Share

Kabanata 003

Penulis: Miss A.
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-18 23:21:18

Nagsitayuan ang balahibo niya sa sinabi nito, ang akala niya ay magiging okay na pagkatapos umalis ni Zachary pero mukhang walang balak si Diane na pakawalan siya agad

"Aray ano ba" inis niyang ani ng bigla siya nitong hinablot sa braso at masamang pinakatitigan, pinantayan niya ang titig ng kaniyang step-sister. Kung dati ay palagi siya nitong inaalipin at inaabuso pwes ngayon ay hindi siya aatras, natuto na siya sa mga ginawa ng mga ito sa kaniya

"Bingi kaba? Hindi ba't sinabi na sayo ni mommy na huwag na huwag kang gagawa ng eksena, akin ang gabi na ito at kung sinusubukan mong agawin ulit saakin si Arjay pwes nagkakamali ka, sa susunod na buwan na ang kasal namin at hindi mo na siya maagaw pa saakin" matigas na ani ng dalaga sa kaniya, nawala ang mahinhin na Diane na nakikita niya lang kanina sa may hapagkainan kasama ang mga magiging biyenan nito

Akmang magsasalita siya para sagutin ang step-sister niya pero dumating si Arjay

"Babe, hindi kapa ba tapos? hinahanap ka na nila mommy" nagtataka si Arjay ng makita ang magkapatid sa kusina, nakita naman ni Jhaira kung paano magbago ang anyo ng step-sister niya. Bigla itong naging anghel at matamis na ngumiti bago nilapitan si Arjay

"No tapos na ako actually, tara na baka mainip sila mommy" ani nito at hinila na si Arjay na nakasunod ang tingin kay Jhaira

Hindi na bumalik pagkatapos si Jhaira sa lamesa, dumaan na siya sa backdoor ng kusina at umalis na. Wala rin namang interes ang mga taong naroon sa kaniya kaya bakit pa niya kailangang magsayang ng oras, mas magiging komportable pa siya kung sa mismong apartment nalang niya siya kumain at mas tahimik pa

"Aba Ineng naka-uwi kana pala, bakit naman ang aga akala ko ay mamaya pa ang uwi mo?" Iyon agad ang tanong ng kapitbahay niya pagkarating sa apartment, akmang papasok na dapat siya pero biglang nagsalita ang kapitbahay niya

"May trabaho pa po kasi ako bukas" tipid niyang sagot at ngumiti naman ang babae na may pagkatanda

"Kung ganoon magpahinga kana, matulog ka ng maaga" utos nito, nagtataka siyang pumasok sa loob ng apartment at iniisip parin ang sinabi ng kapitbahay niya

Nagbihis si Jhaira at nag-ayos na para makatulog, kasalukuyan niyang sinusuot ang panty niya ng marinig ang ingay

"Aghh pepito ang sarap, iyan sige bilisan mo bayuhin mo pa aghhh"

Mabilis niyang tinapon ang panty sa sahig ng marinig ang mga ungol, ngayon napagtanto na niya ang ibig sabihin ng kapitbahay niya kung bakit gusto nitong matulog siya ng maaga. Akala niya pa naman ay concern ito sa kaniya

Dahil sa ingay ng kapitbahay ay kulang ang tulog niya kaya't late siyang nagising, nagmamadali siya sa pagligo at pagbihis, toothbrush at sabon nalang ang nagawa niya dahil sa pagmamadali. Muntikan niya pang makalimutang magsuot ng panty dahil masyado ng maikip ang skirt niya

"Jhaira ang aga mo naman nagising, masarap ba ang tulog mo kagabi?" tanong ng kapitbahay niya ng lumabas siya, naka-kandong ngayon ito sa lalaki na mukhang nagpahiyaw sa kaniya ng malakas kagabi

"A-ah opo" sagot niya kahit na ang totoo ay hindi na siya nakatulog, nagmamadali siyang nilagpasan ito at pumara ng taxi. Halos maihi na siya sa kaba, hindi kasi ganito ang gising niya. Istrikto siya sa oras ng pasok at dapat ay hindi siya late ang boss niya pa naman ay istrikto at pinaglihi sa bomba dahil hindi mo alam kung kailan sasabog

"Ma'am late po kayo ngayon ah" bati ng guard ng makita siya, nginitian niya nalang ito dahil wala siyang balak makipag chikahan ngayon. Pagdating sa floor nila, sinalubong siya ng kaniyang kaibigan na si Jewel

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa dumating ang bago nating amo" anunsiyo nito dahilan para magulat siya

"Huh? Bakit nasaan si Mr. Bomba?" tanong niya, ibig sabihin ng bomba ay ang dating boss nila

"Wala na siya, bago na ngayon ang amo natin kaya kailangan mo ng pumunta sa opisina niya. Kanina kapa hinihintay" ani ni Jewel at tinulak siya

