Share

Chapter 4

Author: anrizoe
last update Last Updated: 2025-09-18 09:50:56

Nang lumapag ang tingin ko roon, nagpeplay na ang isang CCTV footage. Naningkit ang mga mata ko’t nalaglag ang panga ko nang makita ko ang sarili kong sinusundan si Flyn patungo sa kitchen. The woman in the video took the kitchen knife and suddenly stabbed my husband.

Natutop ko ang bibig ko. Kamukhang kamukha ko ang babae sa footage maging ang damit na suot ko nang gabing iyon. Pero hindi ako yon! Paanong magiging ako ‘yon kung nakuha na ako ni Caleb nang gabing iyon sa tulay?

Padarag kong isinara ang laptop at marahas na umiling.

“Hindi. Hindi ako ‘yan. Hindi maaaring ako ‘yan,” naalarma at kinakabahan kong giit at tiningnan siya. “Sigurado akong hindi ako ‘yan. Umalis ako sa bahay nang gabing ‘yan nang hindi pa nagsisimula ang nangyaring party kasama ang mga kaibigan ni Flyn sa bahay.”

Tumigas ang ekspresyon ni Lucien at mas lalong lumalim ang tingin niya sa akin. Umayos din siya ng upo. Bakas sa ekspresyon at kilos niya na naging interesante sa kanyang pandinig ang sinabi ko.

“Then why did you go outside that night? Saan ka nagpunta? May makakapagpatunay ba na wala ka talaga sa bahay niyo nang gabing yan?” His questions sound curious to me. Hindi iyong typical na tanong ng mga abogado.

Tila ba nais niyang malaman sa pansarili niyang dahilan.

O iyon lang ang nais kong paniwalaan?

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at sinulyapan si Caleb na naghihintay rin ng sagot ko. Napatingin ako sa mga braso ko at sa hita ko. Kitangkita pa ang mga pasa ko roon at nakapagtatakang hindi sila nagtanong tungkol dito. Marahil ay alam na nila ang nangyayari sa akin sa bahay na iyon.

“Aeris, you need to tell him the truth para matulungan ka niya,” Caleb convinced me when he felt I was hesitating for a moment.

Tumango ako. Nagsimulang mag shake ang mga tuhod ko ngunit agad na ipinatong ni Caleb ang kamay niya sa hita ko kaya tiningnan ko siya.

“Calm down. You’re safe here,” malumanay niyang sabi kaya tuluyan nang nag init ang puso ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tiningnan si Lucien.

“Binugbog ako ni Flyn nang gabing ‘yon dahil tumanggi akong maging bayad-utang niya sa mga kasosyo niya sa negosyo. Nasa kwarto ako noong narinig ko siyang may kausap sa cellphone. Sabi niya ay isusuko niya ako sa taong nagngangalang Elias at gusto niyang makasiguro na mapapalabas sa lahat na patay na ako. I was so scared that’s why I ranaway,” paliwanag ko sa kanila. Ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko at ang paghihirap ko sa paghinga.

Natahimik ang buong silid. Tanging naririnig ko lamang ay ang tunog ng wall clock at ang mabigat na paghinga ni Caleb sa tabi ko. Ramdam ko rin ang marahan niyang paghaplos sa likod ko na para bang inaalo niya ako kaya tiningnan ko sya. Nagulat ako nang makita ko ang labis na galit sa mga mata niya.

“Eh dapat lang pala talaga sa kanya na mamatay. Mabuti na lang ay wala na sya dahil kung nagkataong buhay pa sya ay gagawin ko ang lahat para lang mahirapan sya bago sya tuluyang mamatay,” matigas na pahayag ni Caleb.

Lumipas ang buong araw na iyon nang nasa mansion si Lucien at ipinapaliwanag ang lahat kina Caleb at sa mga biological parents ko. Tahimik lang ako at pinagmamasdan siya magdamag. He sounds like a professional naman. Hindi mahahalata na hindi talaga siya isang abogado—kung hindi nga talaga—dahil base sa mga sinabi niya ay marami siyang alam sa batas at sa proseso nito.

