Hindi halos nakatulog si Maxine dahil sa kaiisip ng sitwasyon nila ni Craig. Hindi siya mapakali lalo na at mas malapit lang sila sa isa't isa.Sa tingin niya, hindi naman talaga nawala ang alaala nito. Kasi kung oo, bakit ganoon umasta kanina ito. Na para bang alam nito ang naging ugnayan nila noon. At ang walang hiyang puso niya, naghuumerantado na Aman kanina. Buti na lang talaga at napigilan pa niya ang sarili na ipagkanulo ng tuluyan.Napigilan? Nagpapatawa ba siya? Napahiya nga siya kanina. Naghintay siya sa halik ni Craig. Akala niya, hahalikan talaga siya nito."Ganyan ka na ba kadesparada para asamin mo ang halik niya?" Sita niya sa sarili. Pero ewan niya. Para talaga siyang baliw. Ang puso niya baliw pa rin. Hindi pa rin nakalimutan ang lalaking tanging minahal ng puso niya.Nagising si Maxine sa sunod sunod na katok. Nag-inat siya bago bumangon. Pupungas pungas pang pumunta sa may pinto. Binuksan iyon pero hinayaan na nakalagay ang chain lock.Kaya halos nakasilip lamang s
Sumunod agad si Craig pagkababa ni Maxine. Pasara pa lamang ang elevator na sinasakyan ng babae kaya naabutan pa niya ito.Hindi tuminag si Maxine nang nakasakay na siya. Nanatili itong nakatayo sa kinaroroonan. Malawak ang elevator at nasa gitna lang ito. Kahit noong lumapit siya rito at halos payungan na ng katawan niya ang katawan nito ay hindi ito tuminag. Tumingala lamang ito sa kanya. Matapang ang tingin nito. Ngunit ang tapang na iyon ay unti-unting natutunaw nang umabante na muli siya. Iyong halos wala na silang espasyo sa isa't isa. Halos banggain niya ito.Gusto man na manatili ni Maxine sa kinatatayuan ay hindi niya nagawa. Unti-unti siyang napaatras nang humakbang si Craig palapit pa sa kanya. Hanggang sa maipit siya sa katawan nito at sa dingding ng elevator..."Craig, stop!" babala niya rito pero hindi ito tumigil. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang ipatong ang mga palad sa dibdib nito. Itinulak niya ito. Pero parang walang lakas iyon. O dahil tila pader sa pagkak
Gustong gustong batukan ni Yvonne si Aivan nang marinig ang sinabi nito kay Maxine. Si Maxine naman ay mas lalong nilukuban ng inis ang sistema. "Trauma? So I did cause him trauma?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Napaismid pa at natawa. "Yeah, trauma for leaving him when he needs you the most..."Napakunot noo si Maxine. Mas lalong hindi makapaniwalang napailing. Mukhang sinisisi siya nito sa kung anong kasalanan.Agad namang sumaklolo si Yvonne. "Max..."Napalingon si Max sa babae. Kahit gusto niyang ngitian si Yvonne, nasira na ang mood niya sa mga pinagsassqbi ni Aivan."He didn't mean to...""I get it that you still hate me, Aivan. But please, don't blame me. Ano man ang nangyari kay Craog, it has nothing to do with me..."Iyon ang matagal niyang pinaniniwalaan. Iyon ang alam niya. Ano man ang nangyari dito, hindi dahil sa kanya. Hindi niya hawak ang naging tadhana nito. Ito ang namili ng landas na tinahak nito. Gaya noong piliin nito si Althea mula sa pagkalunod. Doon pa
"Pasensiya na Miss Salvador, Mr. Samaniego said he couldn't make it. Puwede bang bumalik ka na lang daw bukas? He has important things to do daw kasi..." hinging paumanhin ng Supervisor kay Maxine. Nag-schedule ng meeting si Craig sa kanya pero heto, ito naman ang wala at busy daw. Nabalewala ang paghihintay niya ng isang oras.Pakiramdam ni Maxine, tumaas ang dugo niya sa kanyang ulo. Sa tingin niya ay nanadya talaga si Craig. Ito mismo ang nagset ng oras. Ito ang nagsabing maghintay siya ng dalawang araw para sa kasagutan nito Tapos, ganoon lang? Paghihintayin lang siya pagkatapos ay babalewalain!"Miss Salvador?" muling tawag sa kanya ng supervisor. Mukhang nag-aalala dahil talagang hindi na maipinta ang hilatsa ng kanyang mukha."It's okay. Thank you," ika niyang sinubukang ngumiti kahit na asar na asar na. Walang kasalanan ang babaeng nasa harapan niya para doon niya ibunton ang inis kay Craig. Gusto niyang balatan ng buhay ang lalake. Huwag lang niyang makita ito ngayon!Nang ma
Tumayo ang lalake mula sa kinauupuan. Napalunok naman ng sunod-sunod si Maxine habang ang mga mata niya ay hindi mapigilang sumunod sa lalake."Craig..." usal niya sa pangalan nito. Hindi niya alam kung narinig siya pero kumunot ang noo ng lalaking humarap sa kanya bigla.."You know me?" aniya ns itinuro pa ang sarili. Na para bang hindi siya nakikilala nito. Batay sa galaw ng mga mata nito. Parang hindi nga siya nakikilala. Na labis niyang ipinagtaka."Ahmmm, Miss Salvador, I want you to meet Mr. Craig Samaniego. Siya talaga ang investor. Tauhan lamang niya ako," aniya ni Mr. Laging na nakangiti nang malawak. "Craig, this is Miss Maxine Salvador.""Maxine..."Biglang dinagundong ng matinding kaba ang dibdib ni Maxine nang tawagin nito ang pangalan niya. Matamang tumingin ito sa kanya. Biglang ngumiti. Samantalang hindi niya alam ang ikikilos sa harap ng lalakeng sa loob ng ilang taon, ngayon niya lamg muling nakaharap."Can I call you by your name, Miss Salvador?"Napakurap-kurap siy
"Hey, don't worry. Kami na bahala sa kambal," ika ni Sharon nang tila ayaw umalis ni Maxine.Napabuga siya ng hangin. Prepared na siya sa isang linggo niyang pamamalagi sa Maynila. Pero ngayong paalis na siya parang gusto niyang magback out at huwag ng tumuloy."Parang hindi ko kaya..." ika niya.Pinitik ni Sharon ang noo ni Maxine."Huy, badluck ang ganyan sa negosyo. Nakapagset ka na ng meeting and all tapos back out ka...""Let her..." sumingit si Elias sa usapan nila. Karga nito si Felip. "Max, you don't need to do this. Mabubuhay kayo ng masagana sa kita ng hacienda pa lamang. Bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo?"Napanguso si Maxine. Tutol si Elias sa gusto niyang gawin. Kaya kapag may pagkakataon para i-discourage siya ay ginagawa nito."It's for her growth!" Biglang binatukan ni Sharon si Elias. Hindi naman malakas pero napakamot sa ulo ang lalake. "Noon pa lang, business minded na si Max. It's her call. Kaya hayaan mo..." Hinarap naman ni Elias ang asawa. "Ikaw, n