Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Fiance

“Aira, I want you to meet my fiance once we get there.”

“Fiance? What? May fiance ka? Auntie! Fiance mo na kaagad?! Ni hindi mo pa nga sinasabi sa amin na may boyfriend ka tapos fiance mo na pala kaagad?”

Kausap ko ngayon si Auntie Sam sa kabilang telepono. Marami siyang hinahabilin dahil darating na raw siya sa makalawa kaya nagbibilin na.  Tapos may bitbit pala siyang excess baggage? Ito kaya ang dahilan kung bakit bigla-bigla siyang nagpalinis ng mansyon?

“Kaya nga pauwi na ako riyan ‘di ba? At isasama ko siya para makilala mo.”

I sight at that thought my Auntie Sam will get married soon. Kalahating taon lang siyang nawala sa San Guillermo para manirahan sa Maynila tapos bigla-bigla na lang siyang babalik dito na may kasamang lalaki? At fiance pa niya kaagad? Argh! Goodness!

“Fine, Tita! Mag-iingat ka na lang papunta rito. Kailan ba ang uwi mo?” tanong ko ulit kahit alam kong sa makalawa pa.

“Bukas na.”

“What?!” gulat kong tanong. Napapalingon na sa akin si manang dahil buong kausap ko ata kay tita ngayon ay malakas ang boses ko. “Bakit ngayon ka lang nagsabi, Auntie? Akala ko ba sa makalawa pa?”

Lalo pa atang sumama ang mukha ko ng marinig ko si Tita sa kabilang linya na humahalakhak. My auntie’s really pissing me off!

“Sorry. Sorry, honey. Naging busy kasi ako kaya ngayon lang kita nasabihan.”

Bumuntong hininga ako matapos pinaikot ang mga mata sa ere. “Sige po. Mabilisan ko na lang ipapalinis ang buong mansion para sa pagdating n’yo bukas.”

“Okay. Thank you, honey. Bukas na lang tayo magkita. I love you, sweatheart. See you very soon.”

Napangiti ako sa huling sinabi ni Tita. She’s really so adorable and sweet. Minsan nga nagtataka ako bakit wala siyang asawa.

“Alright, Auntie. I love you, too. Ingat ka po, tita.”

Ibinaba ko ang telepono pagkatapos ay hinanap si manang. Nang makita ko siya sa kusina ay agad akong lumapit sa kanya. Lumingon siya sa ‘kin nang tawagin ko siya.

"Dadating daw po si Auntie Sam bukas kaya kailangan ng mabilisang paglilinis sa buong mansion."

"Ano? Darating ang Auntie mo?"

Tumango ako at halata sa kanya na nabigla rin sa sinabi ko.

"Katatawag niya lang po sa ‘kin kanina. Pinapasabi niya rin na isasama niya raw ang boyfriend niya."

Lalong nanlaki ang mga mata ngayon ni Manang. "May boyfriend ang Tita mo?" gulat pang tanong niya.

Tumango ako saka kumuha ng juice sa ref. Binalingan ko si manang pagkatapos kong uminom.

"Opo, ang sabi niya kaya sila uuwi bukas ay para maipakilala raw satin yung lalaki," sabi ko.

Umupo ako sa island counter habang dala-dala ang juice sa kamay ko.

"Ganoon ba? Mabuti 'yon. Nalilipasan na rin sa panahon 'yang Tita mo."

Bahagya akong natawa sa sinabi ni manang. That's true. Early thirties na rin kasi ang edad ni Auntie. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit hindi siya kaagad napakapag-asawa ng maaga. It's because of me.

"Sige po. Tutulong na lang po ako sa paglilinis," sabi ko kay manang.

Tumango siya tsaka inabisuhan na rin ang ibang mga kasambahay para maglinis. Kakayanin naman siguro ng buong araw ito. Araw-araw naman na nalilinis 'yon kaya kaunting linis lang ay ayos na.

Mag-aala-singko ng hapon kami nakarinig ng paparating na sasakyan. Sinalubong naming lahat 'yon nina manang at ng mga kasambahay.

