Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Investigate

Kinabukasan ng umaga ay maaga akong nagising at dumiretso papuntang kusina. Pagpunta ko roon ay gulat ako nang makita si Auntie Sam na naghahanda na kaagad ng mga lulutuin para sa breakfast. Ngumiti siya nang makita ako.

"Good morning! Maupo ka muna riyan, magluluto pa lang ako, e," sabi ni Tita sabay salubong sa ‘kin ng yakap. I hugged her back and kissed her cheeks.

"Tulungan na lang kaya kita?" suhesyon ko.

"Sure! Sure! Baka hindi ko na nga rin alam ang mga kinakain mo ngayon. Para makapagkuwentuhan rin tayo."

Tumango ako at kumuha ng apron. Tinignan ko ang mga kinuha ni Auntie para lutuin. Bacon, egg, ham, hotdog, at sausage, nakita ko pang nagsasaing siya sa rice cooker. Napataas ang isang kilay ko sa dami no’n.

"May gusto ka pa bang idagdag?" tanong ni Auntie na nagpatawa sa ‘kin.

"Seriously, Auntie? Balak mo pa bang dagdagan 'yan? Bakit? Bibitayin na ba kami?" natatawa kong tanong.

Humalakhak siya pagkatapos ay tinapik pa ang braso ko kaya napaiwas tuloy ako sa kanya. Hilig talagang manakit ni Tita kapag tumatawa!

"Ikaw naman! Hindi naman sa ganoon!"

Nagkibit-balikat na lang ako saka napagpasyahang magsimula na. Hinugasan ko ang mga pinagkalatan namin ni Tita nang makaisip ako ng pilyang gagawin. Winisik-wisik ko ang tubig sa mukha ni Tita.

"Aira!" humalakhak ako nang ginantihan niya rin ako ay binasa ng tubig.

"Teka! Wisik lang 'yung akin, ah?" reklamo ko.

"Heh! Ikaw nag-umpisa," aniya at sinabuyan pa rin ako ng tubig.

"O sige sige, tama na!" sabi ko habang tumatawa at itinaas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko.

Pumunta ako sa lababo para maghilamos. Ganoon rin ang ginawa ni Tita at nakisingit pa sa ‘kin. Kaya paglapat ng kamay ko sa gripo ay tinakpan ko 'yon dahilan para sumaboy na naman kay Tita ang tubig. Tumawa ako saka agarang pinatay ang gripo.

"‘Di ako papatalo 'no!" sabi ko habang tumatawa. Pinunasan ni Tita ang mukha niya gamit ang kanyang kamay pagkatapos ay bigla akong hinabol kaya napatakbo na rin ako.

"Walang hiya ka talaga, Aira," sabi ni Tita at pilit pa rin akong hinahabol kahit na nagpapaikot-ikot lang kami sa buong dining table.

Natigil ako sa pagtakbo nang makitang tumigil si Tita at tila napapangiwi. "Tita? Ayos ka lang?" kumunot-noo ako at lumapit sa kanya. Nakaupo na si Auntie sa sahig at hawak-hawak ng isang kamay niya ang kanang paa niya samantalang nakasuporta naman sa sahig ang isang kamay niya.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Natisod ako doon sa isang upuan, e,” sabi niya habang nakangiwi.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa paa niya saka tumingin sa kanya. Ganon na lang ang gulat ko nang bigla siyang ngumisi. Uh-oh! Hinuli niya ang kamay kong nakahawak sa paa niya!

"Huli ka!" sabi ni Tita.

Tangka sana akong kakawala sa kanya ng bigla niya kong yakapin mula sa likod tsaka pinagkikiliti sa tagiliran.

"Tita! Stop—haha! Ayoko na!" hindi siya nakinig at sa halip ay lalo pa akong kiniliti sa tagiliran.

"Am I interrupting you, ladies?"

Natigil kami sa hagikgikan ni Tita nang may biglang magsalita. Pareho kaming napatingin sa pinto at nakatayo sa gilid niyon si Xander na titig na titig samin.

"Love..." tawag niya kay Xander.

Napaismid ako at tumaas ang kilay. Ang corny naman.

Lumapit si Xander sa ‘min saka naglahad ng kamay kay Auntie. Tinanggap niya iyon saka tinulungan makatayo. Tumayo akong mag-isa ko dahil paniguradong wala namang tutulong sa 'kin dahil wala akong jowa.

"Ayos lang ba kayo? Naistorbo ko yata kayo," ani Xander.

Umilinghiling si Tita. "Hindi naman. Ito kasing si Aira, e."

Nagkibit-balikat ako at kumuha ng tubig sa ref para makainom. Hiningal din ako ro’n, ah?! Kumuha ako ng isang baso at sinalinan 'yon ng tubig sabay bigay ko kay Tita. Ngumiti siya saka uminom. Pagkatapos no’n ay saka pa lang kami nagsimulang kumain.

"Ano ba’ng ginagawa niyo kanina, Love, at halos mahiga na kayo sa sahig?" tanong ni Xander kay Auntie.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano dapat itawag sa kanya. Xander bo, o Tito na? E, halos isang taon lang naman ang tanda niya sa ‘kin. Pero mapapangasawa naman niya si Auntie, so dapat Uncle na rin tawag ko? Ang gulo!

"Ah, wala naman, love. Nag-bonding lang kami ni Aira,” sagot ni Tita kay Xander.

