Share

Between the Lies
Between the Lies
Author: raeninezz

Simula

Simula

“I need money…”

“How much?”

Nagtaas ako ng noo at nakipaglaban nang titigan sa kanya. Nandito na ’ko. Sagad-sagarin ko na lang din kailangan ko sa kanya.

“At least two or a hundred thousand.”

Tumaas ang isa niyang kilay habang hindi nilulubayan ang titig niya sa akin. Nanatili akong kalmado at tumuwid ng upo mula dito sa visitor’s chair ng opisina niya.

“Big huh?” nanunuyang tanong niya.

I slightly raise an eye brow and stared at him. “Bakit? Hindi mo ba kaya?” hamon ko.

Biglang nawala ang sinusupil niyang ngiti kanina at matalim akong tinitigan.

Umatras at napasandal ako sa kinauupuan dahil sa nakita kong apoy sa kanyang mga mata. Pagkaraan ay bigla siyang tumawa na parang nanunuya. Damn that’s sexy. Oh shut up, Aira!

Umalis siya sa kinauupuan niya pagkatapos ay lumapit sa harap ko. Binulsa niya ang isang kamay sa itim niyang slacks pagkatapos ipinatong naman ang isa sa lamesa. Tiningala ko siya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. I gulp. Kailangan ko ata ng tubig.

“Oh, c’mon, Aira. You do really know that’s just so easy for me now,  huh? Barya lang sa akin ngayon,” mayabang na saad niya habang tuwid na nakatayo sa harap ko.

Tumayo ako para pumantay ang tingin namin kahit na alam kong mas matangkad siya sa ‘kin. I’m wearing a heels right now pero mukhang nawawalan ng silbi dahil mas matangkad siya. O baka lalo lang siyang tumangkad kaya ganoon.

“Good. Kailan ko pwedeng makuha? I need it,” mariing sabi ko.

Gusto ko ng makuha ang pera para makaalis na rin agad ako rito. Ayokong nag-uusap kami nang matagal.

“Gaano mo kailangan ng pera?”

Mariin ko siyang tinitigan sa mata dahil napansin kong nawala na ang ngiti na sinusupil niya kanina. All I can see right now is his piercing eyes and delectable lips. Bahagya kong binasa ang nanunuyo kong labi nang hindi pinapahalata sa kanya.

“Kailangan na kailangan,” sagot ko.

“Well then, are you willing to do everything?”

Hinagod niya ng isang daliri ang kaliwang braso ko dahilan ng bahagyang pagkaatras ko.

“Answer me, Aira. Are you? ‘Cause I can easily give you what you want right now. So answer me. Are you that eager to get that money?”

“Y-Yes…”

He smirked pagkatapos ay nilubayan ang paghagod sa balikat at ilang hibla ng buhok ko.

“Well, then. Sleep with me…”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Clumsynot
hala sleep with me agad ahahahh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status