Pagkalabas namin sa double doors ng mansyon ay bumungad nga sa amin ang isang black na SUV. Bumaba ang driver pagkatapos ay pinagbuksan ng pinto ang nasa likod. Unang bumaba ang isang matangkad na morenong lalaki. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil sa suot niyang black aviator. Sunod na bumaba ay si Auntie Sam na naka-fitted blue dress kasama ang kanyang white blazer.

Malaki ang ngiti ni Tita nang bumungad sa 'min. Sinalubong siya kaagad nina manang kasama ang lalaking nasa tabi niya. I guess it was him, huh?

Napukaw ng atensiyon ko si Auntie na naglahad ng braso niya sa ‘kin na tipong gusto niyang salubungin ko siya ng yakap. Napangiti ako at mabilis na bumaba sa short staircase namin para yakapin siya.

"It's good to see you again, honey..." malambing pang sabi ni Auntie sakin.

"Ako rin po, Auntie..." sagot ko habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya. Narinig ko pa siyang napahalakhak nang humigpit ang yakap ko sa kanya.

"By the way, Aira, meet Alexander Ivan Gopez. Siya ang sinasabi ko sa ‘yong fiance ko," pakilala sa ‘kin ni Auntie sa lalaking nasa tabi niya matapos naming maghiwalay ng yakap kanina.

Bahagya akong natigilan nang masilayan ko ang mukha ng lalaking dinala dito ni Tita. Naningkit lalo ang mga mata ko nang matitigan ang mga mata niya ngayon lalo pa't nagtanggal na siya ng kanyang aviator.

"Aira?"

Nawala ang pagkakatitig ko sa lalaki nang hawakan ako sa likod ni Tita.

"Y-Yes, Tita?"

"Naglalahad ng kamay sa 'yo si Xander," aniya at ininguso pa ang kamay ni Xander na nakabitin pa rin sa ere.

"Oh! Sorry... I'm just preoccupied. Anyway, nice to meet you, Xander," sabi ko at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

Ngumiti sa ‘kin ang lalaki pagkatapos ay inakbayan si Tita. Tumaas nang bahagya ang kilay ko sa tagpong 'yon.

"It's okay..." baritonong sabi niya.

Tumango ako at inanyayahan na sila Tita para makapasok.

"Kumusta ka dito, Aira?" tanong ni Tita habang kumakain kami sa hapag.

"Ayos naman po, Auntie. Na miss po kita," pag amin ko.

Narinig ko siyang humalakhak kasabay ng lalaking rinig ko rin na bahagyang humalakhak sa sinabi ko. Nag-angat ako ng ulo at nakita ko siyang nakangiti na nakatingin sa ‘kin. Ano bang ningiti-ngiti ng mokong na 'to?

"Mukha ngang halatang na miss mo ‘ko," sabi ni Auntie na binuntutan pa ng bahagyang halakhak. "Anyway, I'll try to catch up with you while we're preparing for the wedding."

"Kailan po ba kasal Tita?" tanong ko.

"As soon as possible," si Xander ang sumagot.

Kumunot ang noo ko habang nakataas ang isang kilay na bumaling sa kanya.

"Minamadali mo ata?" prangkang tanong ko.

Bahagya siyang ngumisi pagkatapos ay bumaling ng tingin kay Tita. Nahagip pa ng mga mata ko na hinawakan niya ang kamay ni Tita na nakapatong sa lamesa.

"I just love your Auntie, that's why." sabi niya tapos ay inangat sa ere ang kamay ni Tita na hinawakan niya pagkatapos ay hinalikan 'yon.

Nakita ko namang napangiti si Tita. Hindi rin nakaligtas sa ‘kin ang pamumula ng kanyang mukha. Bumaling ulit ako ng tingin sa lalaking kaharap ko. Kumindat pa siya kay Tita pagkatapos ay bumalik sa pagkain. Pagak pa akong napangiti sa lalaking ito. Magaling mambola, a?

"Anyway, Xander, how do you do for a living?" tanong ko.

It looks like interrogation, huh? Maganda 'to, para malaman ko rin kung seryoso ba siya kay Auntie.

"I'm a business man," maikling sagot lang niya.

