Share

Chapter 8

"Where do you want to eat?" I asked.

Nandito kami sa mall near our Campus. Open gate kami during lunchtime, but we were only given 30 minutes to take our lunch. Buti na lang at hindi regular class ngayon, kaya maaga kaming pinalabas.

"Kahit saan," tipid nitong sagot. May mga iilan na napapalingon sa amin dahil sa kasama kong bakulaw.

I rolled my eyes. "Greenwich, Plaza Mocha, Gilligans, Wingstreat, Wendys, Mang Inasal?" I enumerated, "C'mon, choose."

"Ikaw bahala, ikaw manlilibre e."

"Ikaw bahala, ako kawawa."

He just chuckled. Nagiging center of attention na kami, may mga iilang napapatingin sa direksyon namin. Nandito kami sa gitna, nagtatalo kung saan kami kakain. Para tuloy kaming mag-jowa pero may LQ. Ew!

"Mamili ka na kasi! Male-late na tayo niyan."

"Ikaw saan mo ba gusto?" He stopped walking and looked at me, "Mang Inasal o sa 'kin ikasal?"

"Greenwich na nga lang." He just laughed when I ignored what he said.

"Oh," I said and gave him my money. "Ikaw mag-order," pag uutos ko.

"Bakit ako?"

"Syempre hindi ako," I replied mockingly.

"Hindi ako marunong," pagmamaktol niya. Tinaasan ko siya nang kilay, at hindi nagpaapekto sa pagpapa-cute niya.

"Ako ang magbabayad kaya ikaw ang mag-order."

"Ako nalang magbabayad, ikaw na ang mag-order."

Dahil sa kakulitan niya, tinitigan ko ito ng masama at may halong pagbabanta. Naglaban kami nang tingin, bago siya sumuko ay sumunod sa gusto ko.

"Fine," he let out a deep sigh before standing. "I'll order."

Tumayo na ito at pumunta sa counter. Hindi man lang niya tinanong kung ano ang gusto ko. Bahala siya sa buhay niya!

Medyo mahaba ang pila, for sure maiinip siya. Ang mga katulad niyang rich kid ay hindi sanay kumain sa fast food, kaya dito ko siya dinala. Gusto ko siyang inisin sana, kaso ako naman ang naiinis.

I opened my phone and decided to message my friends, baka kasi hinihintay nila ako. Kapag kasama ko siya ay lagi ko nalang nakakalimutang magpa-alam sakanila.

tatcorsanes: Hoy, mga pokpok di ako sasabay.

ernishamanalo: Bakit?

tatcorsanes: Greenwich ako right now, may sinamahan lang saglit.

jcassandrabassig: Hoy, gago?! Cutting?

jcassandrabassig: Hindi ka papasok ba?

jcassandrabassig: Kung hindi ka papasok, hindi na din ako papasok.

vettinahhh: Pokpok, sino kasama mo?

Sumulyap ako kay Leo na nasa counter na ngayon. I almost rolled my eyes dahil nakuha niya pang makipag-landian sa cashier.

tatcorsanes: A friend?

ernishamanalo: Ulol!

jcassandrabassig: Rogelio ba?

tatcorsanes:Issue manen?

tatcorsanes: Kumakain lang kami, nagbabayad lang akong utang sakaya.

vettinahhh: Hoy pokpok.

vettinahhh: Kapag di jowa don't subo.

ernishamanalo: HAHAHAHAHA AWIT!

jcassandrabassig: gago!

tatcorsanes: Ang dugyot mo!

I lifted my gaze to him as he put the food on the table. He ordered two supreme lasagnas, Hawaiian pizza, chicken & potato waves, and iced tea slush.

"Ang dami naman," pagrereklamo ko habang itinatago ang cellphone.

"Sorry," sabi nito at napakamot sa ulo. "Hindi ko alam ang gusto mo e."

"Bakit kasi hindi ka nagtanong!"

"Bakit hindi mo kasi sinabi?"

"Nagtanong ka ba?"

