Share

CHAPTER 65: Enigma

Author: Feibulous
last update publish date: 2026-08-19 08:58:04

Tumayo ako saglit at tinungo ang iniwan na bag para magpadala ng mensahe kay Gianna para ipaalam sa kanya na ligtas ako. Kailangan niya ng kasiguraduhan, at ayaw kong mag-alala siya.

Nag-text din ako kay Dante: ‘Kasama ko na si Maximus ngayon. Susubukin ko na ayain siya na bumalik kaagad sa Bryston.’

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot. Ngunit nakuha ko ang reply ni Gianna na naroon lang siya sa kanyang suite kung kailangan ko ng tulong.

Bumukas ang mga mata ni Maximus nang muli akong p
Feibulous

Mag-iwan po kayo ng comment or review para matulungan ang librong ito. Salamat nang madami!

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 65: Enigma

    Tumayo ako saglit at tinungo ang iniwan na bag para magpadala ng mensahe kay Gianna para ipaalam sa kanya na ligtas ako. Kailangan niya ng kasiguraduhan, at ayaw kong mag-alala siya. Nag-text din ako kay Dante: ‘Kasama ko na si Maximus ngayon. Susubukin ko na ayain siya na bumalik kaagad sa Bryston.’Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot. Ngunit nakuha ko ang reply ni Gianna na naroon lang siya sa kanyang suite kung kailangan ko ng tulong. Bumukas ang mga mata ni Maximus nang muli akong pumasok sa silid, balisang naghahanap hanggang sa matagpuan ako ng kanyang mga mata. Kahit na sandali lang akong nawala, bakas sa kanyang mukha ang kahinaan.Muli akong bumalik sa direksiyon ng king size bed. “Totoo ka ba?” tanong niya, na may halong alinlangan sa kanyang boses.“Siyempre naman,” paniniguro ko sa kanya, napagtanto na hindi pa rin siya ganap na nakakabalik sa reyalidad. Humiga ako at muling hinayaan siya na yakapin ang baywang ko. “This is the best I've felt in days… I'm not goi

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 64: Crumble

    Ang pumasok sa lugar na tulad nito ang muling gumigising sa pinakamalalim kong takot. Sumisikip ang aking paghinga dahil sa makitid na espasyo. Lalo na’t hindi pa lumilipas ang isang buwan nang mailigtas ako mula sa frostbite at pulmonya.Despite this overwhelming dread, I force myself forward.Kailangan kong lakasan ang loob ko para samahan sa pinagdadaanan niya ang asawa ko. Tatagos sana ang liwanag ng araw sa mga bintana ng penthouse, ngunit ang mga nakasarang kurtina ay nakadagdag sa malagim na awra nito.Napapiksi ako nang makarinig ng malakas na pagkabasag sa isang silid. inuha niyon ang atensiyon ko. Iniwan ko ang dala kong luggage sa pintuan at saka nagmadaling tinungo ang silid kung saan ko narinig ang kaluskos. Mabilis ang kabog ng aking dibdib habang itinutulak ko ang pinto upang magbukas. Kahit sa gitna ng dilim ay hindi nakaligtas sa akin ang bumungad, ang mga basag na plorera ay nakakalat na parang kumikislap na mga piraso sa sahig, ang mga kasangkapan ng hotel ay sira

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 63: Turmoil

    Hinayaan ko na ayusin ng dalawa ang sarili nila bago ko muling hinarap si Dante. Naiiling pa rin ako dahil hindi ako makapaniwala.“Iwan mo kami ni Dante, Gianna,” hiling ko.Tumango lang ang babae bago sumunod. Kung tutuusin ay wala naman siyang dapat na ipaliwanag sa akin, ngunit hindi ko maalis ang matinding kuryosidad kung gaano kalalim ang ugnayan nila ng doktor.“Ayoko panghimasukan ang relasyon ninyo,” maingat kong panimula, “pero ayokong ma-distract si Gianna sa kanyang trabaho na posibleng dahilan kung bakit ayaw siyang pabalikin ni Max sa poder ko.”Hinawi ni Dante ang kanyang buhok gamit ang mga daliri sabay buntong-hininga. “Naiintindihan ko ang pag-aalala mo. Ang totoo ay nabigla talaga ako noong makita ko na kasama mo siya noong pinatawag ka ng chief resident mo… Mag-ex kami bago mo ako pag-isipan nang masama.”“Ex?” ulit ko.“Oo. Umalis siya sa med

