Five years later….
Hindi siya nagsisisi kung huminto siya sa pag-aaral noon dahil kapalit nito ay si James. Pero dahil sa pagpupursigi niya at ni James, pagkalipas ng tatlong taon ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at ngayon ay magtatapos na siya sa kolehiyo.
“Hay, kalian niya kaya ako liligawan? Tanong sa sarili ng isang dalaga sa lima pa nitong kasamahan sa bukid habang nakatuon ang mata kay James sa di kalayuan sa kanila.”
“Ay naku, nangarap ang timang! Hindi ka papatulan niyan, buti pa siguro ako.” Sabi naman ng isa na sa palagay niya ay mas maganda siya.
“Hoy, kayong dalawa, tigilan niyo na nga ang pagpapantasya diyan kay kano dahil akin na siya!”
Mayabang na sabi nito sa mga kasamahan.
“Ha? Kayo na? Paano nangyari yun? Sabat ng isa pa.
“Sa panaginip lang, kasi gabi-gabi ko siya napapanaginipan.” Ang sabi na pinapungay pa ang mga mata.
“Makinig kayong lahat! Alam niyo ba na may palagay ako na nahihiya lang magtapat si Kano sa akin. Kasi nakasalubong ko siya kahapon at matamis na ngiti ang ibinigay sa akin at tinitigan niya ako. Sana magtapat na siya.” Siya ng isa pang dalaga na pinakapangit sa mga naroon sa kubo sa gitna ng bukid.
Hindi nakatiis ang naunang nagsalita.
“Mahiya ka sa itsura mo! Lahat naman ng nakakasalubong niyan, nginingitian eh. Pero alam niyo, nahihiwagaan talaga ako sa kanya. Nakita niyo na ban a lumuwas yan ng bayan? Bukid at bahay lang ang alam puntahan. At hindi siya nakikisalamuha sa atin. Pati na rin yang si Kevin.
“Oo nga ano?” Sang-ayon ng isa.
“Ewan ba naman sa dalawang yan, sinasayang ang mga kamatsuhan at kaguwapuhan, lalo na yang si Kano.”
“Isnabin ba naman ang mga beauty natin! Hmp, ewan nga ba sa mga iyan, baka mga bakla.
“Hoy, huwag niyo nga silang husgahan! Ang sasama niyo! Magtrabaho na nga kayo!”
Halos lahat ng dalaga sa Barrio ay lihim na humahangaat nagpapantasya kay James. Talo pa kasi nito sa kama-chohan at gandang lalake ang mga lokal na artista. Siya ang tipo na kapag nakita ng isang tao ay talagang pagdidikitan ng tingin, ika nga, “He deserves more than a second look”. Ngunit kasabay ng paghanga nila ay ang pagdududa at pagtataka sa pagkatao nito.
“Talagang hulog ng langit ‘yang si James sa buhay ni Delia.” Pahayag ng isang babae sa mga kaumpukan nito.
“Oo nga mare! Tingnan niyo naman ang bahay nila, dati halos pawid lang, ngayon semento na.”
Sang-ayon ang isa pang babae.
“Ang sipag naman kasi ni Kano. Puro trabaho ang inaatupag.” Sabad ng isa.
“Pero, hindi ba kayo nagtataka sa kanong yan? Tanong ng isa pang babae.
“Bakit, ano’ng ibig mong sabihin?
“Hindi niyo ba naalala na ang sabi ni Delia noon, magbabakasyon lang yan? Bakit hanggang ngayon, andito pa? at may duda ako na hindi naman talaga yan pamangkin ni Delia.” Mahabang pahayag ng babae.
“Paano mo naman nasabi yan?”
“Hay naku! Ewan ko sa inyo! Hindi niyo ba nakikita? Paano magiging pamangkin yan ni Delia eh, tingnan niyo naman ang itsura, purong kano. Kung pamangkin ni Delia yan, at least kahit papano ay may hawig pinoy yan. Tingnan niyo naman, kahit kilay, kulay ginto. At isa pa ha? Kung pamangkinyan ni Delia, dapat matagal nang umuwi yan sa kanila, bakit hanggang ngayon, andito pa? Wala namang nabanggit si Delia na ulila nay an?”