Zachary p.o.v

"Bakit wala pa siya?" Inis na tanong ni Zachary habang pinagmamasdan ang mga pictures ni Jhaira sa folder, ito ang resume ng dalaga ng mag apply ito bilang sekretarya sa kompanya. Pero ngayon siya na ang bagong CEO at nag mamay-ari nito kaya sa kaniya na ngayon mag tra-trabaho ang dalaga

"S-sir p-pa-papunta na p-po si Ms. J-Jhaira, k-kakatawag lang po s-sa kaniya" nanginginig ang boses ng assistant na babae sa kaniya, nakayuko ito at mukhang ayaw pakatitigan ang nanalsik na mata ni Zachary

"Kapag wala pa siya in 3 minutes, matatanggal kayong lahat na empleyado sa kompanya ko" aniya at mabilis na pina-alis ang babae, nanginginig naman ang tuhod ng babae na umalis sa opisina at mukhang paiyak na

Kunot na kunot ang nuo niya habang pinagmamasdan ang relo, naiinip siya sa kahihintay kay Jhaira. Gusto na niya itong makita, gusto niyang mahawakan at maamoy ang nakaka adik nitong amoy. Siya lang kasi ang naka-agaw ng kaniyang pansin, ang mga babaeng tinatapon ang katawan ay nakaka turn off para sa kaniya pero si Jhaira na halos taguan siya sa kuweba para lang hindi na sila magkita ay kakaiba para sa kaniya, nakuha nito ang ineteres niya at wala na siyang balak na pakawalan pa ito

Wala pang isang minuto pero naiinip na talaga siya kaya naglakad siya sa pintuan at binuksan iyon, nagulat pa siya ng matumba ang isang babae at nasubsob sa kaniyang matipunong dibdib. Magagalit na sana siya pero naamoy niya ang pamilyar na amoy, nawala ang inis niya at nagliwanag ang mata

Umayos ng tayo si Jhaira at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya

"I-Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong nito at napa atras

"Ako?" ngumisi siya at nilapitan ito

"I-Ikaw ang bago kong boss?" Ani nito at dinilaan niya ang labi, bigla siyang na turn on sa ekspresyon at itsura ng dalaga. Nanlalaki ang mga mata nito at ang kilay ay parang hindi makapaniwala sa kaniya, natawa siya

"May problema ba Ms.Jhaira?May galit kaba sa bago mong boss ngayon?" tanong niya, nag-eenjoy siya na asarin ang dalaga. Mas lumapit ang kaniyang mukha sa dalaga, mukhang naestatwa nito "Sinabi ko naman sa iyo, hahanapin kita diba?"

Kinagat niya ang labi at hinawakan ang kamay nito pero natigilan ng makita ang repleksiyon ng mga taong kinaiinisan niya sa salamin, papalapit ang mga ito ngayon sa kanila. Papunta si Arjay ang pamangkin niya, ang mommy nito at ang fiancee ng pamangkin niyang si Diane

Mabilis niyang hinila si Jhaira papasok sa loob ng opisina at sinara ang pintuan bago niya sinandal ang dalaga rito

"B-bakit mo sila sinarahan?" muling hindi makapaniwalang tanong ni Jhaira, hawak parin niya ang kamay ng dalaga at napatingin siya roon

"Kasi gusto kitang ma-solo"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Adah Dino
swerte mo nmn Jhaira my Zach kng npka ka malambing
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Billionaire found his Soulmate   New story:

    Yung mga naguguluhan po kung saan ko i u-update yung new story na My husband is a Billion-dollar, sa ibang book ko po siya I susulat at hindi na dito sa libro nila Jhaira at Zach Also you can add me on F* or message me doon, mag u-upload po ako ng mga teaser sa ating bagong libro roon at mga scenes habang hindi pa po na u-upload yung libro. Doon din po ako mag a-announce kung may update na po para aware po kayo F* name: MAyka Faye (3 cats profile) Muli salamat po, naway suportaha niyo po ang magiging story nila Jazeah at Raven at makikita niyo rin doon si Draven Kalsen at ang kaniyang magiging female lead hehehe, mana sa ama.

  • Billionaire found his Soulmate   Special chapter

    Ang hapon ay bumababa na sa abot-tanaw, at ang langit ay tila nilarawan ng mga kamay ng Diyos—kahel, rosas, at gintong halo ng liwanag. Sa ilalim ng kulay ng dapithapon, ramdam ang init ng araw na unti-unting humihina, ngunit ang init ng yakap ni Zach sa likuran ko ay nananatiling buo—matatag. Parang kasiguraduhang kahit gaano ka-unstable ang mundo noon, ay meron pa rin palang pagmamahal na hindi kayang lipulin ng panahon o sakit."Mommy! Daddy, look!" sigaw ng anak namin mula sa may buhanginan, gamit ang maliit niyang kamay para ituro ang kinulayan niyang sea shell. "It's blue now! Like my shirt!"Tumawa si Zach, habang hindi pa rin inaalis ang baba niya sa balikat ko. "He's got your curiosity," aniya. "Lahat gusto niyang malaman. Lahat gusto niyang hawakan.""Pero mana sa'yo sa pagkakalikot," sagot ko, sabay lingon sa kaniya. "May sinira na namang laruan kanina para lang makita kung paano gumagalaw."Pareho kaming natawa.Ang anak namin—isang maliit na kombinasyon ng aming dalawa. Ma

