LOGINKyros invited me to Ferroro’s Thanksgiving party. His brother, Maximus, the current company president, had expanded the business to major metropolitan centers, including Singapore and Dubai.
Nabalitaan kong plano niyang permanenteng manirahan sa Bryston City ngayong tapos na ang proyekto sa konstruksyon na siya mismo ang namamahala sa ibang bansa, pero wala akong ideya kung gaano katagal.
Ginampanan ko ang tungkulin ko bilang nobya ni Kyros. Nakalingkis ang kamay ko sa kanyang braso nang pumasok kami sa grand hotel. The space glittered with familiar faces from our social circle, including Royal and several other friends who always attended these prestigious events.
Bagaman inaasahan ko na ang presensya ng aking ama at ni Cristina, bumaliktad pa rin ang sikmura ko nang mamataan ko sila sa kabilang panig ng silid. Nakakapit si Cristina sa aking ama na parang linta, kahit alam nil ana nakatingin sa kanila ang lahat. Mabait tingnan ang ilang kilalang tao, may plastik na ngiti sa labi, ngunit matalim magsalita ang ilan lalo na kung mafe-feel nila na makaaangat sila sa ‘yo.
And that’s Cristina. Hindi ko gusto na isinasama nila ako sa drama.
Ngunit mas kinamumuhian ko ang aking sarili, dahil ako ang mismong nagpatuloy sa kanya sa aming tahanan.
Nang magkaroon ng tiyansa si Mr. Harrington, ang assistant ng aking ama, ay nilapitan ako at binulungan. “Miss, Mr. Sinclair requests your presence for a conversation.”
I scoffed. “Tell him I don’t have time for his B.S.”
Kung hindi lang dahil sa mga shares ng aking ina sa ospital kung saan ako nagtatrabaho, matagal na niya akong kinaladkad pabalik sa mansyon at pinilit na pumasok sa kompanya ng mga Sinclair.
Nanatiling kalmado si Mr. Harrington “Miss, sinabi po ng boss na malalaman ninyo ang mangyayari kung hindi kayo pupunta sa pribadong silid na inarkila niya.”
My jaw tightened. Tinitigan ko siya nang masama, ngunit nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha.
Nang may pag-aatubili, humarap ako kay Kyros. “Babe, kailangan ko lang kausapin nang saglit ang dad ko.”
“Gusto mo bang samahan kita?” tanong niya.
Tumanggi si Mr. Harrington bago pa ako magsalita. “Ipinipilit po ng boss na manatiling pribado ang pag-uusap nila ni Miss Gazelle.”
Naghabilin ng isang halik si Kyros sa aking pisngi, habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin. “Bumalik ka agad sa akin pagkatapos. Sobra kitang namiss nitong isang buwan na nagkahiwalay tayo. May nakahandang yate para sa gabi na ito. Inaasahan kong makapag-relax tayong dalawa pagkatapos ng party.”
“These two love birds! Huwag n’yo kaming inggitin,” wika ng isang ginang na kausap ni Kyros.
“Kyros, saglit lang si Miss Gazelle pero hindi mo kaagad matiis na mawala siya sa paningin mo.”
“Miss Sinclair, napakasuwerte mo dito kay Mr. Ferrero,” wika ng isa pa.
“Everyone is looking forward to the wedding of the year happening this month.”
Napansin kong nagliwanag ang mukha ni Kyros sa labis na pagmamalaki habang ninanamnam ang mga papuri at paghanga sa aming relasyon.. Hinalikan ni Kyros ang kamay ko. Ginampanan ko naman ang tungkulin ko bilang edukadang babae at ngumiti sa grupo bago ako tumalikod at sumunod kay Mr. Harrington.
Kinatagpo ko ang aking ama sa pribadong silid.
