Pinilit na inubos ni Sofia ang pagkaing nasa harap niya kahit pa nga masuka-suka na siya. Iyon ay para lamang maging maganda ang impression sa kanya ni Craig. Ngunit nang dumating na ang hapon, tatlong oras lang ang nakalipas mula noong nagtanghalian sila ay hindi na kinaya ng tiyan niya. Humihilab iyon kaya pabalik-balik siya sa washroom. Nag-react nang matindi ang tiyan niya sa maanghang na kinain.
"Are you okay, Sofia?" tanong ni Maxine nang madaan ito sa kanya. "You look pale," aniya pa nito. Tila concern naman sa kanya lalo at talagang pinagpapawisan na siya ng malapot at talagang namumutla na siya sa sama ng pakiramdam. "Sorry, Miss Maxine. I think I need to go," sabi niyang hindi na nagkunwari. Ayaw niyang magkalat doon kaya mas mabuting umuwi na lamang siya. Ayaw niyang ipahiya ang sarili kay Maxine at lalong lalo na kay Craig. Napatingin naman si Maxine sa kanyang relo. "Sige. Almost time na rin naman kaya maari ka ng umuwi," pagpayag agad nito. Walang inaksayang oras ay agad na kinalap ni Sofia ang mga gamit niya. Ni hindi na nga niya nagawang magpaalam pa kay Craig dahil talagang masama ang tiyan niya. Hindi na nga niya alam kung saan pa aabot ang pagpipigil niya. Hindi niya mawari kung ano ang gusto ng humihilab niyang tiyan. Uminom na rin naman siya ng gamot ngunit tila hindi umeepekto iyon. Lihim naman na nagdiwang ang kalooban ni Maxine. Hindi siya ganoon sa mga nagdaang empleyado, lalo na sa mga naging sekretarya ni Craig. She was kind and patient to them. Kahit hindi nga sabihin na i-train niya ng personal ay ginagawa niya. Sinusubaybayan niya ang mga iyon kahit na naroon naman ang papalitang sekretarya. Ayaw niya kasing magkamali ang mga ito lalo na at importante ang ginagampanan nilang mga posisyon sa kompanya. Napabuntong hininga si Maxine. It was Craig who insist na huwag na ipa-train si Sofia kay Mary na siyang papalitan sana nito. Gusto ng lalaki ay siya talaga ang tututok sa babae. Ituro lahat ng alam niya, na para bang ano mang oras ay puwede nitong punan maging ang posisyon niya. Napalingon siya sa gawi ng pinto kung saan ang opisina ni Craig. Muli siyang napabuga ng hangin. Hindi sa ayaw niyang turuan si Sofia, o kaya ay binu-bully niya ito dahil sa nangyari. Pakiramdam niya lang talaga ay kailangan niyang bigyan ng leksyon si Sofia. Para alam nito kung saan ito lulugar. Hindi porke't binibigyan ito ng special na atensiyon ni Craig ay lalaki na ang ulo ng babae. Oo at sekretarya ito ni Craig— nasa trabaho sila. They need to work professionally. Nakaalis na si Sofia nang lumabas si Craig sa kanyang opisina. Mukha pa ngang nagmamadali. "Where's Sofia?" Agad nitong hinanap ang babae. Nagpalinga-linga pa nga ito nang hindi ito makita sa inuukopang mesa. Hindi katulad ng opisina nito ang opisina niya. Kung nakikita niya bawat galaw ng mga tao sa labas. Si Craig ay minabuting talagang close ang wall at hindi makita ang nasa labas. Tinted ang salamin sa loob at labas. Distraction lang daw kung makikita nito ang ginagawa sa labas ng mga empleyado. "She go home already," sagot niya. "Ikaw, uuwi na rin ba?" simpleng tanong niya. Hindi naman sila sabay umuuwi para walang isipin ang mga empleyado tungkol sa kanila pero sa pagbaba ng building ay sabay lagi sila. Hinihintay pa nga siya ng lalaki kapag medyo late siya at may tinatapos pa. "What time did she go? I told her to wait for me dahil ihahatid ko siya," ika nitong hindi man lang pinansin ang katanungan niya. Natigilan siya at pinag-aralan ang kilos