Chapter 7
He Festering My Day Pansit at tinapay ang order ng gagong lalaki. Tapos tag-isa kaming Ice Milo. Tanghali na, tapos ganito ang kakainin naming dalawa? "Meryenda time, Miss Sungit na gumanda dahil kasama ako!" kindat niya. "Nagmukha na akong itik dahil kasama kita!" irap ko. Humalakhak naman ang lalaki. May itsura talaga ang lalaking ito. Pero bakit delivery boy lang ang trabaho niya? Tapos sideline niya construction worker. May potential ito na maging model kung gugustuhin niya. Kaso gusto yata nito ng happy-go-lucky vibes. "Kain na. High blood ka na naman agad. Nagmamagandang loob lang naman ang gwapong lalaking ito eh," pa-cute pa nito sa akin. "Kanina pa ako naaalibadbaran sa itsura mo, planeta! Gwapong-gwapo ka sa sarili mo, mukha ka namang alien. Singkit na kuwago!" pang-aasar ko pa. Bigla itong nabilaukan dahil sa pagtawa! Agad siyang uminom ng Milo niya na mas lalong nagpaubo sa kanya. "Deserve!" sambit ko habang nakahalukipkip akong nakatingin sa lalaking maluha-luha dahil sa pag-ubo sa harapan ko. Kahit ang pag-ubo nito, halatang may itsura rin. Namumula ang mukha nito sa pag-ubo. Ang cute ng gago! puri ko sa isip ko. "Tse!" sambit ko. Dahil na-realize kong kanina ko pa pala siya pinupuri nang hindi ko namamalayan. "I almost died from coughing!" namaos pa ang boses nito. "Kasalanan mo 'yan!" "Paano kasi, may singkit bang kuwago?" tanong niya sa akin. "Kung ayaw mo, e di singkit na tarsier!" pa-irap na sambit ko. Humalakhak naman ito. Napapalingon na ang mga tao sa paligid namin dahil sa kaingayan ng lalaking ito. "Yang tawa mo, abot hanggang planetang Jupiter na. Parang tawa ng kalabaw, nakakabulahaw ka na sa mga kumakain dito!" sikmat ko. Gusto ko rin talaga tumawa, kaya lang pinipigilan ko ang sarili ko. Kung ano-ano na ang mga pinagsasabi ko. Nahawa na ako sa mga anak kong pasaway. "Your nonchalant, aren't you? Hindi ka man lang ba natatawa sa mga sinasabi mo sa akin?" nakangiti na nitong tanong sa akin. "Ako ang nagsabi, ako pa ba ang unang tatawa sa sinabi ko?" balik tanong ko. "You can at least join me to laugh, though." "Ang demanding mo, lalaki!" "Para naman sumaya ang mukha mo, babae. Look at my face, very young good-looking face. Fresh from natural smile and laughing happily ever after," halakhak na naman nito. "Ewan ko sayong lalaki ka! Oh, tapos na akong kumain. Maiwan na kita dito, late na ako sa trabaho ko. Kapag nabawasan ang sahod ko, disabled connection ka na talaga sa akin!" "Hatid na kita sa pwesto mo," presinta nito. "Huwag na, baka mas lalong masira ang araw ko ng dahil sa'yo!" tanggi ko agad. Wala ba itong gagawin na trabaho at nag-aaksaya pa ng oras na ihatid ako? "Hindi ka nga tumanggi sa libro ko, di ba?" "Hoy! Tumanggi ako, huh! Ikaw lang itong makulit na feeling close sa akin na basta na lang nanghila diyan!" inis na sambit ko. "Okay. Okay, relax, itik ko!" hila na niya sa akin. Nalukot na naman ang mukha ko sa pagtawag niya sa akin ng itik ko. "Bwesit ka talaga! Perwisyo ka sa buhay ko," sabay bawi ko sa kamay ko na hawak niya. "Gustong-gusto mo naman, di ba?" pang-aasar pa ng lalaki. "Shhh! Disconnected!" sambit ko at nauna na akong naglakad palayo sa lalaki. Napakakulit. Parang siya ng mga anak ko! Mabuti na lang mahaba ang pasensya ko, dahil na rin sa mga anak ko, kaya naiakma ko sa ibang tao. Tatawa-tawa naman itong sumunod sa akin hanggang sa department store. Kita ko ang pagtingin ng ibang mga katrabaho ko, pero wala akong pakialam. "Bye, Miss Rider! Wait for me later, ihahatid kita gamit ang sasakyan kong kariton," bungisngis pa nito. "Umalis ka na dito, siraulo ka! Baka gusto mong matadyakan hanggang makarating ka