“People are turning against Cristina and me, including some of my closest friends—because they think you disapprove of our relationship! Kung ipinakikita mo lang sana na ayos sa ‘yo at maluwag sa loob mo ang relasyon namin, hindi kami magiging tsismis sa pagtitipon na ito!”
The audacity!
“Lumipat ako sa puder ni Kyros para pagtakpan ang nakadidiri mong pakikipagrelasyon, at ngayon inaasahan mong magpanggap ako na maayos ang lahat?”
Nang pakasalan ng aking ama si Cristina, marami ang nagtaas ng kilay. Ang desisyon kong iwan ang mansyon ng pamilya ay naging dahilan upang madaling mapagtanto ng mga kasosyo sa negosyo at mga social circles ang katotohanan—alam ng lahat na hindi ko sinasang-ayunan ang kanilang relasyon.
Ngunit sinagot iyon ng PR aking ama na kaya ako umalis ng mansiyon ay dahil lumipat ako sa villa ni Kyros para sa plano naming magpakasal.
Did my father like Kyros? Maybe. But if he had to choose someone from the Ferrero family, it would undoubtedly be Maximus
Humikbi si Cristina na naroon sa kanyang tabi na kanina ko pa hindi pinapansin.
“I feel so utterly useless. Ako ang may kasalanan kung bakit nasira ng relasyon ninyong mag-ama at nasira ang reputasyon mo, darling,” bulong niya habang kumikinang ang mga pekeng luha sa kanyang mga mata.
My father stroked her back, gazing at her like a love-struck young man rather than a seasoned businessman.
“Gazelle,” he said, turning his attention back to me, “you must invite Cristina to join the Pink Girls Code. That will be her first step into society, allowing her to integrate into your social circle. Hindi ba’t magkaibigan naman kayong dalawa?”
“No! Dahil hindi ako nakikipagkaibigan sa mga pekeng tao.” Matalas at pinal ang tono ng aking boses. Tumalikod ako at tinungo ang pintuan.
Bago ako makarating sa pintuan ay hinarangan ako ng dalawang bodyguard para ipaalam na hindi pa tapos ang pag-uusap namin ng aking ama. Binalot kaagad ako ng takot matapos sumilaw sa akin ang malalaki nilang katawan.
Sumikip ang aking dibdib habang ang matinding kaba ay tila sumasakal sa aking leeg. Binalikan ako ng nakaraan kung saan ang pinagkatiwalaan kong bodyguard ay tinulungan ang kidnappers. The way they had forcibly restrained me, the stinging pain of their hands striking my face.
“Ahhh! Order your bodyguards to move immediately!” tili ko, habang napaatras. Lantad na lantad sa aking mukha ang hindi mapigilang takot!
Halatang napasinghap si Cristina sa inakto ko na para akong nabaliw sa sandaling iyon. Nataranta naman ang aking ama, ngunit si Mr. Harrington ang nagbigay ng pinal na utos.
“Leave her alone!” mabigat nitong sabi sa dalawang bodyguard na tinakasan na rin ng kulay.
Sinamantala ko ang pagkakataon para tumakas, mabilis na lumabas ng silid at tumakbo sa mahabang pasilyo.
Tuluyan na akong binalot ng panic attack, na tila sumasakal sa aking dibdib at nagpapalabo sa aking isipan na parang isang mahigpit na sipit na hindi matatakasan, na lalong sumisikip sa bawat desperadong paghinga ko.
I was about to enter the ladies’ restroom, only to find it marked with an “Out of Order” sign!
Dahil sa desperasyon, sumilip ako sa banyo ng mga lalaki. Mukha namang walang tao. Nang hindi na nagdalawang-isip, pumasok ako sa loob at nagmadali patungo sa lababo. Kailangan ko lang talaga ng sandaling makahinga!
Nagpapatuyo ako ng mga kamay nang makarinig ako ng mga ungol. Mahina, at hindi mapagkakamalang mga tunog ng sarap na nagmumula sa isa sa mga cubicle. Shit! Someone actually had the audacity to hook up in here?
