Share

Devorah's Plan

Sinadya niyang gumising nang maaga. Kailangan niyang abalahin si Devorah ngayong kaarawan niya upang hindi ito magbukas ng TV at hindi mapanood ang tiyak na balita tungkol sa pagkamatay ng BF nito at ang abogado nila.

            Ginising niya ang kapatid.

            “Gising na.”

            Medyo naalimpungatan si Deborah. Hindi pa ito bumabangon sa higaan.

            “Ano ba kuya, an gaga pa.” ang sabi.

          “Remember, It’s my birthday. Marami tayong aasikasuhin. Mamamalengke pa tayo.”

            “Ha? Tayo, mamamalengke? Kalian pa ba tayo natutong mamalengke at magluto? At isa pa, wala tayong katulong. Palayasin ba naming lahat.” Takang sagot nito.

            “Eh, di magpa-cater na lang tayo.” Wala siyang ibang maisip na sasabihin. Lahat na lang ng dahilan niya binabara ng kapatid, kahit kagabi pa.

            “Magpa-cater?” Nilalagnat ka ata. Ikaw ba talaga yan? Kagabi pa ako naninibago sa’yo kuya ah. Baka nakalunok ka ng magical stone kaya ka nagbago.” Pagkasabi’y tuluyan na itong bumangon.

            Naiinis na naman si Devon. Parang gusto na niyang salaksakin ang kapatid.

            “Bakit, wala bang karapatang magbago ang tao?” Puwede ba Deborah, Birthday ko ngayon at ayaw kong masira ang mood ko. Puro ka reklamo!”

            “Okay, you’re the boss! Magpa-cater tayo.” Nang may maalala ito.” Kuya, naalala mo ba na may appointment tayo kay Atty. Ngayon?”

            “Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan.” Kunwaring sabi.

         Pinamulahan ng mukha si Devon sa binanggit ni Deborah.

            “In that case, sa Monte Claro tayo mag-celebrate tulad ng napag-usapan natin ni Atty. and  I’ll invite our friends and lovers, hihihi!”

            “So, we have to go there right now. Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mo.”

            “Talaga? Well, Magpapakasarap kami ni Perry. And don’t worry bro. I’ll have something for you, and I’m sure afterwards, you will realize who really you are.”

           “Something for me that will make me realize who I am? Ano akala mo sa akin, hindi ko kilala ang sarili ko? I know what I want and I know exactly who I am. Kung ano man ang binabalak mo, wa epek sa akin yan.”

            “Well, let us wait and see! Tara na nga. Mahigit isang oras din tayo magbabiyahe.”

            Habang binabagtas nila ang NLEX, abala si Devorah sa cellphone niya. Inusisa siya ni Devon.

            “Sino ba ang mga inimbita mo?” Tanong ni Devon habang abala sa pagmamaneho.

            “Mga kaibigan natin at si Perry. Pero hindi ko nakokontak ang gago na yun. Alam  mo, tinatawagan ko siya kagabi pero hindi ko makontak. Akala ko nga magkasama kayo eh. Nasaan kaya ang gago nay un? Dati-rati, atat na atat akong tawagan! Hmp, bahala nga siya sa buhay niya!” Naiinis nitong sabi.

            Hindi makakibo si Devon sa narinig sa kapatid. HINDI NA DARATING ANG BF MO. TINIKMAN KO MUNA SIYA BAGO PINATAY. Kung mababasa lang ni Devorah ang isip ni Devon, ito ang mga malalaman niya. Napuna ni Devorah  ang hindi pag-imik ni Devon.

            “Hoy! Bakit wala ka nang kibo diyan?” Tulungan mo naman ako kung paano ko siya makontak. Mabuti pa, ountahan ko nalang siya sa pad niya.”

            Hindi nakatiis si Devon na hindi sumagot sa tinuran ni Devorah.

          “Nahihibang ka ba? Sana kahapon mo pa siya sinabihan. At isa pa, marami pa tayong gagawin. Wala na tayong oras para puntahan siya sa pad niya.”

            “Malay ko ba naman na bigla mong naisipan na mag-celebrate ng birthday mo. Kahapon lang sinabi mo na wala kang balak mag-celebrate, tapos umuwi ka lang kagabi, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Bakit, ano ba talaga? Nahihiwagaan tuloy ako sa’yo eh.”

            “Eh, di mahiwagaan ka? Mahiwaga naman talaga ako. Alam mo, kung hindi mo makontak ang BF mo nay an, ibig sabihin, ayaw niyang magpa-istorbo sa’yo. O kaya naman, baka nagpalit na ng sim card dahil ayaw na niyang makipag communicate sa’yo dahil baka kasi, nakahanap na ng iba.”

