na makabangon para makainom ito ng tubig. May nabubuhos pang konting tubig sa gilid ng bibig nito dahil hindi nito maibuka nang maayos ang bunganga. Gusto nyang maiyak sa sitwasyon ng ina pero pinipigilan lang niya dahil ayaw nyang makita siya ng ina na ganu'n. Kailangan nya ring patatagin ang loob ng inay niya. Kung aasa siya sa sahod niya bilang waitress ay malamang na hindi nya talaga maipapagamot ang ina kahit ilang taon pa niyang pag-ipunan iyon. Pwera na lang kung papayag siyang lumabas kasama ang mga customers at ibigay ang sarili. Nangilabot siya sa naisip.
Naalala niya uli ang sinabi ni Diva. Kikita siya ng thirty thousand kada linggo para sa isang oras lang na pagsasayaw gabi-gabi. Hindi pa niya kailangang ibigay ang katawan. Hanggang tingin lang daw ang gagawin ng customer na kumausap sa baklang amo. Natipuhan daw siya ng lalaki nang makita siya isang gabi sa bar. Hindi raw ito exclusive customer ng bar. Isinama lang daw ito isang gabi ng kaibigan at tyempo namang nakita raw siya nito.
Inihiga niya uli ang ina nang mapainom ito ng tubig. Nakita niyang pumikit ito agad para matulog uli. Naaawa na siya sa kalagayan ng ina kaya't napagpasyahan niyang tanggapin ang alok ng kliyente.
Alas sais na ng gabi pero nasa loob pa rin siya ng opisina at subsob sa trabaho. Araw-araw na niya iyong ginagawa. Wala rin naman siyang uuwian sa bahay kaya't minabuti niyang ibuhos ang mas maraming oras sa trabaho. Nakatulong naman iyon nang malaki sa negosyo nila dahil mas dumarami ang kliyente nila.Iniangat niya ang ulo saka minamasahe ang leeg habang nakapikit. Biglang may mahihinang katok siyang narinig sa pinto. Napakunot-noo siya dahil akala niya ay siya na lang ang naiwan sa opisina."Come in!"Agad na bumukas iyon at dumungaw ang nakangiting mukha ni Dwayne, ang kaibigan niyang kasosyo rin sa negosyong iyon."I knew it! Nandito pa rin ang dakila kong partner. Wala ka bang planong umuwi? Dito ka na lang kaya tumira." Napapalatak na sabi nito na tuluyang pumasok na sa loob.Natawa siya sa narinig."Spill it out. What do you need, bro?" Alam niyang may hihingin na naman ito na pabor kapag gano'n ang bungad nito."Whoa! It's not me who needs something from you. It's you who need
Nanatiling nakahiga siya habang nakadagan sa kanya ang isang babae. Hubo't hubad na siya pati ang babaeng nasa ibabaw niya. Panay ang ungol nito habang pinaliguan siya nito ng halik.Nasa loob sila ng condo na binili niya. Doon niya pinapunta ang babaeng kinontrata niya sa manager nito. Isang starlet ang babae pero open sa mga indecent proposals gaya nito. Tatlong buwan mula nang maganap ang aksidente. Ngayon lang niya sinubukan talaga uli ang bagay na iyon. Madilim ang kwarto nang pumasok ang babae. Ayaw niyang makita nito ang mukha niya. Kahit ang manager nito ay hindi siya kilala. Naramdaman niyang hinawakan na nito ang pagkalalaki niya. Hinahalikan at isinubo nito iyon. Maya-maya ay tumigil ito."B-bakit..." Parang nagtatakang tanong nito.Gusto niyang paalisin na lang agad ang babae dahil kahit kanina pa siya nito pinag-iinit ay talagang walang reaksiyon ang alaga niya. Naramdaman niya uli ang pakiramdam no'ng unang beses na kinumpirma ng doktor na impotent na siya. Kahit alam
"W-what?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa doktor.Ayaw paniwalaan ng sarili niya ang narinig pero alam niyang totoo iyan. Kumunsolta uli siya rito nang mapansing wala siyang nararamdamang kahit ano sa pagitan ng mga hita ilang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng ospital."I'm sorry to tell you that. Naipit kasi ang parteng iyan nang maaksidente ka. I'm going to prescribe some medicine and let's observe. Hindi ko rin masasabi agad kung temporary lang iyan o magiging permanent na," malungkot na sabi ng doktor.Impotent na siya! Gusto niyang magwala. Hindi na niya napansin ang pag-alis ng doktor sa kwarto niya. Ito kasi ang bumibisita sa bahay nila kapag schedule na ng check-up niya. Naka-wheelchair pa rin kasi siya dahil hindi pa rin siya makatayo.Ang sinisiguro naman nito sa kanya ay makakatayo pa rin naman siya once gumaling na nang tuluyan ang pamamaga ng mga paa niya.Nang mawala na ang doktor sa paningin ay itinapon niya ang lahat ng nasa mesa sa harap. "Arghhh!"
