Share

Kabanata 11

 

Habang nasa biyahe ay tumawag si Nanay, nagtanong kung nasaan ako. Nasapo ko ang aking noo. Nakalimutan kong magpaalam!

Humaplos ang kamay ni Russel sa aking kamay kung saan hawak ko ang cellphone. Without asking my permission, marahan niya iyong kinuha mula sa akin. Wala na rin akong nagawa, ipinaubaya ko sa kaniya iyon. 

“Don't worry, Tita. She's with me.”

Umalon ang sasakyan dahil sa bako-bakong daan. Narating na namin ang lupaing nakakonekta sa farm. Isa itong mahabang papasok kung saan madaraanan ang napakalawak na palibot ng farm. Inasahan ko nang walang katao-tao roon. 

“Alright. I'll take care of her.”

Ibinalik sa akin ni Russel ang cellphone ko. Ibinaba na rin ni Nanay ang linya bago ko pa iyon muling maidikit sa tenga ko.

“Anong sabi?” Sinipat ko ang mga mata niya pero tanging ang isa lang ang nakikita ko dahil naka-side view siya. Sa posisyong iyon ay mas lalong naipakita kung gaano katangos ang tungki ng kaniyang ilong.

Noong iginuhit ko siya ay ganito rin ang view ngunit ibang-iba ito ngayon. Bukod sa mas matured na siyang tingnan ay napakalapit ko lang sa kaniya. 

“She's with Mom, isinama siya sa meeting. I assured her that you'll be safe with me.”

Parang may kung anong humaplos sa puso ko. I'm safe with him. Sa kaniya nanggaling iyon kaya abot-abot na naman ang hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Tipid akong tumango at ibinalik ang tingin sa daan. Ilang araw pa lang buhat nang umalis kami rito pero sobrang laki kaagad ng pinagbago. Pakiramdam ko'y marami akong nalagpasan, at ang mga bagay na iyon ay nangyari magmula noong umalis kami. Nasaan kaya ang natitirang farmers? 

Mas lalo kong nakita ang kawalan nang makababa ako mula sa sasakyan. Ang dating punong-puno ng mga pananim ay wala nang kalaman-laman ngayon. Unti-unti akong nilukob ng lungkot. 

“Anong plano niyo rito sa farm?” sinikap kong magtanong. 

“Sarado muna sa ngayon. Kalat pa rin ang lason sa lupa kaya hindi ito puwedeng taniman.”

Nakahalukipkip siya. Gaya ko ay nakatingin rin siya sa kalawakan ng lupain. 

Hanggang ngayon pala ay apektado pa rin ng lason ang farm. Ganoon pala talaga kalala ang panlalapastangan! 

“May lead na ba?” tukoy ko sa kung sino man ang may pakana nito. 

Russel sighed. “Farmers.”

Kunot-noo ko siyang binalingan. Bakas ang concern sa mukha niya samantalang ang akin ay sobrang pag-aalala. “Bakit naman nila gagawin ito? At sinu-sino ang tinutukoy mo?” 

“Ginawa nila iyon para sa mas malaking halaga ng pera. Nagpabayad sila.”

Mas lalo akong naguluhan. “S-sinong nag-utos?” 

Nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa pagiging seryoso ay medyo umaliwalas iyon. “Don't worry about it,” aniya sa paraang maipaparamdam sa akin na wala akong dapat problemahin. 

“P-pero...” Naisip ko si Nanay. Kasali ba siya? Iniisip ko pa lang na ganoon nga, sobra na akong nahihiya at natatakot! 

“Your mother is out of it, if that's what you think.” 

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon ngunit nanatili ang kuryosidad. 

“Sinu-sino ang sangkot?” muli kong tanong. 

“I can't mention them one by one. But... your uncle...”

Nagulat ako. Si Tiyo Banny? Ayaw kong maniwala na kasali siya pero si Russel na ang nagsabi! Hindi nga kasali si Nanay pero si Tiyo Banny naman! Sa isang iglap ay umakyat sa buong sistema ko ang takot na para kay Nanay sana. Thinking of the worst scenarios, I can't help but feel sorry. Ipakukulong ba nila yung farmers? 

“Y-yung milyong utang nila, anong mangyayari roon?” 

“Damay ang lahat ng farmers, inosente man o hindi. Tumawag si Lolo kagabi at sobrang nagalit sa nangyari. Kung kami lang ang magpapasya, hindi na ito aabot sa pagpapataw ng parusa. Sapat nang paalisin ang mga taong nagkasala. Pero dahil si Lolo ang nagpasya, ipakukulong ang farmers at pagbabayarin ang lahat.”