"Hmm... Sa nakikita ko mukhang sobrang close niyo ni Aira."

"Oo naman. Kaming dalawa lang ang magkasama buong buhay namin kaya talagang ganoon," sabi ni Tita na dinugtungan niya pa ng tawa.

Napapangiti na lang ako habang kinukuwento niya kay Xander ang mga childhood days namin ni Tita.

Matapos kumain ay napansin kong ang nakaawang na pinto sa kuwarto ni Auntie. Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko para siguraduhing walang makakakita sa ‘kin. Lumapit ako nang husto sa pinto saka bahagyang hinawi 'yon. Sapat lang para makita ko ang nasa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Auntie na inabutan ng libo-libong pera si Xander! Nakita kong binilang 'yon ni Xander bago ilagay sa puting sobre.

"Ano bang ginagawa mo riyan?"

Shit! Halos mapatalon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. Nilingon ko 'yon at bumungad sa ‘kin ang maamong mukha ni Peter. Tinakpan ko ang bibig niya ng akma na naman siyang magsasalita. Bumaling ulit ako sa loob, mabuti naman at mukhang hindi nila kami napansin dahil naglalampungan na sila sa kama ngayon! I smirked while looking at this guy. You must be a good actor, huh? Binalik ko sa dating pagkakaawang ang pinto saka binalingan ulit si Peter.

Hinila ko siya at napagpasyahang papasukin na lang sa room ko para walang makarinig sa ‘min. Ni-lock ko ang room para masigurong walang makarinig sa ‘min saka ko siya binalingan.

"Ang ingay mo! Ginulat mo pa ako do’n kanina! Buti hindi ko nabagsak ‘yung pinto!"

He frowned and sat on my chair near my study table. Kunot-noo siyang tumingin sa ‘kin.

"Ano ba kasing tinitignan mo do’n? Sinisilipan mo ba ‘yung Tita mo saka yung asawa niya?"

Ako naman ngayon ang kumunot ang noo sa sinabi niya.

"Hindi pa niya asawa 'yon 'no! At hindi rin ako papayag na maging asawa niya siya dahil lang sa pera!"

"Pera? Pa’no mo naman nasabing pera lang habol niya?"

"Shh... Hinaan mo nga boses mo! Baka may makarinig sa 'yo 'no! Hindi naman sound proof itong room ko!" bawal ko sa kanya sabay pinandilatan ng mata.

"Okay, okay, sorry..." aniya sabay taas pa ng dalawang kamay na tipong sumusuko.

Suminghap ako saka umupo sa gilid ng kama paharap kay Peter.

"Nakita ko kasi si Xander na may kausap kahapon sa kusina. Sinabi niya sa kausap niya na magpapadala na lang siya ng pera at ‘di siya pwedeng umuwi kasi nga nandito siya kay Tita!"

Kumunot ang noo niya sa ‘kin. "E, ano naman ngayon kung magpadala siya ng pera? Baka naman sa pamilya niya 'yon?" kuryosong tanong pa niya.

I rolled my eyes at him. "Really? Sa pamilya? Sa pagkakaalam ko, kinuwento ni Auntie sa ‘kin na mag-isa na lang sa buhay si Xander dahil ulilang lubos na nga!"

"So, tingin mo nanloloko lang siya?"

"Of course! Baka nga font lang niya na may business siya pero pineperahan lang niya talaga si Auntie!" sabi ko.

Nagkibit-balikat siya at nanatiling walang kibo. I crossed my arms at hinawakan ng isang daliri ko ang labi ko na tipong nag-iisip.

"Pero alam mo ba? Para ngang pamilyar ang mukha sa ‘kin ng Xander na ‘yun, e. I just don't remember kung saan ko siya huling nakita," sabi ko.

"Anong gagawin mo ngayon?" taas kilay na tanong niya.

"Plans? To know more of his secrets... Malalaman ko rin 'yan. I'll investigate. Mahuhuli ko rin 'yan sa akto."

"At papaano mo naman siya maiimbestigahan? ‘Di naman yata rito nakatira 'yon.”

Ngumisi ako at lalong lumapit sa kanya. Lumuhod ako at pinagkrus ang dalawa kong palad na tipong nagdadasal sa kanya.

"Bestfriend... Alam mo na... I need your help..." nanlalambing kong sabi sa kanya sabay taas-baba ng kilay. He sight as a response at nag-iwas ng tingin sa ‘kin pagkatapos ay umiling-iling pa. Alam ko ang sagot niyang 'yon! Hindi siya payag! Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil 'yon!

"Please, bessy! Para kay Auntie naman ‘to, e. Hindi ko naman sasabihin kay Tita ng walang basehan ‘di ba? I want evidences. Isa pa... Parang background check na rin 'to since he's going to be part of the family. Gusto ko lang masigurado na sa tamang lalaki mapupunta ang Tita ko! Please!" sumamo ko pa sa kanya at nag-puppy eyes.

Bumuntong hininga siya pagkatapos ay umiling-iling na binalingan ako ng tingin.

"Fine..."

"Yes!" sabi ko at napahiyaw. Nagawa ko pa siyang yakapin dahil sa tuwa ko!

"Thank you, bespren!" sabi ko pa sabay hinalik-halikan siya sa pisngi.

Malalaman ko rin kung sino ka talaga Xander. Just wait and see.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status