ng lalaki. Gumalaw ang ibabang labi niya para magsalita. Gusto niyang tanungin ito pero pinigilan niya ang sarili. Nagkibit balikat na lamang siya bago sagutin ito. "Kaaalis niya lang. Kung aalis ka na ngayon ay baka maabutan mo pa siya sa ibaba ng building," ika niyang wala man lamang naging emosyon. Tinatago ang dismayang nararamdaman. Agad na bumalik si Craig sa opisina nito. Nanatili naman si Maxine sa kinatatayuan hanggang sa makitang lumabas na muli ang lalaki. Dala na nito ang coat at ang susi ng sasakyan nito. Diretso ito sa elevator. Ni hindi man lamang siya nito nilingon o tinawag para bumaba na rin kasabay nito. His attention is all about Sofia. Para siyang hangin na nilagpasan nito at hindi pinansin. Mapait niyang tinawanan ang sarili. Sino ba siya para hintayin pa nito? She's just his bedmate. Kapag kailangan nito ng parausan ay siya ang hanap siyempre. Nakikita lamang siya kapag pisikal na aspeto ng pangangailangan nito. Pumasok siya sa kanyang opisina. Sininop niya ang kanyang mga gamit bago maisipang umuwi na rin. Pinindot niya ang elevator at hinintay na bumukas iyon nang tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang sinagot nang makita ang caller ID. "Don Felipe, napatawag po kayo?" agad na tanong niya sa matandang tumatawag. Bumukas ang elevator pero minabuti niyang huwag munang sumakay doon at kausapin muna ang Don. Tutal ay naiwan naman na siyang mag-isa roon at wala naman naghihintay o maghihintay sa kanya. Si Don Felipe ay ang lolo ni Craig. Sa limang taon niya sa kompanya ay maraming beses na niya itong nakasalamuha. Sa mga okasyon kasi ay siya ang laging kasama ni Craig—like a lucky charm. Marami silang nai-close na transaction at mga taong naeengganyong maki-collaborate sa kanila kapag magkasama sila. Kaya din inisip ng mga ito na may kung anong namamagitan sa kanila. Hindi lingid sa kanya na gusto siya ng mga ito para sa lalaki. "Lolo Felipe, Maxine. Ilang beses ko pa bang ipapaalala sa iyo na Lolo ang itawag mo sa akin. I don't want you to call me by that name again, understand?" pangaral nito agad dahil sa nabigkas na tawag dito. Napangiti siya. Nag-aalburoto ang matanda kapag tinatawag niya itong Don. Tila nakikita nga niya ang itsura nitong nagmamaktol. "Alam niyo naman na hindi ko kayang..." Gusto niyang umapela pero agad siya nitong pinutol. "Hindi ka na iba sa akin, Maxine. I treat you as my granddaughter. Kailan ba kasi kayo magpapakasal ni Craig para maging tunay na kitang babaeng apo, ha?" Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi pa rin talaga naniniwala ang mga ito na walang namamagitan sa kanila ni Craig. Ilang beses na nilang ipinaliwanag sa Lolo at ina ni Craig ang kanilang relasyon pero ang gusto pa rin na paniwalan ng mga ito ang nasusunod. Ganoon yata nila kagustong lumagay na sa tahimik si Craig. Isa pa sa dahilan ay gusto nilang mabigyan na sila ng apo ni Craig. That way, the real bloodline continues. Nag-iisang tunay na apo kasi si Craig. At siya ang napupusuan ng mga ito simula noong mawala ang babaeng unang minahal ni Craig. "Birthday ko na, two weeks from now. Don't buy me any gift. Ang gusto kong regalo mula sa inyo ni Craig ay ang sabihin ninyong lalagay na kayo sa tahimik. Hindi na kayo bumabata..." Napasandal siya sa dingding malapit sa elevator habang pinapakinggan ang sinasabi ni Don Felipe. Mag i-eighty na ang matanda. Ilang buwan din na pinaghandaan iyon ng buong pamilya. Ngunit mas umugong ang mga salita nito patungkol sa kanila ni Craig at sa paglagay sa tahimik. Her heart is full and happy because of that. She's happy kasi, siya ang nagugustuhan ng pamilya ng lalaki. That they really pushed them to be together. Pero sa mga katagang iyon, siya lang ang masaya. Craig never entertained that proposal. Mas madiin nitong tinatanggi kapag sila na ang pinag-uusapan. Paulit-ulit siyang itinatanggi dahil pareho nilang alam na wala naman talagang...sila. 