            “Heh! Tumigil ka nga diyan. Mahal ako no’n. at takot niya lang sa akin kapag ginawa niya ‘yon! Hmp, bahala nga siya sa buhay niya.”

            “Ayan, that’s my sister. Kung ako sa’yo, palitan mo na siya.”

            “Alam mo ikaw, wala kang kuwentang kaibigan. Hindi ba close kayo no’n?”

            “Magiging close pa ba ako sa kanya kung ginagago niya ang kapatid ko?”

            “Ewan.”

            Hindi makatulog si James dahil sa nabalitaan. Hindi maipaliwanag na lungkot ang nararamdaman niya sa pagkamatay ng abogado. Wala na talaga siyang maaasahan kung sakali mang maisipan niyang ipaglaban ang karapatan niya sa sariling pamilya. Kanina nang mag-usap sila ni Kevin ay gumaan ang pakiramdam niya pero matapos no’n, bumigat uli ang dibdib niya sa mga naalala tungkol sa pamilya niya. Hindi niya tuloy namalayan ang pag-agos ng luha sa pisngi niya, hanggang sa mapahikbi siya.

            Hindi rin makatulog si Kevin. Alam niyang gising pa si James. Pinakikiramdaman niya lang ito. Mas nangingibabaw ang ligaya niya na kasama na niya ito kaysa sa pakikiramay. Lalo na ngayon na katabi niya pa ito sa higaan. Para siyang nakalutang sa alapaap. Nang marinig ang paghikbi ni James, hindi niya ito natiis. Hinawakan niya ang isang bahagi ng balikat nito.

            “James, It’s okay.” Ang sabi.

         Naramdaman niya sa balikat ang kamay ni Kevin at narinig ang boses nito na may himig pag-aruga, kaya, humarap siya kay Kevin. Madilim ang paligid kaya kahit magkaharap sila, hindi nila makita ang kapwa mga matang nagtititigan.

            “I just can’t help it! I feel so sad and empty.” Panaghoy nito.

            “Don’t say that. I’m here for you. My mother is here for you. We will help you face a new life. Don’t worry.” Habang sinasabi ito ay hindi niya mapigilan na himasin ang balikat ni James.

            Sa naramdamang paghimas sa balikat niya, at sa mga pahayag na narinig, gumaan ang pakiramdam niya.

            “I’m so glad that I met you and Nanay. You saved my life.”

            “You are already a family to us. You are already a younger brother of mine. We will help each other.”

            “I feel the same way too.”

            “Well. If that’s the case, everything will be alright. We will wake up early, so we have to sleepnow, okay? And by the way, you have to learn how to speak Tagalog, Hahaha!” Gusto niyang patawanin si James.

            “Alright, hahaha!”

            May naisip na ideya si Devorah na gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksiyon ni Devon.

            “Kuya, subukan mo kaya na mag-gf?”

            Asar talaga siya kapag tungkol sa babae ang pinag-uusapan at iuugnay sa kanya, pero ngayon, kailangan niyang sakyan ang kapatid.

            “At sino naman kaya ang magkakagusto sa mukhang ‘to?”

            “Anong mukhang ‘to? Hindi mo lang alam na marami ang nagkakagusto sa’yo kaya lang hindi mo sila gusto dahil sa…” Pinutol ni Devorah ang sasabihin. Baka kasi makaasar na naman siya ng tao. At mamaya, biglang mag-backout ang kapatid.

            “Bakit di mo ituloy? Dahil sa lalaki ang gusto ko? Iyun ba?” Kunwaring asar nito.

            “Kuya naman, hindi ganun. Dahil sa pihikan ka, yun ang karugtong no’n.”

            “Palusot ka pa.”

            “Hindi ka naaasar?”

            “Tutal birthday ko naman kaya, pasensiya muna ako. Kaya, magsawa ka sa mga pautot mo ngayon.”

             “You mean, payag ka na magkaroon ng gf? May ipapakilala ako sa’yo mamaya.”

            “Okay, I’ll try, pero depende kung pumasa sa taste ko.”

            “Tiyak na papasa! At mag-e-enjoy ka sa kanya.”

            “Tingnan natin.”

