Share

Beyond That One Night Mistake
Beyond That One Night Mistake
Author: Lazydaydreamer

CHAPTER 1 => Dare.

last update Last Updated: 2025-05-27 16:27:10

“Ganito na lang, since graduation party ‘to slash ‘finally free’ party ni Yuki, how about maglaro tayo ng dare? Para naman mabuhayan tayo!” hiyaw ni Hanna habang hawak ang bote ng tequila, sabay taas ng baso na tila tagumpay na nag ldiriwang.

“Game!” sigaw ng barkada, sabay-sabay na nagtawanan habang ang musika’y umaalingawngaw sa buong rooftop ng high-end building sa Makati. Ang mga city lights ay kumikislap sa paligid—parang bituin na nakikiisa sa kasiyahan ng gabing iyon.

Si Yukisha, tahimik sa isang sulok, nakaupo sa cushioned bench na malapit sa edge ng rooftop tila nakulong sa kaniyang sariling mundo. Hawak niya ang shot glass na may lamang rum na ilang ulit nang napalitan. Sa loob ng kani yang dibdib ay may kalmot ng excitement, at kalayaan. Sa wakas, tapos na siya sa kolehiyo. Tapos na ang curfew, ang paulit-ulit na sermon ng mga magulang, at ang pakiramdam ng pag kakakulongbsa isang madilim na hawla. Hawak na niya ang susi ng sariling condo unit sa Juaquin's International Condominium. Malaya na siya. Pero ang tanong—saan siya magsisimula?

"Yukisha, ikaw na ang mag spin ng bote!" sigaw ni Daisy, sabay tili ng iba pang kabarkada.

Naputol ang kaniyang pagmumuni-muni, at napatingin sa gitna ng grupo, kung saan nakahinto na ang bote at nakatutok nga ang leeg sa kaniya. “Talaga ba?” tanong niya, sabay hikab na may ngiting pilit.

“Of course! Graduate ka na, girl! Dapat lang na ikaw ang unang sumabak sa pag papaikot ng bote!” sabi ni Hanna, sabay turo sa bote. “Iikot mo na yan Yuki eksayted na kami" Agad naman niyang inikot sa ang bote sa gitna ng lamesa. Para sa iba’y laro lang ito, ngunit para kay Yukisha, ito’y isang simula—ng kung anumang bagong kabanata na hindi pa niya batid. Nang huminto ang bote at tumapat ang leeg nito sa kani mya, napasinghap ang lahat.

“YUKIIII!” sigawan ng barkada.

“Oh eto na,” sabay siko ni Hanna. “Kita mo ‘yung guy doon sa left wing? Lapitan mo, landiin mo, akitin mo. Dapat mapansin ka niya. Gawin mong unforgettable. Dare ‘yan walang atrasan!”

Sinundan ni Yukisha ang tinuturo nila—isang lalaking naka tayo sa balcony ng rooftop, nakasuot ng simpleng puting polo, dark slacks, at hawak ang isang baso ng whiskey. May kasama siyang tatlong lalaking halatang may mga posisyon sa lipunan. Matangkad siya, may matalas na panga, at masangsang ang aurang parang, ‘huwag kang lalapit — malulunod ka.’

“Baka naman bodyguard ‘yan,” biro ni Yukisha, pero bakas sa tono ang kaba.

“Eh di mas exciting!” sabat ni Daisy. “Come on, Yuki. You said ‘walang atrasan’!”

Lasing na siya. Hindi lubos-lasing, pero sapat para mawala ang inhibisyon. Sapat para palakasin ang loob niya at gawin ang isang bagay na hindi niya magagawa ng wala ang espirito ng alak

Tumayo siya. “Okay. Watch me,” sabay taas ng bote at ngumiti ng pilya. Ang mga kaibigan niya'y nag sigawan habang kinukunan siya ng video at litrato. Ang pag hakbang niya patungo sa left wing ay mabagal, at kalkulado, may matinding kaba sa dibdib niya na hindi maitatago.

Habang nag lalakad, pakiramdam niya’y tumitigil ang mundo. Ang bawat hakbang ay parang pag tawid sa isang manipis na lubid—isang pag kakamali lang at babagsak siya. Ngunit sa likod ng mga titig ng mga kaibigan at mga hiyawan ng mga ito, nag pokus siya sa hamon ng mga ito na dapat niyang panindigan.

Pag dating niya sa left wing huminga siya nang malalim at lumapit sa lalaki na ngayon ay komportable ng naka upo sa malambot na single couch.

Nang malapit na siya, hindi na siya nag-alinlangan. Umupo siya sa kandungan nito, marahang hinawakan ang batok, at inilapit ang mukha.

“What the—” gulat na saad ng lalaki, habang ang mga kasama nito'y napatingin.

