MasukHalos maubos ang pasensya ko at tanging awa na lamang para sa sarili ang natira nang matapos kong basahin ang lahat. Sa senaryong mga ibinigay ni Lucien, pakiramdam ko ay ako ang labis na agrabyado. Na hindi lamang si Lucien ang dapat magprotekta sa akin at magtanggol—kundi pati na ako mismo.
Iyon ay dahil ako lang ang totoong nakakaalam ng lahat. I can use Caleb as my alibi dahil siya ang nakakita sa akin noong oras ng attack kay Flyn sa bahay namin. Iyon lang. Si Caleb lamang ang tanging alibi ko. At masyadong mahinang defense iyon base sa sinabi ni Lucien.
Pagkatapos ng meeting ay bumalik na lamang agad ako sa silid upang magpahinga. Gusto kong lumabas at magpahangin o kaya puntahan si Claire, ngunit matapos ang nangyari noong nakaraang araw, mas naging mahigpit ang pagbabantay sa akin.
Nakatulala ako sa harap ng malaking salamin na ito nang marinig ko ang katok kasunod ng pagbukas ng pintuan.
“Sweetheart…” I saw Victoria Steele staring at my back.
Kitang kita ko ang pinaghalong galit at awa sa mga mata niya habang pinagmamasdan niya ako. Hindi ako nagsalita. Sa halip ay isinuot ko ang damit ko at humarap sa kanya.
“May kailangan po ba kayo?”
“Do you want to come with us? We want you to meet someone close to our heart,” aniya sa malumanay na boses na tila ba inaalo ako.
Kasabay nito ay ang pagnanais sa mga mata niyang lapitan ako at hawakan. Samantalang ako ay nanatili lamang na nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko iyon susuklian.
I didn’t even know how to respond to any comfort and tenderness someone offered me.
“Sino po?” tanong ko.
“Get dressed. I’ll wait for you downstairs,” aniya imbes na sagutin ang tanong ko kaya tumango na lamang ako.
Akala ko ay aalis na siya, ngunit bigla siyang humakbang papalapit sa akin kaya bahagya akong napaatras. She noticed it and just gave me a warm and soft smile. Pagkatapos ay bigla na lamang niya akong niyakap.
“I’m so sorry you had to endure everything alone. We’re very sorry… Hayaan mo sana kaming bumawi sayo, Aeris,” malumanay niyang bulong.
Saglit na natigilan ako bago tuluyang bumagsak ang balikat ko. Biglang hindi ko maramdamang ang mga kamay at tuhod ko. Nang sandaling bitawan niya ako mula sa pagkakayakap ay muntik pa akong matumba. Pagkatapos ay agad ding siyang lumabas. And
I fell to my knees. Sa isang iglap, tanging mga impit na hikbi ko na lamang ang naririnig sa buong silid na iyon. Sa napakalaking silid na ito na bigla na lamang naging masikip at madilim para sa akin. It was suffocating. And for the last time, I let myself suffocate.
Ilang oras pa akong nanatili sa silid bago ako tuluyang bumaba. Sa loob ng sasakyan, nadatnan ko roon ang mag asawang Steele na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko sila tatawagin. Akala ko ay kasama rin si Caleb ngunit hindi na ako nagtanong.
Ilang minuto pa ay nasa tapat na kami ng isang mataas na building. Tiningala ko pa iyon nang bumaba ako sa sasakyan. Sa sobrang taas nito ay bigla akong nalula. Mas mataas at malaki pa nga yata ito kaysa sa building ng kompanya ni Flyn.
Lalo akong namangha nang makapasok kami. Pansin ko ang awtomatikong paghinto at pagyuko ng lahat ng makakasalubong namin. Karamihan ay bumabati pa sa mag asawa at tanging tipid na ngiti lang ang ibinibigay sa akin. Ang iba ay naririnig ko pang nagbubulungan sa oras na makalagpas kami.
We arrived at the 24th floor of the building using the exclusive lift for the Steele couple. Nang makapasok kami sa malaking tila opisina ay bigla akong nanliit nang tumambad sa akin ang dalawang matandang kasing-edad at postura ng mga magulang ko. Sa dulo ng silid, sa solong sofa, doon ko nakita ang isang lalaking tahimik na nakaupo habang nakatitig sa magazine sa kamay niya.
Tingin ko ay kasing-edad niya si Lucien.