PINAGBIBIGYAN LANG KITANG GAGA KA! PASALAMAT KA’T NAGPAGTITIYAGAAN PA KITA. PERO SA ORAS NA MABURYONG AKO SA’YO, MATUTULAD KA SA KANILA. ISA KA RING SAGABAL SA KALIGAYAHAN KO. LALO NA  SA PERSONAL KONG KALIGAYAHAN. ALAM KO NA BALANG  ARAW, IKAW ANG MAGPAPAHAMAK SA AKIN. KAYA, MAGPAKASAYA KA NA NGAYON. KATULAD KA RIN NG KANO NA YUN NA HINDI KO KAANO-ANO. KAILANGAN MAWALA KA RIN SA LANDAS KO! Iba ang mga pumapasok sa utak ni Devon kaysa sa pinag-uusapan nila ni Devorah.

            Matapos ang usapan nila, natahimik ang dalawa. Maya-maya lang, napansin ni Devon na nakatulog na ang kapatid. Naghihimagsik ang kalooban niya dahil sa pagkukunwaring nangyayari. Manaka-nakang tingnan niya ang natutulog na kapatid. Matalim ang bawat tingin niya ditto. Nanggigil siya sa babae. Alam niya na nagdududa ito sa kanya. Pero alam na niyua ang gagawin niya kapag natuklasan nito ang mga ginawa niya.

            Habang nakasakay sa traysikel papuntang palengke, may naglalaro sa utak ni Aling Delia. Tuwing nadadaanan nila ni Kevin ang lugar kung saan nila nakita si James, hindi rin maalis sa isip niya ang sinasabi ni James na sa Monte Claro siya nakatira, di kalayuan sa binagsakan nito. Parang gusto niyang pumasok sa Subdivision. At aalamin kung totoo ang mga sinabi ng binatilyong amerikano. Sa isang banda, iniisip niya na hindi na kailangan mag-usisa pa tungkol sa buhay ni James dahil mas gusto niyang hindi na ito mawala sa kanilang mag-ina. Iisipin niya na lang na si James ay ibinigay ng Diyos sa kanila para alagaan niya at ituring na anak.

            “Nasaan nab a tayo?” Sabi ni Devorah pagkagising na pagkagising.

            “Malapit na tayo.” Ang tugon.”

            May naalala si Devorah.

            “Tawagan ko nga pala si Atty. Confirm ko lang kung anong oras siya darating.”

            Habang nagda-dial ito, tumalim ang mata ni Devon na nakatingin sa unahan. PATAY NA SI ATTY. TANGA! Usal nito sa sarili. Pinakikiramdaman niya ang reaksiyon ni Devorah dahil tulad kay Perry, wala itong makokontak.

            “Ano ba naman itong mga tinatawagan ko? Nakakainis, lagi na lang “OUT OF COVERAGE AREA”  ang naririnig ko?”

            “Maaga pa kasi, baka ayaw magpa-isturbo ni Atty. Kaya naka-off ang cp niya.” Kunwaring sabi ni Devon.

            “Tawagan ko na lang siya mamaya. Dapat malaman na natin kung ano ang ipinamana sa atin. Excited na ako.”

            GAGA! MANGARAP KA SA PATAY! SA AKIN NA ANG LAHAT NG KAYAMANAN NG PAMILYA DE SALES. HINDI KA KASALI DOON. HAWAK KO NA ANG LAHAT. Ito ang nasa isip ni Devon pagkatapos ng sinabi ni Devorah.

            “Ikaw, kuya? Hindi ka ba excited?”

            “Siyempre excited ako. Sobrang excited. Naiinip na nga ako eh.” Sarkastiko niyang tugon pero sinadya niyang tunohin ng masigla ang boses.

            “Paano nga pala kapag nagtanong siya kung nasaan si James?”

            HINDI NA NAKAKAPAGSALITA ANG PATAY NA, sa isip-isip ni Devon.

            “Eh, di sabihin natin na nagbabakasyon.” Ang sabi.

            “Paano kung sunduin niya?”

            “Alam mo, ang dami mong tanong. Ang dami mong iniisip. Ewan ko sa’yo.”

            “Parang ako lang kasi ang nag-e-effort ditto eh. Dapat nga ikaw ang komuntak kay Atty. Eh, kung hindi ko pa sa’yo ipaalala, hindi mo maaalala. Ikaw itong ewan. Parang wala lang. kainis! Bilisan mo na nga!” KAWAWA KA NAMAN, WALA KANG KAALAM-ALAM, ang nasabi nito sa sarili sa halip sagutin ang kapatid.

            Naiwan na naman siyang mag-isa sa bahay. Gusto man niyang sumama sa mag-ina ay hindi niya magawa dahil sa takot na baka makita siya ng mga kapatid. Hanggang kalian siya magtatago sa mga kapatid na gusto siyang patayin?