Tama ka, Mare, matalino ka talaga.”
“Ay naku! Kahit ano pa yan, o kung sino mang yang si Kano, basta, sinasabihan ko ang anak ko na magpa-charming siya ng todo, para maging manugang ko siya’t gumanda naman ang lahi naming, hahaha!” Sabi ng isa na sinabayan ng tawa.
“Huwag ka nang mangarap Mare. Kahit ano’ng gawin ng anak mo, hindi papatulan ni Kano. Yung pinakamaganda nga rito sa atin, deadma kay kano, sa anak niyo pa kaya na kulay uling na, tadtad pa ng taghiyawat ang mukha! Hahaha!” Sabad ng isa at bumulanghit pa ng tawa.
“Sobra ka naman kung manlait ng tao, palibhasa tumanda ka ng ganyan na walang anak. At tingnan mo nga itsura mo, kung pangit ang anak ko, di hamak na mas pangit ka!”
“Hep! Tumigil na nga kayo. Baka saan pa mapunta ang usapang ito. Alam niyo, wala namang kuwenta ang pinag-uusapan natin. Ang mabuti pa, bumalik na tayo sa bukid, dahil doon tiyak may mapapala tayo.”
Maging si Aling Delia ay nahihiwagaan sa pagkatao ni James. Kahit minsan ay hindi niya ito nakita o nabalitaang manligaw o kaya naman mamasyal kahit sa Barrio. Alam niya na may kinatatakutan ito pero napakatagal nang panahon yun at wala na siyang naririnig kay James para pag-usapan ang tungkol sa pamilya nito. Ilang beses na bang niyaya ito ng mga dalaga at binata sa Barrio para sumali sa mga aktibidad ditto, pero lagi itong tumatanggi, at kapag tumanggi ito, ganun na rin ang anak niyang si Kevin. Sa loob niya, tila nahawa na si Kevin sa ikinikilos ni James.
Minsan ay sinubukan niyang kausapin si James tungkol sa edukasyon nito pero tumanggi itong mag-aral. Kapag tinatanong niya kung ano ang plano nito sa buhay ay isa lang ang lumalabas sa bibig nito kundi ang makapiling silang mag-ina. Masarap ito sa pandinig niya pero ang totoo, nag-aalala siya sa kinabukasan nito. Para bang hindi nito iniisip ang sariling kapakanan. Lagi niyang dinarasal na sana bigla nitong sabihin sa kanya na mag-aaral siya. Sa kabilang banda, iniisip niya rin na paano kung bigla nga itong masumpungan ng mga kamag-anak nito sa bayan at mawawala ito sa buhay niya, sa buhay nilang mag-ina? Ayaw niyang mangyari ito. Gusto niya na habangbuhay na manatili si James sa kanilang mag-ina. At natatakot siya na baka bigla na lang maisip ni James na ipaglaban nito ang karapatan sa tunay na pamilya. Inaamin niya sa sarili na hindi niya alam kung ano ang tunay na tumatakbo sa isipan ni James.
Minsan, naiinis siya sa sarili dahil nagiging makasarili siya sa dahilang mas gusto niya pang ganito na lang ang kilos ni James kaysa maimpluwensiyahan ng ibang tao na magiging dahilan para maiba ang ikinikilos nito at maudyukan ng ibang tao.
Nagagalak siyang makita si James at ang anak niya sa pagiging malapit nito sa isa’t isa. Iyun naman talaga ang gusto niyang mangyari simula pa noon. Kaya, kapag nagtatawanan ito, kahit hindi siya kasali ay napapatawa rin siya. Nasabi niya nga sa sarili na kung babae lang itong si James ay gusto niyang ito na ang maging asawa ng anak. Sa tingin niya nga, hindi na mabubuhay ang anak kung wala si James.