“Siya na ba?” Dumako ang tingin ko sa harapan nang marinig ko iyon.
Nakapukol ang mga tingin sa akin ng apat na ito, ngunit hindi panghuhusga ang nakalakip sa mga mata nila. Kundi kaligayahan.
“She’s the one… finally. Totoo na to,” my biological dad stated.
Bago pa ako makapagreact ay agad akong sinugod ng yakap ng matandang babae.
“Ang tagal ka naming hinintay, hija… Kung alam mo lang,” anito sa nanginginig na boses.
Napansin ko ang pagbaling ng tingin sa amin ng lalaking nakaupo habang yakap ako ng babaeng ito. Nangunot ang noo niya saka tumayo rin at lumapit sa amin. Nakapako lang ang tingin ko sa kanya dahil sa kakaibang kilos niya. Ni hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
“Elias, your cousin Aeris. She’s finally here…” Victoria Steele said which made me flinch.
Elias?
“Why are we here again?” tanong ko sa gitna ng pag uusap nila na hindi ko maintindihan.
Lahat sila ay napatingin sa akin maliban kay Elias na seryosong nakatingin sa cellphone niya. Kanina, akala ko ay babatiin niya rin ako gaya ng mga magulang niya na mga tito’t tita ko, ngunit hindi. Pagkatapos niya akong titigan nang matagal ay bumalik siya sa upuan niya kanina at hindi na nagsalita pa.
He’s my cousin, Elias. What a coincidence. Agad na naisip ko ang lalaking kausap ni Flyn nang gabing iyon nang balakin niyang ibigay ako sa lalaking nagngangalan ding Elias.
“Aeris, we want you to learn how our family works. Habang inaayos ni Attorney Stone ang kaso mo, gusto sana naming ipakilala ka sa lahat bilang official na parte ng Steele family, our long-lost daughter,” paliwanag ng aking ina habang malumanay na nakatingin sa akin.
“Alam namin lahat ng pinagdaanan mo sa kamay ng mga foster parent mo, Aeris. Mas mapoprotektahan ka namin sa paraang ganito kung tuluyan mo nang yayakapin ang pagiging Steele mo,” paliwanag din niya.
Lalo akong nakaramdam ng kaguluhan. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo ni Elias habang nakatingin pa rin sa phone niya.
“Bakit? Ano po bang kayang ibigay na proteksyon ng pangalang Steele sakin?” diretsong tanong ko sa kanila.
Saglit na tumahimik ang buong silid. Hanggang sa may biglang kumatok at agad na bumukas ang pintuan. Nilingon ko ang matangkad na babaeng pumasok. Nakasuot ito ng red na cat-eye glass at dire-diretsong tumungo sa aking ina.
“Madam, nasa conference room na po ang lahat,” anito at saglit na sumulyap sa akin. “The Beauforts are looking for you and Don Dominic already.”
“Tell them to wait.”
Iyon lamang ang sinagot ni Victoria Steele bago muling lumabas ang babae saka bumaling sa akin. “Elias will be with you here habang nasa meeting kami. He’ll tour you around,” nagmamadaling sabi ng matanda.
Bago sila tuluyang umalis ng silid ay may binulong pa ang mag asawa kay Elias. Nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dumako ang tingin ko kay Elias na dahan-dahang binaba ang cellphone niya at lumingon sa akin.
“Aeris, huh? The murderer who killed her husband,” he stated, na parang siguradong sigurado siya roon. Agad na gumapang ang iritasyon sa puso ko dahil sa sinabi niya.
“Wala akong pinatay na kahit na sino,” malamig na sagot ko.
Muli siyang ngumisi. Umayos siya ng upo at sumandal saka mataman akong tinitigan.
“Alam mo ba ang totoong dahilan kung bakit dinala ka rito nina Aunty at Uncle?” tanong niya.
