Share

Kabanata 10

Ang bawat sandali ng paglalakad ko sa mahabang carpet ay iginuguhit ko na sa aking isipan. Kung anong mayroon ngayong araw, naipaliwanag iyon ng mga malalabong imaheng nadaraanan ko. Bakas ang mga ngiting agad ring nagiging malabo sa paningin ko, ang bawat isa'y tumatango na tila masayang-masaya para sa akin. Hawak ang gilid ng aking saya habang nakatapat sa dibdib ang bungkos ng bulaklak sa isa kong kamay, nagpapadala lang ako sa kakaibang pakiramdam na ito. Kulang ang isang libong salita para makumpleto ko ang munting sandali.

At sa oras na iyon, kung saan ang matagal ko nang pangarap ay naghihintay sa akin, naroon din ang lalaking ang mga mata'y sa akin nakapako. Tumulo ang luha ko nang ilahad niya sa akin ang kaniyang kamay, nakangiti kong hinawakan iyon. Ngunit kasabay ng paglalapit namin ay ang biglang pag-alon ng imaheng niya, naputol ang aking panaginip. 

Sinalubong ng kisame ang mulat na mulat kong mga mata. 

“I'm sorry. Did I disturb you?”

Napabalikwas ako. Manghang nakatitig sa akin si Russel, nakaupo sa gilid ng kama. Base sa nakikita kong suot niya ay mukhang kararating niya lang! 

Taranta akong tumayo at walang pasabing naglakad patungo sa pinto. Nang mahawakan ko ang seradura ay mabilis akong lumabas. 

“You can stay—” 

“S-sorry, sorry! H-hindi na mauulit!” pasigaw kong sabi. Sa sobrang hiya ay naiwan ko pang nakaawang ang pinto.

Yakap ang aking sketchpad, tinakbo ko ang malayong distansya mula sa kwarto ni Russel patungo sa guest room. 

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pinakawalan ang impit na tili sa kawawang unan. Paulit-ulit akong napasuntok sa malambot na kutson, mas lumilinaw ang katangahang nagawa ko. Masusugatan na rin ang labi ko sa diin ng kagat ko roon. 

Nakatulog ako sa kwarto ni Russel! At ang hindi ko matanggap ay naabutan niya ako!

Bitbit ang naka-folder na portrait ay bumaba na ako. Nagtext na rin si Ruan na nasa baba siya at naghihintay. Saglit pa akong natigil sa nadatnang sitwasyon. Nakaipon sa sala ang tatlo. Lumiit nang husto sa paningin ko ang bilugang mesa dahil pinalilibutan ito ngayon ng matitipunong lalaki. 

Ngumisi sa akin si Ruan habang panay ang pagkain ng muffin. Nagpatuloy ako sa paglapit. Iniabot ko sa kaniya ang folder. Mula sa pagtipa sa laptop, nag-angat ng tingin si Daimler. Nandito rin pala siya. Akala ko ay maghapon siyang mawawala ngayong araw. Lumingon ako sa kusina. Wala akong naririnig na ingay mula roon. Nasaan kaya si Nanay? 

“Puwede ba kitang makausap?” ani Ruan. 

Tumango ako. “Sa garden.” 

Tahimik na inilapag ni Russel ang binabasang magazine. Hindi ko siya matingnan pero mula sa peripheral vision ko ay alam kong nakatingin siya sa akin. “You can talk here,” seryosong saad niya. 

Tumikhim si Daimler. “Oo nga naman. Bakit sa garden pa...” Makahulugan niya akong sinulyapan. 

Napaawang ang labi ko pero hindi ko maituloy ang sasabihin. 

“Oh, sure. Dito na lang, Alliyah. Upo ka,” balewalang turan ni Ruan, tila hindi napansin ang pagkailang ko. 

Awkward. Iyon ang nararamdaman ko. 

Daimler knows what am I up to. Alam niyang may gusto ako sa kuya niya. Alam niya ang mga nangyayari sa akin these days. Sa ilang beses ko nang pakikisalamuha sa kanilang magkapatid, ngayon ko lang sila nakitang magkasama dahilan para dumoble ang kaba ko. Seeing them together here, I wonder where's Madeley right now. 

Pilit kong iniiwasang magawi sa direksyon ni Russel. Hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari. Kung puwede nga lang maibalik ang oras, hindi na sana ako nakiusap na pumasok sa kwarto niya nang sa gano'n ay hindi rin sana ako nakatulog doon. 

Samantala, walang kaalam-alam si Ruan sa tensyong namumuo sa aming tatlo.

I sighed.

“Anong sabi ni Luke?” kaswal kong sabi nang makaupo na sa harap niya.