Minsan ngang nagkasakit si James, talo pa siya ni Kevin sa pag-aasikaso ditto. Para bang isang ulirang asawa ang anak sa pag-aasikaso kay James. Apat na araw itong nagkasakit kaya apat na araw ding lumiban sa klase ang anak pero hinayaan niya lang ito. Lagi na ring nakikita na magkayakap ang dalawa sa higaan, pero hindi niya ito binibigyan ng malisya dahil para sa kanya, natural lang na magyakap ang dalawang magkaibigan, o nagtuturingang magkapatid kapag nagkatabi ito sa tulugan.
Kahit nagagalak siya sa turingan ng dalawang binate, alam niya na hindi lubusang masaya si James sa buhay nito. At sa tuwing nakikita niya itong malungkot, gusto niya itong pasayahin pero hindi niya alam kung paano. May hinala siya na hanggang ngayon, iniisip pa rin nito ang pamilya. Ang karapatan nito bilang tagapagmana ng halos buong kayamanan ng pamilya De Sales.
Hindi siya makatulog hindi dahil sa hilik ng katabi niyang si Kevin kundi sa sari-saring pumapasok sa kaisipan niya. Kanina ay pinansin na ni Kevin ang pag-alumpihit niya sa higaan at biniro pa siya nito na kapag hindi tumigil ay bubuhusan siya nito ng tubig. Pero kahit anong gawin niya ay wala talaga. Pilit kasing nag-uunahan sa isip niya ang mga alalahanin tungkol sa pamilya niya, at sa kalagayan niya ngayon, at sa kakaibang pagmamahal na ipinapakita sa kanya ni Kevin. Ang karapatan niya sa pamilya bilang tagapagmana ng kayamanan nito at kahit gusto niyang kalimutan ay umuukilkil sa isip niya. Ang kalagayan niya sa kasalukuyan na bagamat nakatagpo siya ng bagong pamilya ay hindi niya maiwasang maramdaman na parang may kulang. At ang relasyon nila ni Kevin na lingid sa kaalaman ni Aling Delia.
Sa gitna ng mga alalahanin ay naramdaman niya ang pagkilos ng katawan ni Kevin, na ang kamay nito ay malayang pumalibot sa katawan niya. Ramdam niya ang init ng katawan ni Kevin na nakayakap na sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon ay wala siyang lakas na tumanggi dahil gusto niya rin at ayaw niyang kahit isang beses ay sumama ang loob ni Kevin kapag tumanggi siya.
Mula sa pagkakayakap ni Kevin ng ilang saglit ay nagsimulang lumikot ang mga kamay nito. Naglakbay ang kanang kamay ni Kevin sa dibdib ni James. Sa parting ito ay kusa na siyang nag-alis ng saplot sa katawan para ihain ito sa katabi. At si Kevin, matapos na maghubad ay papatong sa matipuno niyang katawan at sinimulang halikan siya sa leeg, at dadako sa bibig niya. Noon ay parang asiwa pa siya pero nang lumaon, sanay na siya kaya gumanti siya ng halik at tatagal ng ilang minute ang paglapat ng mga labi nila sa isa’t isa. Pababa ng pababa ang paghalik ni Kevin hanggang dadako ito sa kargada niya at dito’y mas tumatagal ang bibig nito hanggang sa labasan siya. At para makaraos si Kevin ay sasalsalin niya ang ari nito. Halos gabi-gabi, simula nang magtapat si Kevin ng tunay na damdamin sa kaniya.
Hindi siya nagsisisi sa nangyari sa kanila ni Kevin. Ang kinatatakutan niya ay kung malalaman ito ni Aling Delia. Wala siyang mukhang maihaharap dito. Ni sa panaginip ay ayaw niyang mangyari yun. Sa laki ng utang na loob niya sa mag-ina ay kahit katiting, ayaw niya itong bigyan ng sama ng loob. At si Kevin ay itinuring niyang isang taong may kakaibang pagmamahal sa kaniya na tanggap na tanggap niya. At gusto niya ang nangyayari sa kanila.
Matapos niyang mailigpit ang mga bagay na ginamit sa pagtinda, tinawag siya ni Aling Delia.
“Ano po yun, nay?” Tugon ni James.
