Chapter 8
Importunate "Hello po, Kuya, good morning po. Daan po kami dito, ha? Huwag mo po ulit awayin ang Mama namin!" malakas na sigaw ni Jon sa lalaking nakatayo sa labas ng ginagawang building. Mukhang alam niyang dadaan ulit kami at makikipagkulitan na naman sa mga bata, na gustong-gusto ng mga anak ko. Kahit na sinabihan ko na sila na huwag masyadong makipag-usap sa lalaki dahil hindi naman namin siya kilala. "Good morning po!" sabay na bati rin ni Jan at Jam. "Hey, kids! Nice to see you again here! Good morning to all," nakangiting bati ni Jupiter sa mga bata, pero sa akin naman nakatingin. "Huwag mo na silang kakwentuhan. Late na sila sa paaralan," singit ko. "Late po kasi gising si Mama, kaya male-late na po ulit kami, Tito pogi," sabi ni Jam. "Hirap niya po gisingin, Tito," sumbong pa ni Jan. "Kailangan pa po namin sumigaw para lang magising si Mama, tapos sisimangot siya," segunda naman ni Jon. "Parang nguso na po ng bibe ang nguso ni Mama eh. Tapos ang mata ni Mama parang lasing na pusa," panlalait ni Jan sa itsura ko. Humalakhak naman ang lalaki, pati ang tatlong bata, gumaya na rin sa pagtawa niya. Napairap ako sa hangin. "Sige mga anak, makipagkwentuhan na lang kayo sa taong iyan. Hindi na kayo papasok sa paaralan, okay?" seryoso kong sabi sa kanila. "Sorry po, Mama," paumanhin agad ni Jon. "Mama, puwede po ba siyang magpasyal sa bahay para may kalaro po kami na malaking tao?" tanong pa ni Jan. "Ayaw namin sa mga kalaro namin na mga bata sa bahay, Mama. Iyakin sila eh," nguso ni Jam. "Kunting tulak lang, iiyak na sila. Nako, Mama, mga lampa sila!" sabi ni Jon. "Hindi puwede, mga anak, ang magpasok sa bahay ng stranger, lalo na't lalaki pa. Hala, lakad na," sabi ko at hindi ko na pinansin si Jupiter. Ngayon ko lang na naman ulit ito nakita dito. Hindi ko pa pala natanong kung alin sa tatlo ang permanente nitong trabaho. Ang delivery boy ba? Ang construction worker o magnanakaw? Alin ang mas mabilis kumita ng pera sa tatlong 'yan? Tanong ko pa sa isip ko. 'Syempre yung magnanakaw, ano pa nga ba?' sagot ng isip ko. "Alis na kami. Sa susunod, 'wag ka na magpapakita dito dahil nawiwili na ang mga bata sa pakikipagkwentuhan sa'yo," seryosong sabi ko. "Ay, grabe ka naman! Gusto mo bang mawalan na ako ng trabaho, ha?" sagot naman nito. "Ang sabi ko lang, 'wag ka na magpapakita. Kung maaari, sa loob ka lang, wag na dito sa labas. Nakakaperwesyo ka na!" sikmat ko. "Na-perwesyo raw? Hindi naman, di ba, mga kids?" tanong pa ni Jupiter sa mga bata. "Hindi po. We like you po. Gusto namin ikaw kausap po at kalaro," ngiti ni Jan. "Oh siya, tama na, lakad na!" awat ko na. "Bay-bay po, Kuya," "Bay-bay po, Tito," "Bay-bay po, pogi na Tito," sabay-sabay na sambit ng mga bata. "Tsee!" sabi ko naman, na ikinatawa ng lalaki. "Sungit talaga ng Nanay Jelang ninyo, mga kids," ngiti ni Jupiter. "Yes po," "Opo!" sabay na naman sila. Pagalit ko na naman silang inutusan na maglakad na. Tumalima naman sila agad. Nagmadali na akong bumalik pauwi dahil nagpachange schedule ako sa trabaho ko. Gusto ko kasi na makasama sa gabi ang mga anak ko at maturuan pa sa mga assignment nila at sa pagbabasa. Pag-uwi ko kasi sa gabi, tulog na silang tatlo. Naawa naman ako sa kalagayan nila, wala na nga silang ama, wala pang ina na nakakasama sa pagtulog. Nahabag ako sa mga anak ko. Kaya gagawin ko ang lahat upang mapunuan ko lang ang pangangailangan nila. At mamahalin ko sila higit pa sa buhay ko. Nagulat ako nang may humarang sa dinaraanan ko. Ganito ba ka-occupied ang utak ko na hindi ko man lang namamalayan na nakarating na ako dito sa ginagawang building? "May problema ba?" agad na tanong ni Jupiter. "No, pansin ka at hindi mo naririnig ang pagtawag ko," dagdag pa nito. "Bulag at bingi talaga ako kapag ayaw ko sa nakikita kong tao," sagot ko naman. Tumawa lang ito. "Papasok ka na ba sa trabaho mo?" tanong pa nito. "Bakit ka nagtatanong?" "Masama ba?" "Oo, lalo na't hindi tayo magkakilala," sikmat ko. "Grabe ka talaga. Jupiter Stana, at your service, Miss Sungit. Pwede na tayong maging close? Nagpakilala na ako sa'yo, Miss binibining masungit," yumukod pa ito sa harap ko. Pinalo ko naman ang ulo niya. Imbes na magreklamo ang lalaki, tumawa lang ito sa ginawa ko. "Ano nga pala ang gusto mong klase ng close? Yung close na parang magkapatid o close na magkadikit? Pwede rin 'yung close na magkaibigan o magkakilala?" tanong nito. "None of the above. Lobat na ang energy ko sa’yo! Sige na, mag-charge pa ako. Nadi-drain ako sa'yo," sagot ko. "Sige, para may lakas ka mamaya," kindat nito. "Natural, kailangan ko ng lakas para sa pagtayo ko maghapon. Idagdag pa ang mga makukulit na kustomer at ikaw. Huwag ka na manggulo pa sa department store." "May delivery mamaya," sabi nito. Napatigil ako at lumingon sa kanya. "Ano ba ang permanente mong trabaho? Ang construction worker ba? Delivery boy o magnanakaw? Pwede rin holdaper?" tanong ko. Mapanuri kong tinitigan siya. Sasagot na sana siya nang may tumawag sa kanya mula sa loob ng gusali. "Talk to you later, Miss binibining masungit, bye!" nagmadali na itong umalis sa harapan ko. Mukhang may problema sa loob ng gusali. Ako naman ay nagmadali ng umuwi sa bahay ko.They know Jupiter? Tuwang-tuwa ang mga bata na pumasok sa loob. Palinga-linga sa paligid. "Wow, may balloon po!" bulalas ni Jan. "Lolo Pogi, pwede ba kami kumuha o maghingi po?" tanong rin ni Jam. "Itatanong natin mamaya sa manager ng restaurant," magiliw naman na sagot ni Tito. "Sige po," sagot naman nilang tatlo. Lumapit na sila sa front desk at kinausap ang nasa counter na isang lalaki. Nang sabihin ni Tito ang reservation niya, ay iginiya na sila sa lamesa na pinareserba ni Tito. Pinagitnaan ni Tito at Tita si Jam. Ang dalawang lalaki naman ay nasa gilid ni Tita sa kabila at ganoon rin ang isa sa gilid ni Tito. Para lahat raw ay maasikaso nilang dalawa. Pabilog naman ang mesa kaya maganda ang pagkakapwesto naming lahat. Malayo ako sa tatlo kong anak. Ang tumabi kasi kay Jan at Jon ay ang bunso at pangalawa, tapos ako at si panganay. "Pwede po tingin rin po kami sa libro ng mga pagkain, Tito Pogi?" tanong ni Jon. "Sure, apo. Here." Binigyan niya isa-isa ang ta
Saw him in the restaurant Jela "Let's go eat in the restaurant now!" anunsyo ni Tito ng medyo dumilim na. Pagod na ang mga bata, na nakikipaglaro sa mga Tito nila. Iba yung saya at halakhak nila, mas matunog at lalo silang sumigla dahil sa mga Tito nila. Akala raw ng mga bata wala silang totoo na Tito at mga Lolo at Lola. Ang alam lang nila ay namatay na ang Daddy ko kaya wala na silang Lolo. At sinabi ko rin na may sariling pamilya na ang mommy niya kaya silang apat na lang ang magkakasama sa mundo. "Wow kasama po kami Lolo Pogi?" nagpaawa pa na tumingin si Jan sa Lolo niya. "Yes, apo ko. Happy?" "Yeeeseng!" sigaw ng tatlong bata. "Happy po. Happy-happy!" sambit ni Jam at Jon. "Mama, makapasyal na ulit kami. Pede po maglaro rin sa maraming balls?" bulong ni Jan sa akin. Di ko sure kung narinig nila ang sinabi ni Jan. Mas mabuting hindi na lang nila narinig. "Hindi pa ba kayo pagod maglaro, anak?" mahinang tanong ko naman. "Iba po iyon, Mama, iba rin po ang nil