sa planeta ninyo! Ang weird mo, para kang baliw!" irap ko at tumalikod na. Natatawa naman itong nagpaalam na. Sinensyasan ko lang itong umalis na, pero nagpahabol pa ako ng salita. "Hoy, delivery boy na Englisero! Huwag ka nang bumalik pa dito!" sigaw ko sa kanya. Nakakuha na tuloy ako ng atensyon sa ibang katrabaho ko at mga mamimili. Nakakahiya. "Hoy, babaita ka! Sino 'yan?" tanong ng kaibigan ko. "Singkit na kuwago. Feeling gwapo, stress ang inabot ko sa kanya!" sagot ko sa usisa ng kaibigan ko. Humalakhak naman ang kaibigan ko. "Ang gwapo niya, tapos tatawagin mo lang na singkit na kuwago?" malakas na naman itong tumawa. "Nainis ako eh, tawagin ba naman niya akong itik. Bwesit siya eh," simangot ko. Hindi na naman mapigilan ng kaibigan ko ang tumawa. "Itik na taga-produce ng itlog na balut? Pambansang itlog ng Pilipinas na favorite ng mga tambay sa kanto! 'Yung kuwago na gising sa gabi, pero walang eyebags, pero malaki ang mata? Nice combination, sista!" hagikhik ng kaibigan ko. "Isa ka pa! Layuan mo na nga ako. Late na nga ako, dumagdag mo pa," simangot ko. "Minuto lang naman, kaya ayos lang 'yan sa manager natin. Huwag ka na mag-stress diyan!" alok pa nito. "Sige na, bye. Balik ka na sa pwesto mo. Dahil marami na namang bubuyog dito, sarap nila pausukan eh," parinig ko sa ibang katrabaho namin. Tumawa lang rin ang kaibigan ko at umalis na sa pwesto ko.They know Jupiter? Tuwang-tuwa ang mga bata na pumasok sa loob. Palinga-linga sa paligid. "Wow, may balloon po!" bulalas ni Jan. "Lolo Pogi, pwede ba kami kumuha o maghingi po?" tanong rin ni Jam. "Itatanong natin mamaya sa manager ng restaurant," magiliw naman na sagot ni Tito. "Sige po," sagot naman nilang tatlo. Lumapit na sila sa front desk at kinausap ang nasa counter na isang lalaki. Nang sabihin ni Tito ang reservation niya, ay iginiya na sila sa lamesa na pinareserba ni Tito. Pinagitnaan ni Tito at Tita si Jam. Ang dalawang lalaki naman ay nasa gilid ni Tita sa kabila at ganoon rin ang isa sa gilid ni Tito. Para lahat raw ay maasikaso nilang dalawa. Pabilog naman ang mesa kaya maganda ang pagkakapwesto naming lahat. Malayo ako sa tatlo kong anak. Ang tumabi kasi kay Jan at Jon ay ang bunso at pangalawa, tapos ako at si panganay. "Pwede po tingin rin po kami sa libro ng mga pagkain, Tito Pogi?" tanong ni Jon. "Sure, apo. Here." Binigyan niya isa-isa ang ta
Saw him in the restaurant Jela "Let's go eat in the restaurant now!" anunsyo ni Tito ng medyo dumilim na. Pagod na ang mga bata, na nakikipaglaro sa mga Tito nila. Iba yung saya at halakhak nila, mas matunog at lalo silang sumigla dahil sa mga Tito nila. Akala raw ng mga bata wala silang totoo na Tito at mga Lolo at Lola. Ang alam lang nila ay namatay na ang Daddy ko kaya wala na silang Lolo. At sinabi ko rin na may sariling pamilya na ang mommy niya kaya silang apat na lang ang magkakasama sa mundo. "Wow kasama po kami Lolo Pogi?" nagpaawa pa na tumingin si Jan sa Lolo niya. "Yes, apo ko. Happy?" "Yeeeseng!" sigaw ng tatlong bata. "Happy po. Happy-happy!" sambit ni Jam at Jon. "Mama, makapasyal na ulit kami. Pede po maglaro rin sa maraming balls?" bulong ni Jan sa akin. Di ko sure kung narinig nila ang sinabi ni Jan. Mas mabuting hindi na lang nila narinig. "Hindi pa ba kayo pagod maglaro, anak?" mahinang tanong ko naman. "Iba po iyon, Mama, iba rin po ang nil