Business man, huh? "What kind of business?" usisang tanong ko.

"Car business..."

Bakit ba ang iikli ng mga sagot niya? Samantalang kapag si Auntie ang kasama niya, kulang na lang ay mag-state of the nation address siya kay Tita!

"Kaya mo bang buhayin si Tita? What can you offer to her? It's not that na hindi naman kayang buhayin ni Auntie ang sarili niya, its just that gusto kong malaman kung—"

"Ai..."

Napatigil ako sa pagsasalita nang tawagin ako ni Tita. Bumaling ako sa kanya at nakita kong matiim siyang nakatitig sa ‘kin. Binalingan ko rin ang kaharap ko at nakitang natigil din siya sa pagkain habang mariing nakahawak sa kamay ni Tita.

Lumunok ako saka nagdiretso ng upo pagkatapos ay binalingan ulit si Auntie. "What?" pasimpleng tanong ko.

"We'll talk later," makahulugang sabi niya.

I know what that means. Gusto niyang siya ang sumagot sa mga tanong ko, huh? Suminghap ako pagkatapos ay bumaling muli sa kaharap.

"Fine, one last question for him, Tita," sabi ko kay Auntie habang mariing nakikipagtagisan ng titig sa lalaking kaharap.

Tangka akong babawalan ni Tita nang bigla siyang hawakan sa braso ni Xander. Nagtinginan silang dalawa at parang napapayag naman niya si Tita. Bumaling si Xander sa 'kin pagkatapos.

"Anong tanong mo?" sabi ni Xander.

That fast, huh? Buti pumayag siya at hindi lang maging spoke person para sa kanya si Auntie.

"How old are you?"

Nakita kong bahagya siyang natigilan saka napalunok. Umayos siya ng pagkakaupo pagkatapos.

"I'm 21 now..." simpleng sagot niya pagkatapos ay tumuon ulit sa pagkain.

Hindi ako sumagot at bumalik sa pagkain.

"Aira, can we know talk?" tanong ni Auntie habang nakaupo ako sa sofa. Kakatapos lang namin kumain.

"Sure... Where's Xander?" tanong ko habang tumitingin-tingin pa sa likod niya.

"He's at our room."

"Oh... Saan tayo mag-uusap ngayon? It is private?" tanong ko pa.

Tumango siya pagkatapos ay tipid na ngumiti sa ‘kin. "Of course, it’s private. Sa kuwarto mo na lang."

Tumango ako at nagtungo na sa kuwarto ko kasama si Tita. Umupo ako sa paanan ng kama habang si Auntie naman ay ine-examine pa ang buong kuwarto ko.

"Hmm... Seems change of taste huh?" sabi niya matapos maupo sa tabi ko.

"Of course... Nagdadalaga, e," pabirong sabi ko. Bahagyang humahalakhak si Tita pagkatapos ay tumingin sa ‘kin at biglang nagseryoso ang mukha.

"So... What do you want to ask? Alam kong marami kang tanong e, go, fire!" pabirong sabi sa ‘kin ni Tita.

Bahagya akong napahalakhak habang umiiling-iling sa kanya.

"Sa kanya ako maraming tanong Auntie pero, sa 'yo rin siguro," sabi ko sabay kibit-balikat.

"Dahil ba biglaan ang pagsasabi kong ikakasal na 'ko?" tanong ni Tita.

Maikli akong ngumiti saka tumango sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya pabalik pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.

"You know, Aira, there's no such thing in this world can explain what can possibly will happen to your life, in love, to be specific. Maybe, this is my destiny to be with him, even for a short period of time that we spent together for being boyfriend's and girlfriend’s, that's why we intend to be with each other for a lifetime..." sabi ni Auntie.

Hindi ko magawang makapagsalita nang dahil sa sinabi niya, I can see in her eyes that she's really in love, but... "Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka niloloko or ginagamit ka lang niya, Tita?"

"What do you mean?" kunot-noong tanong sa ‘kin ni Tita.

"What I mean is... Ang layo niya kasi sa edad mo..." halos pabulong kong naisatinig ang mga huling salita.

