LOGINNaninibugho ang damdamin ko habang tumatagal ang mga araw na isinisikreto ko ang nalalaman ko tungkol sa pagtataksil ni Kyros. Naninikip pa rin ang aking puso, ngunit tumatanggi akong hayaang lamunin ako ng aking mga emosyon.
Naninindigan ako sa mga prinsipyo, at hinding-hindi ko palalampasin ang pagtataksil, gaano ko man kamahal si Kyros. This contradiction between my love and principles weighs my soul most heavily.
Hinawakan ni Kyros ang kamay ko nang mag-park ang kanyang sasakyan dahilan para ibalik ko muli ang atensiyon sa kanya. Dama ko ang kanyang pag-aatubili, parang ayaw niya akong iwan sa oras na iyon.
“I can feel your disappointment, babe,” he murmured.
‘Oh, yes, I am!’ gusto kong isigaw iyon nang diretso sa mukha niya, at hingin ang katotohanang alam ko na naman.
Habang nakatitig sa kanyang mga matang kasing-kulay ng madilim na langit, pinigilan ko ang aking mga luha, sa takot na baka unahan nito ang pagbubunyag sa aking mga nalalaman. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako pinagtaksilan at kung bakit patuloy pa rin siyang nagsisinungaling sa akin.
Hindi ko siya sinagot dahilan para ilapit niya ang kamay ko sa kanyang labi.
“I’m really sorry…” Malambot ang kanyang tinig, tila ba nagmamakaawa.
“It’s fine. Marami pa namang pagkakataon para makapagbakasyon tayo…”
“I love you so much, Gazelle!”
Pilit akong ngumiti nang bahagya bago bumaba ng sasakyan. Kinuha niya ang aking mga bagahe at saka umalis, iniwan akong may bagyong nagngangalit sa loob ng aking puso.
Bumalik ako sa ospital para klaruhin ang isip ko. Tulad na lang ng ideya ng paglaho bago ang aming kasal at ang pagbubunyag ng pagtataksil ni Kyros sa harap ng lahat. Hindi ba’t ganon yong mga nagaganap sa drama?
Instead, I found myself heading to Royal’s office. Right now, I needed a friend. And yet, I hated the thought of relying on someone else.
“Nagpasya na si Stella na huwag nang bumalik sa apartment na pagmamay-ari ng sorority. Tinanong ko siya kung sigurado ba siya sa pag-alis sa lugar kung saan komportable na siya, lalo pa't pareho nating alam na naghihikahos ang pamilya niya sa pera. Ngunit sinabi niya sa akin na lilipat siya sa Ravenwood Estate,” wika ni Royal habang magkausap kami sa telepono.
“Ravenwood Estate?” Tumiim ang bagang ko. “Iyon ang estate kung saan nakatira ang pamilya ni Kyros. Every member is expected to stay there after marriage. It’s a rule their elders strictly enforce.”
“Hmm… Mukhang hindi alam ni Stella ang tungkol doon o kaya naman ay nadulas lang siya.”
“But you’re missing the point, Roy. I can’t comprehend whether Kyros has fallen under some spell or just completely out of his mind. That estate was specifically designated for him and his future wife after their marriage. His current actions defy all understanding.”
Lalong tumindi ang aking ngitngit sa bawat sandali, nagpatong-patong ang aking mga katanungan, at ang aking poot, isang bagay na hindi ko akalaing mararamdaman ko para sa kanya, ay gumapang na parang mga baging na humihigpit sa aking puso.
Dinampot ni Royal ang tisyu sa mesa at saka pinunasan ang nanlalabo ko ng mata dahil sa luha.
Hindi ko na napigilan pa ang pagbaha ng aking mga emosyon. Kinamuhian ko ang aking sarili dahil doon.
“Pull yourself together, love! Ipagpasalamat mo na nalaman mo kaagad ang tungkol dito hindi pa man kayo nakakasal ni Kyros. Kung kailangan mong tumakas sa mismong araw ng kasal mo ay tutulungan kita.”
Laking pasasalamat ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit.
Matapos kong makahinga nang maluwag, nagpadala ko ng mensahe kay Kyros, ipinaalam sa kanya na mayroon akong community health mission.
Mas mabilis ang kanyang tugon kaysa sa aking inaasahan:
Kyros: ‘A month? Babe, hindi ba’t masyadong matagal iyon?’
Me: ‘Yes. Pero makakatulong kasi ito sa status ko sa ospital. Hindi naman ito unang beses na tumanggap ako ng community health mission, and it’s just a month, Kyros.’
Sa mga nakalipas ay inabot ako ng kalahating taon.
Kyros: ‘Alam mo naman na susuportahan kita sa mga pangarap mo. Just let me know if you need anything before your trip.’
***
One month in Northwindbrook passed faster than I had expected.
Umaasa na lang ako na nakakuha ng maraming ebidensiya si Royal. I met her first; she had arrived in the north to accept an appreciation award from the city governor before my flight.