“Magkita raw kayo for the payment. Sumama ka sa akin mamaya.”

“Hindi na lang niya ipinaabot sa 'yo?” si Russel na nakakunot ang noo.

I heard Daimler chuckled. Napalingon tuloy ako sa kaniya ngunit nanatili lang ang tingin niya sa kaniyang laptop. 

Muling kumagat sa muffin si Ruan. “Well, libre naman si Alliyah. She can go anywhere and anytime basta ako ang kasama.” Siguradong-sigurado siya dahil alam niyang hindi siya kailanman tinanggihan ni Nanay.

“Libre?” mariing saad ni Russel.

Kanina pa ako nagtataka kung bakit nakikisingit siya sa usapan!

“I mean, you know. Wala namang masyadong pinagkakaabalahan si Alliyah. So...” Nagkibit-balikat si Ruan.

“Magiging busy siya ngayong araw.”

Dahil sa pagtataka, hindi ko na napigilang tingnan si Russel. Preskong nakapandekwatro, ang isang braso'y nakasampay sa sandalan ng sofa at ang isa'y may hawak na magazine. Nakababa iyon sa hita niya. Walang palya, saktong-sakto ang pagtatagpo ng aming mga mata na tila ba kanina pa iyon nakahanda para sa paglingon ko.

“H-huh?” ang tanging nasabi ko.

“May lakad tayo ngayon.” Ni hindi siya kumurap nang sabihin iyon. 

“So, paano, Alliyah?” bigla akong na-pressure sa sinabi ni Ruan! 

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at kay Russel. 

Madramang bumuntong-hininga si Daimler sa tabi ko. Pinanliitan ko siya ng mata para itanong kung anong problema niya pero nasa screen pa rin ang atensyon niya. Napasulyap na rin ako. Nakahihilong charts and quantitative tables ang naroon. Gusto kong literal na mahilo sa dami ng numerong itinitipa niya.

“Oh, I guess, mas mabuting kunin ko na lang kay Luke yung payment at ihahatid ko na lang dito bukas. Baka mas importante yung lakad niyo ni Russel.”

Nanghihinang tumango ako kay Ruan. Wala akong masabi kahit hindi ko rin alam kung anong lakad ang sinasabi ni Russel. Dahil sa talim ng tingin ng huli ay malapit nang mapunit ang lakas ng loob ko.

“Kuya!” Padabog na naglalakad si Madeley patungo sa direksyon namin.

Bihis na bihis na ito. Brown bubble skirt at  black blazer ang kaniyang suot. Nakapang-ilalim doon ang black spaghetti strap. She's wearing makeup too. It made me guess about the photo shoot na binanggit ni Nanay kanina.

“What?” iritadong baling sa kaniya ni Daimler.

“Come with me!” nakapamewang nitong sabi. 

“No. May tinatapos ako.” 

“At sinong kasama ko ro'n?” 

“You can do it yourself. Malaki ka na.”

Pumadyak si Madeley. Nag-iwan iyon ng alingawngaw. “I will call Dad.” Masama itong tumingin kay Daimler. 

“Dad knows about my refusal. Bakit hindi ka roon sa manliligaw mo magpasama?” 

Bumakas ang gulat ni Madeley. Nakangisi lang sa kaniya si Daimler, walang bahid ng pagsisisi. 

Tumikhim si Russel. Nasulyapan ko na naman ang matatalim niyang mga mata. “Who the hell, Madeley?” 

Matapos ang masamang tingin ni Madeley kay Daimler ay napalitan iyon ng takot kay Russel. “He's not... I- I mean...”

“I know the guy. Madalas ko 'yong nakikitang kasabay ni Mad sa school.” Nag-unat si Daimler.

“At hinahayaan mo lang?” Pahagis na binitawan ni Russel ang magazine. Dumulas iyon sa mesang bubog. 

Napatuwid ako ng upo. Bigla akong kinabahan sa magkakapatid na ito. Magtatalo-talo ba sila ngayon? Dapat na yata kaming umalis ni Ruan. 

Kahit hindi ako yung nasa hot seat, nauunawaan ko ang hitsura ni Madeley ngayon dahil kagaya niya, ilang beses na rin akong kinabahan sa boses ni Russel.

“Zyrion is just my friend,” sa wakas ay tuwid na nasabi ni Madeley. Ramdam ko ang lakas na pinakawalan niya roon. 

“Even so. You're just fifteen, Madeley. Don't disappoint me,” striktong anas ni Russel. 

Napasinghap ako sa lamig ng boses niya. 

“Friends are fine, Mad. Just don't go beyond the lines,” maaliwalas na dugtong ni Russel. 