"Nakalimutan ko nga," pagdedepensa niya sa kanyang sarili. "Sabi kasi sayo, Ikaw nalang mag-order."

"Sus! Kunyare ka pa, e nag-enjoy ka naman sa pakikipaglandian mo sa cashier."

"Pardon?" He chuckled. "I think we should do something about your jealousy."

"Sinong nagseselos?"

"You."

"I am not!" I hissed but he keeps on grinning like an idiot.

"Ang hirap kasi sainyong mga babae, may kausap lang na iba ibig sabihin nambabae na." He scolded. "Masyado kayong nagpapadala sa 'tamang hinala' niyo."

"Maghihinala ba kami kung hindi kayo gumagawa nang ikakahinala namin?"

"Wala naman kaming ginagawa, sadyang nag-iisip lang kayo nang kung ano-ano. Masyado kayong fan ni detective conan."

"Kasalanan niyo rin! May girlfriend na kayo, pero suma-sideline pa kayo," I fired back.

"Girlfriend na kita?"

"Gutom lang yan," sabi ko at sinubuan siya ng madaming potato waves sa bunganga.

I started to eat my lasagna. It tastes good, this is really the best lasagna for me. Greenwich is actually one of my favorite fast-food restaurant, kaso minsan, sobrang bagal ng service nila. Unlike sa  Jollibee and Mc Donald's, kahit madaming costumers mabilis pa din ang service ng crew.

"You know," he started as he bites the pizza. "I think you need some Vitamin R."

"Vitamin R?"

"Vitamin Rogelio, pampaganda yon at pampaalis ng kasungitan."

Humalakhak ito ng tapunan ko ang kaniyang mukha, ng table napkin. "What?" Natatawang tanong nito at umilag sa pagbabato ko.

"Ang sungit sungit mo kasi. Can't we just be friends? "

"Ayoko nga."

"So, you want more than that, huh?" Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko dahil sa tanong niyang 'yon.

"Look, I'm sorry," he apologized. " Kung ano man yung rason ng pagtatalo natin. Let's end this. Let's be friends," he suggested.

"Tara na," I said, ignoring what he said. Nauna na akong maglakad at nararamdaman ko naman ang agad na pagsunod nito sa akin. Nilakihan niya ang bawat hakbang upang makasabay ako.

"Uy, sorry na kasi," pangungulit nito. Binilisan ko ang paglalakad dahil malapit na kaming maabutan ng closed gate.

"Ihahatid na kita."

"May paa ako. Kaya ko naman mag-isa."

"I know, pero aanhin mo pa 'yang mga paa mo kung hindi ka din naman lalakad sa altar kasama ako?"

"Ewan ko sayo!" I said and looked away. Masyado siyang madaming baon na banat, at masyado na ring nag-wawala ang puso ko.

"Ihahatid na kita," pursigido nitong sabi kaya hinayaan ko na lang. Magka-iba kami ng building; St. Rose Building ako, at siya naman ay sa San. Pedro Calungsod Building.

"Leo!" I shouted before entering the room.  Nararamdaman ko na ang malalagkit at ma-issue na tingin ng mga kaklase ko. Ang ilan ay kinikilig habang ang ilan naman ay naiinggit.

"Miss mo na ako agad?" Natatawa itong bumalik sa kinatatayuan ko.

"Kawawa ka naman, sige na nga."

"Ha?"

"Oo na, payag na nga ako."

"Hakdog!"

Inirapan ko ito at akmang papasok na, pero pinigilan ako nito at hinawakan ang kamay ko.

"Magka-ibigan na tayo?" He asked and I nodded. "Hindi mo na ako aawayin?"

"Ang kulit mo naman, wag na nga!" I hissed.

He laughed. "Uy, biro lang." Ngumiti ito at nag peace sign sa akin.

"Okay. Let's be friends ." He offered his hand, and I gladly accepted it. "Let's be friends for now," he almost whispered. Mahina 'yon pero tamang-tama lang para marinig ko.

I let out a deep sigh. Tama lang ba ang ginawa ko? Tama ba na hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko?

I'm afraid with the thought that he might hurt me, someday.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status