Saglit na natahimik ang paligid namin bago siya nagsalita muli.

"Alam kong sasabihin mo ‘yan," bumuntong hininga si Tita. "Medyo malayo nga ang age gap namin ni Xander. More than ten years? Tinanong ko nga siya noon kung gusto niyang ituloy ‘yung proposal niya kasi nga ang layo ng agwat namin. Pero alam mo ba'ng sinabi niya? He told me that it doesn’t matter. People around us don’t matter," Auntie Sam hopefully said.

She then look straight to my eyes. "That's why I want to give your blessings to us, Ai, alam mo namang tayong dalawa na lang ang natitira sa pamilya natin ‘di ba?"

Tumango ako pagkatapos ay suminghap. "Fine! I'll give to you my blessings. Pero 'wag na 'wag ka lang niyang lolokohin Auntie," mariing sabi ko.

Bahagya siyang humalakhak bago tumayo. "Okay. I'll just go to my room, gusto ko nang magpahinga. Nakakapagod rin ang byahe."

Tumango ako at napagpasyahang sumama na rin sa kanya. Nang maihatid ko siya sa kuwarto niya ay napagpasyahan kong bumaba at pumunta sa kusina. Dim na ang light nang bumaba ako. Malamang ay namamahinga na rin sina Manang dahil maaga rin kaming nakapag-dinner. Palapit ako sa kusina nang may marinig ako na nagsasalita.

"Baby... Hindi pa ako makakauwi diyan ngayon..."

Gulat ako nang makita si Xander na nakatalikod mula sa pinto at may kinakausap sa kanyang cellphone. Nagtago ako sa gilid ng pinto kung saan hindi niya ko makikita. Mabuti naman at dim na ang light sa kinalalagyan ko at maliwanag naman sa kusina kaya kita ko siya. Sino ba 'yung kausap niya? Baby pa ang tawag... Wait... Niloloko niya ba si Auntie?

"Magpapadala na lang ako ng pera sa susunod na linggo. Ingat ka riyan. Bye, I love you..."

Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. I love you? Sino'ng sinasabihan niya 'non? Nabanggit sa ‘kin ni Tita na mag-isa na lang si Xander sa buhay kaya imposibleng kapamilya niya 'yon! Babae niya kaya 'yon? Sinasabi ko na nga ba! Niloloko niya lang si Auntie!

Umalis ako sa pinagtataguan ko pagkatapos ay dumaretso sa kinalalagyan niya kahit na nakatalikod pa siya. Padabog kong binuksan ang ref kaya napalingon siya.

"K-Kanina k-ka pa?" utal na aniya. Halata sa mukha niya ang gulat.

Tinaasan ko siya ng kilay. Nervous, huh? Palihim akong huminga ng malalim pagkatapos ay umiling. "Hindi, halos kararating ko lang."

Tumango-tango siya at parang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko.

"Bakit parang namumutla ka?" tanong ko.

Umiling iling siya pagkatapos ay sinoli ang pitsel sa ref. "Wala, pagod lang siguro sa byahe."

Umismid ako. Pagod sa byahe o sa babae?

"Sige... Matutulog na ‘ko," sabi niya.

Tumango-tango ako at binigyan siya ng espasyo para makadaan. Kinuha ko ang pitsel at nagsalin sa baso ng tubig para makainom. Pagkapanhik ko sa taas ay nadaanan ko muna ang kuwarto nila Tita. Naririnig ko mula sa labas ng pinto ang impit na hagikgikan nilang dalawa. I smirked and shook my head. Galing din artista ng isang 'to, ah? Gusto kong komprontahin si Xander pero baka ako lang ang mapahiya dahil hindi ko pa siya masyadong kilala at nag-aakusa na ako kaagad sa kanya ng ganoon. I should make myself clear first before I do something na makakasira lang sa relasyon namin ni Tita. Hindi ako sigurado kung ako ang papaniwalaan niya dahil wala akong ebidensiya. I should investigate first and have proofs na niloloko niya si Auntie bago ko siya isumbong!

That gold digger! I'm gonna make him suffer! I'll break that gold digger's heart.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status