Nasa sala si Aling Delia at nakaupo sa sofa.
“Halika dito sa tabi ko, may pag-uusapan tayo.”
Pagkarinig sa sinabi ay bigla siyang kinabahan dahil nangamba siya na baka may alam na si Aling Delia tungkol sa kanila ni Kevin.
Naupo siya sa tabi ng itinuring na ina.
“Matagal ko na itong pinag-iisipan, kaya lang dahil sa natatakot akong mawala ka sa buhay naming ni Kevin ay nagdadalawang isip akong sabihin sa’yo.” Bungad ni Aling Delia.
“Ano pong ibig niyong sabihin Nay?”
“Anak, napagtanto ko na siguro panahon na para ipaglaban mo ang karapatan mo sa iyong pamilya.”
Bago magpatuloy ay hinawakan ni Aling Delia ang mga kamay ni James. “Anak, alam ko na kahit hindi mo sabihin sa amin ni Kevin, hindi ka lubusang maligaya dahil sa nakaraan mo. Anak, panahon na siguro na palayain mo na ang sarili mo sa itong nakaraan, at magagawa mo lamang yan ay kapag ipinaglaban mo ang karapatan mo sa iyong pamilya. Anak.. Masakit sa akin na saihin ito sa’yo pero ito ang nararapat.” Garalgal na ang boses ni Aling Delia.
Titig na titig siya sa mga mata ni Aling Delia. Kita niya rito ang pamumuo ng luha. Hindi niya na rin kayang itago ang nararamdaman.
“Nay, inamin ko na nagugupo pa rin ako ng aking nakaraan, pero pinaglalabanan ko po. At hindi ko po kayo magagawang iiwan. Wala na po akong pamilya. Kayo na po ang pamilya ko. Kayo na lang po ang nagmamahal sa akin. Ikaw. Si Kevin. Hindi ko kayo magagawang iiwan. Huwag po kayong mag-alala dahil tanggap ko naman po ang magiging kinabukasan ko. Tanggap ko nap o.” Nakayuko siya sa huling mga salitang binanggit.
Sa napansin ni Aling Delia, lalo lang niyang nakita kay James ang paghihirap nito. Kaya may iba siyang naisip kung paano ito mahihikayat na ipaglaban ang karapatan nito.
“James, masakit na masakit para sa akin na nakikita kang alipin ng nakaraan, na nakikita kang nahihirapan. Kaya, mas nanaisin ko pang mawala ka sa buhay naming. Para ito sa iyong kinabukasan.
Kailangan mong harapin ang dapat mo na sanang hinarap noon pa. Mananatili kang duwag kapag hindi mo hinarap ang totoong hamon ng iyong buhay. Alam mo, kasalanan ko rin kung bakit nagging duwag ka. Naging makasarili ako. Sana, ginawa ko na ang nararapat noon na tulungan kang ipaglaban ang iyong karapatan. Pero dahil sa natatakot akong iiwan mo, hinayaan ko. Pero ngayon, handa na akong tulungan ka na harapin ang tunay mong laban.
“Pero, hindi ko po alam kung paano at saan ako magsisimula. Wala po akong alam. Hindi ko po alam.” Saglit itong tumigil. “Hindi ko po alam kung sino ako! Hindi ko po kung ano ako! At lalong hindi ko alam kung may dapat ba talaga akong ipaglaban dahil sabi niyo nga, du….duwag ako! Totoo naman po yun. Iyun talaga ako eh! Wala akong silbi! Wala akong silbi!” Malakas ang boses niya dala ng damdamin, halos sumigaw siya.
Hindi makapaniwala si Aling Delia sa narinig kay James. Napagtanto niya na sobrang liit ang tingin nito sa sarili. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya, pero para sa kanya kailangan niyang, ipamukha din para magbago.
Hinawakan niya sa balikat nang mahigpit ang nakayukong si James.