Ngunit bago pa ako makalabas ay pumasok ang taong hindi ko inaasahan, si Maximus. The man I hadn’t seen in five years.!
Napatigil ang aking paghinga nang magtagpo ang aming mga mata. Kusang bumuka ang aking mga labi, at isang mahinang singhap ang kumawala habang pinagmamasdan ko ang kanyang kakisigan. Lalo lamang pinatindi ng mga lumipas na taon ang kanyang nag-uumapaw na karisma, at binigyang-diin ng kanyang suot na tailored suit ang kanyang malalapad na balikat.
An inexplicable, searing heat surged through me as I locked eyes with his stormy gray gaze. The air between us crackled, heavy with unspoken words.
A woman’s ecstatic cry pierced the air from the occupied stall. “Oh, my fucking god! Bilisan mo! Bilisan mo pa, Kyros!”
Sa sandaling iyon, pareho naming alam ni Max kung sino ang eksaktong nilalang ang naroon sa loob.
Pinukaw kaagad ni Nanny Beth ang isip ko, “Basta, pumunta ka na sa kuwarto ni Sir Max at maghanap ka ng isa sa mga damit niya para kay baby Lulu. Pangako mo lang sa akin na hindi mo bubuksan ang huling drawer ng kanyang dresser. Bawal na bawal 'yon, at tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang pinakialaman mo 'yon.”Hindi na ako nagdalawang-isip na sundin ang ginang. Bukod sa gusto kong malaman kung ano ang anyo ng silid ni Maximus, gusto ko rin matulungan si Lulu na maramdaman na mas malapit siya sa kanyang daddy.Bumukas ang pinto nang halos walang anumang maririnig. Nakikita ko ang kasambahay na pumapasok at lumalabas sa kuwartong ito araw-araw, pero kami ni Lulu ay hindi man lang naglakas-loob na humakbang sa loob. Isa ito sa mga silid na ipinagbabawal pasukin nang walang pahintulot.It looked nothing like I expected. Instead of a cold, dark bachelor’s room, it resembled the shared space of a husband and wife. The walls were
ElleTatlong araw na akong nag-aalala kay Lulu. Mainit akong tinanggap nina Nanny Beth at Mandy na hindi ko inaasahan, kaya naging mas madali akong nakapag-adjust kaysa sa mga iniisip ko.Nang unang araw, dumaan si Bonnie. Dinalhan niya ako ng mga personal na gamit matapos malaman na kinailangan kong mag-stay sa estate ng kanyang boss. Sa unang gabi ko ay pinahiram lang ako ni Mandy ng kanyang mga damit na magagamit.Ang pagpapanatag kay Lulu sa nursery school ang naging tunay kong pagsubok. Parang tuko na nakadikit sa akin si Lulu sa unang dalawang araw, habang tahimik na pinapanood ang ibang mga bata mula sa malayo. Pero nagbunga naman iyon sa ikatlong araw.Gumaan ang pakiramdam ko habang pinapanood siyang humahabol sa isang batang lalaki, na masayang tumatawa sa buong playground.Nakakausap ko rin sa chat si Maximus at pinadadalhan siya ng picture ni Lulu bilang update na rin sa kanya.Pero n
Kyros Habang papalabas ng restaurant, binabalot ng napakaraming tanong ang isipan ko. Nabilin ko na sa chef na mawawala ako nang ilang araw dahil pupunta ako sa Bryston. Ang mismong pag-iisip pa lang tungkol sa lugar na iyon ay sapat na para bumilis ang kabog ng dibdib ko.Simula nang umalis si Elle,, pinaimbestigahan ko kung saan makikita ang lokasyon ng numerong tinatawagan ko. Noong mga naunang araw, nasa South pa siya. Hindi ako nakuntento nang makausap ko muli si Elle. Inalam ko muli kung saan naroon ang kanyang numero.Dahil nakarehistro sa pangalan ko ang telepono niya, nabigyan ako ng access sa mobile signal nito, at doon ko natuklasan na pumunta siya sa Bryston.Agad na sumiklab ang matinding galit na bumalot sa buo kong pagkatao.Walang dahilan si Elle para magtungo sa lugar na iyon. Maliban na lang kung… nagbalik na ang mga alaala niya, o baka may natuklasan siya tungkol sa kanyang anak. Dahil nagtatrabaho siya sa organisasyon ni Cassian, siguradong may access siya sa mga i