Dahil sa panghihina ay nangatog ang mga tuhod ko. Muntik na akong mabuwal kung hindi lang agad nahawakan ni Russel ang baywang ko at ipinirme ako sa pagkakatayo! Tuloy ay napahawak ako sa braso niya!

“Don't think too much.”

No, Russel. Pagkatapos ng mga narinig ko ay hindi ko kayang balewalain iyon.

“Kailangan kong magtrabaho para matulungan si Nanay. Hindi niya kakayaning magbayad mag-isa.”

Nagtiim-bagang si Russel. “I said don't think too much.”

Umiling ako. “Hindi puwede. Hindi puwedeng hindi ko isipin si Nanay. I need to help her,” pinal kong sabi. 

He sighed. Sa tingin ko'y ginagawa niya iyan sa tuwing nakakaramdam siya ng frustration.

Geez. Like a normal people, Alliyah. Tao lang din siya! Stop comparing him to a God or whatsoever! 

“Saan ka magtatrabaho kung ganoon?” 

Umayos ako ng tayo pero hindi niya pa rin inaalis ang braso niyang nakapalibot sa baywang ko. 

“Kahit saan. Puwede akong mag-apply bilang kasambahay o vendor sa palengke. Puwede rin akong mag-apply bilang crew or waitress sa mumurahing restaurant—” 

Napasinghap ako nang mariin niyang hapitin ang baywang ko palapit sa kaniya. Lumapat ang likod ko sa matigas niyang katawan. Unti-unti na namang bumilis ang tibok ng puso ko!

“You are not going anywhere,” may bahid ng pagbabantang anas niya. 

“Bakit hindi? Kailangan! Natural magtatrabaho ako. Hindi puwedeng aasa na lang ako kay Nanay!” 

“There are so many choices,” mariin niyang katwiran. 

“Alam ko. Pero sa kagaya kong wala pang nararating—” 

“Don't say that.”

“Totoo naman!”

Nagbuntong-hininga siya, tila nauubos ang pasensya. “Kasambahay, really? Saan? Sa bahay namin? Do you think I'll let you do that?” 

“P-pareho lang naman 'yon. Hindi na mahalaga kung saan o ano ang trabaho ko. Ang mahalaga ay makaipon kami ng pera.”

“Hindi pareho 'yon,” seryosong saad niya. 

Napabuga ako sa hangin. Paano niya nasabing hindi pareho iyon? Hindi pa man siya pinanganganak ay mayaman na siya kaya hindi niya nauunawaan ang pinupunto ko! 

“Wala kang magagawa. I need to find a job as soon as possible. Kung aasa lang ako sa commissions ko, mas matatagalan ang kita.”

“No.”

Napalabi ako, iniisip nang mabuti ang posibleng rason kung bakit niya ako pinipigilan! Bakit nga ba? Anong pakialam niya sa akin? 

“Russel...” napapaos kong sabi. Nawawalan na rin ako ng pag-asang manalo sa sagutan namin. 

“You can't just go to such places, Alliyah!” 

Hindi ko man alam ang tunay na dahilan, napayuko ako dahil pakiramdam ko'y pinagagalitan niya ako. 

Hinayaan naming lumipas ang ilang segundo bago siya muling nagsalita. 

“You can work in our company.” 

Nagulat ako sa narinig. Hindi makapaniwalang nilingon ko siya. Masyado siyang matangkad kumpara sa akin kaya nakatingala ako.

Inaalok niya ako ng trabaho sa CMC! Sa tingin ba niya, nababagay ako roon? Isang malaking hindi! 

“Imposible ang sinasabi mo.”

Nagtaas siya ng kilay, tila naghahamon. “How can you say?”

“Highschool graduate lang ako! Hindi ako puwede roon!” bulalas ko. 

“So?” 

Pinanliitan ko siya ng mata. Paano ko ba mauunawaan ang sinasabi niya? “So? Paano ako tatanggapin doon? Wala akong maipakikitang college diploma at documents!” 

Sa tindi ng kabang nararamdaman ko'y nabawi ko ang tingin ko sa kaniya. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa malawak na farm. Nakangusong sinundan ko ng tingin ang malaking grupo ng mga ibong sabay-sabay na naglalayag sa himpapawid. 

“I don't care about those papers.” 