“James anak! Huwag mong maliitin ang sarili mo. Hindi ka mahina. Hindi ka duwag. Nasabi ko kanina na duwag ka para gisingin ang damdamin mo sa tunay mong laban sa buhay. Alam mo ba na napakasuwerte naming ni Kevin sa’yo? Ikaw ang nagpasaya sa buhay naming. Ikaw ang naging sandalan naming. Maliban diyan, tingnan mo nga ang sarili mo? Ikaw ang pinakamagandang tao na nakita ko hindi lang panlabas kundi sa kalooban. Hindi mo baa lam na hinahangaan ka ng halos lahat ditto sa barrio? Anak, nasa iyo na ang lahat. Kailangan mo lang na harapin ang sarili mong laban, para magiging ganap na ang pagkatao mo. Naiintindihan mo ba ako?” Pagkatapos ng mababang pahayag ay niyakap niya ito.
“Nay, salamat at pinalalakas niyo ang loob ko. Haharapin kop o ang mga kapatid ko hindi lang po para sa akin kundi para sa ating tatlo. Saan man po ako makarating at ano man ang mangyari sa akin, hindi ko po kayo kakalimutan.”
Gumaan ang kalooban ni Aling Delia dahil sa narinig.
“Nasa likod mo kami anak. Hindi ka naming pababayaan.”
“Siguro po para sa unang hakbang ay pupuntahan ko ang mansion sa Monte claro.”
“Sige, sasamahan kita bukas.”
“Gusto ko po sana na hayaan niyong ako na ang magsasabi kay Kevin tungkol sa napag-usapan natin.”
“Sige anak, ikaw ang bahala.”
Pagkaraan ng kanilang pag-uusap, parang may kung anong pagbabago ang naramdaman ni James sa sarili. Nagkaroon siya ng tiwala, tapang at determinasyon.
Pumasok na si Aling Delia sa kuwarto at si James ay nagpapahinga na rin sa kuwarto nila ni Kevin.
Nang mapag-isa, may iba siyang iniisip. Si kevin na mahal na mahal siya. Na may ibang klase ng pagmamahal sa kanya. At tanggap niya. At paano niya ipapaliwanag dito ang balak niya?
“Congratulations Kevin! Ikaw ang napili ng foundation na ipadala sa Amerika para kumuha ng Master’s Degree. Mula sa 40 application, ikaw ang masuwerteng nakapasa.” Pahayag ng Director ng unibersidad.
“Thank you po!” Tugon niya.
Bago siya lumabas sa Director’s office ay nalaman niya ang buong detalye ng scholarship. Pero ang totoo, hindi niya naman inaasahan na papasa siya. Nag-apply siya pero hindi naman talaga siya pursigido na pumunta ng Amerika. Nagbakasakali lang siya at okay lang sa kanya kung hindi siya pumasa dahil may mas nangingibabaw sa isipan at damdamin niya. Tinanggap niya ang Scholarship na walang sigla.
Kanina ay gusto niyang sabihin sa Director na hindi niya matatanggap ang scholarship, pero napasubo na siya, at ayaw niyang ilagay ang pangalan niya sa hindi magandang impresyon. Dahil ang totoo, ayaw niyang iiwan si James.
Dalawang taon ang bubunuin niya sa amerika para matapos ang MBA. Nakasalalay ditto ang magandang kinabukasan niya. Pangarap niya rin ang magandang buhay para sa Nanay niya, at alam niya na matutuwa ang ina kapag sinabi niya ito. Pero, parang hindi niya kaya na iiwan si James. Alin ba ang paiiralin niya? Ang pangarap na magandang buhay o ang damdamin para kay James? Dalawang tanong na kailangan mamili siya.
Paglabas niya sa campus ng Unibersidad, si James ang nangingibabaw sa isipan niya. Si James na pumukaw sa kakaibang damdamin niya. Si James na tanggap siya kung ano man ang pagkatao niya. Si James na nagpupuno ng pagkatao niya. At si James na nagbibigay ng kakaibang ligaya sa kanya. Paano niya iiwan ang isang taong tulad nito na pinangarap niyang mangyari at natupad?