MaximusAng mga duda ay nakatatak pa rin sa isip ko kahit nasa tatlumpung libong talampakan na ako sa himpapawid, habang umuungol ang mga makina ng eroplano patungong Europa.Nang mag-usap kami sa library, napansin ko na kaamoy ni Miss Elle si Gazelle. Kusa na lang nag-react ang katawan ko, tulad noong araw, na marahil ay siyang dahilan kung bakit hindi ko mailayo ang tingin ko sa kanya sa mga tahimik na sandaling kaming dalawa lang ang naiwan.Yet the differences nagged at me. Her accent carried the warm drawl of the American South, nothing like Gazelle’s. Napakaingat magkubli ng damdamin ang mga matang iyon na kulay asul... ibang-iba sa kung paano ako tingnan ni Gazelle noon, na puno ng kahinaang nagpapatigil sa paghinga ko.May gaspang sa himig ang boses ni Miss Elle, na para bang ilang taon siyang sumisigaw laban sa ingay o marahil ay nakaiyak na ng napakaraming luha.Pakiramdam ko ay siya si
ElleNabigla na lang kaming tatlo sa loob ng silid ni Lulu nang marahas na magbukas ang pintuan!Nanginig at tumigas ang buo kong katawan bago ko pa man ito namalayan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o iisipin; ang alam ko lang, galit ang boses ng lalaking biglang pumasok.Sa tabi ko, mabilis na tumayo si Mandy, ang kasambahay, na halatang kinabahan. Naningkit sa amin ang malamig niyang mga mata, na sapat upang manahi ang takot sa balat ko.“What’s going on here?” he demanded. “Daddy!” tili ni Lulu, na kumikinang ang mga mata sa tuwa habang tumatakbo patungo sa lalaki, at saka humahagikgik.“Naglalaro po kami! Ako po ang may-ari ng salon!” buong pagmamalaki niyang sabi, bago itinuro si Mandy. “Siya po ang beautician ko,” at itinuro naman ako, “and Miss Elle is my customer. Do you want to be my customer, too, Daddy?”Nakahahawa ang kanyang kasiyahan, kahit sa gitna ng tensyong kinalalagyan namin.Kinarga ni Maximus Ferrero si Lulu. Tingin ko ay kumalma na siya. “Gustong-gusto kong
Maximus“Paanong nangyari ito?” tanong ng aking ama.Lumabas sa screen ang manager mula sa London Branch, namumutla habang itinuturo ang breach analysis na makikita rin sa screen.“It happened while we were switching over to the new logistics app. We were right in the middle of updating the system when the hackers found a way in.”Tumikhim muna siya bago ipinagpatuloy ang mga detalye “Nakapasok ang mga hacker sa mga lokal na server at nakakuha ng walang pahintulot na access sa sensitibong data ng mga customer; lahat ng impormasyon na pribado.”Hindi lang ito basta-bastang breach; direktang paglabag sa mga batas sa proteksyon ng datos. We were already being investigated for slipping up on global security standards, and I knew we needed Lucas and his cybersecurity team now more than ever.“Boss, kung hindi natin ito malulutas agad, nahaharap tayo sa hanggang twenty million euros na multa!” paliwanag ng manager sa London. Sumulyap ako sa aking ama. Kita ko ang pagkaasar sa kanyang mukha,