Everyone is so excited to see the twin. Ramdam ko ang pagsabog ng puso ko sa sobrang kagalakan sa kadahilanang maraming nagmamahal sa mga anak ko. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari nang mga nakaraang buwan habang ipinagbubuntis ko sila. Bumyahe pa ang ilan sa pamilya ko patungo rito sa Australia just to see us in person. Hindi raw sila makukuntento sa video chat lang.Lucien and I decided to postpone our wedding until I gave birth. Alam kong maayos din ang takbo ng kompanyang pansamantalang iniwanan ko dahil nasa mga kamay ito ni Uncle kahit pa abala rin ito sa family businesses niya. Sina Annie ay kamakailan lang ay kinasal na rin maging si Heather.Abala ako sa pagtitig ko sa mga anak kong mahimbing ang tulog sa tabi ko nang bumukas ang pintuan kaya umangat ang tingin ko roon. Umalis na ang lahat maging si Lucien upang bumili ng makakain namin kasama si Armani.Napangiti ako nang makita ko siya. Maluha-luha itong lumapit sa 'min kasama sina Yvo, Benjamin, at Rei."Oh... ang mga
Humiwalay ito sa 'kin at naglakad patungo sa walk in closet namin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa harapan ko dala ang isang brown envelope. Ngumisi ito saka kinagat ang ibabang labi niya habang inaabot sa 'kin ang envelope na iyon."What's this?""Just open it." He commanded me.Ni walang pumasok sa utak ko kung ano ang bagay na 'yon kaya kaswal na kaswal kong binuksan at kinuha ang laman no'n.Tahimik lang kaming dalawa. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakasulat sa mga papel na hawak ko. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko kasabay ng unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko. Natutop ko saglit ang bibig ko habang masuyong binabasa ang mga nakasaad doon. Checking if it's real or not, but no, it is fucking real."O-oh, God, Lucien . . ." I almost whispered to myself and immediately looked up to him. Malawak na ang ngiti nito sa 'kin habang nangingislap pa ang mga mata."W-what is this? Is this real?" Gulong-gulo kong sambit sa kaniya.Hindi siya
"Yes, please. Aayusin ko pag dating ko. Maraming salamat. I owe you big one." Dinig kong sinabi ni Lucien sa kanyang cellphone.Nakaharap siya sa dagat at ang malapad niyang likod ay kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong naglakad nang nakapaa."Oo nga, uuwi nga kami ngayon. We just needed some time. I'm sorry for not telling you." Sabi pa niya at napatingin sa akin.Tumitig siya sa akin habang nakikinig sa kabilang linya. Nakapameywang siya at nag-angat ng ngiti."Oo, pakisabi na rin kay lola," aniya tsaka binaba na ang cellphone.Naglahad siya ng braso sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at
Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may sasabihin pa siya. Sa halip ay tumalikod ako sa kaniya at niyakap ang mga braso niya palibot sa aking baywang. I leaned my head on his chest and shut my eyes, feeling his heartbeat, and hearing his raspy voice."When I left, walang araw na hindi ko tinitingnan lahat ng message mo. I wanted to see you so bad. I wanted to hear your voice all over again. I wanted to see and feel your support live. I wanted you so bad that I was even more hurt when I finally found out about our family history."Mas ginusto kong pumikit nang marinig ko iyon. Imagining his pain when he found out about it, how his Mom got hurt because of my Mom, how his Mom suffered for more than a decade because of my family, and how his Mom endured it all alone without telling anything to Dad.
"What is it this time, Lucien? What happened? Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan-""Inuwi ni Uno si lola."Literal na natigilan ako dahil sa sinabi niya. Mabilis ko siyang tiningnan nang maramdaman ko ang kakaibang kaba sa puso ko."W-what? Why? What's happening, Lucien?""She wanted to surprise you. Noong nakaraang araw pa siya umuwi sa bahay kaya madalas akong wala. Kanina nang susunduin na namin siya para pumunta rito, she said she can't do it dahil biglang sumama ang pakiramdam niya-""Oh my god! Is she okay? Why didn't you tell me right away?" I cut him off.Nakita ko ang gulat sa
"Happy birthday, Aeris! They are getting bigger na!" Excited na bati sa 'kin ni Claire nang makarating siya kasama si Elias.Natawa lang ako saka tiningnan din ang tiyan niya."Kailan ang labas nito?" Tanong ko at nagpasalamat sa pagbati niya sa 'kin."By next week pwede na." Elias answered and handed me a paper bag na agad ko namang tinanggap. "Happy birthday.""Thank you. Nag abala pa kayo. Get in, nasa loob na ang iba." Paanyaya ko sa kanila at sinamahan na silang pumasok.Nang maihatid ko sila sa main door ng mansion ay bumalik ako sa labas kung nasaan ang malawak na hardin ng mansion ng mga Reed. Tumingala ako sa langit at napapikit nang sandaling umih







