Se connecterMag-iwan po kayo ng comment or review para matulungan ang librong ito. Salamat nang madami!
MaximusI went to Park Avenue to see Dr. Castillo. Dante’s father was now living in the city, but that felt distant compared to the turmoil in my mind. Nang aminin kong lumalabo ang isip ko sa dami ng alinlangan kamakailan, tinanong ako ni Dr. Castillo: “Do these things feel real to you, or do you ever doubt them?”Parang hindi totoo si Gazelle, pero siya lang ang may kakayahang humila sa akin pabalik mula sa mga ganitong episode.“I wanted to believe she was real… I never doubted her existence. It calmed me whenever I saw her smile or those blue orbs.”Nagtanong ulit si Dr. Castillo. “Kailan ulit bumalik ang mga karanasang ito?” “Isang araw bago ko siya pinakasalan… Natatakot ako. Nagseselos ako; sa mga kaibigan ko, sa kahit kanino na malapit sa kaniya. I’m fucking terrified! Gusto ko, akin lang siya, pero alam kong hindi siya magiging masaya doon. At natatakot ako sa kung saan ‘yon pwedeng humantong. Pakiramdam ko, sobra na ang pagkahumaling ko sa kanya.”“Nakararamdam ka ba ng pan
Umalis si Maximus patungong Park Avenue at dama ko ang pangungulila sa ikatlong gabi niya. Kahit nag-a-update kami palagi sa FaceTime at nakikita ko ang mukha niya, naroon pa rin ang pangungulila. Huling araw ni Tessa sa ospital bilang intern. Itinanggi niya ang paratang na binabalak niyang saktan ang anak ni Stella dahil ang huli naman talaga ang nanuhol sa kanya sa plano. Kung may relasyon pa sila ni Kyros ay hindi ko alam. Ang alam ko lang, gagawin ni Stella ang lahat para hindi sila maghiwalay ni Kyros, lalo na ngayong dala-dala na niya ang apelyido nito bilang asawa.Paglabas ko ng labor room mula sa anim na oras na nakakapagod na pagpapaanak sa isang C-section, napansin kong hindi ko mahanap si Gianna kahit saan. Stable na ang lagay ng ina, bagamat kailangan pa nito ng blood transfusion dahil sa dami ng dugong nawala. Sobrang abala ng buong departamento, tatlong emergency cases ang sabay-sabay na dumating, kaya nakatutok ang lahat ng medical personnel sa kani-kanilang pasyent
GazelleHinayaan ako na pumasok sa loob ng opisina ni Maximus habang dama ko ang mabigat na pagod. Pagkatapos ng mga nangyari sa ospital ngayong araw, sobrang na-drain ang utak ko, at mabuti na lang ay pinagbigyan ako ng chief resident na magpahinga muna nang sandali. Ang tanging gusto ko lang ay makita ang asawa ko. Nang itulak ko ang p***o ng opisina ni Maximus, nakita ko siyang nakapikit, nakasandal ang ulo sa kanyang swivel chair, pagod at mukhang tulog.“Sigurado bang ayos lang na pumasok ako?” alanganin kong tanong sa assistant niya.“Yes, ma’am,” he assured me with a respectful nod.Nilingon ko si Gianna. “Please, magpahinga ka muna sa villa.”Nahihiya ako sa kanya dahil wala pa siyang pahinga. Binantayan niya ang mga kilos sa silid ni Stella buong gabi at nagawa pa niyang mag-imbestiga. She looked fine outside, but I knew the toll it must have taken on her. “Ligtas naman ako rito,” dagdag ko pa.May apat na bodyguard si Maximus sa floor na ito at may pinagkakatiwalaang team n
MaximusMy mother’s death anniversary was approaching, and whenever it came around, I never felt like myself.Parang nakalutang ang espirito niya sa paligid. Nakalarawan sa pangitain ko ang kung ano-ano, pulang dugo, at paniniwala kong kaluluwa niya na naririto lang sa tabi. It was terrifying, especially now that I had Gazelle in my life.Heto iyong bagay na hindi ko pinag-isipan o pinaghandaan noong mga panahon na nagdesisyon ako na magpakasal sa kanya. No, I had left Gazelle alone in the past for this very reason. And yet, I couldn’t control my feelings.“Sir, you will be staying there for two weeks,” paalala ni Emma, “Pakiabiso na lang po kung isasama niyo si Dr. Sinclair para maihanda na natin nang maaga ang mga kailangan.”Inabot niya sa akin ang mga legal na dokumento para sa construction site sa Park Avenue, ang pupuntahan ko dalawang linggo mula ngayon. Hindi ba niya naiintindihan na si Gazelle nga ang dahilan kung bakit ako aalis ng Bryston?Nais ko sanang magalit sa kanya,
Nagpatuloy ang video at ipinakita si Stella na humihingi ng gamot kay Tessa. Inabot naman ni Tessa ang gamot at maingat na ipinaliwanag kung paano ito tamang gamitin. Tila nawalan na ng gana si Stella na ipagtanggol ang sarili na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng kanyang anak dahil kita ang lahat ng iyon sa camera. Hindi na nakapagpigil ang ina ni Kyros sa labis na galit. Isang malakas na sampal ang iginawad nito sa pisngi ni Stella.“You shameless woman! Tinanggap kita sa pamilya Ferrero at itinuring na tunay na manugang, pero hindi ko akalaing ganyan ka pala kasama!” galit nitong asik. Sa kabilang dako ng silid, namutla ang kalaguyo ni Stella at nanghina ang mga binti kaya napaupo sa silya. “So, totoo nga,” sabi ng lalaki na bakas ang pagkabigo sa boses. “Handa kang talikuran ang anak natin! Nakahanda ka na patayin ang inosenteng nilalang para lang masunod ang gusto mo!” Nagkiskis ang ngipin ng lalaki. “I’m disgusted, Stella!”Hindi na nagpaalam pa, mabilis itong lumabas dah
Kyros paused the video and turned to Stella, his expression hardening. “Magsabi ka ng totoo. Sino ang totoong ama ng anak mo?”Lumarawan sa mukha ni Stella ang sakit, pero mabilis ‘yong pinalitan ng galit. “Kyros, ibinigay ko sa’yo ang buong puso ko! Paano mo pa rin nagagawang mahalin si Gazelle pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin? Umamin ka na nga! Nagkabalikan na kayo!”Lalong tumaas ang boses niya sa bawat bintang.“Ginagawa mo lang ‘to para ibaling sa akin ang sisi para makipaghiwalay ka nang walang guilt! Lihim kayong nagkikita, alam ko ‘yon! Hindi ako isang bagay lang na pwede mong basta na lang itapon! Asawa mo ako, Kyros!”Halatang nais manakit ni Kyros. Kung hindi lang naroon ang isa pang lalaki para hamunin ito kung saka-sakali. Tinuro ni Kyros ang lalaki. “Magsabi ka ng totoo. Siya ba ang ama ng anak mo tulad ng kanyang hinala?”Hindi sumagot si Stella, ang lalaki ang umabante at nakipaghamunan ng tingin kay Kyros. “Hindi papatayin ni Stella ang anak niya! Kilala ko