“Sa palagay ko ay alam ni Kyros na hindi niya pwedeng basta na lang dalhin si Stella sa kung saan sa Bryston City. However, I found her social media account.”
Ipinakita ni Royal ang isang online page sa screen ng kanyang smartphone. Kilala ang social media app na iyon para sa mga katanungan, chismis at mga bagay na sikreto na nais mong ilabas.
Bumuntong-hininga siya nang malalim bago nagpatuloy, “I found out this page is actually a dummy account made and run by Stella herself.”
Hinanap ko sa sariling phone ang user. Ang nakakatawa ay ang bracelet na kamukha ng ibinigay sa akin ni Kyros ang profile photo. Magkahawak pa ang kanilang mga kamay ay kuha rin sa larawan ang relos na ibinigay ni Stella sa kanya.
The profile was created seven months ago, and its first caption hit me like a knife to the chest: “What am I going to do? I slept with my friend’s fiancé.”
Kusa na lamang nag-igting ang aking mga kamao. Karamihan sa mga komento ay kinondena siya, pinupuna siya sa kanyang ginawa. Ngunit sa mga tugon, ipinagtanggol niya ang kanyang sarili:
“Hear me out. We were both sent on a business trip to Europe by the company. He was my junior executive. I found myself secretly falling in love with him..”
Doon pala nagsimula ang lahat.
Dalawang linggo matapos ang post na iyon, may isa namang update:: “Nagpunta ako sa pribado niyang opisina at inalok siya na mag-lunch. Pumayag siya..”
Kinuhanan ni Stella ng larawan ang malapad na mesa ni Kyros kung saan nakalapag ang kanyang lunch.
And then, week after week, post after post, Stella chronicled the progress of their relationship, shamelessly documenting every stolen moment. Some commenters cheered her on, seemingly indifferent that the man she was pursuing already had a fiancée.
Sa kanyang pinakabagong entry: “Sinabi niya sa akin na isa ako sa mga taong nagpapasaya sa kanya ngayon. Ayokong matapos ang nagaganap na ito sa amin. Please, tell me I’m the only one in your heart.”
Sa loob nitong isang buwan, may mga kuha ng larawan sa beach na naka-attach kaya alam ko na nagbakasyon sina Stella at Kyros habang narito ako sa norte. Posible na hindi na ipinaalam sa akin ni Kyros ang tungkol dito dahil nasa ‘medical mission’ ako.
Bumasag sa aking mga iniisip ang boses ni Royal.
“May picture si Kyros na nakatalikod o kaya naman ay nakayuko kaya nakuha ng team ko ang account na ito at napunto nila si Stella,” Royal explained.
Dahil sa koneksyon ng pamilya ni Royal, naging madali ang paghukay sa impormasyong ito.
“Hindi rin maipagkakaila ang opisina ni Kyros sa karamihan ng picture.”
Isang buwan pa lamang matapos matuklasan ang kanyang pagtataksil, at hindi ko akalain na kalmado ako, mas nakakatakot kaysa sag alit ako.
“Ano ang plano mo, Gazelle?” Mas dama ko pa ang kalungkutan sa kanya para sa akin.
Pinukaw kaagad ni Nanny Beth ang isip ko, “Basta, pumunta ka na sa kuwarto ni Sir Max at maghanap ka ng isa sa mga damit niya para kay baby Lulu. Pangako mo lang sa akin na hindi mo bubuksan ang huling drawer ng kanyang dresser. Bawal na bawal 'yon, at tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang pinakialaman mo 'yon.”Hindi na ako nagdalawang-isip na sundin ang ginang. Bukod sa gusto kong malaman kung ano ang anyo ng silid ni Maximus, gusto ko rin matulungan si Lulu na maramdaman na mas malapit siya sa kanyang daddy.Bumukas ang pinto nang halos walang anumang maririnig. Nakikita ko ang kasambahay na pumapasok at lumalabas sa kuwartong ito araw-araw, pero kami ni Lulu ay hindi man lang naglakas-loob na humakbang sa loob. Isa ito sa mga silid na ipinagbabawal pasukin nang walang pahintulot.It looked nothing like I expected. Instead of a cold, dark bachelor’s room, it resembled the shared space of a husband and wife. The walls were
ElleTatlong araw na akong nag-aalala kay Lulu. Mainit akong tinanggap nina Nanny Beth at Mandy na hindi ko inaasahan, kaya naging mas madali akong nakapag-adjust kaysa sa mga iniisip ko.Nang unang araw, dumaan si Bonnie. Dinalhan niya ako ng mga personal na gamit matapos malaman na kinailangan kong mag-stay sa estate ng kanyang boss. Sa unang gabi ko ay pinahiram lang ako ni Mandy ng kanyang mga damit na magagamit.Ang pagpapanatag kay Lulu sa nursery school ang naging tunay kong pagsubok. Parang tuko na nakadikit sa akin si Lulu sa unang dalawang araw, habang tahimik na pinapanood ang ibang mga bata mula sa malayo. Pero nagbunga naman iyon sa ikatlong araw.Gumaan ang pakiramdam ko habang pinapanood siyang humahabol sa isang batang lalaki, na masayang tumatawa sa buong playground.Nakakausap ko rin sa chat si Maximus at pinadadalhan siya ng picture ni Lulu bilang update na rin sa kanya.Pero n