            Itinuring na kaya siyang patay? Ipinapahanap kaya siya? Alam na kaya ng mga ito ang pagkamatay ng abogado nila?

            Ano na kaya ang mangyayari ngayon sa mga kapatid niya? Mga katanungang pilit na nagsusumiksik sa utak niya na pilit niyang iwinawaksi. Kailangan niyang kalimutan ang lahat para sa bagong buhay niya ngayon dahil kung hindi, hindi siya makakapag-move on, at ayaw niyang laging inaalala ng mga taong kumupkop sa kanya. Hangga’t maaari ay hindi niya dapat bigyan ng problema ang mga ito. Kailangan makagaan siya at hindi makabigat. Kailangan gawin niya ang lahat kung paano makabayad sa malaking utang na loob. Kahit mahirap, kailangan kalimutan niya ang lahat, ang kanyang kahapon.

            Hindi na inaasahan ni Devorah na darating pa ang abogado nila. Nabaling na ang isip niya sa mga bisita, lalo na sa katabi nitong mistisong lalaki na malikot na ang mga kamay. Gusting gusto niya ang ginagawa ng lalaki kahit nasa harap niya si Devon na may katabi ring magandang babae na sanay na sanay sa alak at panay buga ng sigarilyo.

            Parang gusto nang humiyaw ni Devon dahil sa nakikita at sa kalikutan ng kamay ng katabing babae. Feeling niya ay nabababoy ang kaarawan niya at nasasalaula ang bahay nila. Inis na inis siya sa katabing babae. Parang gusto niyang ipagtulakan palabas. Pero kaya pa niyang magtimpi.

            Sunod-sunod ang pagsalin ng alak sa baso, parang nag-uunahang malasing. Gusto niya talagang malasing agad para makalimot. Nang bigla siyang mapaigtasd dahil dinakot ng katabing babae ang ari niya. Dahil ditto, tumayo siya at nagpunta ng restroom. Ngitngit na ngitngit siya kya Devorah. PUTANG-INA KANG BABAE KA! NAGDALA KA PA NG GRO RITO!

            Ang pagpunta ni Devon sa palikuran ay ang pagkakataon na hinihintay ni Devorah. Kinindatan niya ang babae bilang hudyat na oras na para gawin ang plano niya. Tumalima ang babae. May dinukot ito sa bag niya, at mabilis na inilagay ito sa beer ni Devon. Nakita ng lalaki ang ginawa ng kasamahan at napangiti ito. Tumayo ang lalaki para pumunta ng restroom.

         Pinagmasdan ni Devon ang sarili sa salamin sa restroom at kinausap ito. BAKIT KA NAGKAGANITO DEVON? BAKIT NAPAKASAMA MO? BAKIT GANYAN ANG PAGKATAO MO? MAY HITSURA KA. LALAKING LALAKI ANG PORMA, KILOS AT TINDIG, PERO BAKIT NAGKAKAGUSTO KA SA KAPWA MO LALAKI. IBA KA TALAGA! IBANG-IBA!

            Natigil ang pakikipag-usap sa reflection niya nang mapansing may nagbukas ng pinto. Ibinaling niya ang tingin sa pumasok na lalaki. Nginitian siya nito at dumeretso sa urinary bowl. Mula sa salamin ay kitang kita niya nang ibaba nito ang pantalon para umihi. Parang gusto niyang humarap ito at makita niya ang arinito. Pagkatapos umihi, tumabi ito sa kanya sa harap ng salamin at naghubad ng T-shirt. Umiiral ang pagkabakla niya. Pero kailangan niyang magpigil. Tila tinatakam siya ng lalaki dahil sa paggiling ng katawan nito sa harap ng salamin na naumungay ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi niya nakayanan ang eksena kaya iniwan niya ang lalaki. Ayaw niyang mahalata siya.

            Habang pabalik sa sala, nagtatanong siya sa sarili – BAKIT GANUN ANG ASTA NG LALAKI? MAY IDEA KAYA ITO NA BAKLA SIYA?  Sa mga katanungang ito, nagngingit-ngit siya kay Devorah dahil ito ang nag-imbita sa mga bisitang na pawing mga hayok sa sex. Naisip niya nab aka gusto ng kapatid na makatikim siya ng babae ngayong kaarawan niya. Pero, hindi niya makakayang mangyari ‘yun. Iniisip niya pa lang na makakatalik niya ang isang babae, kinikilabutan na siya.

   

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status