I awkwardly moved to show him that I'm not comfortable already pero hindi niya ako pinansin. 

Napalunok ako bago muling magsalita. “I care! Ano na lang ang sasabihin nung boss kung wala akong maipakikitang papel? Ano pala 'yon, mag-a-apply ako nang ganun lang?” 

Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. Naramdaman ko na lang ang kaunting bigat niya sa akin nang mas dumikit pa siya! “You are not listening...”

“Ikaw ang hindi nakikinig!” agad bawi ko. 

He chuckled. Sa pandinig ko, maging ang tawa niya'y ibang-iba sa karamihan. Ganito ako kabaliw sa kaniya! 

“Listen... I am the boss. I don't give a damn about the level you've finished. What really bothers you, hmm?” 

“Unfair iyon, Russel...” pag-aalinlangan ko. 

“Oh, I thought you wanna work to help your mother,” panunuya niya dahilan para muling tumaas ang boses ko. 

“Gusto ko nga!” Pero hindi ibig sabihin no'n na ayos lang maging unfair! 

Muli na naman siyang tumawa. Ramdam na ramdam ko sa likuran ang pag-alog ng kaniyang balikat. 

“You're hired, then.”

Kaba, pagkawindang, pagdadalawang-isip, pagkalunod... mga bagay na hindi ko kainlanman napaghandaan. Si Russel lang ang nakapagbibigay sa akin nito. 

Umawang ang labi ko para sana magsalita pero naunahan ako ng pagtunog ng cellphone niya. Para akong tinakasan ng lakas nang unti-unti siyang kumalas sa akin. Ang kaninang bigat ng katawan niyang nakadantay sa likod ko ay naglaho na parang bula. Yung pakiramdam na may kasama ako ay napalitan ng pag-iisa. 

Sinamantala ko ang pagkakataong hindi siya nakatingin. Nakita ko kung paano umigting ang kaniyang panga.

He smoothly swiped his phone before answering the call. Marahan siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin. “Denise...” 

Ilang hakbang lang ang ginawa niya pero pakiramdam ko'y sobrang layo na niya sa akin. 

At ngayon, sa mga oras na ito, habang nakatanaw ako sa mga ibong naglipana, nangilid ang luha ko. Imbes na matuwa ay nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. May fiancee na siya! Hindi niya dapat ako nilalapitan nang ganito! Hulog na hulog na nga ako, mas lalo pa niya akong pinapaasa! 

Look who's talking, Alliyah. Paasahin ka man niya, nasa iyo pa rin ang desisyon kung aasa ka o hindi! Dapat nga ay ikaw na ang kusang umiiwas! 

Biglang umusbong ang iritasyon ko. Marahas kong pinalis ang luhang nakatakas sa pisngi ko bago siya muling lingunin. Matalim kong tiningnan ang likod niya bagamat malabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. 

Walang pasabing nilakad ko ang direksyon patungo kina Venus. Hindi na niya ako napansin dahil abala siya sa pakikipag-usap sa asawa niya. Malamang, hindi niya ako mapapansin dahil una sa lahat, hindi ako kapansin-pansin! 

Dapat ay matagal ko nang alam ang lugar ko sa buhay niya... O baka naman matagal ko nang alam, hindi ko lang talaga matanggap. 

Mocking his words, pasuray-suray kong nilakad ang putikan. Yung mga parte sa gilid ang dinadaanan ko kung saan medyo tuyo ang lupa. Patalon akong humahakbang sa tuwing iniiwasan kong maapakan ang makakapal na putik. 

“Don't worry, Tita. She's with me. I'll take care of her. Psh! Talaga ba? Asa ka pa, Alliyah!” asar kong sabi. 

Medyo malayo na ako nang lingunin ko siya. Nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin! Panay ang pakikipag-usap niya kay Denise habang kunot ang noong nakatitig sa akin, marahil ay nagtataka sa ginagawa ko. Inirapan ko siya. Mas lalong kumunot ang noo niya dahil doon. 

Kinabahan ako nang tila galit niyang ibinaba ang kaniyang cellphone. Malalaki ang hakbang na nilakad niya ang direksyon ko. 

Nanlalaki ang mga matang tinakbo ko ang daan, nagdarasal na sana'y hindi niya ako maabutan. 

“You woman—” 

Impit akong tumili nang mas nagmadali siya sa paglapit sa akin.

Kahit kinakabahan ay nagpatuloy ako sa pagtakbo at hindi ko na siya muling nilingon pa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status