Kinabukasan, parang wala lang nangyari.
Hindi pa rin nagbibigay ng sagot si Allison. Hindi niya rin alam kung bakit hindi siya makatulog buong gabi kahit gutom na gutom na siya at sobrang pagod na. Imbes na magdesisyon na tuldukan agad ang alok ni Zion Almonte, e, pinili niyang maghintay pa. Para saan? Hindi niya rin alam.
Pero isa lang ang malinaw: kahit anong pilit niyang iwasan ang problema, hinahabol pa rin siya nito.
Pagpasok pa lang niya sa classroom, ilang estudyante na ang nagbubulungan. Yung iba, pasulyap-sulyap pa sa kanya habang nagse-cellphone sa ilalim ng desk.
"Ma’am Allison, totoo po bang kayo si... ano..."
"Kayo po ba 'yung nasa tabloid kahapon?"
Napahinto siya. Napatitig sa estudyanteng babae na tila inosente lang ang tanong pero may gigil ang kilig sa tono.
"Excuse me?" mataray niyang tanong dito.
"'Di po ba kayo 'yung teacher na kasama ni Sir Zion sa picture? Yung may hawak na bata? Viral po sa T*****r, e,” kinikilig nitong wika.
Mabilis na tinapik ni Allison ang desk. "Focus on your work, please."
Bumalik sila sa kanilang ginagawa. Pero hanggang nang matapos silang lahat, ramdam niyang hindi pa rin talaga siya nito tapos pag-usapan.
Nang oras ng lunch break, hindi niya napigilang buksan ang cellphone. Punong-puno ang phone niya ng notifications.
GROUP CHAT: Grade 12 Faculty Only
Ma’am Cherry: "Girl, ikaw ba 'to? 😳"Sir Anton: "Hot issue ka, Ma’am A!"Ma’am Les: "Grabe ha. Iba talaga ang may aura."
Napapikit si Allison. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Pagbukas niya ng browser, nando’n pa rin ang picture: siya, nakaluhod sa tabi ng batang umiiyak, hawak ang braso nito habang si Mr. Zion Almonte ay bumababa sa sasakyan nito. Mula sa tamang anggulo, para talaga silang mag-asawang sabay na sumundo sa anak. Parang eksena sa isang commercial.
May caption pa na: "Northview Academy Owner and Mysterious Teacher: Love in the Academy?"
Nag-init ang mukha niya. Hindi niya alam kung dahil sa hiya, kaba, o inis.
Nagbukas pa siya ng isa pang site. Sunod-sunod na article ang bumungad sa kanya. May mga forum thread pa tungkol sa kanya. May nagsabing maganda raw siya, bagay sila ni Mr. Almonte. May nagsabing gold digger siya. May nagsabing bagong flavor of the month lang siya. At marami pang masasakit na salitang kailanman ‘di niya ginustong marinig o mabasa.
Hindi naman ako artista. Pero bakit ako pinagpipiyestahan?
"Allison,” mabigat ang tono ng tumawag sa kanya.
Napalingon siya at nakita ang isang pigura. Si Principal Velasquez, seryosong seryoso ang mukha. "The board wants to speak with you. Now."
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Sa loob ng maliit na conference room ng admin building, nandoon ulit si Zion.
Walang emosyon ang mukha nito. Formal. Business-like. Nakatayo sa tabi niya ang dalawang board member na 'di niya kilala pero mukhang matataas na tao.
"Miss Reyes," panimula ng isa. "We would like to clarify your relationship with Mr. Almonte."
Biglang lumamig ang conference room kahit mataas ang araw sa labas.
"There is no relationship," sagot niya agad. "It was a coincidence."
Nagkaroon ng katahimikan. Parang walang naniwala sa sinabi niya.
"Mr. Almonte," sabat ng isa pang board member. "This institution is already under heavy scrutiny. If this story gets worse, your leadership will be questioned."
Doon lang nagsalita si Zion. "I’ll handle it."
"How?"
"We’re engaged."
Halos maibuga ni Allison ang hangin na kanina pa niya tinitimpi. Napalingon siya kay Zion, nanlalaki ang mata. Anong sinabi niya?!
"We got engaged recently. The timing was unfortunate, yes. But it was real. I was about to inform the board." Tiningnan niya si Allison. "Right, darling?"
Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya.
Ngumiti siya. Pilit. "Y-yes."
At do’n madaling nakuha ni Zion ang sagot niya.
Paglabas nila ng conference room, hindi na siya nakatiis.
"Anong ginagawa mo?!" bulyaw niya.
"Damage control."
"Wala pa akong binibigay na sagot!"
"Then say yes." Tahimik ang boses nito pero matalim. "Say yes now, or we both lose."
Allison looked at him. She hated this man.
But she hated her helplessness more. Bumuga siya ng hangin at tinalikuran lang ang lalaki. Ilang beses pa siya nitong tinawag pero hindi na niya pinansin.
Sa gabi ring 'yon, dumating ang tawag mula sa ospital.
"Ms. Reyes, kailangan na pong simulan ang bagong cycle ng chemotherapy ng ama ninyo. Kung wala pong pambayad sa loob ng tatlong araw, ililipat na po siya sa charity ward."
Tumitig siya sa kisame ng bahay habang hawak ang lumang cellphone.
Wala na siyang ibang natanggap na trabaho. Wala na ring oras.
At ang tanging may offer, ay ang lalaking ayaw niyang makasama pero siya lang ang may kakayahang tumulong kay Allison sa mga oras na ‘yon.
Sa pagkakataong ito, hindi na siya umiyak.
Dahil buo na ang desisyon niya, bukas tatanggapin na niya ang alok ni Zion Almonte.
Nakatayo si Zion sa harap ng bulletin board sa faculty lounge. Tahimik, halos hindi humihinga, habang tinititigan ang bagong announcement na ibinaba ng board: “A new Development Director will be introduced during next week’s general assembly.”Walang pangalan. Walang pahiwatig kung sino. Pero sapat na para kabahan si Zion.“Parang may gustong ilihim,” bulong ni Ma’am Les sa likod niya. “Alam mo ba kung sino ’to?”Umiling lang si Zion. “Wala akong alam.”“Pero mukha kang may kutob,” sabat ni Sir Anton, habang nagsasalin ng kape. “Mula nang may ‘anonymous donor’ na pumasok, parang ang daming galawan ng board, no? Hindi ba kayo informed?”“Hindi lahat ng bagay ay sinasabi sa akin,” sagot ni Zion, pilit ang ngiti.Lumayo siya mula sa bulletin board at dumiretso sa office niya. Pagkapasok niya, agad siyang bumagsak sa upuan. Ilang araw na siyang binabagabag ng parehong tanong—bakit bigla na lang may external audit, bagong posisyon, bagong pondo, at bigla ring bumait ang mga dating matitiga
Mula nang inanunsyo ni Zion ang pagbabalik niya sa pagtuturo at ang nalalapit na pagbitaw bilang CEO, akala ng lahat ay tahimik na ang lahat. Pero sa Northview, ang katahimikan ay bihira at madalas ay bagyo ang kasunod.Isang umaga, habang nasa opisina si Zion, may dumating na abogadong hindi niya kilala.“Mr. Almonte,” bati nito, may bitbit na maletang kulay abuhing may tatak ng isang kilalang firm. “I'm here representing an external stakeholder, may gusto pong ipaabot sa inyo.”Zion blinked. “External stakeholder? Sino?”“I’m afraid I’m not at liberty to disclose the full identity,” sagot ng abogado. “Pero may kaugnayan ito sa family trust.”Napakunot ang noo ni Zion. “Wala na kaming active trust na may stake sa Northview. Not since...”“Since your father’s passing, yes. Pero may residual clause sa original trust. Na-activate lang ngayon dahil may bumalik na tagapagmana.”Nalaglag ang ballpen ni Zion mula sa kamay. Hindi siya agad nakapagsalita.“Is this about... Gabriel?”The lawye
Mula sa terrace ng apartment nila, tahimik na pinagmamasdan ni Allison ang langit na tila puno ng basag na ulap. Katatapos lang ng mahabang weekend nila sa probinsya, isang subok na hakbang palayo sa ingay ng media, boardroom, at mga papel na may pirma at galit. Akala niya’y iyon na ang simula ng tuluyang paghilom.Pero pagbalik nila sa lungsod, isang sobre ang naghihintay sa mesa, hindi mula sa eskwelahan, kundi mula sa Miranda & Cruz Law Firm.“Zion,” tawag ni Allison, pinipigil ang kaba habang hawak ang makapal na envelope. “May dumating para sa’yo. Galing sa abogado.”Mula sa kusina, lumabas si Zion, may bitbit na mug ng kape. Nang makita ang sobre, tila biglang nanigas ang mga balikat nito. “Miranda & Cruz?” tanong niya, sabay kuha sa sulat. “They handled my father’s estate.”“Bakit… may bago?” tanong ni Allison, tahimik pero may pangamba.Binuksan ito ni Zion at mabilis na binasa ang laman. Habang lumilipas ang bawat segundo, mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Sa wakas, t
Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila Zion at Allison ang daan papunta sa lumang ancestral house ng mga Almonte. Malayo ito sa lungsod—walang signal, walang press, walang PR team na sasalo sa mga salita nilang posibleng masabi nang hindi inaasahan. Ito ang unang beses na dadalhin ni Zion si Allison doon. Hindi bilang CEO. Hindi bilang asawa sa papel. Kundi bilang taong gustong ipakita ang sarili nang buo."Last time I was here," ani Zion habang hawak ang manibela, "hindi na kami halos nagkikibuan ng ama ko. Noong nalaman niyang hindi ko tatapusin ang law school, nagbago lahat."Nakatingin si Allison sa bintana. "Pero bumalik ka pa rin."“Because this house still feels like unfinished business,” sagot ni Zion.Pagkarating nila sa lumang bahay, sinalubong sila ni Tita Martha, ang matandang tagapag-alaga ng bahay. “Zion,” sabi nito, sabay yakap sa binata. “Nabuhay ka!”Ngumiti si Zion, saka pinakilala si Allison. “Tita Martha, si Allison… asawa ko.”“Alam ko na,” sagot ng m
Mag-aalas siyete pa lang ng umaga pero puno na ng energy ang faculty lounge. Maingay ang takbo ng kape machine, may halakhakan mula sa kabilang mesa, at may kung sinong nagpa-practice ng class skit lines habang naghihintay ng adviser. Lahat parang normal ulit, pero para kay Allison, hindi pa siya ganap na nakakabalik sa sarili niya.Sa sulok ng faculty room, tahimik siyang naglalagay ng lesson plan sa folder habang pinagmamasdan ang paligid. May ilang guro na tumango lang sa kanya, may iilan na umiiwas pa rin ng tingin."Hey, Ma'am," bati ni Sir Anton, may dalang pandesal. "Ngumiti ka naman d'yan. Mukha kang susugod sa laban."“Medyo ganun nga ang pakiramdam,” sagot ni Allison, pilit na ngumiti.“Unang klase mo ulit today, ‘di ba?” tanong ni Ma’am Les mula sa kabilang mesa. “Saan ‘yan, 10-B?”“10-B,” sagot niya. “Advisory din nila si Ma’am Diaz, kaya expected ko medyo... opinionated.”Hindi na bago sa kanya ang pagiging vocal ng mga bata, lalo pa’t nasangkot siya sa kontrobersya. Pero
Hindi agad bumalik sa normal ang lahat matapos ang press conference. Pero may pagbabago—hindi man lubos na kapayapaan, pero tahimik na pagtanggap sa kanilang dalawa. Tulad ng langit pagkatapos ng ulan, hindi man maliwanag agad, pero ramdam mong lilinaw rin.Isang linggo na ang lumipas mula nang ianunsyo ni Zion ang desisyon niyang umatras bilang CEO pagkatapos ng school year. Ang memo na ipinadala niya sa board ay maiksi pero malinaw: gusto niyang bigyan ng daan ang bagong pamunuan, hindi dahil sumusuko siya, kundi dahil oras na para hayaan ang mas malawak na pananaw na umiral sa loob ng paaralan. At higit pa roon, gusto niyang ipagpatuloy ang pagtuturo.Sa isang meeting na tahimik ngunit mabigat, binasa ni Principal Velasquez ang memo sa harap ng board. "He’s resigning… on his own terms," ani Velasquez habang nakakunot ang noo.Walang umimik. May ilan na halatang gulat. Si Mr. Cabanag, halatang hindi makapaniwala. "He’s still young. May vision pa siya. Bakit ngayon pa?""Maybe that’s