Kyros Habang papalabas ng restaurant, binabalot ng napakaraming tanong ang isipan ko. Nabilin ko na sa chef na mawawala ako nang ilang araw dahil pupunta ako sa Bryston. Ang mismong pag-iisip pa lang tungkol sa lugar na iyon ay sapat na para bumilis ang kabog ng dibdib ko.Simula nang umalis si Elle,, pinaimbestigahan ko kung saan makikita ang lokasyon ng numerong tinatawagan ko. Noong mga naunang araw, nasa South pa siya. Hindi ako nakuntento nang makausap ko muli si Elle. Inalam ko muli kung saan naroon ang kanyang numero.Dahil nakarehistro sa pangalan ko ang telepono niya, nabigyan ako ng access sa mobile signal nito, at doon ko natuklasan na pumunta siya sa Bryston.Agad na sumiklab ang matinding galit na bumalot sa buo kong pagkatao.Walang dahilan si Elle para magtungo sa lugar na iyon. Maliban na lang kung… nagbalik na ang mga alaala niya, o baka may natuklasan siya tungkol sa kanyang anak. Dahil nagtatrabaho siya sa organisasyon ni Cassian, siguradong may access siya sa mga i
MaximusAng mga duda ay nakatatak pa rin sa isip ko kahit nasa tatlumpung libong talampakan na ako sa himpapawid, habang umuungol ang mga makina ng eroplano patungong Europa.Nang mag-usap kami sa library, napansin ko na kaamoy ni Miss Elle si Gazelle. Kusa na lang nag-react ang katawan ko, tulad noong araw, na marahil ay siyang dahilan kung bakit hindi ko mailayo ang tingin ko sa kanya sa mga tahimik na sandaling kaming dalawa lang ang naiwan.Yet the differences nagged at me. Her accent carried the warm drawl of the American South, nothing like Gazelle’s. Napakaingat magkubli ng damdamin ang mga matang iyon na kulay asul... ibang-iba sa kung paano ako tingnan ni Gazelle noon, na puno ng kahinaang nagpapatigil sa paghinga ko.May gaspang sa himig ang boses ni Miss Elle, na para bang ilang taon siyang sumisigaw laban sa ingay o marahil ay nakaiyak na ng napakaraming luha.Pakiramdam ko ay siya si
ElleNabigla na lang kaming tatlo sa loob ng silid ni Lulu nang marahas na magbukas ang pintuan!Nanginig at tumigas ang buo kong katawan bago ko pa man ito namalayan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o iisipin; ang alam ko lang, galit ang boses ng lalaking biglang pumasok.Sa tabi ko, mabilis na tumayo si Mandy, ang kasambahay, na halatang kinabahan. Naningkit sa amin ang malamig niyang mga mata, na sapat upang manahi ang takot sa balat ko.“What’s going on here?” he demanded. “Daddy!” tili ni Lulu, na kumikinang ang mga mata sa tuwa habang tumatakbo patungo sa lalaki, at saka humahagikgik.“Naglalaro po kami! Ako po ang may-ari ng salon!” buong pagmamalaki niyang sabi, bago itinuro si Mandy. “Siya po ang beautician ko,” at itinuro naman ako, “and Miss Elle is my customer. Do you want to be my customer, too, Daddy?”Nakahahawa ang kanyang kasiyahan, kahit sa gitna ng tensyong kinalalagyan namin.Kinarga ni Maximus Ferrero si Lulu. Tingin ko ay kumalma na siya. “Gustong-gusto kong
Maximus“Paanong nangyari ito?” tanong ng aking ama.Lumabas sa screen ang manager mula sa London Branch, namumutla habang itinuturo ang breach analysis na makikita rin sa screen.“It happened while we were switching over to the new logistics app. We were right in the middle of updating the system when the hackers found a way in.”Tumikhim muna siya bago ipinagpatuloy ang mga detalye “Nakapasok ang mga hacker sa mga lokal na server at nakakuha ng walang pahintulot na access sa sensitibong data ng mga customer; lahat ng impormasyon na pribado.”Hindi lang ito basta-bastang breach; direktang paglabag sa mga batas sa proteksyon ng datos. We were already being investigated for slipping up on global security standards, and I knew we needed Lucas and his cybersecurity team now more than ever.“Boss, kung hindi natin ito malulutas agad, nahaharap tayo sa hanggang twenty million euros na multa!” paliwanag ng manager sa London. Sumulyap ako sa aking ama. Kita ko ang pagkaasar sa kanyang mukha,