Mabagal ang pagpapatakbo niya ng tricycle pauwi. Nang madaan sa Monte Claro. Inihinto niya ang sasakyan sa di-kalayuan sa arko nito. Sa puntong ito, inalala kung paano nilang mag-ina natagpuan si James sa lugar na ito. At napabuntong hininga siya nang malalim bago dumilat. Naiinis siya sa sarili dahil bago dumating sa buhay nilang mag-ina si James. Ang Nanay Delia niya ang sentro ng mga pangarap niya sa buhay. Naipangako niya na ihahandog niya ang tagumpay sa kaniyang ina anuman ang mangyari, at ang pangarap niyang paghihiganti sa pamilya ng tatay niya na nagging dahilan ng kamatayan ng kaniyang ama. Bakit ngayon parang may iba na siyang prioridad? Ang scholarship ang susi ng katuparan ng kanyang mga pangarap dahil pagkatapos nito, naghihintay sa kanya ang magandang trabaho sa Amerika. At doon na sila titira ng Nanay niya.
Sa detalye ng scholarship, puwede niyang isama ang nanay niya sa Amerika. Isa ito sa mga privilege ng programa ng foundation nan aka base sa Amerika, pero optional ito. Palalampasin niya ba ang napakagandang pagkakataon na inilaan sa kanya? Kailangan niyang maging matatag at matalino sa pagdidisisyon. Kailangan pairalin niya ang isang propesyonal na desisyon na hindi paiiralin ang puso.
Sa isang lingo na ang graduation niya at palilipasin pa ang isang lingo bago ang pagpunta sa Amerika. May panahon pa siya para umatras.
Alas singko nan g hapon ng umahon siya sa bukid. Tulad ng dati, inaasahan niya na naghihintay na si Kevin sa kubo sa di kalayuan pero wala pa ito ng idako niya ang tingin ditto. Baka natagalan lang sa loob niya. Sanay na kasi siya na sinusundo ni Kevin pagkagaling nito sa eskwela. Makalipas ang halos kalahating oras ng paghihintay, nagpasya na siyang umuwi. Halos isang kilometro ang lalakarin niya bago makarating sa bahay. Pangalawang beses na itong maglalakad siya umuwi. Pero habang nasa daan, inaasahan niya pa rin na makakasalubong niya si Kevin dala ang tricycle.
Habang naglalakad, naiisip niya ang pinag-usapan nila ni Aling Delia kanina. Tanong niya sa isipan kung ano ang magiging reaksiyon ni Kevin sa plano niya. Ikatutuwa kaya ito ni Kevin? Naitanong niya ito dahil kahit minsan ay hindi niya narinig mula sa mga bibig nito ang pag-udyok sa kanya para ipaglaban ang karapatan niya. Sasabihin niya kay Kevin ang plano niya bago sila matulog mamayang gabi.
Ilang hakbang na lang siya sa bahay nang marinig niya ang andar ng tricycle ni Kevin sa pagliko nito sa kanto pauwi sa bahay. Hindi agad siya pumasok sa bakuran bagkus, hinitay niya na makalapit si Kevin. Nang makalapit, sabay na silang pumasok sa bakuran. Bumaba agad si Kevin sa tricycle.
“Pasensya ka na kung hindi kita nasundo. May dinaanan pa kasi ako.” Pagdadahilan niya. Ang totoo, hindi niya naisip na magsusundo pa pala siya kay James sa bukid.
“Okay lang, para naman ma-exercise ang tuhod ko. Hahaha! Sabi niya at sinabayan ng tawa.”
Pagkasabi’y inakbayan niya si Kevin at sabay na silang pumasok sa bahay. Dumeretso sila sa loob ng kwarto nila at nagbihis.
“Pahinga ka na.” Sabi ni Kevin. “Alam kung pagod ka. Ako na ang bahalang maghanda ng hapunan.”
“Sige.” Anya. Talagang pagod siya dahil sa paglalakad kaya humilata siya sa kama.
Paglabas sa kwarto, sinulyapan ni Kevin ang kuwarto ng ina. Pagkaraa’y dumeretso na ito sa kusina.