Kinagabihan, nagkulong ako sa silid ko at inaksaya ang buong oras ko sa pagsearch ng mga nangyari nang gabing iyon. Totoong kamukha ko ang babae sa CCTV footage at damit ko rin ang suot niya nang gabing iyon, pero hindi ko maintindihan. Sino iyon at bakit niya pinatay si Flyn?

Isa ba siya sa mga pinagkakautangan ng asawa ko at buhay na lang ni Flyn ang kinuha niyang kabayaran?

Doon na nagsimula ang madalas na pagbisita ni Lucien sa mansyon ng mga magulang ko kasabay ng pagkatuklas ko paunti-unti sa mundong kinabibilangan ko.

“Hindi mo sinabing pupunta ka ngayon,” ani ko at inilahad ang kamay ko sa harapan niya, “Attorney Luke.”

Masungit na tiningnan ni Lucien ang kamay kong nasa harapan niya na para bang hindi siya makapaniwala sa paraan ng pagbati ko sa kanya. Ano ba dapat?

“We have something to discuss about the upcoming hearing this weekend. I asked Caleb to bring you to my office but he wasn’t answering my calls, so I decided to drop by,” aniya at bigla na lang hinalikan ang pisngi ko.

My mouth agape ngunit parang wala lang iyon sa kanya. Matagal bago ako nakareact. Narinig ko pa ang pagngisi niya.

“What? Hindi mo alam ang ganong pagbati? I’m not just your lawyer, Aeris,” aniya pagkaupo.

Tumaas ang kilay ko. Sumenyas ako sa maid na naroon na magdala ang anumang inumin o pagkain para kay Lucien at agad siyang umalis. Wala ang mag asawang Steele na hindi ko pa rin alam kung paano ko sila ituturing na mga magulang. Tanging si Caleb lang ang kinakausap ko mula nang bumalik ako rito.

“Ano pa pala kita kung ganon, Attorney Stone?” 

Lucien’s gaze bore into mine. Para na naman akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya.

Sinubukan kong putulin iyon at mapaklang tumawa.

“Oo nga pala. You’re my uncle-in-law,” kibit-balikat kong sabi sa kanya at tiningnan siya.

Agad na rumehistro ang iritasyon sa ekspresyon niya bago umirap kaya napaawang ang bibig ko. Umigting ang panga niya at inilabas na ang mga papeles sa mesa.

“Let’s start. The hearing will start this weekend. Do you want me to help you review these files or you can do it on your own?” Seryoso niyang sabi at inabot sa akin ang isang folder.

Hindi na nagbago pa ang kanyang ekspresyon at nanatili na lamang iyon matigas. May mali ba akong nasabi?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 163

    Everyone is so excited to see the twin. Ramdam ko ang pagsabog ng puso ko sa sobrang kagalakan sa kadahilanang maraming nagmamahal sa mga anak ko. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari nang mga nakaraang buwan habang ipinagbubuntis ko sila. Bumyahe pa ang ilan sa pamilya ko patungo rito sa Australia just to see us in person. Hindi raw sila makukuntento sa video chat lang.Lucien and I decided to postpone our wedding until I gave birth. Alam kong maayos din ang takbo ng kompanyang pansamantalang iniwanan ko dahil nasa mga kamay ito ni Uncle kahit pa abala rin ito sa family businesses niya. Sina Annie ay kamakailan lang ay kinasal na rin maging si Heather.Abala ako sa pagtitig ko sa mga anak kong mahimbing ang tulog sa tabi ko nang bumukas ang pintuan kaya umangat ang tingin ko roon. Umalis na ang lahat maging si Lucien upang bumili ng makakain namin kasama si Armani.Napangiti ako nang makita ko siya. Maluha-luha itong lumapit sa 'min kasama sina Yvo, Benjamin, at Rei."Oh... ang mga