Hindi niya magawang kontakin muli si Faith nang ilang araw. Galit siya at hindi niya alam kung kanino niya ibubunton ang galit niyang iyon. Hindi niya naman masabi sa kapatid niyang si Red ang pinag-awayan nila ni Faith. Ayaw niyang isali pa ito sa problema niya lalo't nag-aaral pa ang kapatid niya.Hindi na rin naman tumawag or nag-text man lang si Faith sa kanya. Bigla ay tumayo siya sa kalagitnaan ng pagpipirma ng mga dokumento sa opisina. Nagulat pa nga si Mrs. Dominiguez sa ingay na nilika ng biglaang pagtayo niyang iyon."Please cancel all my appointments today, Mrs. Dominguez." Iyon lang ang sinabi niya sa may edad na ring sekretarya saka kinuha ang coat niya at isinuot.Wala nang ibang salita pa na lumabas siya ng opisina. Pupuntahan niya si Faith sa condo nito. Hindi na siya mapakali kaya't kailangang ayusin na nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Kung ang paraan lang para maayos nila ang relasyon nila ay ipagpaliban muna ang kasal ay papayag na siya. Ayaw niyang mawala ang
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Parang walang ano man ang ekspresyon sa mukha ni Faith nang sabihin nitong i-postpone muna ang kasal nila ng isang taon gayong handa na ang lahat. Mananatili raw muna kasi ito sa London ng isang taon dahil sa malaking opportunity na magkaroon ng sarili nitong brand ng cosmetics.Kailangan daw muna nitong aralin ang pasikot-sikot sa business na iyon kaya't sa London muna ito maglalagi dahil ando'n ang magiging business partner ng fiancee."You can do those things, Faith, kahit kasal na tayo. Why do we have to wait for another year?" Pinipigilan niya lang ang sarili na mainis.Ilang beses na niyang pinagbigyan ang nobya dahil nga suportado niya ang babae sa kahit ano mang bagay na makakapagpasaya rito. Hindi naman siya makakapayag na basta na lang uli magbabago ang isip nito kung kailan naipadala na nila ang invitation cards sa lahat.Isang malaking kasalan kasi ang magaganap dahil alam niyang gustong-gusto ni Faith ang gan'on. Kung siya lang ang masu
Naglalakad siya sa palengke habang kumakain ng manggang hilaw. Malaking-malaki na ang tiyan niya dahil kabuwanan na niya. Nagiging routine na niyang maglakad-lakad sa palengke tuwing hapon kapag hindi na mainit ang sikat ng araw.Natutuwa siyang tumingin-tingin sa paligid at sa mga busy na bumibili do'n pati na sa mga tindera't tindero. Mayroong pwesto silang mag-ina sa palengke. Katulong ng ina ang Tita niya sa pagtitinda ng gulay at karne do'n. Pumupunta naman siya kapag nababagot na sa bahay. Wala kasi siyang kasama lagi dahil ang nag-iisang anak ng Tita niya na nasa College na ay laging busy sa school.Pinapapak niya ang isang hilaw na mangga. Mahilig pa rin siya do'n kahit tapos na ang paglilihi period niya. Natigilan siya sa paglalakad. Nakatayo kasi sa di kalayuan sa kanya si Clayton. Hindi ito kumikilos sa gitna habang nakatingin sa kanya.Iniiwas niya ang mga mata. Hindi na bago sa kanya na laging nakikita kung saan-saan si Clayton. Alam niyang pinaglalaruan na naman siya ng i
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments