Chapter 9
Selling Balut "Mama, puwede po kami kumain ng balut?" tanong ni Jon. "Puwede po ba sa amin kumain ng balut, Mama?" dagdag na tanong ni Jan. "Gusto ko rin po, Mama, ng shetsharon at bomb corn po," sabi naman ni Jam. Napalingon ako sa anak kong babae. What? Shetsharon at bomb corn? Saan naman niya nakuha ang salitang bomb corn? "Anong bomb corn, anak?" tanong ko kay Jam. "Yung niluluto po na buto ng corn tapos mag-boom!" sagot ni Jam. "Turo ni Jan, Mama, bomb corn daw ang tawag po eh," dugtong pa ni Jam. "Yes, it's bomb corn. I saw it on TV, noong niluto po nila yung buto ng corn. Parang yung tunog pa, Mama, pogs, pugs, pyang, chugs. Ganyan po, Mama, ang tunog," sagot naman ni Jan. Napahagikhik kami ni Jam. "Kaya gusto po namin kumain ng ganun, Mama, bomb corn po," ungot ni Jam. "Gusto ko rin po. Gusto ko rin po ng shesharon na may suka na maasim po," singit ni Jon. "Me too, Mama." "Gugutom po kami, eh, please Mama. Lagi po kaming mabait kay Nanay Rosing at Tita Susan," sabi pa ni Jam. "Yes po, nag-listen kami palagi, Mama," segunda naman ni Jan at yumakap pa sa akin. "Heto na naman yung paglalambing ninyo kay Mama para pumayag lang ako," ngiti ko naman. Yumakap na silang tatlo sa akin. "We love you, Mama namin," sigaw pa ng tatlong makukulit na bata. Napapikit pa ako dahil mukhang nabingi na yata ako. Alas otso na ng gabi, kaya sinuutan ko sila ng sombrero. Diyan lang naman kami sa kanto bibili, kaya isasama ko na lang silang tatlo. Safe naman kami dito. "Huwag maglikot sa daan ha? Huwag pasaway dahil nag-iisa lang si Mama, hindi ko kayo kayang habulin na tatlo. Kaya behave para mabilhan ko na kayo ng gusto ninyong pagkain," mahinahon kong bilin sa mga bata. "Opo Mama. Salamat po," sabay nilang sabi. Napangiti naman ako sa kabaitan nila. Pasalamat na lang ako na kahit makulit, madaldal, at malikot sila, ay palagi naman silang nakikinig sa mga bilin ko at sinasabi ko. Lagi kong pinapaalala na makinig sila dahil nag-iisa lang ang Mama nila. "Whoa! Narinig mo 'yun, Mama? May baluuuuut," sigaw ng anak kong si Jon habang ginagaya pa ang pagtawag ng nagbebenta ng balut. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa, ganun din ang dalawa kong pang-anak. "Ang kulit mo, anak," natatawa kong sabi. "Baluuuuuut, lapit ka dito! Bibili kami. Baluuuuut!" sigaw rin ni Jan. Kita kong papalapit na dito ang magbabalut. Excited naman ang mga anak ko na bumili ng balut. Pangalawang beses na silang nagsabi na gusto nilang kumain ng balut. Ngayon ko lang sila pinagbigyan dahil hindi ko sila pinagbigyan kumain ng balut noon dahil mataas ito sa protina at cholesterol. Hindi rin puwedeng mag-over eat sila ng balut baka mahirapan silang mag-digest. "Hello po, bili po kami ng balut," sabi agad ni Jon. "Mama, tingin mo, may shetsharon pa sila at bombcorn," kinilig pa ang anak kong babae. Natawa ang maglalako, pero napatigil ako nang parang nabosesan ko ang tawa niya. "Planeta?" paninigurado ko. Really? Magbabalut na naman ang sideline nito? Hindi ba siya napapagod sa maghapon nitong trabaho sa construction at delivery? Tinanggal naman nito ang suot na sombrero sabay yukod sa harapan namin. "Whoah! TITO, KUYA, TITO POGI!" malakas na sigaw ng tatlo. Excited pa silang lumapit at tumingala sa lalaking nasa harapan namin. "Pang-apat mo ng sideline ito, ha?" puna ko. Pero tungkol sa magnanakaw, di ko siguradong iyon. Natatawa lang siya kasi kapag tinatanong ko kung siya ba ay magnanakaw. "Don't mind my sidelines, Miss Sungit na gumanda dahil nakita mo na naman ako," ngisi nito. Sumimangot ako. Ang dami talagang alam ng lalaking ito. Parang tanga lang, eh. "Maganda talaga ang Mama namin, Tito. Ligaw mo po siya, ah?" inosenting tanong ni Jon. Ang anak kong si Jon talaga ang excited akong magkaroon ng manliligaw. Para daw hindi na ako malungkot. Nakikita kasi nila ako minsan na tulala at malungkot. Pero ang dahilan ng aking kalungkutan ay ang maagang pagkawala ng aking ama, ang Lolo nila. "Anak, kung ano-ano 'yang sinasabi mo, ha!" suway ko agad. "Bili na ng gusto ninyo para makauwi na tayo. Magbabasa pa kayo, di ba?" "Kuha na kayo ng gusto ninyo, mga kidos. Libre ko na kayo, pero hindi pwede kumain ng maraming balut, ha. Nakakasama yan sa kalusugan ninyo, one is enough," mahinahon na sabi ni Jupiter sa mga bata. "Opo, sinabi na rin po ni Mama iyan sa amin. Nag-call po si Mama sa'yo para sabihin mo rin yan sa amin, ah?" tanong ni Jam. Humalakhak naman ang lalaking makulit na ito. "No, baby, alam ko lang kasi gano'n ako noong bata ako. Sumakit ang tiyan ko sa dami kong kinain na baluuuuuut! Nagpororoooot pa ang pwet ko," kwento ni Jupiter. Nagtawanan naman ang mga bata. Ang suwabe ng boses nitong nagbigkas sa balut. Kaloka, heto na naman ako. "Sige po, isa-isa na lang po. Bait po kami at kikinig rin sa mga matatanda," sagot ni Jan. "Oh siya, kuha na," singit ko naman. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, lalaki!" mariin kong bulong sa kanya. Tumawa lang ito at naki-join na sa mga bata. "Wow! May itlog pa na maliliit, Mama. Tingin, ikaw po, gusto mo rin po ba, Mama, ha?" tanong ni Jan. "Okay lang ako, anak. Kuha na kayo ng gusto ninyo para makauwi na tayo." "Bakit excited kang umuwi, Miss Sungit? Nakikipagkwentuhan pa ang mga bata sa akin, eh," malumanay na sabi nito. "Nagtitinda ka ng balut, lalaki, wala ka nang maibenta kung makikipagkwentuhan ka sa mga bata. At isa pa, gabi na, kailangan na ng mga bata gawin ang mga assignment nila bago matulog," seryoso kong sabi sa kanya. "I understand. See you next time, mga kids. Okay na ba ang lahat? Tara na, hatid ko na kayo sa bahay ninyo," presenta pa nito. "Huwag na, gusto mo lang malaman kung saan ang bahay namin, eh," tanggi ko agad. Pero ang mga bata hinila na ang lalaki patungong bahay namin. Hindi ko lubos akalain na kay dali nilang pagkatiwalaan lang lalaking ito.They know Jupiter? Tuwang-tuwa ang mga bata na pumasok sa loob. Palinga-linga sa paligid. "Wow, may balloon po!" bulalas ni Jan. "Lolo Pogi, pwede ba kami kumuha o maghingi po?" tanong rin ni Jam. "Itatanong natin mamaya sa manager ng restaurant," magiliw naman na sagot ni Tito. "Sige po," sagot naman nilang tatlo. Lumapit na sila sa front desk at kinausap ang nasa counter na isang lalaki. Nang sabihin ni Tito ang reservation niya, ay iginiya na sila sa lamesa na pinareserba ni Tito. Pinagitnaan ni Tito at Tita si Jam. Ang dalawang lalaki naman ay nasa gilid ni Tita sa kabila at ganoon rin ang isa sa gilid ni Tito. Para lahat raw ay maasikaso nilang dalawa. Pabilog naman ang mesa kaya maganda ang pagkakapwesto naming lahat. Malayo ako sa tatlo kong anak. Ang tumabi kasi kay Jan at Jon ay ang bunso at pangalawa, tapos ako at si panganay. "Pwede po tingin rin po kami sa libro ng mga pagkain, Tito Pogi?" tanong ni Jon. "Sure, apo. Here." Binigyan niya isa-isa ang ta
Saw him in the restaurant Jela "Let's go eat in the restaurant now!" anunsyo ni Tito ng medyo dumilim na. Pagod na ang mga bata, na nakikipaglaro sa mga Tito nila. Iba yung saya at halakhak nila, mas matunog at lalo silang sumigla dahil sa mga Tito nila. Akala raw ng mga bata wala silang totoo na Tito at mga Lolo at Lola. Ang alam lang nila ay namatay na ang Daddy ko kaya wala na silang Lolo. At sinabi ko rin na may sariling pamilya na ang mommy niya kaya silang apat na lang ang magkakasama sa mundo. "Wow kasama po kami Lolo Pogi?" nagpaawa pa na tumingin si Jan sa Lolo niya. "Yes, apo ko. Happy?" "Yeeeseng!" sigaw ng tatlong bata. "Happy po. Happy-happy!" sambit ni Jam at Jon. "Mama, makapasyal na ulit kami. Pede po maglaro rin sa maraming balls?" bulong ni Jan sa akin. Di ko sure kung narinig nila ang sinabi ni Jan. Mas mabuting hindi na lang nila narinig. "Hindi pa ba kayo pagod maglaro, anak?" mahinang tanong ko naman. "Iba po iyon, Mama, iba rin po ang nil
Chapter 49 Meet My Kids Jela "Holy sh!t!" bulalas ng bunsong pinsan ko. "God-damned it!" gulat rin na sambit ng panganay. "Wow!" namamangha sa gulat naman ang pangalawa sa magkakapatid. "Is this for real?" saad na bulalas ni Tito. "Jela!" bulalas pa nila sa akin. Sumimangot ako dahil sa reaksyon nila. Hinila nila ako mula sa aking kinauupuan patayo. Mahigpit nila akong niyakap. Napatili pa ako sa pagbuhat nila sa akin. "Huwag ninyong yakapin ang Mama namin, po!" malakas na sabi ni Jon. Pero ang dalawang bata ay tuwang-tuwa pa sa nakikita. Pati si Jam nakikitawa na rin. "Ibaba niyo ako!" inis na sambit ko. "Na-miss ka namin ilang dekada ng wala kang paramdam sa amin. Hindi kami kaaway, Jela!" sabi ng panganay na anak ni Tito. Hindi ako umimik. "Sabi ni Mommy nagtatrabaho ka bilang isang saleslady sa isang mall? Nagpapakahirap kang magtrabaho kung pwede ka namang magpatayo ng business na gusto mo o kahit huwag ka na magtrabaho marami ka namang pera," dagdag pa
Chapter 48 With my Tita Jela "Hanggang kailan mo ililihim sa amin na may mga anak ka na, ha hija?" malumanay na tanong ni Tita. "It's not that I keep them a secret, Tita. I keep them for their safety, ayokong madamay sila sa kasakiman ng Nanay ko!" sabi ko agad. At iyon naman talaga ang totoo. Bumuntong-hininga si Tita ng malalim. "Pero you can at least tell me, sa amin ng Tito mo. Nakalimutan mo na ba na sa amin ka binilin ng Daddy mo?" "Ayoko na pati kayo ay madamay rin sa panggugulo sa akin ng Nanay ko. At mas pinili ko po talaga ang tahimik na buhay na malayo sa lahat. Pasensya na po," mahina kong sabi kay Tita. "I understand hija! Okay lang ba na sabihin ko sa Tito mo na kasama kita ngayon with the kids?" alanganin na tanong niya sa akin. Marahan akong tumango, para saan pa't itatago ko sa kanila kung nakita na ako ni Tita with the kids. Mabuti sana kung ako lang ang nakita niya. May dahilan pa ako para maglihim. "Yay! I'm sure na matutuwa ang mga pinsan mo kapag nakita
My aunt saw my kids Jela Kapag day off ko sa trabaho, ganito lang ang ginagawa naming apat ng mga anak ko. Lalabas at magtatambay sa park, kapag hapon, uuwi na lang kapag medyo gumabi na. Pinakabonding na namin ito. At masaya ako dahil kontento na sila sa ganitong set-up. Dahil nakikinig sila sa mga payo ko sa kanila. Patawid na kami sa kalsada patungong park. Walking distance lang, kaya hindi na namin kailangan sumakay pa ng tricycle. Ang cute nilang panoorin habang naglalakad kami. May kanya-kanya silang bag na dala. Ang laman ng bag nila ay towel at damit, isama pa ang water bottle. Ang bag na dala ko naman ay mga snacks namin at ang blanket na mauupuan namin mamaya. Nagtatawanan ang mga anak ko, hindi ako makarelate sa usapan nila. Napapangiti ako dahil sa malalakas nilang tawa. "Mama, alam mo ba 'yong klasmate namin? Hindi niya alam tunog ng pato," sabi ni Jon. "Ang tunog daw duck, duck, duck," sabi naman ni Jam. Sabay pa silang tatlo na humagalpak ng tawa. "Tinuruan ko
Suspicious Jela Break time ko at nagtungo ako sa mga tambayan dito sa mall. May maganda rin kasing tambayan dito. Palaruan ng mga bata at tambayan na rin. Gusto ko dalhin dito ang mga anak ko kaso ayokong mai-chismis ako at gawan ng kung ano-anong kwento. Baka mapapaaway ako ng bongga. Saka na lang kapag okay na ang lahat. Naibibigay ko naman ang mga gusto nila pero hindi ko naman sila na-spoiled. Habang lumalaki sila, nagiging madaldal at makulit pa sila lalo. Hindi ko rin maiwasan na sumagi sa isipan ko ang lalaking ama ng mga anak ko. Hanggang ngayon, ginugulo pa rin niya ang isipan ko. Sana pala talaga, tinignan ko muna ang mukha niya o kumuha ako ng bagay na palatandaan sa lalaking iyon. Para alam ko ang ikukwento ko sa mga anak ko ng hindi ako gumagawa ng kasinungalingan para lang huwag nila hanapin ang ama nila. "Penny for your thoughts?" Napaigtad ako sa gulat. Nangunot ako dahil hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Sorry?" Patanong kong pa