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 162

    Humiwalay ito sa 'kin at naglakad patungo sa walk in closet namin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa harapan ko dala ang isang brown envelope. Ngumisi ito saka kinagat ang ibabang labi niya habang inaabot sa 'kin ang envelope na iyon."What's this?""Just open it." He commanded me.Ni walang pumasok sa utak ko kung ano ang bagay na 'yon kaya kaswal na kaswal kong binuksan at kinuha ang laman no'n.Tahimik lang kaming dalawa. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakasulat sa mga papel na hawak ko. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko kasabay ng unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko. Natutop ko saglit ang bibig ko habang masuyong binabasa ang mga nakasaad doon. Checking if it's real or not, but no, it is fucking real."O-oh, God, Lucien . . ." I almost whispered to myself and immediately looked up to him. Malawak na ang ngiti nito sa 'kin habang nangingislap pa ang mga mata."W-what is this? Is this real?" Gulong-gulo kong sambit sa kaniya.Hindi siya

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 161

    "Yes, please. Aayusin ko pag dating ko. Maraming salamat. I owe you big one." Dinig kong sinabi ni Lucien sa kanyang cellphone.Nakaharap siya sa dagat at ang malapad niyang likod ay kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong naglakad nang nakapaa."Oo nga, uuwi nga kami ngayon. We just needed some time. I'm sorry for not telling you." Sabi pa niya at napatingin sa akin.Tumitig siya sa akin habang nakikinig sa kabilang linya. Nakapameywang siya at nag-angat ng ngiti."Oo, pakisabi na rin kay lola," aniya tsaka binaba na ang cellphone.Naglahad siya ng braso sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 160

    Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may sasabihin pa siya. Sa halip ay tumalikod ako sa kaniya at niyakap ang mga braso niya palibot sa aking baywang. I leaned my head on his chest and shut my eyes, feeling his heartbeat, and hearing his raspy voice."When I left, walang araw na hindi ko tinitingnan lahat ng message mo. I wanted to see you so bad. I wanted to hear your voice all over again. I wanted to see and feel your support live. I wanted you so bad that I was even more hurt when I finally found out about our family history."Mas ginusto kong pumikit nang marinig ko iyon. Imagining his pain when he found out about it, how his Mom got hurt because of my Mom, how his Mom suffered for more than a decade because of my family, and how his Mom endured it all alone without telling anything to Dad.

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 159

    "What is it this time, Lucien? What happened? Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan-""Inuwi ni Uno si lola."Literal na natigilan ako dahil sa sinabi niya. Mabilis ko siyang tiningnan nang maramdaman ko ang kakaibang kaba sa puso ko."W-what? Why? What's happening, Lucien?""She wanted to surprise you. Noong nakaraang araw pa siya umuwi sa bahay kaya madalas akong wala. Kanina nang susunduin na namin siya para pumunta rito, she said she can't do it dahil biglang sumama ang pakiramdam niya-""Oh my god! Is she okay? Why didn't you tell me right away?" I cut him off.Nakita ko ang gulat sa

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 158

    "Happy birthday, Aeris! They are getting bigger na!" Excited na bati sa 'kin ni Claire nang makarating siya kasama si Elias.Natawa lang ako saka tiningnan din ang tiyan niya."Kailan ang labas nito?" Tanong ko at nagpasalamat sa pagbati niya sa 'kin."By next week pwede na." Elias answered and handed me a paper bag na agad ko namang tinanggap. "Happy birthday.""Thank you. Nag abala pa kayo. Get in, nasa loob na ang iba." Paanyaya ko sa kanila at sinamahan na silang pumasok.Nang maihatid ko sila sa main door ng mansion ay bumalik ako sa labas kung nasaan ang malawak na hardin ng mansion ng mga Reed. Tumingala ako sa langit at napapikit nang sandaling umih

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status