'She's special but... that's only it. She's the pride of the company. Don't ruin the relationship between us as co- workers.' Napapikit siya nang maalala ang mga katagang sinasabi lagi ni Craig sa lahat ng nakakasalamuha nila at iniisip na may special silang relasyon. In the eyes of others, Craig wants to portray that they were a boss and employee only. Na kailanman ay hindi sila talo at hindi siya nito papatulan. Na walang anumang mamamagitan sa kanila. But between them, of course they are fűck buddies.Ginanap ang kasal nila Maxine at Criag sa madaling panahon. Sa hacienda na rin iyon ginanap. Tanging mga nalalapit na mga kaibigan lamang nila ang mga dumalo. Naroon sila Aivan at Yvonne na ngayon ay buntis na. Si Baron na hindi niya inaasahang dadalo ay nagpakita rin. Sobrang saya ni Craig dahil buo na naman silang magkakaibigan.Gaya ni Craig, sa una ay natakot si Aivan pagkakita kay Sharon. Inakala din nitong nagmumulto ang pinsan niya. Akala nila ay aatakihin na ito sa puso. Wala naman naging pakialam si Baron nang makita si Sharon. Sa tingin ni Craig ay matagal ng alam ni Baron ang tungkol kay Sharon. Hindi lamang ito nagsasalita.Sa side naman ni Maxine, tanging mga naroon sa hacienda ang kanyang inimbitahan. Inimbitahan niya si Sergio ngunit matigas na humindi ito. Alam niyang imposible talagang mapadalo niya ito. Nasaktan niya ang damdamin ni Sergio. Kaya lihim na lang niyang hinihiling sa Diyos na sana makahanap ito ng babaeng magmamahal dito ng totoo."You may kiss the bri
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Maxine?" tanong ni Sharon sa kaibigan."Oo," tipid na sagot naman ni Maxine. Sigurado na siya. Gagawin niya iyon kahit pa halos pigilan na siya ni Elias. "Why do you need to do that? Hindi ba dapat ay siya ang gumawa niyan sa iyo!" Parang gusto ng pilipitin ni Elias ang leeg niya. Talagang hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari.Nakauwi na sila sa hacienda. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Pabalik na si Craig galing sa Australia. Ilang linggo rin ito doon dahil sa ina nitong may sakit. Hindi na kayang bumiyahe ni Mrs. Samaniego kaya binibilisan na rin nila ang proseso sa mga passports ng kanilang mga anak para kahit papaano ay magkaroon ito ng panahon para makasama ang mga apo. Nakakausap naman nila ito thru face app. Masayang masaya nga itong makausap at makita ang mga apo. "This is the only way for me to make up the years he was left alone by me..." ani Maxine. Noong nalaman niya ang buong pangyayari, kinain siya ng malaking panibugho at lungk
"Craig..." Mula sa paanan ng hagdan ay tawag ni Sharon sa pinsan. Isang malaking surpresa sa kanya ang biglang pagdating ng mga ito. Pero mas ikinasiya niya kesa ang gulat. Ang makitang magkasama si Maxine at Craig ay nangangahulugang naayos na ang lahat para sa mga ito. Sa lahat ng mga pinagdaan ng mga ito ay alam niyang nabigyan na ng tuldok. Magiging buo na muli ang kaibigan at pinsan. Ang inaasam na buong pamilya ay makakamit na ng mga ito. "Sha, you are alive?" bulalas na tanong ni Craig. Hindi pa rin halos makapaniwala sa nakikita. All this time, inakala niyang patay na ang kanyang pinsan. Sinisi niya ng ilang taon ang sarili dahil sa nangyari dito. Pero heto, buhay na buhay sa harapan niya. Paanong nangyari iyon? Bakit hindi siya nito kinontak? Ano nga ba talaga ang nangyari dito? Ngumiti si Sharon. Pagkatapos ay mabagal na lumapit kay Craig. "I am. Iniligtas ako ni Elias sa kapahamakan," sagot niya. Kinuha ang kamay ni Craig at mahigpit na hinawakan. Sa pagkakataong iyo