Ngumiti si Yukisha, mapang-akit. Idinikit ang katawan sa dibdib nito, gumiling ng bahagya. “Why don’t you join me tonight, handsome?” bulong niya sa tenga nito, habang ang dila niya’y bahagyang humagod sa balat sa ilalim ng panga nito.

Ang mga mata ng lalaki ay biglang lumalim. Mula sa malamig na titig, ngayo’y tila apoy na kayang sunugin ang kaniyang pagkatao. Tinitigan siya nito ng matagal—parang sinusukat, at tinitimbang kung totoo nga ba ang tapang niya.

“Bold,” mahinang bulong nito, parang sinusubok siya.

Ngumiti si Yukisha. “Takot ka ba?”

“Sa’yo?” Napangisi ito. “Ikaw ang dapat matakot sa akin.”

Tumawa siya, bahagyang lasing pa rin. “I can handle danger.”

Isang iglap lang, bigla siyang binuhat nito—walang kahirap-hirap na akala mo'y isang unan na napakagaan. Nagulat ang mga tao sa paligid, ngunit walang pumigil. Tahimik na bumaba sila ng hagdanan, papalayo sa ingay ng party.

“Saan mo ako dadalhin?” tanong niya, bahagyang nangingiti pero may halong kaba.

“Sa kotse ko,” malamig pero sigurado ang boses ng lalaki.

Napatungo nalang siya siya. Sa sobrang lasing, at lakas ng tibok ng puso niya, halos hindi na niya marinig ang sarili. Ngunit isa lang ang sigurado—ang gabing ito ay hindi na basta laro. Hindi na niya alam kung tama ba ang ginawang pag sama sa binata, ngunit gusto niya ulit maramdaman ang init ng pag dampi ng pagkalalaki nito sa kaniyang nag lalawang pagkababae. Habang binabaybay nila ang hallway patungo parking lot ay hindi na niya napigilang abutin ang labi ng binata at halikan. Sarado na ang isip niya wala ng ibang mahalaga kundi ang init, ang kagustuhan, at ang pagkasabik sa kung anong susunod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ianne_Blue_Butterfly
Ahay landi.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 66 => Tatlong Araw.

    Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Tatlong araw na ang lumipas mula nang ibalita ng doktor kay Xayvier na wala na ang kanilang anak. Tatlong araw na rin mula nang itaboy siya ni Yukisha—ang babaeng pinakamamahal niya mula sa silid na kinalalagyan niyo sa ospital. Tatlong araw na siyang walang tulog. Ngunit kahit gaano siya kapagod, hindi siya dinadalaw ng antok. Parang gising din ang kaluluwa niyang hindi mapanatag, nag lalakbay sa gitna ng kadiliman. Tatlong araw na siyang hindi kumakain. Pero hindi rin siya nakakaramdam ng gutom. Wala na siyang gana sa kahit anong bagay. Wala nang saysay ang lahat. Tatlong araw na rin siyang hindi naliligo. Suot pa rin niya ang tuxedo na ginamit niya noong araw na ibinalita sa kanya ang pag kamatay ng kanyang anak ang araw na gumuho ang mundo niya. Gusot na, marumi, at bahagyang may mantsa ng alak at dugo. Pero hindi na niya alintana ang itsura niya. Para saan pa? Tatlong araw na siyang nakaupo sa malamig na sahig ng kwarto nila ni Yukisha—tulalang naka

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 65 => Accepting the heartbreaking truth.

    Dahan-dahang dumilat si Yukisha. Napatingin kay Xayvier. Mahinang ngumiti. “Xay…” bulong nito, halos walang lakas. Tumango siya. Lumuhod sa tabi ng kama. Hinalikan ang palad nito. “Yuki…” "Ang baby natin…?" Hindi agad siya sumagot. Tumingin siya sa mga mata nito, mga matang puno ng inaasam na sagot. Pag-asa. Pero alam niyang ang isasagot niya ay isang bagyong hindi nito inaasahan. Tumingin siya sa sahig. Napapikit. Nanginginig ang boses. “Hindi siya... hindi siya naka-survive.” Tahimik. Tahimik ang buong silid. Napahawak si Yukisha sa tiyan niya. Walang galaw. Hindi rin siya umiyak agad. Para bang hindi totoo. Para bang inisip niya’y baka nananaginip lang siya. “Hindi…” mahinang bulong nito. “Hindi, Xay…” Napatakip ng bibig si Delilah at Donatella habang lumalayo sa kama. Ang nurse ay tahimik na lumabas. Si Xayvier ay nanatiling nakaluhod, pinipilit yakapin si Yukisha. “Yuki… I’m sorry… They did everything…” "Umalis ka," mahina pero mariin na utos ni Yukis

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 64 => The baby is Gone?.