Madeley sighed. “I know, kuya. My only problem here is kuya Daimler!” Bumalik ang iritasyon sa boses nito. Bakas na bakas ang paninisi at pagsusumamo. 

“Unfortunately, your kuya needs to finish the charts before the afternoon comes. He can't really come with you. But Ruan is here and he's available.”

Lumiwanag ang mukha ni Madeley. Samantala, kunot-noong itinuro ni Ruan ang sarili, tila gustong kumpirmahin kung siya nga ba. 

“Yes!” Madeley exclaimed in so much excitement. 

“Bakit ako?” manghang tanong ni Ruan. Tumingin siya sa akin, naghahanap ng sagot pero wala akong maitutulong dahil hindi ko rin alam. 

Besides, close naman yata siya sa magkakapatid. Wala akong nakikitang problema roon.

Just like what I thought, hindi na iba si Ruan sa kanila to the point na ipinagkatiwala ni Russel sa kaniya ang bunso nilang babae. Nakaalis na sina Ruan at Madeley pero nakatulala pa rin ako sa malaking gate na dinaanan nila. Kita kong nagpasya rin si Ruan na sasakyan na lang niya ang gamitin. Siya na rin ang sasama kay Madeley sa photo shoot hanggang sa matapos iyon. Bago umalis ay sinabihan niya akong siya nang bahalang kumausap kay Luke. 

Nakahalukipkip ako habang nakasandal sa  terrace. Iniwan ko muna si Daimler sa sala. Sa sobrang busy niya ay nailang na akong manatili roon. Sa pagkunot pa lang ng noo niya at marahas na pagbuntong-hininga ay malinaw nitong ipinahihiwatig na hinding-hindi siya puwedeng maistorbo. 

Mula rito sa terrace ay tanaw ko ang matatangkad na bulaklak sa hardin. Ibang-iba sa una kong nasilayan, may mga paru-parong naglalakbay sa bawat bulaklak na madaanan. Bahagya akong nanghinayang. Iguguhit ko rin sila kapag nakatyempo ako. 

“Hindi ka na ba magpapalit?” 

Sa halip na lingunin si Russel ay napatingin ako sa suot ko. I'm wearing a black harem pants and a medium size white t-shirt. Sapat na rin ang flip flop na suot ko. Lumapit siya sa akin at pumirme sa harap ko. Natakpan ang view ng mga paru-paro at napalitan iyon ng matipuno niyang katawan. Kagaya pa rin kanina, suot niya ang gray v-neck shirt, denim shorts at mamahaling tsinelas. Hapit sa katawan niya ang suot na damit kaya mas nadepina ang mga braso niya.

Matamang nakadirekta sa akin ang matatalas niyang tingin. Muli kong binalikan ang tanong niya, kung hindi na raw ba ako magpapalit. Ang pagkamahangha ko ay napalitan ng kuryosidad. 

“Nakakahiya ba yung suot ko?” 

Umiling siya at hindi na muling nagsalita hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Sa loob ay hindi ako mapakali. Ito ang pangalawang beses na nakasakay ako sa sasakyan niya. Kung noong una ay hindi ko na nabigyan ng pansin ang kabuuan nito, ngayon naman ay bumuhos lahat sa akin ang iba't ibang isipin na dapat ay napakawalan ko na. Ang isiping magkasama kaming dalawa ngayon dito ay hindi ko alam kung paano tatanggapin nang matiwasay. Gusto kong bumaba dahil sa antisipasyon! 

“S-saan ba tayo pupunta?” 

“Sa farm.” Diretso lang ang tingin niya sa daan. 

Napaawang ang labi ko. Agad kong naisip si Venus! Nang ibalik ko ang tingin sa kalsada ay hindi ko na naitago ang malapad kong ngiti. Nakagat ko ang daliri ko dahil sa pagkasabik. Kung sinabi niya agad na roon ang punta namin, hindi na sana ako nagdalawang-isip!

Nilingon ko siya. Sinalubong ako ng seryoso niyang tingin pero sa halip na mailang ay mas lalo akong nangiti. Hindi niya alam kung gaano ako nasorpresa ngayon! Hindi man si Venus ang dahilan ng pagpunta namin doon, masaya pa rin ako dahil makikita ko na ulit ang best friend ko. Marami akong ibabalita sa babaeng iyon! Ngayon pa lang ay naiimagine ko na ang magiging reaksyon niya sa mga ikukwento ko!

Kunot-noo siyang nag-iwas ng tingin at ibinalik ang konsentrasyon sa pagmamaneho. Bumukol ang muscle niya sa braso nang iliko niya ang sasakyan. 

“Damn, don't fucking smile,” pabulong niyang sabi. 

Palihim akong napasinghap. Hindi yata niya alam na narinig ko iyon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status