  • Billionaire found his Soulmate   End

    Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Parang ang bigat ng buong katawan ko. Parang pagod na pagod ako sa isang mahabang laban na hindi ko alam kung kailan nagsimula at kailan natapos.Maya-maya pa, unti-unti kong naramdaman ang malamig na simoy ng aircon, ang mahina ngunit pamilyar na amoy ng disinfectant, at ang kawayang ingay ng monitor na may tunog na beep... beep... beep sa gilid ko.Pagdilat ng mata ko, unang sumalubong sa akin ang maputing kisame ng ospital. Tahimik ang paligid. Malinis. Mapayapa.Napasinghap ako nang dahan-dahan kong igalaw ang kamay ko. Masakit. Mabigat ang puson ko. Ngunit... buháy ako. Buhay."Baby"Isang pamilyar, pabulong na tinig ang sumalubong sa akin. Mababaw ngunit punô ng emosyon. At sa paglingon ko sa kanan, tumigil ang mundo ko.Si Zach.Naka-sando lang siya, mukhang hindi pa naliligo, magulo ang buhok at may mga luha sa mata. Pero kahit ganoon, kitang-kita sa kaniya ang saya—at ang kaba—habang hawak-hawak niya sa kanang braso ang isang maliit na kumot

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 140

    My pregnancy journey wasn't easy.Minsan talaga, para akong may topak—may araw na tatawa lang ako buong umaga, tapos bigla nalang akong iiyak dahil naiwan ko ang paborito kong unan sa kabilang kwarto. May oras na kahit simpleng tanong ay naiirita ako, at kahit ang lambing ni Zach, hindi ko maintindihan minsan kung nakaka-comfort ba o lalo lang akong naiiyak. Hormones. Emotions. Exhaustion. Lahat-lahat.Pero kahit pa ganu'n, hindi niya ako iniwan. He stayed. Not just physically—but truly present. With every unpredictable mood swing, with every unreasonable craving, with every breakdown I couldn't explain—Zach was there, steady like the sea on a calm day."Okay lang, baby," he'd whisper while gently rubbing my back. "Pagod ka lang. And I love you. Always."And as for my mom... she never left my side either. Para bang bumalik ako sa pagkabata, 'yung panahong may sakit ako at siya 'yung gumagabay sa'kin. Ngayon, siya pa rin ang nandiyan—guiding me through the aches, the fears, and even the

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 139

    Ang mga sumunod na buwan pagkatapos ng kaguluhan... parang pelikula lang. Pero hindi 'yung tipong action-packed na may barilan at habulan—kundi 'yung uri ng pelikulang tahimik pero punô ng damdamin. Marahang umikot ang oras, pero sa bawat segundo, ramdam ang pagbabago.Kung dati, sanay akong si Zach ay tila isang guwapong demonyo—mataas ang ihi, malamig ang titig, at tila walang pake sa paligid—ngayon, araw-araw ko siyang nakikitang may hawak na eco bag mula Landers, habang sa kabilang kamay ay maingat niyang binabasa ang sulat-kamay kong grocery list na may mga kulot-kulot pa sa dulo ng letra."Zach, hindi 'yan 'yung tamang gatas."Napahinto siya sa gitna ng aisle, hawak ang isang lata ng formula milk, at napakunot-noo na para bang CEO na sinabihan ng accountant niya na nalugi ang kumpanya sa loob ng dalawang araw."Ha? Pero 'yan 'yung may DHA,.""Oo, pero 'di hypoallergenic 'yan. Sabi ni OB ko, dapat sensitive-friendly 'yung bibilhin."Tahimik siyang tumango. Walang reklamo. Parang

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 138

    "Zach..."Halos himatayin ako habang patakbo palapit sa kaniya. Nanginginig ang katawan ko, halos mapatid ang hininga ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. Paglapit ko sa kaniya, agad ko siyang niyakap—mahigpit, desperado, parang mawawala ulit siya sa isang iglap.Yinakap ko siya na parang hindi na ako hihinga kung hindi ko siya mahahawakan.Pinasok ko ang mukha ko sa marumi niyang dibdib. Amoy usok, dugo, at pawis ang kanyang katawan, pero wala na akong pakialam."L-ligtas ka..." hikbi ko habang tumutulo na naman ang luha ko.Sinuntok ko pa siya sa likod, mahina pero may galit. Hindi galit na galit. Galit na halong takot—dahil muntik na niya akong iwan. Dahil muntik na siyang mawala sa'kin."I'm sorry if I made you nervous," bulong niya, paos ang boses. Ramdam ko ang bahagyang panginginig sa dibdib niya habang humihinga siya ng malalim.Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Maingat. Parang dinuduyan ang mukha ko. Pinilit niyang hanapin ang mga mata ko, kahit na hindi ko pa rin map

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status