    “We are sorry for your loss, Mr. Juaquin.” Parang isang guhit ng kidlat sa gitna ng tahimik na gabi ang mga salitang iyon. Wala siyang narinig pagkatapos noon. Wala na siyang naramdaman kundi ang biglang paglubog ng mundo. Tumigil ang lahat. Ang bawat segundo ay parang tumatama sa dibdib niya gaya ng mga suntok na siya mismo ang nagpapatama. Nagtagpo ang paningin nila ng doktor. Tila may gusto pa itong sabihin, ngunit wala nang lumabas na salita. Marahang tumango ito at bumalik sa loob ng operating room, iniwang bukas ang pintuang sa isang sandali lang ay puno ng pag-asa—ngunit ngayo'y mistulang bukas na kabaong. “Anak ko…” mahina at halos hindi marinig na bigkas ni Delilah. Napatakip ito ng bibig at saka tuluyang napaluhod. Nabitawan niya ang hawak na rosaryong kanina pa niya kinakapit. Bumagsak sa sahig kasabay ng pagkabagsak ng puso niya. Wala siyang maisip. Wala siyang maramdaman. Wala siyang masabi. “Hindi totoo ‘to…” bulong ni Xayvier. Pilit niyang iniiling ang ulo ni

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 63 => Bad News

    "Ano sinabi 'yon ng doktor? Hala, anong gagawin natin? Anong sinabi mo sa doktor, pumili ka ba sa kanilang dalawa?" tanong ni Delilah sa kanya, bakas sa mukha nito ang kaba at pag-aalala. Umiling siya, "Hindi po, hindi po ako namili. Sinabi ko na kailangan niyang iligtas ang asawa at ang magiging anak ko," saad ni Xayvier habang nakayuko. Ang boses niya'y halos hindi na marinig, parang sinasakal ng emosyon. Ang mga kamay niyang malamig, pinipigilan pa ring manginig habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang huling tanong ng doktor "Sino ang pipiliin mo?" Hindi niya kailanman inakala na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Isang desisyong hindi niya pinangarap gawin kahit kailan. Buong akala niya ay sapat na ang pagmamahal, sapat na ang panalangin, sapat na ang presensya para maiwasan ang ganitong sakit. Ngunit ngayon, nakaupo siya sa labas ng emergency room, hindi alam kung mabubuo pa ba ang mundong sinimulan nilang buuin ni Yukisha. "Huminga ka ng malalim," bulong ni

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 62 => Save them Both.

    Walang nagawa ang doktora dahil mukhang disidido na talaga si Xayvier at hindi na mag babago pa ang isip nito. Nag paalam na lamang ang doktor at saka pumasok muli sa loob ng emergency room. Huminga siya ng malalim at saka mariing ipinikit ang mga mata, 'Almighty god please save my Wife and my child, I want to spend my life with both of them in it.' habang nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Xayvier ay may naramdaman siyang mainit na kamay na humaplos sa kanyang balikat. "Xayvier anak ano ang nangyari gusto kong malaman ang pinagmulan ng aksidenteng sinasabi mo, pero kung hindi ka pa handa sa ngayon na magkwento, ayos lang naman. Gusto lang namin na iparamdam sayo na nandito lang kami para sayo, sabay-sabay nating ipagdasal ang mag- ina mo." na palingon si Xayvier sa pinagmulan ng boses at bumungad sa kanya ang kanyang ama at ina ngumiti sa kanya ang kanyang ama.' iho ng ma-receive namin ng mama mo ang mensaheng ipinadala mo ay agad kaming pumunta rito nag-aalala kami sa inyo anak

  • Beyond That One Night Mistake   CHAPTER 61 => Between Yukisha & Their Child

    Pilit niyang inangat ang kanyang tingin sa doktor, namumugto ang kanyang mga mata. Nanlalamig ang katawan ni Xayvier. Parang tinanggalan siya ng hangin. dahil sa narinig."Teka, mali ata ang pagkakarinig ko. Anong... ibig mong sabihin na You could only save one? Ililigtas mo silang dalawa, 'di ba?"Tumahimik ang doktora. Napatingin ito sa sahig, saka bumuntong-hininga muli."Kung pareho po silang lalagyan ng intervention, may mataas pong posibilidad na mawala silang pareho. Kailangan po naming ituon ang atensyon namin sa isa—""Hindi pwede. HINDI AKO PWEDENG PUMILI!""Sir, alam kong mahirap. Pero kailangan po natin ng desisyon. Hindi po sapat ang oras natin. Kailangan naming simulan ang emergency procedure sa loob ng tatlong minuto. Please makisama po kayo, kasi habang mas tumatagal ang proseso ay mas lalong nagiging komplikado ang lagay ng buhay ng pasyente..."Umikot ang paningin ni Xayvier. Hindi niya alam kung paano pipili. Ang babae na hindi niya pa ganap na asawa, pero ito ang b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status