Chapter 49 Meet My Kids Jela "Holy sh!t!" bulalas ng bunsong pinsan ko. "God-damned it!" gulat rin na sambit ng panganay. "Wow!" namamangha sa gulat naman ang pangalawa sa magkakapatid. "Is this for real?" saad na bulalas ni Tito. "Jela!" bulalas pa nila sa akin. Sumimangot ako dahil sa reaksyon nila. Hinila nila ako mula sa aking kinauupuan patayo. Mahigpit nila akong niyakap. Napatili pa ako sa pagbuhat nila sa akin. "Huwag ninyong yakapin ang Mama namin, po!" malakas na sabi ni Jon. Pero ang dalawang bata ay tuwang-tuwa pa sa nakikita. Pati si Jam nakikitawa na rin. "Ibaba niyo ako!" inis na sambit ko. "Na-miss ka namin ilang dekada ng wala kang paramdam sa amin. Hindi kami kaaway, Jela!" sabi ng panganay na anak ni Tito. Hindi ako umimik. "Sabi ni Mommy nagtatrabaho ka bilang isang saleslady sa isang mall? Nagpapakahirap kang magtrabaho kung pwede ka namang magpatayo ng business na gusto mo o kahit huwag ka na magtrabaho marami ka namang pera," dagdag pa
Chapter 48 With my Tita Jela "Hanggang kailan mo ililihim sa amin na may mga anak ka na, ha hija?" malumanay na tanong ni Tita. "It's not that I keep them a secret, Tita. I keep them for their safety, ayokong madamay sila sa kasakiman ng Nanay ko!" sabi ko agad. At iyon naman talaga ang totoo. Bumuntong-hininga si Tita ng malalim. "Pero you can at least tell me, sa amin ng Tito mo. Nakalimutan mo na ba na sa amin ka binilin ng Daddy mo?" "Ayoko na pati kayo ay madamay rin sa panggugulo sa akin ng Nanay ko. At mas pinili ko po talaga ang tahimik na buhay na malayo sa lahat. Pasensya na po," mahina kong sabi kay Tita. "I understand hija! Okay lang ba na sabihin ko sa Tito mo na kasama kita ngayon with the kids?" alanganin na tanong niya sa akin. Marahan akong tumango, para saan pa't itatago ko sa kanila kung nakita na ako ni Tita with the kids. Mabuti sana kung ako lang ang nakita niya. May dahilan pa ako para maglihim. "Yay! I'm sure na matutuwa ang mga pinsan mo kapag nakita
My aunt saw my kids Jela Kapag day off ko sa trabaho, ganito lang ang ginagawa naming apat ng mga anak ko. Lalabas at magtatambay sa park, kapag hapon, uuwi na lang kapag medyo gumabi na. Pinakabonding na namin ito. At masaya ako dahil kontento na sila sa ganitong set-up. Dahil nakikinig sila sa mga payo ko sa kanila. Patawid na kami sa kalsada patungong park. Walking distance lang, kaya hindi na namin kailangan sumakay pa ng tricycle. Ang cute nilang panoorin habang naglalakad kami. May kanya-kanya silang bag na dala. Ang laman ng bag nila ay towel at damit, isama pa ang water bottle. Ang bag na dala ko naman ay mga snacks namin at ang blanket na mauupuan namin mamaya. Nagtatawanan ang mga anak ko, hindi ako makarelate sa usapan nila. Napapangiti ako dahil sa malalakas nilang tawa. "Mama, alam mo ba 'yong klasmate namin? Hindi niya alam tunog ng pato," sabi ni Jon. "Ang tunog daw duck, duck, duck," sabi naman ni Jam. Sabay pa silang tatlo na humagalpak ng tawa. "Tinuruan ko
Suspicious Jela Break time ko at nagtungo ako sa mga tambayan dito sa mall. May maganda rin kasing tambayan dito. Palaruan ng mga bata at tambayan na rin. Gusto ko dalhin dito ang mga anak ko kaso ayokong mai-chismis ako at gawan ng kung ano-anong kwento. Baka mapapaaway ako ng bongga. Saka na lang kapag okay na ang lahat. Naibibigay ko naman ang mga gusto nila pero hindi ko naman sila na-spoiled. Habang lumalaki sila, nagiging madaldal at makulit pa sila lalo. Hindi ko rin maiwasan na sumagi sa isipan ko ang lalaking ama ng mga anak ko. Hanggang ngayon, ginugulo pa rin niya ang isipan ko. Sana pala talaga, tinignan ko muna ang mukha niya o kumuha ako ng bagay na palatandaan sa lalaking iyon. Para alam ko ang ikukwento ko sa mga anak ko ng hindi ako gumagawa ng kasinungalingan para lang huwag nila hanapin ang ama nila. "Penny for your thoughts?" Napaigtad ako sa gulat. Nangunot ako dahil hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Sorry?" Patanong kong pa