"Are you ready?"Hinarap ni Maxine ang anak na si Rain. Siya pa ang mas kabado ngayon. Paanong hindi? Makakaharap na ni Rain ang donor nito at kung magiging maganda ang pagtanggap nito kay Craig. Ipakikilala na rin niya si Craig bilang ama ng mga ito.Tumango na may ngiti si Rain sa kanyang ina. Masigla itong nag-thumbs up pa. Dahil makakapagpasalamat na siya sa taong nagdugtong sa buhay niya.Rain is doing well. Ilang buwan pa na monitoring, makakauwi na siya.Maxine thought she was ready. Naisip at na-imagine na niya ang senaryo na iyon. Pero bakit sobra yatang kinakabahan siya ngayon? Kinakabahan siya hindi para sa anak kundi para kay Craig.Paano kung hindi ito tanggapin ng mga anak niya? Paano kung magalit at sumbatan ng mga ito ang kanilang ama. Paano kung...Naipilig niya ang kanyang ulo. Kay raming agam-agam na kumakain sa kanya ngayon. Pero alam niyang hindi naman siya nagkulang. Sinigurado niyang naging mabuti sa paningin ng mga anak niya si Craig kahit sa mga kuwento laman
Kasalukuyang nakabantay sina Maxine at Elias sa labas ng emergency room kung saan ginagawa ang procedure para sa transplant. Parehong nasa loob sina Craig at ang anak nilang si Rain. Inakbayan ni Elias si Maxine nang makita kung paano nag-aalala ang kanyang kapatid. Nanlalamig ang mga kamay nito at talagang hindi mapakali. "Everything will be okay..." aniya. "They are in good hands..." Naniniwala doon si Maxine. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak niya at ni Craig. Everything is smooth before the procedure. They make sure na lahat ng kailangan ay ginawa nila. Rain is in the best shape para gawin ang transplant. "Extracting must be take some time. But after that, they will be okay..." Napayakap si Maxine sa kanyang kapatid. Napapikit siya at taimtim na dumalangin. Gusto na lang niyang mapabilis ang oras at matapos na ang lahat. Ilang oras din ang hinintay nila bago bumukas ang pinto sa emergency room at inilabas doon si Craig. Agad na lumapit si Maxine dito. Nakatulog ang l
Ang kamay ni Craig ay pumasok sa suot niyang t-shirt. Humaplos iyon sa kanyang balat. Nang iangat nito ang damit niya ay pinigilan niya ito.Maraming stretch mark ang kanyang tiyan. Nagkaroon na rin siya ng love handle dahil sa pagbubuntis. Hindi na rin siya kasing seksi gaya ng dati. Naitago lamang iyon ng magandang kasuotan kaya hindi halata. Magaling pa rin siya magdala ng damit. Pero hindi na kasing ganda noon ang minahal at sinamba nitong katawan. Iyong katawan na inasam-asam nito noon. Binago ng pagbubuntis niya ang katawang sinamba nito noon.Naitulak niya si Craig gamit ang buo niyang lakas. Mabilis siyang umiwas dito. Palayo sa pintuan. Ang mga mata niya ay napuno ng hinanakit."Hindi na ako gaya ng dati, Craig..."Napaatras siya nang humakbang ito na hindi pa rin nagsasalita. Nakatitig lamang ito sa kanya. Titig na para bang gustong higupin ang buo niyang kaluluwa. Habang pahakbang ito palapit sa kanya ay paatras naman siyang papalayo. Napasinghap na lang siya nang tumama n