Chapter 49 Meet My Kids Jela "Holy sh!t!" bulalas ng bunsong pinsan ko. "God-damned it!" gulat rin na sambit ng panganay. "Wow!" namamangha sa gulat naman ang pangalawa sa magkakapatid. "Is this for real?" saad na bulalas ni Tito. "Jela!" bulalas pa nila sa akin. Sumimangot ako dahil sa reaksyon nila. Hinila nila ako mula sa aking kinauupuan patayo. Mahigpit nila akong niyakap. Napatili pa ako sa pagbuhat nila sa akin. "Huwag ninyong yakapin ang Mama namin, po!" malakas na sabi ni Jon. Pero ang dalawang bata ay tuwang-tuwa pa sa nakikita. Pati si Jam nakikitawa na rin. "Ibaba niyo ako!" inis na sambit ko. "Na-miss ka namin ilang dekada ng wala kang paramdam sa amin. Hindi kami kaaway, Jela!" sabi ng panganay na anak ni Tito. Hindi ako umimik. "Sabi ni Mommy nagtatrabaho ka bilang isang saleslady sa isang mall? Nagpapakahirap kang magtrabaho kung pwede ka namang magpatayo ng business na gusto mo o kahit huwag ka na magtrabaho marami ka namang pera," dagdag pa
Chapter 48 With my Tita Jela "Hanggang kailan mo ililihim sa amin na may mga anak ka na, ha hija?" malumanay na tanong ni Tita. "It's not that I keep them a secret, Tita. I keep them for their safety, ayokong madamay sila sa kasakiman ng Nanay ko!" sabi ko agad. At iyon naman talaga ang totoo. Bumuntong-hininga si Tita ng malalim. "Pero you can at least tell me, sa amin ng Tito mo. Nakalimutan mo na ba na sa amin ka binilin ng Daddy mo?" "Ayoko na pati kayo ay madamay rin sa panggugulo sa akin ng Nanay ko. At mas pinili ko po talaga ang tahimik na buhay na malayo sa lahat. Pasensya na po," mahina kong sabi kay Tita. "I understand hija! Okay lang ba na sabihin ko sa Tito mo na kasama kita ngayon with the kids?" alanganin na tanong niya sa akin. Marahan akong tumango, para saan pa't itatago ko sa kanila kung nakita na ako ni Tita with the kids. Mabuti sana kung ako lang ang nakita niya. May dahilan pa ako para maglihim. "Yay! I'm sure na matutuwa ang mga pinsan mo kapag nakita
My aunt saw my kids Jela Kapag day off ko sa trabaho, ganito lang ang ginagawa naming apat ng mga anak ko. Lalabas at magtatambay sa park, kapag hapon, uuwi na lang kapag medyo gumabi na. Pinakabonding na namin ito. At masaya ako dahil kontento na sila sa ganitong set-up. Dahil nakikinig sila sa mga payo ko sa kanila. Patawid na kami sa kalsada patungong park. Walking distance lang, kaya hindi na namin kailangan sumakay pa ng tricycle. Ang cute nilang panoorin habang naglalakad kami. May kanya-kanya silang bag na dala. Ang laman ng bag nila ay towel at damit, isama pa ang water bottle. Ang bag na dala ko naman ay mga snacks namin at ang blanket na mauupuan namin mamaya. Nagtatawanan ang mga anak ko, hindi ako makarelate sa usapan nila. Napapangiti ako dahil sa malalakas nilang tawa. "Mama, alam mo ba 'yong klasmate namin? Hindi niya alam tunog ng pato," sabi ni Jon. "Ang tunog daw duck, duck, duck," sabi naman ni Jam. Sabay pa silang tatlo na humagalpak ng tawa. "Tinuruan ko
Suspicious Jela Break time ko at nagtungo ako sa mga tambayan dito sa mall. May maganda rin kasing tambayan dito. Palaruan ng mga bata at tambayan na rin. Gusto ko dalhin dito ang mga anak ko kaso ayokong mai-chismis ako at gawan ng kung ano-anong kwento. Baka mapapaaway ako ng bongga. Saka na lang kapag okay na ang lahat. Naibibigay ko naman ang mga gusto nila pero hindi ko naman sila na-spoiled. Habang lumalaki sila, nagiging madaldal at makulit pa sila lalo. Hindi ko rin maiwasan na sumagi sa isipan ko ang lalaking ama ng mga anak ko. Hanggang ngayon, ginugulo pa rin niya ang isipan ko. Sana pala talaga, tinignan ko muna ang mukha niya o kumuha ako ng bagay na palatandaan sa lalaking iyon. Para alam ko ang ikukwento ko sa mga anak ko ng hindi ako gumagawa ng kasinungalingan para lang huwag nila hanapin ang ama nila. "Penny for your thoughts?" Napaigtad ako sa gulat. Nangunot ako dahil hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Sorry?" Patanong kong pa