Habang nagluluto, napagpasyahan niya ng huwag na munang sabihin sa ina ang tungkol sa scholarship. Si James muna ang kakausapin niya bago sila matulog. May desisyon na siya.
Nabigla pa si James nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Kevin pagpasok pa lang sa kuwarto para matulog. Mahigpit na mahigpit na nagging dahilan upang kusa na rin niyang yakapin ito. Pagkaraan ng ilang sandal kumalas si Kevin at tinitigan ang mukha niya at masuyong hinaplos ito. At muli siyang niyakap. Sa puntong ito, nagtanong siya sa sarili kung bakit ganun ang reaksiyon ngayon ni Kevin. Nakita niya ang lungkot sa mukha ni Kevin. “Ano bang mayroon, may problem aba?” Masuyo niyang tanong bago naupo sa gilid ng kama. Tumabi sa kanya si Kevin. “May ipapakiusap sana ako sa’yo.” Bungad ni Kevin. Mahina pero madiin ang boses niya. “Ha? Bakit?” Tanong ni James sa tonong pagkabigla.&nb
Anak, Kevin.. huwag ka nang umalis. Dito ka na lang. Hindi ko kakayanin na hindi kita makita sa loob ng dalawang taon. At isa pa, kailangan tayo ni James. Kailangan niya ang suporta natin para sa pakikipaglaban niya sa karapatan niya sa pamilya.” Pakiusap ni Aling Delia. “Nay, hindi po ako aatras. Nakahanda na po ang lahat. Hinihintay na lang matapos ang graduation, and week after, aalis na ako. Ito na po ang hinihintay kong pagkakataon para sa katuparan ng mga pangarap natin. At saka Nay, kailangan po natin magtiis pareho na saglit tayong magkawalay. Mahirap din para sa akin ito, pero kampante ako dahil alam kong hindi kayo pababayan ni James.” “Pero anak.. Paano si James? Handa na siya sa gagawin niya. Sinabi ko na sa kanya na susuportahan natin siya. Awang-awa ako sa kanya anak.. at nararapat lang na ipag
Naging madamdamin ang pamamaalam ni Kevin. Hindi maubos ang luha ni Aling Delia habang nagpapaalam ang anak. Binigay niya ang lahat ng habilin sa anak. Bakas din sa mukha ni James ang lungkot. Isang napakahigpit na yakap ang binigay ng dalawa sa isa’t isa kasabay ang mga katagang “I LOVE YOU”, na unang nagmula sa bibig ni Kevin, at ang kay James ay mga katagang, “INGAT KA, MAGHIHINTAY AKO.”Sa pag-alis ni Kevin, kailangan gampanan niya ang mga gawaing naiwan nito katulad ng araw araw na pamamalengke, pagpapasada sa traysikel. Mga trabahong hindi niya kailanman ginawa noon dahil sa takot na makita ng mga kapatid. Pero ngayon, kailangan niyang kumawala sa takot at tatagan ang loob dahil wala siyang mapagpipilian. Kailangan niyang palitan ng tapang ang karuwagan sa katuhan niya. Kailangan niyang buhayin ang bagong pagkatao at patayin ang nakagawian noon. Kailangan na niyang lumantad. Hindi na niya kailangang magtago.Kinakailangan niyang kumuha muna ng student permit
“Whaaaat?” Gulat na gulat ang reporter sa videong nasasaksihan. “Imposible naman yata yan. Sa tingin ko may gustong sirain ang reputasyon ni Devon at ginamit ang amerikanong ‘yan.” Dugtong nito na naghihinala. “Nakausap ko na ang taong kumukupkop sa kanya. At sa tingin ko, nagsasabi sila ng totoo. Hindi naman imposible na mangyari yun. Una, laganap ang Artificial Insemenation. Pangalawa, hindi naman natin ang alam ang buong kwento ng buhay ni Devon De Sales. Pangatlo, may record ang tao sa NSO.” Pahayag ni Inspector Santiago sa babaeng reporter. “Scope yan ‘pag nagkataon. Isang balitang gugulatin ang Devon followers. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag napanood niya ang videong ito?” “May problema ako. Ayaw ipalabas ni James De Sales ang videong ito. Nakiusap si
Naihanda na ni Aling Delia ang basket para mamalengke pero napansin niya na hindi lumalabas si James ng kuwarto. Nang tawagin niya ay lumabas ito ng kuwarto. “O anak, halika na, mamalengke na tayo.” Aya niya. “Umalis na tayo dito ‘Nay.” Mahinang tugon. “Ha? Bakit bigla mong nasabi yan? May problema ba ha?” Nagulat siya sa tinuran ni James. “Sa ibang lugar na tayo mamuhay kahit saan basta malayo sa lugar na ito.” Patuloy ni James sa mahinang boses. “Pero, Bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit bigla mong nasabi ang ganyan?” Hindi maibsan ang pagtataka ni Aling Delia.&n
Gustuhin man niyang bumalik sa Maynila ay takot pa siya kahit pitong taon na ang nakaraan mula nang umuwi siya sa Cebu dahil sa pagpatay niya sa dalawang guwardiya at sa isang sikat na abogado para nakawin ang dokumento kapalit na halagang tatlong daang libong piso. Tandang-tanda pa niya ang gabing iyon na kung saan pagkatapos niyang lumabas ng building ay sinundo siya ni Perry at pinababa rin nang makalayo sa lugar, at kinaumagahan ay dumiretso siya sa BatangasPort para umuwi sa probinsya. Nang araw na umuwi siya sa bahay nabasa niya sa diyaryong Bulgar ang tungkol sa pagkamatay ni Perry. Agad na pumasok sa utak niya kung sino ang nagpapatay kay Perrynasabi sa kanya nito kung sino ang nag-utos sa kanya para nakawin ang dokumento sa abogado. Ngunit, kahit kilala niya ang mastermind , hindi niya pwedeng sabihin dahil siya ang mas mapapahamak. Kalaunan ay nalaman niya na ang naparusahan sa krimen ay ang dalawang bodyguards ng abogado na nahatulan ng hambambuhay na pagkakakulong.
“Gusto ko na sa lalong madaling panahon ay mahanap ninyo ang ‘kanong ‘yon! Ayaw ko nang mag-aksaya kayo ng panahon at huwag na huwag kayong magbibigay sa akin ng impormasyon king hindi kayo sigurado, at nang di kayo matulad kay Ronald. Patayin ninyo ang sinumang haharang.Naiintindihan ninyo? Mahabang pahayag ni Devon sa matigas at maawtoridad na tono sa tatlong tauhan niya na inutusan para patayin si Ronald. Pagkatapos ay lumakad na ang tatlo. Walang ibang nasa utak ngayon ni Devon kundi si James. Hindi mo ako mapagtataguan.Hahanapin kita kahit saan ka magsuot. Masuwerte ka lang dahil hindi ka natagpuan ng tangang si Ronald. Pero huwag kang kampante dahil nabibilang na ang oras mo. Ito ang namumutawi sa kalooban niya. Pupunta siya sa burol ni Ronald sa Cavite. Puting T-sgirt at maong na pantalon lang ang kanyang suot na
Sa kuwarto ni Devon, kita niya sa CCTV Camera ang pagdating ng kotse. Ngumiti siya. Nang makitang bumababa na ang mga sakay ng kotse, lumabas na siya ng kuwarto. Bago luma ng garahe, kinausap niya sa celfone ang isang tauhan. “Dalhin siya sa basement. Igapos at iwanan ninyo.” Pagkaraa’y pinuntahan ni Devon ang basement. Binuksan ang isang kuwarto roon kung saan naroroon ang nakagapos na si James. Nagkamalay na siya kanina pa habang nasa kotse pa. Mas pinili niya na huwag magsalita. Nagpatianod siya kung saan siya dadalhin ng tatlo. Nang mapansin na pumasok sila sa isang magarang Subdivision, natanto niya na ang taong nagpakidnap sa kanya ay ang Kuya Devon niya. Kabisado niya kasi ang lugar na ito dahil sa ilang beses din siyang nakarating dito noon, dagan nga lang sa