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 62: Isolation

    “Wala naman…” saglit na nag-isip ang asssistant. “Pero napansin ko na may smoothie na pinadadala si Ms. Cristina kay chairman. Araw-araw niya iyong hinihiling, at sinasabi niyang mas lumalakas ang pakiramdam niya roon. Apparently, it’s one of the best drinks at Ms. Cristina’s restaurant,” paliwanag sa akin ni Mr. Harrington.Nagpalitan kami ng makahulugang tingin ni Gianna mula sa kabilang dulo ng kuwarto. Walang salita, pero nagkaintindihan kami agad. Lumingon ako uli kay Mr. Harrington at nagbigay ng direktang utos. “I-order mo ‘yung eksaktong inumin na ‘yon mula sa restawran niya. Kailangan kong malaman ang mga sangkap at kung paano iyon ginagawa. Sabihin mo sa kanya na si chairman ang may request nito.”“Understood, Ms. Gazelle.”Binalingan ko naman si Gianna “Paki-siguro lang na diretso kay Dr. Castillo mapupunta ang mga samples… Anuman ang mangyari, hindi dapat malaman ng mga tao ni Dr. Caldwell kung ano ang iniimbestigahan natin.”Tango lang ang isinagot niya bago tahimik na lu

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 61: Familial

    Nagtagis ang bagang ni Dr. Caldwell. “You’re an obstetrician, ano ang alam mo sa physical test ng pasyente? Unless, of course, you think Chairman Sinclair is expecting a child?”I let out a quiet scoff. This man’s territorial behavior was revealing, but I wouldn’t let it distract me from my concerns. “Nakakalimutan mo yata na doktor ako, pero ako ang masusunod bilang nag-iisang anak ng mga Sinclair. Hindi ako narito bilang doktor, Dr. Caldwell. Wala ka sa lugar para maging entitled sa nais ko,” malamig kong tugon bago bumaba ang tingin ko sa aking ama na nakaupo sa kama.“Sige, sabihin na nating wala akong karapatang makialam, pero ang pasyente, meron. Standard practice sa medisina ang paghingi ng second opinion.”Kahit mukhang stable si Dad sa sandaling iyon, hindi ko palalampasin ang maliliit na senyales: mabilis pa rin mamantal ang kanyang balat at naninilaw nang bahagya. Isa pa, hindi ko pwedeng basta na lang ipagsawalang-bahala ang narinig ko sa fire exit. Nanggaling mismo sa ka

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 60: Shadows

    Parang may bara sa aking lalamunan at nahirapan akong lumunok nang unti-unting lumitaw sa akin ang nakapanghihilakbot na katotohanan.Nayanig ako sa nalaman kong napakanormal ng ina ni Maximus nang ikasal ito kay Chairman Ferrero, pero sa loob lang ng limang taon, biglang lumala nang husto ang sakit nito sa pag-iisip. Nagpatuloy ang chief, malumanay pero diin ang boses. “Nang nagdesisyon kang pakasalan siya, gusto kitang pigilan. Ayokong masira ang buhay mo, Gazelle. But it was your choice… Isa pa, kung nakakapagpatakbo siya ng isang napakalaking kumpanya at nakatutok sa mga proyekto nito, naisip kong imposibleng namana niya ang sakit ng kanyang ina.”Pumasok tuloy sa isipan ko ang rason kung bakit inilihim ng aking ina na si Maximus talaga ang nagligtas sa akin noon. Nais niya rin ba akong ilayo kay Maximus?Tiyak na takot na takot si Maximus sa madilim niyang nakaraan. Ngayon ko naitugma ang mga rason kung bakit walang history ng girlfriend si Maximus; walang babae ang naibalita kah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status